The One that got away.....

By Theblackwdow

1.8M 34.9K 2.4K

What if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Ar... More

THE ONE THAT GOT AWAY....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Chapter 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Chapter 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
Chapter 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86

CHAPTER 80

18.8K 432 43
By Theblackwdow

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..

" Mom where are we?" humigpit ang kapit ni joss sakin ng bumaba kami sa isa sa mga kilalang ospital sa Pilipinas. nagbukas ang pinto at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni rafael.

kanina pa siya balisa dahil sa pagtawag ng mama ni hillary, aniya'y inatake na naman ang anak at kelangan maconfine ulit. nauna na ito samin umalis dahil kelangan nitong makita ang anak.

"Dad.." lumapit si joss sa kanya at kinarga ito ni rafael palabas ng sasakyan. saglit akong natigil sakin sarili. ito ang kauna unahan pagkikita namin ng kanyang anak. hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa mga oras na'to.

I hope the result of my action is not repercussion. Pareho naman ang gusto namin ni rafael eh. Ang mapagaling ang anak nitong may sakit.

" Are you okay?" hayun na naman ang pag-aalala ni rafael sakin. Tumango ako. pero ang totoo, kagabi pa ako hindi makatulog dahil sa labis na pag-iisip. What if hindi si Joss ang match na donor kay hope? o di kaya may mangyaring masama din sa anak ko.

Hindi ko maiwasan hindi mag-isip ng ganun dahil dalawang buhay ang nakasalalay dito. 

napabuga ako ng hangin at sinundan ko ang kanilang yapak sa ward ng ospital. mula samin kinaroroonan ay naririnig namin ang humahalahaw na sigaw ng isang bata. Malakas ang iyak nito dahil sa iniindang sakit. 

"Hope.." takbong lakad na ang ginagawa ni rafael at naiwan ako sa paglalakad. humgipit ang kapit ni joss sa kanya.

"Daddy." napansin kong tila natatakot si joss. Alam kong ayaw na ayaw niya sa ospital Nung dalawang taon kasi siya ay nagkaron siya ng tigdas at ilang araw kaming nanatili sa ospital. kalbaryo para samin ng aking anak ang mga nangyaring yun dahil pareho kaming takot na takot.

Natigil kami sa isang private room at agad na inabot sakin ni rafael ang aking anak. kumuyapit ng hawak sakin leeg si joss at idiniin ang mukha sakin balikat.

"It's okay anak." 

"I'm scared mom." humigpit ang yakap nito sakin. hinaplos ko ang kanyang likod. nagbukas ang pinto at ang sigaw sa buong hallway ay dito nagmumula.

" Daddy ko!!!" sigaw ni hope. nakita ko ang umiiyak na babae sa tabi nito na pinapatahan ang apo.

" I'm here hope." agad na lumingon ang bata sa kanya at ang bughaw nitong mga mata ay nanlalaki sa kabila ng malaking eyebag nito sa mga mata.

May IV nakakabit sa kanan kamay nito at mas lalo itong umiyak ng makita si rafael.

"Daddy ko!!!" 

"Hush baby, daddy's here.." nakita ko kung gano kahigpit ang yakap ni rafael sa kanyang anak. nanatili kaming nakatingin ni joss sa kanilang dalawa habang pinapatahan ni rafael ito.

Mahal na mahal niya ang kanyang anak na babae.Walang tanong tanong don dahil kitang kita ko kung gano nag-aalala si rafael. Alam ko ang pakiramdam na yun dahil magulang din ako.

Maya maya lang ay tumahan na ito at nilagay sa lap ni rafael ang bata. nagkatingin kami ng babaeng nagbabantay kay hope. tumango ako bilang pagtugon sa kanyang pagngiti sakin.

" Ma, this is jocel and my son Joss." nanlalaki ang mga mata ng babaeng nagpakilala sakin heather at nagpalipat lipat ito ng tingin samin ni joss. 

Hindi ko alam pero naiiyak ito habang nakahawak sa bibig.

" My name is heather. ako ang mommy ni hillary." natigil na naman ako sakin sarili ng malaman ko ang ugnayan nito sa babaeng minsan nang nagtangka ng buhay namin ng aking anak. lihim akong napahigpit ng kapit kay joss at gusto ko nalang na itago siya rito.

"Lalabas muna ako para tawagin ang doktor." ani nito at maya maya lang ay napang-iwanan kaming apat sa loob ng kwarto. 

Napansin ko ang pagtigil ni hope sa pag-iyak at kasalukuyan itong nakatitig kay joss na nakatingin din sa kanya.

" You have blue eyes too." Parang hindi makapaniwala si hope sa kulay ng mga mata ni joss.

" Yes, I'm joss, what's your name?" nilapag ko si joss sa kamang kinaroroonan nilang mag-ama. napansin ko ang tila pagpipigil ni rafael sa pag-iyak. hinawakan ko siya sa balikat.

" I'm hope." at ngumiti ang bata. somehow naalala ko ang ngiting iyon kay hillary. This child is a resemblance of hillary and rafael. pinagsamang genes at ito ang kinahinatnan.

" You have a nice name, why are you here?" naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni rafael sakin kamay at nakita ko ang tuloy tuloy na pagluha nito habang pinagmamasdan ang pag-uusap ng dalawang batang walang kaalam alam kung ano ang ugnayan nila sa isa't-isa.

" I'm sick and I need to stay here. Daddy told me transformer will come to save me from being ill." 

" Really? daddy also told me that I will be the transformer for today to save a life." tumingin ang mga ito sa gawi ng ama na nagpunas ng mga luha at ngumiti sa dalawang bata.

" You're kuya joss will save you hope. His your transformer." 

" Wow!! thank you kuya Joss!!" at yinakap nito ang aking anak na ginantihan naman ni joss. nakisali si rafael sa kanilang dalawa at sinakop nito sa dalawang bisig ang mga anak.

Hindi ko maiwasan hindi maluha dahil sa nakakaantig na kanilang pagkikita. Alam ko kung ganu ito kahirap para kay rafael lalo na sa kalagayan ni hope. at bilang ama, hindi niya pababayaan ang kanyang anak na may mangyaring masama rito.

Ganun naman yun diba. Ina kaman o Ama o kahit na anong posisyon mo sa lipunan sa ibang tao, human nature muna ang tumulong at ibigay ang lahat sa mga taong mahal na mahal natin.

Sabi nga nila, ang tunay na pagmamahal ay walang hinihinging kapalit. hindi ka dapat tumitingin sa kung ano ang ibabalik sayo ng taong pinagbigyan mo nito. 

Nalaman ko kong anong klaseng pagmamahal meron si rafael sa kanyang anak. Pareho namin gustong mapabuti ang kanilang mga buhay at mapalaki ito ng maayos. 

Wala naman sigurong mga magulang ang gustong pabayaan nalang ang kanilang anak. 

"Thank you for this jocel. Hindi ko alam kung pano ako makakabawi sayo." hindi ako bumibitaw ng hawak kay rafael habang naghihintay kami ng result sa lab test na ginawa kay joss. Fortunately, nagmatch sila ni hope and hinihintay nalang namin ang schedule para sa operation.

Hindi na umiiyak si hope pagkatapos kanina. Masigla na itong nakikipaglaro kay joss. inalis naman na kay hope ang IV nito dahil kumakain na rin ito ng maayos. Hindi mo talaga masasabing may iniindang sakit ang bata dahil sa siglang pinapakita nito sa ibang tao.

" Maari ka bang makausap Jocel." lumingon ako mula sa babae sakin likod at nakita ko ang pagod na pagod na mukha ni heather.

nakakaya pa rin nitong ngumiti sa kabila ng dinaranas ng apo.

"Sige ho." nagtungo kami sa isang sulok na malayo sa mag-aama. nakita ko kung pano manginig ang mga kamay nito habang hawak hawak ang isang sulat na niluma na nang panahon.

" Pinabibigay sayo ni hillary." naluha ito ng banggitin ang pangalan ng anak. kumunot ang aking noo.

" Alam ko ang ginawa ng aking anak sa inyo ni rafael at ako na ang humihingi ng tawad para sakin anak jocel. Sana matutunan mo rin patawarin si hillary." mapait nitong sabi at nagpunas ng luha.

nanatili ang aking mga mata sa sulat na inabot nito sakin. maya maya pay nag-angat ako ng tingin kay heather na patuloy sa pag-iyak.

" Alam ko napakaselfish nang anak ko nang mga panahon na yan, kahit ako ay hindi sang-ayun sa kanyang mga ginawa at hinahangan kita jocel kasi nakayanan mong tanggapin ang lahat. Maraming maraming salamat dahil binigyan mo ng pagkakataon ang anak ko na maging masaya sa maikling panahon. tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa mo sa kanya at sakin apo." hinawakan nito ang aking kamay. Wala naman akong maisagot sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin.

Hindi ko kilala si heather liban sa anak nito si hillary. Ang perspective nito bilang ina ay ibigay ang nais ng may sakit nitong anak hanggang sa huling sandali ng buhay nito.

Siguro, nang mga panahon halos mag-agaw buhay ako sa ospital, hindi rin pinapatahimik ng kanyang konsensya si hillary. at ang mga magulang nito ang tanging nasasabihan ng kanyang kasalanan.

" Kung meron man akong babaeng gustong makasama ni rafael, ikaw iyon jocel. alam ko ganun din ang hiling ni hillary." hinaplos nito ang aking pisngi. hindi pa rin ako makapagsalita.

" Kasi alam namin ng anak ko na magiging mabuti kang asawa sa kanya, magiging masaya si rafael pagkatapos ng bagyong dinaranas niya ngayon at salamat kasi hindi ka naging maramot sayong anak." tango lamang ang naging pagtugon sa kanyang mga sinabi. 

" Sige na, bumalik kana sa kanila. Makakauwi na ako ng bahay at mamakatulog ng maayos. Wala na akong ibang aalalahanin maliban sa operasyon ni hope."

" Asahan mo ang aming mga panalangin para sa kanila. babalik nalang ako bukas dito para magbantay muli." 

" mag-ingat ho kayo. at salamat po dahil tinanggap niyo ang anak ko." 

" Joss is adorable. napakalovable niya pa. tingnan mo nga oh, close na agad sila ni hope." tiningnan namin ang tatlo na nagtatawanan.

" You are a good mother jocel. nakikita ko yun sayo base sa kinikilos ni joss. You raise your kid with all your heart and soul. at sana  matutunan mo rin tanggapin si hope bilang parte ng pamilya ni rafael." ngumiti itong muli sakin, pero ngayon ay hindi ko na nakikita ang labis na pagod sa anyo nito. puno iyon ng pag-asa at pagmamahal.

nagpaalam na ito samin at umuwi na ng sariling bahay. Alam ko na magtatagal pa kami sa ospital. dito rin yata si rafael muna para magbantay. 

Tiningnan ko ang sulat na bigay sakin ni heather. napansin ko ang mga mata ni rafael at lihim kong tinago iyon sa kanya.

" Mom can we stay here. wala po kasing kasama si Hope eh." magkatabi ang dalawa habang nakahiga sa paanan ni rafael.

" Ask your dad if we can stay here." tiningnan ko si rafael na nagulat sakin sinabi.

"Dad can I. promise hindi po ako maglikot na matulog." nakita ko ang pagyakap ni hope sa kanya na ginantihan naman ni joss.

" I want my kuya to sleep beside me dad, pwede po ba?" pakiusap pa nito sa ama. nagtagpo muli ang aming mga mata ni rafael. dahan dahan itong tumango ng makitang walang pagprotesta sakin mga mata.

" I will ask the nurse na magdala pa ng isang kama rito para magkasya tayong tatlo."

"Yehey!!!" tumayo ang dalawa at nagtatalon. nagulat pa si rafael ng biglang yumakap sa kanya ng sabay ang bata.

" I love you daddy." magkasabay nilang sabi. wala naman nang nagawa si rafael kundi ang gantihan ang mga matatamis na salitang sinasabi ng mga bata sa kanya. 

I decided to go outside para magpadeliver ng pagkain. Uuwi ako kala Anna ngayon. babalik nalang ako bukas ng umaga para sunduin si joss. 

nakita ko ang driver at dalawang guard na kasama namin pagpunta rito at nakisuyo akong bumili ng pagkain sa kanila. 

hanggang sa natagpuan ko nalang din ang aking sarili sa tapat ng kapliya ng simbahan at mahigpit ang hawak sa sulat na mula kay Hillary.

Continue Reading

You'll Also Like

37.7K 344 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
75.5K 816 49
Nagsimula ang lahat sa isang confession. Marifa confessed her feelings to Benj-ang nag-iisang lalaking pinag-ukulan niya ng pagmamahal buong college...
467K 7K 40
This story may be close to a perfect life. This story would expect you to have a happy ending. K. WRONG! Kung sa FAIRYTALE palaging may WITCH, sa REL...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...