Chapter 37

1.1K 97 47
                                    

"Presley! Pakiusap!" ang sigaw ni Lucas nang dumikit ang motorsiklo nito sa tagiliran ng kaniyang sasakyan at napakapit siya nang mahigpit sa manibela while she tried to control her emotion and her car's steering wheel all at the same time. She knew na napaka-delikado ng ginagawa ni Lucas.

"Presley! magpapaliwanag ako!" ang sigaw nito sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.

Kinagat niya ang kaniyang labi at saka niya ibinaba ang bintana ng driver's door para sagutin ang pakiusap ni Lucas.

"Umuwi ka na!" ang kaniyang sigaw at sandali niyang tiningnan si Lucas bago niya ibinalik ang kaniyang mga mata sa kaniyang harapan.

"Mag-usap muna tayo bago ako uuwi!" ang sigaw nitong sagot sa kaniya.

"Ayokong kausapin ang isang sinungaling na tulad mo kaya umuwi ka na!" ang singhal niya rito. Saka niya itinaas na muli ang salamin ng kaniyang bintana.

She expelled a sharp breath at nakita niya mula sa kaniyang side mirror na unti-unti na niyang naiiwan si Lucas. Mukhang susundin na nga nito ang kaniyang sinabi.

Napasinghot siya at pinigilan niya ang luha na pumatak mula sa kaniyang mga mata. She felt hurt and betrayed nang mga sandaling iyun. Pero nagkamali siya nang inakala niya ay nag-give up na si Lucas. Dahil nadinig niya mula sa kaniyang likuran ang malakas na tunog ng makina ng motorsiklo at nang tingnan niya ang kaniyang side mirror ay hindi pa rin niya napigilan na manlaki at ang kaniyang mga mata nang makita niyang humaharurot ang sinasakyan na motorsiklo ni Lucas. At humahampas ang mga talim ng malalaking patak ng ulan sa katawan nito habang mabilis itong dinaanan ang kaniyang sasakyan at iniwan siya nitong nakatingin at nakasunod ang mga mata sa motorsiklong akala mo ay lumilipad nang sandali na iyun.

"Baliw talaga," ang kaniyang bulong pero mas namayani ang galit sa kaniyang dibdib nang sandaling iyun. Pero bigla siyang natigilan nang makita niya ang motorsiklo ni Lucas na nakasalubong sa kaniya.

Nanlaki ang kaniyang mga mata hindi niya alam kung seryoso ba si Lucas na salubungin siya nito hanggang sa bumangga ang sasakyan niya sa motorsiklo nito. Pero, hahayaan niya bang dumating ang sandaling iyun?

Wala nang pakialam pa si Lucas kung anong mangyayari sa kaniya sa pagkakataon na iyun. Ramdam niya ang malakas na ulan na tila ba mga butil ng mais na malakas na bumabagsak sa kaniyang balat. Ngunit balewala ang sakit na dulot nito sa sakit na nararamdaman ng kaniyang dibdib sa sandaling iyun.

Kaya naman nang hindi pa rin inihinto ni Presley ang sasakyan nito para bigyan siya ng pagkakataon na makapagpaliwanag ay wala na siyang naisip pang gawin kundi ang puwersahan na pahintuin ang sasakyan nito. Kahit na may pag-aalala sa kaniyang isipan nang panganib na maaaring idulot ng kaniyang gagawin ay wala na siyang iba pang pagpipilian sa sandali na iyun. Ayaw niyang makaalis si Presley ng Villacenco na hindi man lang nito naririnig ang kaniyang bahagi ng kuwento.

Hinayaan niya na mauna nang panandalian ang sasakyan ni Presley at saka siya kumuha ng buwelo at itinaas niya ang bilis ng motorsiklo na alam niya na maabutan at malalagpasan pa niya ang sasakyan ni Presley dahil sa pagkakadisenyo ng makina nito. At ilang sandali lang pagkakuha niya ng buwelo ay matulin na tumakbo ang sinasakyan niyang motorsiklo at nagawa na niyang malagpasan ang sasakyan ni Presley. Iniangat niya ang kaniyang puwet mula sa upuang gawa sa balat para mas gumaan at bumilis pa ang kaniyang takbo. Hindi niya alintana ang masakit na ulan na humahampas sa kaniyang mukha. Mas masakit ang daranasin niyang sakit kung hahayaan niyang makaalis si Presley nang hindi siya naririnig nito.

At saka siya gumawa ng matalim na pagliko para muling ibalik ang motorsiklo at pinaandar niya itong kasalubong ang sasakyan ni Presley at mas lalo pa niyang binilisan ang takbo ng kaniyang sinasakyan dahil sa iyun lamang ang paraan na kaniyang nalalaman para mapahinto ito.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon