The One that got away.....

Theblackwdow

1.8M 34.9K 2.4K

What if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Ar... Еще

THE ONE THAT GOT AWAY....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Chapter 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Chapter 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
Chapter 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85

CHAPTER 86

59.3K 984 245
Theblackwdow

EPILOGUE

 

After 7 years..

 

Jocel

Nilagay ko ang dala kong bulaklak sa lapida ng libingan nang namayapa kong asawa. Ikadalawang anibersayo ng pagkamatay ni lake mula sa pagsabog ng planta nila sa Brunie. 

Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang pait na mawalan ka ng taong minahal mo. Inalis ko ang mga tuyong dahon don at nilinang nang aking mga daliri ang bawat letrang nakatarak sa lapida.

Limang taon lang ang itinagal ng aming pagsasama. pero sa loob ng limang taon na yun ay natutunan kong ipagkatiwala sa kanya ang aking puso.

Nagkaron kami ng isang pamilyang ninanais ko. Nagkaron kami ng dalawang Anak bukod kay Joss. but then, pagkatapos ng anniversary ng kasal namin, ilang linggo lang ay kinuha na siya samin ng maykapal.

Nagkaron ng pagbabanta ng terorista sa bansang Brunie. Isa sa mga pinapasabog na mga planta ay ang negosyo nila. Dahil sa kagustuhan namin na maayos ang gulo at matigil na ang pagbabanta ay minabuting makipagkasundo si lake sa pagitan ng mga terorista at kaanib namin ang gobyerno ng Brunie.

Akala namin ay masasagot nun ang lahat ng problema pero hindi pala. Ilang araw matapos maibigay ang hinihiling ng mga rebeldeng sibilyan ay pinasabog ng isa pang grupo ng mga rebelde ang planta nila lake at kasalukuyan nandon ang aking asawa.

Abo na nang iuwi samin si lake at nakakalungkot dahil hanggang ngayon, naghahabol kami ng hustisya para sa kanya.

Galit na galit ako sa mga taong pumatay sa asawa ko. naawa ako para samin mga anak kasi sa murang edad nila Ladylyn and Levi ay pinagkaitan sila magkaron ng ama.

Travis, my brother in law took charged with everything. mabuti nalang at hindi ito nadamay kahit nasa parehong lugar sila ni lake ng araw na yun.

pero hanggang ngayon, sa tuwing dumarating ang araw ng pagkamatay ni lake, nananariwa ang sakit. parang kelan lang ay masaya kaming magkasama at tahimik na namumuhay pero ngayon, nabalot ng kadiliman ang tahanan minsan napunan ng kasiyahan.

Pinahid ko ang aking luha. 

Araw araw akong nagtatanong sa panginoon kung bakit ang asawa ko pa ang kinuha. maraming masasamang tao sa mundo pero bakit si lake? wala akong mahanap na magandang rason sa mga nangyari, kasi napakabuting tao ng aking asawa.

Wala kaming inaargabyado sa negosyo. Sana, ang mga terorista nalang na yun ang mga namatay. hindi ang mga inosenteng tao na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng mabuti sa kapwa.

Pero hindi ko hawak ang kapalaran ni lake. walang sinuman ang hahangarin na mangyari iyon sa kanya, lalo na ako..

Napakaunfair lang para sakin pamilya ang lahat.

" Mom nandito na po si Daddy." napalingon ako kay joss at sinalubong ko ng tingin ang lalaking nagmamay-ari ng kulay bughaw na mga mata.

tumingin ako sa lapida ni lake at sandali ko pang hinaplos iyon. sandali pa'y tumayo ako at napansin kong nakasandal lamang si rafael  sa kanyang sasakyan. hindi siya lumalapit.

" Mom I'm hungry." sabi sakin ng anak kong babae. Inabot ko sa kanya ang dala namin pagkain. binigyan ko rin sila Levi na kasalukuyan naman nilalaro ni Joss.

napangiti ako.

Nawalan man ako ng asawa, nandito pa rin ang aking mga anak. sila ang natitirang magagandang alaala ni lake sakin. at masayang masaya ako dahil nabigyan ko ng mabubuting anak ang aking asawa bago ito namayapa.

Pumikit ako habang inaalala ko ang mga nangyari. ni wala man lang pormal na pamamaalam na naganap sa pagitan namin. at iyon ang masaklap sa lahat. ang hindi mo nasabi ang nais mong sabihin sa taong mahal mo dahil wala nang oras. 

Ganun talaga. may mga bagay na hindi mo marurok ang mga nangyayari. Gustuhin mo man alamin ang magiging takbo ng kinabukasan, hinding hindi mo makikita iyon.

Things happened unexpectedly. 

Nanghihinayang ako sa mga panahon nasaktan ko si lake. at araw araw akong humihingi ng tawad sa kanya para don.

Nalaman ko kung gano kahalaga ang oras sa isang tao. kung gano ito katangi tangi sa lahat. Para sakin, balewala ang pag-ibig kung wala kang oras. nasasawalang bahala ang init ng pagmamahalan kung wala kang panahon sa taong mahal mo.

Kasi kahit gano ko man kagustong makasama si lake kahit isang segundo ng aking buhay, hindi na mangyayari. 

kaya parati kong hinahabilin sakin mga anak kapag nag-aaway sila na mahalin nila ang bawat isa. magbigayan sila at alagaan nila ang isa't-isa. kasi hindi natin hawak ang oras at panahon. 

Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa araw ng bukas. madaming pwedeng mangyari sa mga susunod na oras at kapag may nangyaring hindi maganda, wala ka nang magagawa kundi ang magpatuloy sa paglalakad mula sa madilim na daan.

I want to tell lake how much I love and thank him. pero hindi na niya ako maririnig. at hindi ko na rin maririnig ang kanyang boses. 

lumapit ako kay rafael at inayos nito ang salamin sa mata. 

Nung mawala ang asawa ko, his always there. hindi niya ako pinabayaan. hindi niya kami iniwan ng aming mga anak. He also moved near in our house para lang matingnan kami.

" Sorry hindi ka na namin hinintay pa. pupunta kasi ako sa school nila Joss eh." sabi ko sa kanya. kasunduan kasi namin kagabi ay sabay kaming aalis para pumunta rito. eh itong si joss naman ay nagpahabol bago ako matulog na kailangan akong kausapin ng school principal nila para sa nalalapit na kompetisyon sa academic sa kanilang school.

" It's okay." nilagay nito ang kamay sa bulsa at tumingin sa isang malaking puno malapit samin. 

My eyes are still with him. 

Wala pa rin siyang asawa hanggang ngayon. tatlong taon ng ikasal ako ng muli ko siyang makita. ang buong akala ko nga ay nagkaron uli ito ng asawa dahil masayang masaya ito ng nakipagkita samin ni joss.

pero hindi pala. 

Ayaw kong magtanong ng kanyang rason, pero kung iyon man talaga ang dahilan ay hahayaan ko nalang na ang kapalaran ang magsabi samin ng tama.

"Where's Ladylyn and Levi?"  tanong nito. siya naman pagsulpot ng aking mga anak na naghahabulan.

"Daddy!!" sigaw ng tatlo kong anak. 

Daddy rafael ang tawag nila rito. nagaya nila iyon kay joss. hindi naman namin kinontra ni lake dahil wala naman masama don.

" Wow, tabachingching..." binuhat ni rafael si ladylyn at humalaklak ito habang hinahagis ito sa ere.

"Daddy ako din." sabi rin ni levi na agad naman kinuha ni rafael. napangiti ako sa kasiyahan nakikita ko sakin mga anak.

Sa murang edad nila ay nawalan agad sila ng tunay na ama at hindi ko alam kung natanggap na ba nila iyon.

Ang problema ko nalang ay si joss na katulad ko ay dinadamdam pa rin hanggang ngayon ang pagkawala ni lake.

" Hope sino nga yun kasama mong babae?" rinig namin ang pag-aargue nila joss at ni hope. nakasakay sa bike ang  mag-siyam na taong gulang na anak ni rafael.

" Secret kuya, turuan mo muna ako sa assigment ko." nagcross arm ang anak kong lalaki. iba na talaga basta nagbibinata. kuhang kuha na niya ang mukha ni rafael. Pati ang built nang katawan nito at tangkad ay parehong pareho. Madalas din silang magkasama ng mag-ama dahil titrain ito ni rafael sa martial arts. nakakainis dahil wala man lang namana sakin kahit ako pa ang nagdala nito sa loob ng siyam na buwan.

" Let's go at baka di na natin maabutan pa yung principal ni joss." yaya sakin ni rafael. isa isang nagsisakay ng kotse ang aking mga anak. si hope ay nilagay niya sa likod ng kotse ng kanyang daddy ang dalang bike.

" Alis na tayo roger." tawag ni rafael sa kasama namin body guard. nagsipasok ang lima pa namin mga kasama na pawang nagtatrabaho sa special forces.

Walang araw na di pumalya ang pagkikita namin ni rafael. siya ang tagahatid at sundo ng aking mga anak kung nasa opisina ako. tuwing sabado at linggo naman, kung hindi kami nasa bahay ay nagyayaya itong mamasyal.

" Why don't you give rafael a chance jocel, tutal naman pareho naman wala kayong sabit diba." Si Anna. nananaba na ang aking kaibigan dahil kapapanganak lang nito sa pang-anim nilang anak ni Cyrus.

" Anna naman..."

"Kamamatay lang ng aking asawa, hindi naman pwedeng magsama kami ni rafael agad." siya na itong nagpatuloy sa paulit ulit na sentence sinasabi ko.

" Kung ganyan lang lagi ang litanya mo eh malamang baka kumulubot nalang ang inyong mga balat bago niyo marealize ang lahat na pwede pa kayong magsama" sabi pa nito at ngumuya ng mansanas.

pinagmasdan ko lamang sila. siya naman itong pagsulpot ni Tina kasama ng anak niyang babae.

" Oo nga jocel, maawa ka naman sa tao. Alam ko naman na meron ka pang nararamdaman dyan." sabi pa nito at nilapag ang bitbit na juice sa mesa.

Humalik sa pisngi ko ang anak nito.

" Ano ba kasi ang nararamdaman mo day. naku dalawang taon naman nang wala si lake eh. tsaka gusto rin nun na maging masaya ka. why don't you give yourself a chance to be happy by second time around." si Genic at hinaplos ang umbok na tyan.

" Alam mo ikaw, dapat sayo inuuntog na rin eh. can't you see, mahal na mahal ka ng tao oh. wala kayang inientertain na babae yan." hirit naman ni joy.

napatingin ako sa apat na babaeng naging asawa ng mga kilalang bilyonaryo sa mundo.

" Give him a chance. wag mong hayaan mawala ang pagkakataon nato jocel." si tina ulit. nanatili ang aking mga mata sa kanya. Katulad ko, patay na ang mga asawa namin. wala nang paraan para maiparamdam namin ang aming mga pagmamahal sa kanila.

Nakikinig ako sa kanilang mga payo patungkol sakin. Hindi naman lingid sakin ang hangarin ni rafael na magsama kaming muli. subalit alam ko na naiilang rin siya samin mga sitwasyon ngayon.

The truth is, meron pa naman akong natitirang damdamin sa kanya. pero hindi ko magagawang talikuran si lake kung nabubuhay pa ito dahil lamang sa kapirasong damdamin na yun.

Matagal akong nag-isip. Araw araw, mas lalo kong nararamdaman ang pagmamahal ni rafael. kahit hindi ko tanungin,the way he acted, the way he protect us, even if there's no words to hear from him, He is claiming us. His terretorial instict comes with us.

Nandito kami ngayon sa may atimunan. niyaya kami ni rafael dahil tapos na daw ang pinagawa niyang resort. biglang sumagi sakin ang magagandang alaala na nangyari sa lugar na ito.

dito siya sakin unang nagpropose at sinimulan namin buuin ang aming mga pangarap sa lugar nato.

naalala ko pang gusto kong magkaron ng bahay rito dahil tahimik ang lugar na ito. malayo sa syudad at stress na dala ng trabaho.

"We have a surprise for you momma." sabay sabay na sabi ng aking mga anak at nilagyan nila ako ng blindfold sa mata. 

" Ano na naman ba ito joss." sabi ko ng tumatawa.

"Sshh.wag ka na magtanong ma, secret po ito at napag-utusan lang kami." sagot nito sakin. nakunot ang aking noo at gusto kong magtanong pa pero hindi ko na ginawa.

Umihip ang malakas na hangin habang naglalakad kami patungo sa dalampasigan. maggagabi na at magandang pagmasdan ang takipsilim sa tabing dagat.

"Joss san kana anak." nang maramdaman kong wala na ang mga kamay nitong umaalalay sakin.

"Dyan kalang ma. pagbilang ko po ng tatlo, tsaka niyo po alisin yung blindfold niyo." 

" Joss naman..."

"One..

"Two...

"Three...

Dahan dahan kong inalis ang aking blindfold nanlalaki ang aking  mga mata ng makita ko si rafael on his bended kness infront of me.

I gasped when I looked around the places. lumiliwanag ang paligid dahil sa mga lantern na nakalagay don. 

nakasuot siya ng puting damit at shorts. kitang kita ko ang kanyang dibdib at ang bigote nito sa mukha na mas lalong nagpapadagdag ng kanyang kgwapuhan.

Kelan ko nga ba pinansin ang kanyang nakakaakit na katangian. simula ng makasal kami ni lake, siya na itong pinakagwapong nilalang para sakin.

Napahawak ako sakin bibig ng makita ko ang pamilyar na singsing.

" Jocel alam ko na hindi ko mapapantayan ang pagmamahal na binigay sayo ni lake sa loob ng limang taon. Alam ko na hindi ko mapapabago ang iyong damdamin para sakin. Matagal akong naghintay at walang segundo sakin buhay ang hindi ko pinangarap na mahalin mo akong muli kagaya ng pagmamahal mo sakin noon."

" Ngayon lang uli ako nagkaron ng lakas ng loob para sabihin sayong muli ang tunay kong nararamdaman at gusto kong dahan dahanin ang lahat para satin. ayaw kitang madaliin. kung tatanggihan mo man ako ngayon ay maiintindihan ko. handa akong maghintay kahit panghabang buhay pa jocel. maging akin kalang muli."

"Rafael..." mariing siyang pumikit at nakita ko ang sensero niyang mukha.

tumingin muli ako sa buong paligid at di kalayuan ay nakikita ko sila Anna and Cyrus, nandon din sila genic, kelvin, tina, anton and joy. kasama ng mga ito ay ang aking mga anak.

Nahagip rin ng aking mga mata sila kuya jayson at ang pamilya ni lake. somehow nakaramdam ako ng guilt pero agad din iyon napawi ng makita kong ngumiti ang papa ni lake sakin. hinarap kong muli si rafael.

" Jocel naalala mo ba ang araw kung san una akong nagpropose sayo. I know this is not the exact location pero kung natatandaan mo pang lahat, pareho natin pangarap na bumuo ng pamilya rito."

" Alam ko marami akong naging pagkukulang sayo at binigyan ko ang aking sarili ng panahon para makalimutan kita. nagpakalayo layo ako dahil iyon lang ang paraan para tuluyan kang mawala sakin sistema, hanggang sa matutunan kong tanggapin na ang babaeng minsan akong minahal ay kailan man ay hindi na magiging akin."

"Parati kong hinihiling sa diyos ang kaligayahan sa buhay mo at sa pamilya mo. at panatag akong binigay kita kay lake kasi alam kong siya na itong mahal mo."

"Kinalulungkot ko rin ang nangyari sa kanya. walang may gusto sa mapait niyang sinapit at naiintindihan ko ang iyong pagluluksa dahil minsan na rin akong nakaranas ng kaparehong pangungulila mula sa babaeng nagmahal sakin ng buong lubusan."

" Pero naisip ko na kaya siguro nangyari ang lahat ng mga ito ay upang magpatuloy ang naudlot natin kwento dahil ang totoo, hindi naman nawala ang takbo ng bawat kabanata satin estorya. naputol lang ito dahil kinailangan natin linangin ang ating buhay sa ibang tao." 

"Hanggang ngayon jocel, I still love you. walang nagbago at mas lalo kitang minamahal habang lumilipas ang maraming araw." 

" at ngayon tama na ang lahat. tama na ang mga nangyayari. naayos na natin ang ating mga buhay, are you still willing to give me a chance. Cause if you do, I swear to God, I will never ever hurt you and I will be a good father to your wonderful children."

" Rafael.." sunod sunod ang aking pagluha. wala akong ibang masabi kundi ang mabigkas ang kanyang pangalan. Ang totoo'y natatakot ako. natatakot ako muling sumubok na magmahal. pero kasabay ng takot na yun ay nakakakita ako ng malaking pag-asa.

I know lake will be happy if Im happy. iyon lagi ang sabi niya sakin, masaya siya sa tuwing nakikita niya akong masaya.

"Please jocel, I love you.. Marry me please.." he said pleadingly...

Tumango ako ng walang pag-aalinlangan sa kanya. I will take this chance habang hindi pa huli ang lahat. alam ko na ito ang gustong mangyari ng lahat at masaya ako sa ginawa kong desisyon.

 Nawala siya sakin noon at nakita ko muli sila ngayon. sa pagkakataon ito, we have the time to make everythings right in our way. 

Nalaman ko sa mga oras na ito, sa buhay binibigyan tayo ng pagkakataon itama ang lahat ng mga bagay, kasi nung unang nilatag sayo ang lahat ng pagsisisi ng taong nagkamali sayo.. hindi ka pa handa o sadyang wala ka na talagang ibant maramdaman sa kaya,.

We messed up with other things because literally, we are only human and we are not intended to be perfect. We will make mistakes but it not excuse to repeat same mistake with the same reason. 

Natututo ako sa lahat ng bagay bagay sa mundo, nakikita ko ang kagandahan ng bawat isa, ang kapintasan ng mga ito, ang pagkakaiba iba, ang pagkakapantay pantay, ang kulay, napapagtanto ko na ang emoyson ko bilang tao ay kaya kong kontrolin kung sisikapin ko..

I will take the this second chance we have right now. kasi alam ko, kahit nawala ang init ng pagmamahal ko sa kanya noon, maibabalik ito kung bibigyan ko lang ng panahon ang aking sarili na magtiwala sa kanya.

matatanda na kami, at ayaw kong pagsisihan ang mga araw na pwedeng masayang samin dalawa.

kasi ang totoo, sa buhay.. wala ng repeat button, walang replay. at ang masaklap pa, hindi lahat nabibigyan ng ikalawang pagkakataon, no next time, hindi mo pwedeng ihinto ang kung ano ang nagaganap, at ang mahirap sa lahat, kung wala kanang oras para maitama ang lahat ng mga mali.,

hindi sa lahat ng bagay kayang magbigay ng panibagong bukas ang buhay.

kaya habang meron ka pa nito, magbigay ka.. magpatawad ka kung kinakailangan.. wag mong hayaan masayang ang oras na natitira. Maikli lang ang buhay.. masaya at malungkot.. 

maswerte ka kung meron ka nito, kasi kung wala na.. ibig sabihin patay kana...

AUTHOR'S NOTE:

YAY!! Thank you po sa inyong walang sawang suporta sa TOTGA. hinding hindi ko po mamakakalimutan ang bawat komento at mga mensahe niyo para sa story nato. Ipanalangin niyo po na sana maaprove din po siya for publishing. Ngayon po, naghihintay nalang ako ng Confirmation sa release ng The One that got away and hopefully by the end of this year, malabas na po..

Wala po akong paglagyan ng kasiyahan sakin puso at umaapaw po ito kung hindi dahil sa inyo, hindi po ako mamomotivate kung hindi po kayo nagfefeedback..

hindi ko na po kayo iisa-isahin dahil marami po kayo..

I am working "A war with the tycoon: sana po kung gano niyo po kainit na sinuportahan si Cyrus and Anna, Jocel and Rafael, ganun din po kayo sa kay Tina and Nilo..

TO GOD BE THE GLORY.....

Продолжить чтение

Вам также понравится

467K 7K 40
This story may be close to a perfect life. This story would expect you to have a happy ending. K. WRONG! Kung sa FAIRYTALE palaging may WITCH, sa REL...
36.6K 1.3K 9
Book 3 of My Aloof Husband
75.5K 816 49
Nagsimula ang lahat sa isang confession. Marifa confessed her feelings to Benj-ang nag-iisang lalaking pinag-ukulan niya ng pagmamahal buong college...
Mío Yiling Laozu

Художественная проза

84.2K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]