Chapter 47

1K 78 54
                                    

Kinagat ni Presley ang kaniyang pang-ibabang labi. Labis ang sakit na bumalot sa kaniyang dibdib nang tuluyan niyang putulin ang pag-uusap nila ni Lucas. At para hindi na siya nito matawagan pa ay tuluyan niyang in-off ang kaniyang phone dahil sa isa siyang duwag.

Naalala niya ang mga nangyari bago siya gumawa ng tawag kay Lucas nang gabing iyun. Pgakarating niya mula sa Manila sa kanilang bahay ay binati siya ng kaniyang mga magulang. At kung siya ay nakalahad ang kaniyang pagdurusa ang kaniyang daddy at mommy naman ay halata sa mga mata na mayroon pa itong isang itinatago sa kaniya. at para matapos na at maisiwalat na ang lahat ng mga pighating kaniyang papasanin ay tinanong niya ang kaniyang mga magulang kung ano pang itinatago ng mga ito sa kaniya.

Noong una ay mariin ang mga pagtanggi nito. They kept telling her that everything's alright at mas nag-aalala ang mga ito sa kaniya.

But, she wouldn't budge alam niyang mayroon pang inililihim ang kaniyang mga magulang sa kaniya. Kaya naman kahit pa pagod na ang kaniyang katawan, puso, at isipan ay pinilit niya ang kaniyang mommy at daddy na magsabi na sa kaniya nang totoo.


"Uhm, we received a call from the Duke of Kensington," ang pag-amin ng kaniyang daddy sa kaniya at agad na nadagdagan ang kaba sa kaniyang dibdib. Ang duke? Out of nowhere ay bigla na lamang tinawagan ng duke ang kaniyang daddy?

"Bakit...bakit po?" ang kinakabahan niyang tanong sa kaniyang ama.

"Nangamusta lang siya anak, iyun lang iyun,"-

"Nangamusta?" ang gulat niyang tanong. Oo at member sila ng Peerage pero, hindi ganun kalapit sa kanilang pamilya ang Duke ng Kensington lalo pa at ang humawak ng kaso ng pumatay sa anak nito ay ang kaniyang lolo na ikinagulat nang karamihan sa member ng Peerage.

Kaya naman ang sinabing pangangamusta nito sa kaniyang daddy ay kahina-hinala. Sa tagal nang panahon na lumipas ay naisipan nitong kamustahin ang kaniyang daddy? Nakapagdududa ito.

"Anong sinabi niya daddy please lang, huwag niyo nang itago pa sa akin ang kung anuman nasabi niya, tutal naman nabulgar na sa akin ang lahat, kaya naman, sabihin na ninyo kung...ano ang dahilan nang pagtawag niya," ang giit niya sa kaniyang daddy.

"He...he just asked me kung...may balak daw akong bumalik muna sa England dahil may...may nakapagsabi raw na puwedeng buksan muli ang kaso ng namatay niyang anak dahil sa...discrepancies daw," ang sagot nito sa kaniya.

Discrepancies? Paano nagkaroon ng ideya ito na mayroong discrepancies sa case ng anak nitong matagal nanag naisara? Ang tanong ng kaniyang isipan. At nagkiskisan ang kaniyang mga ngipin nang maisipan niya kung sino lang ang maaaring gumawa at magbigay ng kung anong ideya sa duke.

"Haiden," ang bulong niya. at mariin na pumikit ang talukap ng kaniyang mga mata dahil sa labis na sakit at galit na bumalot sa kaniyang dibdib. Talagang sinisigurado nitong magugulo ang kaniyang isipan para hindi siya matahimik at para na rin hindi siya makaatras pa sa kasunduan na ginawa para sa kaniya.

Umiling ang kaniyang daddy at humakbang ang mga paa nito palapit sa kaniya saka nito hinawakan ang magkabila niyang balikat at may luhang tiningnan siya nito nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Anak, huwag mo na kaming alalahanin, hayaan mo na ang ating pamilya, ang gusto ko...sundin mo ang iyong puso," ang giit ng kaniyang daddy sa kaniya.

Hindi siya sumagot at hinayaan niya ang luha na pumatak na muli mula sa kaniyang mga matang tila bukal na hindi maubusan ng luha.

"Magpahinga ka na muna sa kuwarto mo anak," ang narinig niyang sabi ng kaniyang mommy sa kaniya. Muli ay walang sagot na lumabas sa kaniyang labi. Pumihit ang kaniyang katawan para talikuran ang kaniyang mga magulang at walang malay siyang naglakad patungo sa itaas ng bahay at sa loob ng kaniyang silid. Tila ba ang kaniyang katawan ay may sariling isip nang sandali na iyun at ito na ang nagmamaniubra kung ano ang kaniyang gagawin.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon