The Lost Prodigy

jaydefied által

637K 31K 4.7K

Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the... Több

The Lost Prodigy
Maps
Prologue
I. A Flicker Amidst Darkness
1. Captured
2. Selected
3. Threshold
4. Ally
5. Danger
6. Flair
7. Mysterious
8. Savior
9. Pain
10. Raiden
11. Encounter
12. Gemstone
13. Tragic
14. Fallen
15. Anew
16. Rite
17. Wit
18. Choice
19. Purity
20. Beginning
21. Nightmare
22. Training
23. Gemini
24. Burden
25. Motivated
26. Unfinished
27. Caught
28. Punishment
29. Discovery
30. Past
31. Enigma
32. Threat
33. Flight
34. Ill
35. Ordeal
II. A Walk Amongst Thorns
36. Bound
37. Devil
38. Suspect
39. Assault
40. Fight
41. Jealous
42. Gone
43. Reborn
45. Doom
46. Revelation
47. Cooldown
48. Favored
49. Freed
50. Revenge
51. Parted
52. Enlighten
53. Breathe
54. Escape
55. Reason
56. Betrayal
57. Pit
58. Flashback
59. Glimpse
60. Hidden
61. Awakening
62. Dawn
63. Chains
64. War
65. Mid
66. Reinforcements
67. Omen
68. Crimson
69. Sacrifice
70. Nox
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

44. Ascension

4.1K 227 10
jaydefied által

Impit akong napasigaw habang kagat-kagat ang aking unan. I’m lying flat on my stomach now while the Head of the Healing Camp is tending to my injuries.

Kakatapos lang pagalingin ni Avery ang sugat ko sa binti at sa kasalukuyan ay ginagamot na niya ang malaking hiwa sa aking likuran. She applied some healing paste and salve to my wound. Nakaramdam ako ng lamig nang mailagay ni Avery ang mga iyon sa sugat ko pero nang sumuot na talaga ang mga iyon sa aking katawan ay napalitan na ang lamig ng mantinding hapdi.

Napahiyaw na talaga ako ng malakas at nawalan na ako ng pakialam kung may magising man akong ibang pasyente sa Healing Camp. It’s still early in the morning and I have still five hours to heal before the Ranking Ascension. Kahit ganito ang lagay ko ay sasabak pa rin ako sa pagsubok dahil dito nakasalalay ang itatagal ko sa akademya.

“Pwede mo ba akong pagalingin gamit ang kapangyarihan mo?” nanghihina kong tanong na may halong pagsusumamo kay Avery habang namimilipit pa rin ako sa sakit. Halos masira ko na ang headboard ng kama kung saan ako nakahiga dahil dito ako napakapit kanina. My toes were also tightly curled now in hopes of making the pain feel less painful.

“Your cuts are deep, Blaire. At tanging ang ointment lang na ginawa ko ang makakapagpagaling sa iyo ng lubusan. Just endure it for a while. Mawawala rin ito maya-maya and you’ll be back in good shape.”

Isinubsob ko naman ang aking mukha sa unan pagkatapos kong tumango kay Avery. Titiisin ko na lang muna ang hapdi dahil para rin naman ito sa ikagagaling ko.

“Kumusta naman pala si Ella, Avery?” Tanong ko sa kanya. Nakagat ko naman ang aking labi nang maramdamang may inilagay ulit siya sa aking likuran.

“Don’t worry, Blaire. Nasa kabilang cabin lang siya and she’s sleeping soundly. Mga minor injuries lang ang nakuha niya. Masaya ako dahil nailigtas mo siya,” sagot naman niya sa akin kaya kahit nahihirapan ay napangiti ako.

“But what happened to you? Bakit malala ang mga pinsalang nakuha mo?” Si Avery na ngayon ang nagtanong sa akin kaya ikinuwento ko rin ang lahat sa kanya. Kabilang na rin sa mga isinalaysay ko sa kanya ang patungkol sa mga kasamahan naming Novitiates na nagbagong anyo.

Pagkatapos kong magsalita ay naramdaman ko ang panlalamig ng mga palad ni Avery na nakahawak sa akin at hindi iyon dahil sa ointment. Hindi siya nakaimik ng ilang segundo. At bago siya magsalita ay isang malakas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.

“Stygians. They are called stygians,” rinig kong mahinang pahayag niya. Tumayo naman bigla ang mga balahibo ko sa katawan. Chill crept into my spine and it made me temporarily forget the ache coming from my still healing wound.

“I’ve already heard rumors about the empire’s plans but I didn’t expect that they would be successful in creating a new breed of magicaes. What you saw Blaire are stygians or the race of dark magic users. They are called so because they are given an essence of the Nox Deity himself. Kinutuban na akong may ginagawang kakaiba ang emperyo nang magsulputan ang mga bangkay ng mga Novitiates. Those corpses are their failed experiments. Pero mukhang nagtagumpay na sila ngayon pagkatapos ng ilang bigong pagsubok.”

Parang nawalan na ng dugo ang aking mukha dahil sa sobrang putla ko ngayon. “Bakit nila ito ginagawa, Avery?”

Umiling lang sa akin ang huli. “Hindi ko pa alam pero nasisiguro kong hindi maganda ang plano ng emperatris. Stygians are tainted with darkness which made them stronger than magicaes. And their minds can be controlled by the one who created them. The Crimson Empire would be unstoppable if an army of stygians will be raised.”

Nilunok ko naman ang bara sa aking lalamunan. Napahawak naman ako sa aking dibdib at pilit hinahabol ang aking paghinga. If we could stop them before they multiply, we might still stood a chance.

“Did Lady Mirage gave you these damages?” Kahit nakatalikod ako kay Avery ay alam kong tinutukoy niya ang mga sugat ko sa katawan. Napatango lang ako bilang sagot kahit nabigla ako sa paraan ng pagkakatanong niya sa akin. It was the first time her tone became dead serious.

“Did she recognize you?” Kinakabahan akong napatango ulit. Naramdaman kong napatayo si Avery at naglakad ng pabalik-balik sa harapan ko.

“You’re in grave danger, Blaire. She would kill you if she saw you again. Kailangan mo nang umalis dito.” I can sense pure terror in Avery’s voice that I haven’t heard before. Mukhang nag-aalala talaga siya sa kapakanan ko kaya natatakot siya sa kung ano ang maaaring mangyari sa akin.

Hinawakan ko naman siya sa balikat kaya tumigil naman siya. “Alam ko, Avery. Kung tatakas man ako ngayon, sigurado akong ipapahuli naman niya ako sa mga kabalyero. But if I stay and take the Ranking Ascension, hindi niya ako magagawang saktan. Because she will become suspicious if she would be seen attacking a lowly Novitiate. Lalo na at manonood ang lahat ng mga trainees sa akademya mamaya.”

I heard Avery sighed. Kahit ano pang sabihin niya ay hindi na niya mababago ang desisyon ko.

“You’re really hard-headed but that’s what makes you Blaire Everett. I’ll just give you one reminder at sana sundin mo na ako.”

I only nodded at her dahil hindi ko mapapangakong magagawa ko ang sasabihin niya.

“Protect your mind at all costs.”

_____

Sabay kami ngayon ni Ella na naglalakad papunta sa Promenade. Nagtaka rin ako noong una noong malaman kong dito gaganapin ang pagsubok para sa aming mga Novitiates.

“I’m super excited na Blaire! Gusto kong mataasan ng rank si Zara!” sabik na sabik na saad sa akin ni Ella. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Kahit ako ang inaaway ni Zara ay parang mas malalim ang galit ng kaibigan ko sa kanya.

Napatingin ako kay Ella at hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil kasama ko na siya ulit.

When she woke up earlier, Ella doesn’t remember anything regarding her abduction. Ang huli lang niyang natatandaan ay kung ano ang nangyari noong araw bago siya nawala. Hindi ko na ipinaalam sa kanya ang nangyari kagabi dahil para rin iyon sa kaligtasan niya.

“Blaire, sure ka na bang hindi talaga suspect si Ophelia?” Tanong naman ni Ella sa akin habang nakasimangot. Para kasi patigilin siya sa pag-iimbestiga ay sinabi ko sa kanyang nakausap ko ang dati kong roommate.

Naawa naman ako kay Ella dahil grabe talaga ang effort niya sa pag-iisip noon para mapatunayang si Ophelia talaga ang gumagawa ng lahat ng kababalaghan. Her deductions are all on point but none were actually true. Because the person we suspected the most was actually on our side all along.

“Yes, Ella. Ophelia was just sneaking around because she missed her former hometown. She’s a morning person kaya parati ko siyang nakikitang lumalabas ng maaga. She admitted that she’s kind of weird but wala siyang kinalaman sa mga pagpatay. She's innocent,” pagsisinungaling ko sa aking kaibigan. Parang may kumikirot sa puso ko habang sinasabi ko ang lahat ng mga iyon. But sometimes, lying can help you protect the ones you love the most from the truth that will bring them excruciating pain.

Napatango naman si Ella at nakahinga ako ng maluwag nang wala akong makitang pagdududa sa kanyang mukha.

Bumalik naman ang isipan ko sa lalaking nagligtas sa akin kagabi. Napalundag na naman ang puso ko dahil sa tuwa. Kahit nanlalabo na ang paningin ko sa mga oras na iyon ay sigurado akong si Raiden talaga ang aking nakita. It was proven by the element he used to save me which was fire. Bakit ba kasi hindi ko kaagad napansin iyon?

But when I woke up after fainting, I just found myself back at the Healing Camp with Ophelia by my side. Hindi ko na siya nagawang tanungin tungkol sa lalaking kasama niya dahil sa sobrang pagod. Nabigla ko kasi ang aking katawan sa paggamit ng bago kong mahika.

Kailangan ko na talagang makita si Ophelia para matanong ko siya tungkol kay Raiden. At bago ko pa makalimutan ulit ay naalala kong dapat rin akong maghanap ng kasagutan kung bakit ako nagkakaroon ng mga bagong kakayahan.

Natatanaw na namin ni Ella ang archway ng Promenade kaya nakisiksik na kami sa kumpulan ng mga taong naroroon na humaharang sa aming daan.

“Excuse me, dadaan ang mga diyosa,” rinig kong sigaw ni Ella at epektibo naman dahil biglang humawi ang paligid para padaanin kami. Lihim na lang akong napahalakhak sa inasal niya. Nang makarating kami sa harapan ay sumali kami sa linya naming mga Novitiate.

Nasa harapan namin ngayon sina Commander Odin, Lady Mirage, Sir Callum, at Lady Adelaide. Nagtama ang paningin ko at ng kanang kamay ng emperatris at nakita ko na lang na napangiti ang huli sa akin. Hindi ko ipinakitang natatakot ako sa kanya. I remembered to put on my mask that I last used during the Welcoming Ceremony. I maintained my passive face even after I broke my eye contact with her.

“Mag-iingat ka Blaire. Lady Mirage is watching you.”

It was Ophelia speaking to me. Kakarating niya lang sa aking tabi. Hindi ako lumingon sa kanya dahil baka paghinalaan kami ni Lady Mirage. Kahit gustung-gusto ko na siyang tanungin tungkol kay Raiden ay kinontrol ko na muna ang aking sarili. Makakahintay pa naman ako.

“Kung magkaharap man ulit kayo, protektahan mo ang isipan mo,” dagdag pa ni Ophelia. Pareho ang inihabilin nila sa akin ni Avery at magtatanong pa sana ako kung ano ang ibig niyang sabihin nang magsalita na si Commander Odin.

“Welcome to the Ranking Ascension, Novitiates!”

Isang dumadagundong na hiyawan ang sumalubong sa bating iyon ng bagong Head ng akademya. Pero hindi na ako nakagalaw nang napansin kong may pagkakahawig ang hugis ng katawan ni Commander Odin sa lalaking bumuhat kay Ella papunta sa cauldron kagabi. Hindi kaya kasabwat din siya?

Ito rin ba ang rason kung bakit pinaalis si Chief Zero sa Stronghold? Dahil hindi siya sang-ayon sa pinaplano ng emperyo?

“Lady Adelaide,” tawag ni Commander Odin at naglakad naman paharap ang kakambal ni Lady Evangeline. Napakatalim ng tinging ipinukol niya sa lalaking tumawag sa kanya bago siya tumalikod sa aming lahat. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay at lumiwanag naman iyon pagkatapos.

Napanganga kaming lahat nang makitang naghiwa-hiwalay ang parte ng Promenade at kasalukuyang lumulutang ngayon sa ere. Ikinumpas ni Lady Adelaide ang kamay niya paikot at nakita kong gumalaw din sa ganoong paraan ang lahat ng mga bagay na lumilipad.

Masiyadong mabilis ang sumunod na nangyari at napatakip na lang ako sa aking bibig dahil sa sobrang pagkabilib. From those floating parts of the Promenade, a huge coliseum was formed. Nang makapasok kami ay nakita kong napaliligiran ang buong lugar ng ng mga halaman at mayroon ding mga puno. May mga baging ding nakapulupot sa mga upuan ng malaking istadyum. Sa pinakagitna ay mayroong arena. Ang sahig nito ay gawa sa kulay-gatas na marmol at pinalilibutan ng bermuda grass. Inihihiwalay naman ang mga manonood mula sa pabilog na lugar ng isang sapang may malinaw at malinis na tubig na umiikot sa buong arena.

Labis akong nagandahan sa lugar at muntik ko nang makalimutang nandito ako para sa Ranking Ascension.

Pero nang akala kong tapos na ang lahat ay nakita ko ang mga natitirang bahagi ng Promenade na bumuo ulit ng panibagong coliseum na nakalutang ngayon sa itaas namin at nadagdagan pa ito ng isa pa hanggang sa naging tatlo na ito.

May nalaglag na tubig galing sa coliseum na nasa itaas namin at diretso itong nahulog sa sapang pumapalibot sa kung saan kami ngayon. Pareho kami ng nararamdaman ni Ella kaya nangngitian na lang kaming dalawa. No words can express how grand this battlefield is.

“Welcome to the Trias Kolossos! The newest combat platform for the Ranking Ascension!” Halos mabingi na ako sa lakas ng hiyawan ng mga taong naririto ngayon sa coliseum. Ibinaling na rin ni Commander Odin ang kanyang atensyon sa aming mga Novitiates nang humupa ang palakpakan.

“You have to finish three duels, as depicted by the three coliseums, before you can advance to the Tyro rank. You will be ranked based on your performance. Your goal is to get a large number of points with the maximum being thirty. In the three battles, you have to beat your random opponent in a span of ten minutes. The faster you finish the fight, the higher are the points that you will get. The winning Novitiate will be awarded with a score ranging from five to ten points depending on their victory per battle. But if you lose the duel, you won’t acquire any point. In case of a draw, both players will receive three points.”

“You will be ranked starting in this level. The top twenty Novitiates of this stage can proceed to the second coliseum. And the twelve trainees with the highest points acquired by then shall compete in the last stage. After the final battle, the top ten Novitiates will be instantaneously promoted. Do your best to represent your Houses, Novitiates!”

“And thanks to Lady Adelaide’s dimension magic, all duels will happen simultaneously. The coliseum itself will let us spectate the best battle in each level. Are you now all ready, future knights?”

Umingay na naman ang buong istadyum. Kahit si Commander Odin ay nakakitaan ko ng pagkasabik sa mga mangyayaring labanan. He’s a commander and he must surely be in favor of these battles.

Pero may kakaiba kay Lady Mirage. I can feel something is up her sleeves. Kailangan kong magdoble ingat. And even if I don’t know how, I’ll try my best to protect my mind.

All of us stepped on top of a lily pad floating on the pond as instructed by the Head. Ngayon lang din ako nakaramdam ng kaba dahil kanina ay namamangha pa ako sa aking mga nasasaksihan. This would be the first time I would fight with many people watching me. Even though I’m only standing, I’m already feeling nauseous because of the pressure coming from the critizing eyes of the spectators.

Pero nang makita ko sa isang sulok si Asher na nakangiti sa akin ay nabuhayan ako ng loob. At nagulat din ako nang makita kong kasama niya si Topher na nakakibit balikat lang na nakatingin sa akin. Mukhang pinilit siya ni Asher na panoorin ang kaganapang ito.

But seeing the two of them together without fighting was a rare sight. At kahit simpleng bagay lang iyon ay nakaramdam ako ng saya at gumaan ang aking pakiramdam.

Hinarap ko ulit ang dalawa habang nakataas ang aking kamao. I won’t fail them. And I won’t fail myself.

Their faces became blurry as the portal teleported me to the first level of my ascension.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

2.8M 93.5K 71
Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortress where these enchanted creatures peac...
3.6K 622 47
A girl who's about to lose her scholarship found a school inside the forest. Many secrets of the magic world will be unveiled. This is the school eve...
10.5K 817 24
The Fifth Order || Completed Soon to be published under PaperInk Publishing House ««»» Soul, Reality, Time, Mind, Space, and Power . . . "The univers...
102K 5.3K 80
People in Valteroz were no longer afraid of war, but to the darkness they owned. For there's a monster residing in their shadow. The more powerful i...