Chapter 15

1K 70 28
                                    

Sinalubong ni Presley si Attorney Haiden na mababakas sa mukha nito ang labis na gulat at tuwa nang makita siya. Dali-dali rin naman itong naglakad papalapit para salubungin din siya ngunit sa pagkakalahad niya ng kaniyang kamay ay hindi niya inakala at hahawakan lamang iyun ni Haiden at sa halip ay idinikit nito ang pisngi sa kaniyang pisngi.

At mukhang nagulat din ito sa nagawa dahil napansin niyang nagitla rin ito at mabilis itong humingi ng paumanhin sa kaniya.

"Oh god, I am so...sorry, I didn't mean to do that," ang paghingi nito ng paumanhin sa kaniya at halata na nahiya ito sa nagawa at alam niyang nabigla lamang ito sa nagawa.

Umiling ang kaniyang ulo, hindi naman malaking bagay ang nangyari. Hindi na niya palalakihin pa iyun kahit pa ikinabigla din niya ang ginawang pagbati nito sa kaniya.

"Uhm, no it is okey," ang kaniyang matipid na sagot dito.

"I am surprised na dinalaw mo ako?" ang tanong nito sa kaniya ngunit bumagsak ang mga balikat nito nang mayroon itong maalala, "ugh, mayroon nga pala akong meeting with a future business partner," ang dugtong nito na may bahid ng panghihinayang.

"Uhm actually hindi naman impromptu ang pagdalaw ko rito sa iyo, ako ang abogado ni,"-

"Lucas Malvar," ang narinig niya mula sa kaniyang likuran at paglingon niya ay nakatayo na sa kaniyang tabi si Lucas at nakalahad na ang kamay nito kay Haiden para sa isang handshake.

"Oh Lucas!" ang gulat din ngunit magiliw naman na pagbati nito kay Lucas na magiliw din na tinanggap ang kamay ni Lucas na nakalahad dito.

"I'm sorry hindi kita agad napansin, na kay Attorney Sevilla kasi ang atensiyon ko," ang sabi nito kay Lucas at nakaramdam ng hiya si Presley nang sandali na iyun. Tila ba kasi mas nakuha pa niya ang interest at atensiyon ni Haiden kaysa kay Lucas na siyang dahilan kung bakit siya naroon nang sandaling iyun. Hindi siya ang business partner, isa lamang siyang abogado na tutulong sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan nina Haiden at Lucas.

"Uhm, okey lang, talaga namang nakakawala ng pag-iisip ang ganda ni Presley, hanggang ngayon nga wala pa ako sa tamang pag-iisip," ang sagot nito kay Haiden at hindi niya napigilan ang kaniyang mga pisngi na mag-init nang sandali an iyun.

"Pero huwag kang mag-alala kaya nga kasama ko si Presley para igiya niya sa tamang direksiyon ang pag-iisip ko, hindi ba bey,"-

"Uhm yes!" ang putol ni Presley kay Lucas para hindi na nito ituloy pa ang sasabihin, "I am here to guide him para sa partnership ninyo," ang dusgtong pa niya. Tiningnan niya si Haiden na tumikom ang mga labi para matipid na ngumiti at tumingin sa kaniya. Isang matipid na ngiti naman ang isinagot niya kay Haiden bago niya sinulyapan si Lucas sa kaniyang tabi at mukhang wala yatang pinipili na oras, pagkakataon, at tao si Lucas na walang kiyemeng tinitigan siya sa harap ni Haiden.

Sinalubong niya ang mga mata nitong nakangiti sa kaniya at pinangningkitan niya naman ito bilang sagot. At mas lalong lumapad pa ang ngiti ni Lucas sa pisngi nito, habang siya ay namumula ang mga pisngi.

"Shall we go inside?" ang pagyaya ni Haiden sa kanila at inilahad nito ang kamay patungo sa pintuan na pinanggalingan nito.

"Mauna ka na," ang sagot ni Lucas na nanatiling nakatayo sa kaniyang tabi.

"Uhm sure right this way please," ang sagot ni Haiden sa kanila na medyo tumamlay ang boses nang mapagtanto nito na hindi siya nito makasasabay pagpasok sa loob ng opisina nito.

Sumunod naman sila ni Lucas at saka niya bahagyang idinikit ang kaniyang sarili kay Lucas para marinig nito ang kaniyang mahinang sasabihin.

"Binabakuran mo ba ako," ang tanong niya kay Lucas na mahinang natawa sa kaniyang sinabi.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon