The One that got away.....

By Theblackwdow

1.8M 34.9K 2.4K

What if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Ar... More

THE ONE THAT GOT AWAY....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Chapter 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Chapter 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
Chapter 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86

CHAPTER 70

17.1K 404 38
By Theblackwdow

 Thank you Guy's for all of the comments. I really appreciate it kapag may mga comments kayo sa story ni Jocel and rafael, especially kapag alam kong nakakarelate kayo.. ayy heaven sa pakiramdam..

I place your comments here and again from the bottom of my heart, Maraming maraming Thank you..

@Feliceguinto : "Aww.. nkakaiyak nman. it hurts knowing they really love each other but they can fight fot it.. ano kaya ang next? sana sila prin..

@meggie016 ; haay naku ang sakit sa heart T.T

@jerichogwapo ; move on na jocel, wala naman mangyayring maganda sa inyo eh.

@eddieforyou ; haay... ang hirap pagganito ang mga story na nababasa.. kasi totoo..tagos sa puso..

@Katesimoncute ; Naalala ko yung isang chapter dito, nung unang magkahiwalay silang dalawa.. siguro that would also apply here. You are doing the right decision jocel, Walang mali sa ginagawa mo.. maiintindihan mo rin ang lahat ng rason ng Diyos kong bakit hindi kayo pwede ni rafael.

@aiko018 ; Sana malaman na ni rafael ung tngkol sa anak nila... ayoko ke hillary!!!! Pangalan pa lng nkakainis na!!!!

@MilesDlb ; I guess their love for each other is nopt strong enough to withstand adversities...I have too much respect for people who are willing to fight for their love...Anyways, thank you again author.. Hindi pala promise of love it.. Hahaha.. Naging broken promise...

@Theblackwdow, super relate ako dito sa story mo..Ung tipong lumipas man ang panahon, andun pa rin ung tao na un sa puso mo kasi naging part sya ng buhay mo... Pero hindi lahat ay happy Endings..

@dantecruz678 ; ako nalang jocel ang mahalin mo, papangako ko sayo, hindi kita sasaktan.. promissssseee

@Mariasolidad123 ; Kung meron man dapat na maging masaya ay si jocel yun.Grabe I can't imagine kung anong pagmamahal meron siya kay rafael.You are doing the right thing jocel,ang kailangan mo lang ay tanggapin ang lahat.. mahahanap mo rin ang prince charming mo...Go go go!!!

@Leonilynforyou In due time jocel.. magiging masaya ka rin..Karapatan mong sumaya at makahanap ng taong mamahalin ka ng higit sa pagmamahal sayo ni rafael. Sad to say, gustong gusto ko man na magkatuluyan kayong dalawa, pero hindi rin pwede,,yaan mo yan, may lake ka naman eh..

@lalaladyRED ; nooooooo

@jomarcute123 ; Hindi talaga natin pwedeng ipilit ang isang bagay para lang maging masaya sayo..This is what I learned from this story. We cannot guarantee a happy ending jusy because they love each other.This is reality. People come and go, and sad to say, we have to let go those people who bring so mucn memories in our heart.

@marilyntutay ; Waahh ang lungkot shemay kakaiyak ...:-(:-(

@cyatin ; Siraulo ka jocel you never have been selfish person si hillary yun at yung tyanak niyang anak.

@vanderrie : Anu ba iyan naubos luha ko dto.. hahaha go on jocel time will come hundi man ngaun.

@haru92 ; mas ok na yun na kahit papaano may closure din sila ;)

@leopadgirl ; Anebeyen..parang matagal pa ang happy ending nila a, kung meron man:(Salamat author sa update..mamimiss ko to kasi uuwi ako sa bundok alang wifi ...:(

Please don't forget to vote and comments..

Minsan satin buhay, Kung sino pa ang mga taong handa natin pag-alayan ng ating mga buhay, ang mga taong kaya natin mahalin ng panghabang buhay, siya pa itong taong unang unang magkakait sayo ng kaparehong damdamin. 

Kadalasan, ang nagiging tugon natin sa ganun klaseng pagkabigo ay ang pagsira din ng ating mga buhay. minsan yun iba, niyayakap ang sakit at hinahayaan nila itong magpatakbo sa kanilang mga buhay. This was the pain that can feel through your head, your heart and your soul. yung sakit na parang panghabang buhay na itong nananahan sayong katawan,

Pschologically speaking, heartbreak often feel sad, empty, alone and nothing. Yung tipong lahat nalang mali, lahat nalang kalaban mo, lahat nalang wala kang gana..Tuloy ang iba, nauuwi sa malalang depresyon at ang iba, dahil hindi na kaya ay nauuwi sa kamatayan.

Pero ako, ilang beses na akong nasaktan at nabigo, sa una'y nang-iwan. binalikan at nagkabalikan, pero di rin nagtagal ako na rin ang iniwan.

Sinubukan kong bumalik, pero huli na ang lahat para rugtungan ang naudlot namin mga damdamin. Sayang kung iisipin, pero ito ang nakatadhanang mangyari para samin.

Sabi nga ng isang karatula sa jeep na akin nakita, "Makakapili ka ng lugar na uupuan mo pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa tabi mo. Ganyan ang Senaryu sa Jeep, ganyan din ang Pag-ibig, lalong di mo kontrolado kung kailan siya baba." (Hopeless romantic siguro yung driver na'to)

Hindi lahat ng taong darating sa buhay mo ay panghabang buhay na mananatili sayo. kahit pa mangako sila na hindi ka nila iiwan, still.. hindi natin kontrolado ang magiging kasalukuyan.

Walang paraan para masilip natin ang hinaharap at wala rin daan para tumawid tayu pabalik sa nakaraan.

Sabi nga nila may rason ang lahat.. at ang rason na yun ang magtuturo sayo para sa katuwiran ng iyong buhay.

Sa ngayon, masasabi kung okay na ako.. may sakit pa rin, hindi naman mawawala yun, pero kung araw araw akong magiging positibo sa lahat ng aking mga pananaw, mawawala rin ang lahat. gagaling ang sugat at maghihilom ang mga ito.

at ang pilat na yun ang magiging palatandaan kung gano ako naging matibay na hinarap ang aking mga problema.

Pinagmasdan ko ang magandang ngiti ng aking anak sakin cellphone. ang mabubusog nitong pisngi na namumula habang nakangiti't hinahalikan ako sa labi.

I miss my son. Malapit nang matapos ang trabaho ko dito. hinihintay ko nalang ang confirmation ng kidma's brother para sa settlement ng aggrement nito sa dubai investors.

"Mam, ito ho ba." iniabot sakin ng lalaking nag-assist sakin para bilihin ang pasalubong ko kay joss. Binuksan niya ang box at inilabas ang isang Bumblee bee toy car na nagtatransform na robot. napangiti ako dahil kaparehong kapareho ito ng camaro sa palabas.

" Yes it is, Ilang set meron kayo nito?"

" Kompleto ho ang collection ng mga transformers dito. sandali ho kukunin ko pa po ang iba." mamaya lang ay dumating na ang lalaki bitbit ang kahon kahon na mga laruan. mas lalong lumapad ang aking ngiti ng makita ko ang kumpletong set ng laruan hinahanap namin ni lake kahit noon pa.

Wala kasi kaming time na maghagilap noon dahil pareho kaming mga busy. siya sa trabaho, samantalang ako naman ay sakin anak.

Alam ko hindi lang si joss ang magiging masaya nito, malamang pati rin siya. 

lake havel tizon.. ano nga ba ang huling regalo ko sa kanya? hindi ko na matandaan eh. siya kasi itong bigay ng bigay sakin ng kung ano ano. ako naman itong si tanggap lang at tamang pasalamat nalang sa kanya.

" Kukunin ko na ang lahat ng ito." sabi ko ng makita ko lahat ang mga laruan. abot tenga ang ngiti ng lalaking nag-assist sakin at nakilapit na rin ang manager par macheck kung meron pa ba akong kailangan.

"Kuya, ihatid niyo nalang ho sa bahay ang mga yan, mauna na kayo.. may bibilhin pa kasi ako eh."bilin ko sa kasama kong driver. Tumango ito at maya maya lang ay naglakad na ako sa mall. Gusto ko sanang magpasalon at magpagupit ngayon araw. medyo humahaba na rin ang aking buhok at lumalabas na ang natural na pagkakulot nito.

Pinaputulan ko ito noon ng manganak ako kay joss, ani kasi ng doktora ng aking anak ay baka magcause iyon ng rashes sa bata kapag nadadampi. hindi naman na ako nagdalawang isip at kahit nanghihinayang man ay ginawa ko. para naman iyon kay joss.

Tumitingin ako sa mga damit na nakadisplay nang may mahagip ang aking tingin na isang pamilyar na mukha. kumunot ang aking noo habang kinikilatis ang babaeng pumasok sa isang restaurant at nanlalaki na naman ang aking mga mata ng makumpirma ko kung sino iyon.

"Anna.." sabi ko at napalingon ito sakin. at katulad ko, pareho kaming gulat ng makilala namin ang isa't-isa.napahawak ako sakin bibig, hindi ko kayang paniwalaan na nakita ko na ang aking bestfriend.

"Anna my God.." napayakap agad ako sa kanya ng mahigpit.

"I'm sorry Anna, dapat hindi ko na ginawa yun sayo. dapat hindi nalang kita pinaglihiman noon. patawarin mo ako." agad kong sabi at naluluha ako habang gumaganti ito ng yakap sakin.

"Ano ka ba, wala na yun. matagal nang nangyari yun.. kamusta kana?" I miss her so much. Ang laki ng kanyang pinagbago. maikli na rin ang kanyang buhok hindi katulad noon. 

Ilang taon na nga ba kaming hindi nagkita.. hindi ko alam. lima anim.. I lost track again.

"Miss na miss kita Anna, My god, Sana pala hindi ako tumigil ng paghahanap sayo." hindi pa rin nawawala sakin ang matinding emoyson na nagkita kami.

Kitang kita ko na wala na itong nararamdaman kahit na anong galit.. ang ganda ng aura niya habang sinusuri ko ang kanyang mukha.

"Ako rin Jocel, miss na miss na kita. sorry kung pinag-aalala ko kayong lahat. But I know it doesn't matter now, nagkita na tayu ulit." hindi ako bumibitaw sa kanyang mga kamay. wala akong pakialam kahit pinagtitinginan kami ng mga tao. nasa gitna kami ng restaurant at ang mga mata'y nakatuon samin.

" You looked different, I mean babaeng babae kana." nahiya naman ako sa kanyang sinabi. but yeah. I am different now. boyish kasi ako nun at iba ako manamit. 

" Wag mo nga akong bulahin Anna, ako pa rin to no, ang baliw mong kaibigan." 

" Naku, mukha mo lang talaga ang nagbago Jocel." balik nito sakin. nagtawanan kaming dalawa habang hinihintay ang pagserve ng aming pagkain. marami akong gustong ikwento sa kanya, kulang ang araw na ito para sa mga usapin iyon.

pero agad din akong natigilan ng magtanong ito tungkol kay rafael. "Teka ano palang nangyari sa inyo ni Rafael, next week na ang kasal nun ah." ibinaba ko ang mahabang tinapay na aking kinakain. iwan ko, baguette ata yun.  Uminom ako ng tubig at sinamsam ang mga huling salitang tinanong niya sakin.

Ang totoo'y wala akong alam na next week na pala ang kanilang kasal. ang bilis naman, masakit.. pero kailangan tanggapin.

katahimikan ang nangyari.

ewan ko, pero siguro nga, may mga panahon na lilinangin ng iyon damdamin ang lahat ng mga alaala na nasayang at naisantabi nalang. at ang masakit pa'y hindi na ako kasama sa mga pangarap niya sa buhay.

yumuko ako para pigilan sana ang aking luha pero wala na akong nagawa. dahan dahan akong bumigay at yumugyog ang aking balikat. ito ang lagi kong pinapaalala sakin sarili, hindi na ako iiyak sa kanya, pero may mga oras talagang wala kang magagawa kundi ang iiyak nalang ang lahat.

"Anna!!! Ang sakit!! Ang sakit sakit!!!" hindi ko mapigilan mapahagulhol dahil sa sobrang sakit na akin nararamdaman. akala ko nailabas na lahat, pero hindi pa pala, at ang natitirang hapdi sakin puso ay mas masakit kesa ngayon.

" Hussh tama na.. nakakahiya ka." ano ba naman tong taong to, akala ko naman ay tatahanin ako nito, pero mas inisip pa ang mga mata ng tao. wala akong pakialam. 

Mas lalo akong ngumawa. ngawa hanggang sa boses ko nalang ang humahalahaw sa buong lugar. naubos na ang tissue samin harapan at humingi pa si Anna sa isang waiter.

hinayaan niya lang ako na ganuon hanggang sa maramdaman kong wala na akong mailuluha. naghihicup ako habang kinkwento ko sa kanya ang mga nangyari. pati ang nangyari sa engagement, ang ginawa ko, ang ginawa sakin ni hillary, ang naging desisyon namin ni Rafael. 

" Eh bakit mo pa kasi tinulak eh mahal na mahal mo naman pala."

" Kung naging matapang lang sana ako na ipaglaban ko pa si rafael sakin pamilya, eh di sana masaya na rin ako. kunting push nalang sana kala papa eh, kaso naging mahina ako. Ang daming What if na pumasok sa isip ko nang mga panahon naglalaro ang nararamdaman ko sa kanya."

" If I should fought for him at the very last time, at kung sana binigyan ko siya ng chance sana walang ganito, walang hirap, walang sakit... ang sakit Anna.. ang sakit sakit.."

Indeed. ang dami kong pinanghihinayangan. mga alaalang mababaon nalang sa limot.

Alam ko, bago ito para kay Anna. kilala niya ako sa pagteterorize ng mga maling pagkakaalam niya tungkol sa pag-ibig. maling pananaw na ngayon ay niyayakap ko rin at sinusugalan,

"Anna anong gagawin ko, mahal na mahal ko si rafael, hindi ko kaya, hindi ko alam kong panu ko kakalimutan ang kaisa isang lalaking tinangahan ko. nababaliw na ako..nababaliw na ako sa pagmamahal ko sa kanya." 

Hirit ko pa sa kanya. naramdaman ko ang paghaplos niya sakin likod at heto na naman ako sa pag-iyak ko,

"Jocel let it be.. ang magagawa mo nalang ay maging masaya para sa kanya, He deserve to be happy alam mo yan."

"And I don't deserve him." We really don't deserved each other. after everything what we did and what happen to us, still it's not enough and will not be enough.

Sandali pa akong inalo ni Anna. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol kay joss, pero may isang bahagi ng aking pagkatao na natatakot na ilantad ang kanyang katauhan. I know I can trust Anna, wala akong problema sa kanya, sa mga taong nakapaligid sa kanya meron at alam ko na hindi rin nito mapipigilan sabihin ang totoo kay Cyrus.

In due time I will tell them. tsaka na kung pareho na kaming handa ni rafael, hindi sa ganitong panahon kung san ikakasal na siya sa iba.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 236 41
Isang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her...
98.3K 2.4K 36
BEAUTIFUL LIARS SERIES #1 BETWEEN LIES >Krezyl Zane (Zyle) Saavedra< Aksidente ang una nilang pagkikita. Zyle introduce the unknown guy, as her...
405K 4.3K 55
Si Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang...
13.1K 354 26
Pinilit si Yna Macario ng taong minsan niya ng matulungan na mag aral sa isa sa sikat at mamahaling school sa bansa..ayaw man niya napilitan na siyan...