Chapter 30

1.2K 76 42
                                    


"Hi ikaw ba ang bantay niya ngayon?" ang tanong ng boses na mula sa isang lalaki.

"Uhm yes doc," ang narinig naman niyang sagot at kahit pa hindi niya maibuka ang kaniyang mga mata ay hindi siya maaaring magkamali na boses iyun ni Presley.

Anong ginagawa ni Presley? Bakit naririnig niya ang boses nito? nananaginip ba siya? Ang tanong ng kaniyang isipan at hindi niya maibuka ang kaniyang bibig at mata dahil sa mabibigay pa rin ang mga ito.

"You're Attorney Presley Sevilla right?" ang tanong ng lalaki na narinig niyang tinawag ni Presley na doc. At narinig niyang sinagot naman ito ni Presley. At narinig niyang tinanong ni Presley ang doctor tungkol sa kaniyang kalagayan. At ipinaliwanag naman ng doctor ang natamo ng kaniyang katawan.

Hindi pa niya masyadong maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa. Bukod sa hilo pa siya ay may mga termonolohiya pang ginamit ang doctor sa ingles na hindi niya masyadong maintindihan.

Swelling and bleeding beneath the skin, hematoma, torn blood vessels, rest, ice, compression, ang ilan lamang sa mga narinig niyang salita mula sa doctor.

"How long will it take for his muscles to heal?" ang narinig niyang tanong ni Presley sa boses nitong singlapot ng pulot.

"Four to six weeks, and no heavy physical activity to avoid stress on the injured area," ang paliwanag pa ng doctor.

Narinig pa niya ang saglit pang pag-uusap ng dalawa hanggang sa unti-unti na naman siyang nakaramdam ng antok. Bakit ba labis ang kaniyang antok? Ang tanong ng kaniyang isipan hanggang sa muli ay tuluyan na naman siyang nakatulog.


"Ugh," ang kaniyang sambit nang maramdaman niya ang kirot sa kaniyang braso at tagiliran. Pero nanatiling mabibigat ang talukap ng kaniyang mga mata.

Nang maramdaman niya ang marahan na paghaplos sa kaniyang noo paakyat sa kaniyang buhok ng malalambot na daliri.

"Lucas? I'm here," ang narinig niyang sambit ng boses na agad na nakilala ng kaniyang pandinig ang boses ni Presley na parang malambot na paghaplos nito sa kaniyang puso.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang mga boses sa kaniyang tabi at maya-maya ay naramdaman niyang ibinaba ang kaniyang nakaangat na kaliwang braso at isang ungol muli ang pinakawalan ng kaniyang lalamunan ng gumuhit ang kirot sa kaniyang braso.

At isang malamig na bagay ang dumampi sa kaniyang braso at unti-unting nabawasan ang kirot na kaniyang nadarama.

"Kapag nagising na siya puwede na siyang uminom ng gamot para sa kirot," ang narinig niyang sabi ng boses ng isang babae na hindi pamilyar sa kaniyang pandinig.

Narinig niya ang marahan na pagsara ng pinto at muli ay naramdaman niya ang pagdampi-dampi ng malamig na bagay sa kaniyang braso. At muli siyang nakatulog.


"Don't move," ang narinig niyang sambit nang gumalaw ang kaniyang katawan para saka tumagilid siya ng kaniyang pagkakahiga. Hilo pa rin ang kaniyang pakiramdam sa hindi niya alam na dahilan.

Naramdaman niyang marahan na umangat ang kaniyang kaliwang braso at ramdam niyang nakaangat na ito at isang ungkol ang lumabas sa kaniyang labi nang maramdaman niya ang kirot sa kaniyang braso. Saka niya naramdaman na may marahan na pumipihit ng kaniyang katawan paharap sa kanan para makahiga siya sa ibang posisyon. Inayos pa nito ang kaniyang ulo upang hindi mangalay sa kaniyang pagkakahiga. At sumunod niyang nadama na may lumapat na palad sa kaniyang likod at kinakapa-kapa iyun. ngunit mabilis din naman na nawala ang palad sa pagkakalapat sa kaniyang likod at naramdaman pa niyang inayos ang kaniyang suot na kamiseta.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now