Chapter 46

1.1K 94 99
                                    


"Bebe, nasaan ka?" ang tanong ni Lucas kay Presley sa kabilang linya habang hawak niya ang telepono malapit sa kaniyang tenga. Hindi na napigilan ni Lucas na hindi tawagan si Presley lalo pa at nagdaan na ang umaga at tanghali ay hindi niya ito naringgan ng pagbati na lagi nilang ginagawa.

"Uhm, babe, sorry hindi na kita nasabihan, nasa Manila ako pero babalik din ako mamaya, may...may importante lang akong aasikasuhin, I'm sorry kung hindi kita agad nasabihan," ang sagot ni Presley sa kaniya.

Umiling ang kaniyang ulo at isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang pisngi. Tulad ng kanilang napagkasunduan noon na hindi nila sisikilin ang buhy ng isa't isa. May laya pa rin silang gawin ang mga bagay na hindi kailangan na lagi silang magkasama. Ang importante ay mayroon silang tiwala sa isa't isa at kung maaari ay bukas silang sinasabi ang kanilang pinagkakaabalahan.

"Hindi mo naman kailangan na mag-sorry hindi ba?" ang kaniyang paalala kay Presley habang may ngiti sa kaniyang labi at lambing sa kaniyang boses. Pero napansin niya na hindi agad nakasagot si Presley sa kaniyang itinugon dito.

"Bebe, naistorbo ba kita?" ang kaniyang tanong na may halong pag-aalala hindi rin kasi niya naisip na baka nasa isang importnte itong meeting at naistorbo niya ito. Nakaramdam tuloy siya ng hiya aat napakamot ang kaniyang kamay sa kaniyang batok habang nakatayo siya sa labas ng bahay at nakatingala siya sa bintana ng kaniyang silid.

"No hindi," ang mabilis nitong sagot sa kaniya, "hindi mo ako naistorbo at hindi kailanman na magiging istorbo ka sa akin," ang sagot ni Presley sa kaniya.

"Talaga?" ang nakangiti at kinikilig niyang tanong.

"Uhm, babe, I have to hung up, nandito na yung ka-meeting ko, I'll see you later okey?" ang sabi ni Presley sa kabilang linya. at kahit pa gusto niyang makapag-usap pa sila nang matagal lalo pa at nasa Manila ito ay alam niyang oras na iyun ara putulin ang kanilang pag-uusap.

"Sige, ingat ka sa pagdi-drive pabalik ha?" ang kaniyang bilin, "maghihintay na lang ako ng tawag mo, labyu," ang kaniyang paglalambing kay Presley.

"I love you Lucas, don't ever forget that," ang sagot ni Presley sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo. Hindi sa hindi niya gusto ang pagsasabi ni Presley ng I love you sa kaniya, kundi sa tono ng boses nito kung paano nito sinambit ang mga salitang iyun. Kung ang sa kaniya ay may lambing at giliw ang kay Presley naman ay may bigat nang emosyon at pagiging seryoso.

"Presley?" ang bulong niyang sambit nang pangalan nito.

"I better hang-up now babe, I love you I'll call you and see you soon," ang tanging sagot ni Presley sa kaniya. At dahil sa hindi pa nito napapatay agad ang linya ng telepono nito ay narinig niya ang isang pamilyar na boses sa kabilang linya at sinambit din nito ang pangalan ni Presley. Ang boses na iyun ay galing kay Haiden.

Inilayo niya ang telepono sa kaniyang tenga at isang walang buhay nang cellphone ang kaniyang hawak. Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan sabay kamot ng kaniyang daliri sa tungki ng kaniyang ilong.

Bakit magkasama silang dalawa? Ang hindi niya maiwasan na isipin. Kahit pa wala siyang pagdududa kay Presley ay hindi pa rin naman niya maiwasan na magtanong. Lalo pa at katatapos lang ng selebrasyon ng kaarawan ni Presley at ilan sa mga bisita nito ang pamilya ni Haiden. At basang-basa naman niya kagabi kung paanong nakitaan ng disgusto ang mukha ng mga ito nang ilahad nila sa lahat ang tungkol sa kanilang relasyon ni Presley na sa tingin niya ay naging dahilan kung bakit kinailangan lisanin ng mga ito ang pagdiriwang ng mas maaga

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka niya ibinalik ang kaniyang telepono sa kaniyang bulsa nang mapalingon siya sa kaniyang kaliwa nang mamataan niya ang papalapit sa sasakyan. At isang malapad na ngiti ang nanumbalik sa kaniyang mga labi nang bumaba mula rito ang taong kaniyang inaasahan na dumating sa oras na iyun.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now