Chapter 3

1.6K 83 24
                                    


Pilit na umatras pa ang mga paa ni Lucas kahit pa pader na ang bumabangga sa likuran ng kaniyang mga binti. Ang ngisi ng malaking kulay brown na aso ay halatang hindi siya welcome sa veranda na iyun. Nagsimula na rin itong humakbang papalpit sa kaniya at narinig na niya ang mga angil na likha ng bibig nitong nagpapakita sa kaniya ng matatalas na ngipin na mukhang gustong ibaon sa kaniyang balat.

"Shh, uhm, g-good boy? Girl? Doggie," ang kaniyang mahina at malumanay na sambit sa asong mas lalong lumakas ang ungol. Mukhang hindi nito nagustuhan ang panghuhula niya ang kasarian nito, ang sabi niya sa sarili.

Iniangat niya ang kaniyang sarili sa railing at doon ay iniupo niya ang kaniyang puwet habang nakataas ang kaniyang mga paa kaya naman na kabukaka siyang nakaupo sa railing habang ang asong sing-taas yata niya kapag tumayo ay hindi na lumayo pa sa kaniya. Alam niyang kapag kumilos pa siya ay sasakmalin na siya nito.

Nagitla siya nang bigla itong kumahol at bigla itong dumamba sa kaniya. Ang mga unahan mga binti nito ay lumapat sa kaniyang mga hita habang nagpakawala na ito ng mga kahol at sigurado siyang tinatawag na nito ang amo nitong mahuhuli na siya anumang sandali.

"Shhh, nice doggie, good boy, oh sorry you're a girl, nice girl," ang kaniyang sambit nang makita niyang isa itong babaeng aso.

"Please aalis na ako, hindi ako babalik,"-

"Talagang hindi ka ba babalik pa!" ang narinig niyang boses mula sa likuran ng aso. Biglang bumukas ang ilaw sa veranda kumurap-kurap pa ang kaniyang mga mata dahil sa liwanag at nabaling ang kaniyang mga mata sa direksiyon ng nakabukas na pintuan na salamin at mula roon ay humakbang palabas si Presley. At natameme na siya sa kaniyang kinapupuwestuhan.

Hindi niya pa nakita si Presley sa ganun na ayos. Nasanay siyang makita ito na laging nakaayos ang buhok at maayos ang pananamit at palaging nakapaloob ang mga paa sa sapatos at may kaunting kulay ang mukha.

Pero ibang Presley ang nakatayo sa kaniyang harapan sa sandaling iyun. Dahil sa liwanag na hatid ng ilaw sa may vernada ay napagmasdan ng kaniyang mga asul na mata ang mukha nito. Walang anumang nakalagay na kolorete sa mukha ni Presley kaya naman litaw na litaw ang natural na kulay ng balat nito. At kahit na malayo ay tila ba may mata siya ng agila dahil sa hindi nakawala sa kaniyang mga mata at doon niya napansin na mayroon itong mga pekas ilalim ng mga mata nito at sa gitna ng ilong. Ang buhok nitong palagian na nakapusod o di kaya naman ay maayos na nakatali ay gulo-gulong nakasabog sa ulo, sa balikat, at abot hanggang sa bewang nito.

At ang mga paa nitong hindi man niya nasilayan ni dulo ng kuko nito sa paa ay litaw na litaw sa kaniyang paningin at doon niya nakita ang magandang hubog ng mga paa nitong may mga kuko na kinulayan na kulay ng tsokolate. At lumitaw din sa kaniyang mga mata ang mahahaba nitong mga binti at hita na tila ba mga kandila sa hugis at singkrema ng gatas ang kulay at sa kaniyang palagay ay singlambot ng ulap ang balat nito sa kaniyang mga palad. Iyun ay kung mabibigyan siya ng pagkakataon na mahawakan ang mga iyun. At ang tanging nagtatakip sa mga hita nito ay ang maikli nitong kulay itim na shorts.

At kung noon ay palaging nakaayos ang damit nito, sa sandaling iyun ay tanging maikling shorts at ang pang-itaas nito ay ang kulay puting t-shirt na may print ng kilalang cartoon character na daga sa gitna ng dibdib nito ay manipis na marahil dahil sa palagian na paglalaba kaya naman hindi nakawala sa kaniyang mga mata ang kurba ng mga dibdib nito at hindi siya maaaring magkamali na wala itong suot na bra sa ilalim ng manipis nitong t-shirt.

At para na siyang natulala sa pagkakasalampak niya sa railings habang may malaking asong nakadamba sa kaniyang mga hita. Ang kaniyang mga mata ay nakapako kay Presley na unti-unting naglalakad palapit sa kaniya. At naramdaman niyang nanuyo na ang kaniyang lalamunan at pilit niyang lumunok. Hanggang sa nakatayo na si Presley sa kaniyang harapan.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now