Chapter 31

1.1K 84 53
                                    


"Uhm, I am really happy Presley that I was able to know you more and that after these years ay nakita na kita," ang sabi ni Haiden sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo.

Bahagyang pumihit ang kaniyang mukha pakanan at napaatras ang kaniyang ulo nang dahil sa sinabi ni Haiden sa kaniya.

"You keep saying that?" ang kaniyang kunot noo na tanong kay Haiden at napailing ang kaniyang ulo, "parang matagal mo na akong kilala?" ang dugtong pa niya habang magkaharap silang nakaupo sa pangdalawahan na upuan at bumalik sila sa high-end na bar na noon na nila pinuntahan. Iyun ang huling gabi ni Haiden sa Pilar at sa bayan ng Pedrosa kaya naman hindi na niya tinanggihan pa ang alok nito na mag-dinner silang dalawa at ang uminom sa gabing iyun.

"Uhm," ang sambit nito at napansin niyang kinamot ng kamay nito ang sarili nitong kilay at saka ito nagpalabas ng malalim na hininga.

"Actually, my family knows your family Presley, especially Attorney Alejandro Sevilla and your father Attorney Ponce Sevilla," ang sabi ni Haiden sa kaniya na kaniyang ikinabigla. Wala kasing nabanggit ang kaniyang daddy tungkol sa pagkakakilala na nito kay Haiden. Was she being played at by her parents and Haiden? Ang tanong ng kaniyang isipan.

"Nagpanggap ka na hindi mo ako kilala? Kayo ng parent's ko?" ang kaniyang tanong kay Haiden na mabilis na umiling ang ulo nito.

"No, hindi naman," ang sagot ni Haiden sa kaniya, "actually I haven't met your parents personally nito lang nang ipakilala kayo sa akin ni Emerson but, naririnig ko na ang pangalan ng iyong pamilya sa aking parents na kilala nga nila kayo at nang malaman ko na pinsan mo si Emerson na nagtatrabaho sa aming company ay kinuha ko na ang opportunity na makilala na kayo ng personal because, I think it is the right time," ang paliwanag ni Haiden sa kaniya.

"Right time for what?" ang kunot noo niyang tanong habang umiiling ang kaniyang ulo.

At hindi inaasahan ang sunod na ginawa ni Haiden. Inabot ng kanan nitong kamay kaniyang kaliwang kamay niya na nakalatag sa ibabang ng mesa. At hindi niya agad Nabawi ang kaniyang kamay mula rito. She was caught off guard at tiningnan niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya.

"Presley, I,"-

"Uy! Presley! Haiden! Nandito pala kayo?"! ang gulat na tanong ni Carlos na hindi niya napansin na lumapit na pala sa kanilang mesa.

Mabilis niyang binawi ang kamay niya mula kay Haiden and she felt relieved nang makita niya ang mukha nina Carlos at Canaan na nakatayo sa tabi ng kanilang mesa.

"Carlos! Canaan!" ang kaniyang magiliw na bati sa mga ito at bigla siyang napatingin sa likuran nito at hinihintay niyang bumulaga sa kaniyang mga mata ang imahe ni Lucas. Ang mga asul nitong mga mata at ngiti nitong puno ng kapilyuhan.

"Wala si Lucas, good boy siya ngayon," ang sagot ni Canaan nang mapansin nitong tumingin siya sa likuran ng mga ito.

"Lagi namang good boy iyun," ang giit pa ni Carlos.

"May date kayong dalawa?" ang tanong ni Haiden na may pilit na ngiti sa labi nito halatang hindi nito nagustuhan ang presensiya ng dalawang kaibigan ni Lucas.

"Uhm wala, naiinip nga kami eh kaya nagpunta kami rito tapos, suwerte naman nakita namin kayo, puwede bang maki-join?" ang tanong ni Canaan sa kanila. Pero habang nagtatanong naman ito ay hinila na ng dala wang bakanteng silya sa kabilang mesa para ilipat sa kanilang mesa at naupo na ang mga ito hindi pa man sila nakakasagot.

"Oo nga, kasi nagsasawa na ako sa mukha nitong si Canaan, nakaksuka na nga eh, ay excuse sa salita ko ha, hindi ka naman maselan hindi ba Haiden?" ang sagot at tanong pa ni Carlos kay Haiden.

COWBOYS : LUCAS MALVAR (Complete)Where stories live. Discover now