The Billionaire's Revenge (...

By alebjo

519K 9K 624

We were a good couple once, a perfect couple indeed but it was changed when an unexpected event happened. It... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Finale
Epilogue

Chapter 39

8.2K 156 6
By alebjo

Beth POV.

Mula  nang mangyari ang incident sa restaurant ay pauli-ulit itong bumabalik sa aking alaala.

Pilit ko namang itong iwinawaksi pero pilit din itong sumisiksik sa aking isipan.
Iba ang kutob ko sa nakita ko noon.
Minsan nga sa sobrang pag-iisip ko, napagkamalan ko na ang sinumang lalaking makita ko bilang siya.

Hindi ko dapat ito nararamdan at hindi ko dapat ito iniisip, pakiramdam ko kasi ay parang nagtataksil ako kay Nick.

At nang gabi din iyon ay sobra ang pag-alala nito sa akin.
Ayaw pa sana ako nitong ihatid at gusto pang idaan ako sa hospital, mabuti nalang at nakumbinsi kong iuwi lamang ako.
Panay ang tanong nito kung ano ba talaga ang nangyari pero hindi ko masabi-sabi sa kanya ang totoo. Ang tanging nasabi ko lamang ay biglang sumama ang pakiramdam ko, hindi ko alam kung nakumbinsi sya sa idinahilan ko.

At kahit nang makarating kami sa bahay, ay naroon  pa rin sya para siguraduhing maayos na ang lagay ko.

At ngayon na lumipad ito papuntang amerika, ay bigla akong nakonsensya dahil hindi ibig sabihin na hindi ko sya makakasama ay kung sinu-sino na ang iniisip ko.

At naiinis ako sa aking sarili dahil kung kailan ngayon na lumipad si nick papuntang amerika ay panay naman ang pagsusumiksik ng eksena ng lalaking nasa restaurant.

Beth magtigil ka sa kakaisip mo sa lalaking yon!

Humigop ako ng hangin para mahimasmasan  ang aking sarili at maalis sa isip ko ang gumugulo sa aking isip.

Nagligpit na ako para umuwi. Kailangan kong umuwi ng maaga dahil bukod wala si Lyneth ngayon, ay umuulan pa ng malakas. At habang medyo tumitila ang ulan ay kailangan kong makahanap ng masasakyan, tiyak na agawan ng masasakyan ngayon dahil sa masamang panahon.

Nang masiguradong nacheck ang bawat saksakan na walang nakasaksak at nalock ang lahat ng pintuan at bintana ay umalis na ako para mag-abang ng masasakyan.

Pero makalipas ang mahigit kalahating minuto ay nagtityaga pa rin akong pumapara ng masasakyan. Pero kung hindi may nakasakay, ay nilalagpasan lamang ako.

Pero hindi nagtagal ay may humintong sasakyan sa harap ko. At dahil lumalakas ang ulan ay dali-dali akong binuksan ang pintuan at sumakay kaagad.

"Hayyy salamat manong, kanina pa ako naghihintay ng masasakyan, mabuti nalang at huminto kayo. Sa Bry. Puting-Bato tayo manong."
Saad ko kay manong driver. At nang makapwesto ng maayos ay pinunasan ko ang sarili. Kahit nakapayong ay parang naligo na ako sa ulan dahil sa lakas nito.

Pero kahit napatuyo ko na ang aking sarili ay naramdaman kong hindi pa rin umuusad ang sasakyan kaya nilingon ko si kuya driver.

"Manong hindi pa ba tayo aalis?"
Hindi kaagad ito naka sagot, pero dahan-dahan itong lumingon sa akin. At ganoon na lamang ang panlalamig ng aking katawan ng mapagsino ko ito.

"Hi sweetheart, miss me?"

Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Pero kulang ang salitang 'gulat' para idescribe ang nararamdaman ko.

Tila tumigil sa pagtibok  ang puso ko dahil sa taong ito. Parang tumigil ang oras ko.

"C-cclark?" Nauutol kong saad.

"Yes, its me sweetheart." Saad nito. Nagulantang ako sa kaharap ko ngayon.

"A-ano ang g-ginag-gawa mo dito?"
Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo ang bumubuhos na emosyon sa akin ngayon. May galit, takot at saya? Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ipaibabaw na emosyon.

"I'm here to fetch you, sweetheart."
Saad nito sa magaan na boses. Bakit sa paraan ng pagsasalita nito ay parang walang bakas ng nakaraan.

"Ano? A-at bakit-t naman? Wag na!wag na! Bababa na lang ako." Saad ko at nagmamadaling binuksan ang pinto pero bago ko pa mahawakan ang hawakan nito ay may narinig akong ingay at ganun nalang ang biglang kaba ng aking dibdib. Nilock nito ang pinto at saka pinausad ang sasakyan.

"B-bakit mo n-nilock? Buksan mo ang pinto." Saad ko habang unti-unting bumangon ang kaba sa aking dibdib.


Bumangon ang kaba sa dibdib ko kasabay nito ang ilang sandaling pagkatahimik ko. Parang wala akong maiintindihan sa paligid at para akong  nabibingi dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Pero nang makahuma ako, agad akong nagsisigaw na pababain ako pero parang wala itong narinig at pinaandar ang sasakyan.

"C-clark ihinto mo ang sasakyan bababa na ako, m-maghahanap nalang ako ng ibang masasakyan." Ani ko sa kanya pero parang wala ito narinig, mas binilisan nya ang pagmamaneho.

Ang daming tanong na gumagulo sa isip ko ngayon. Unang-una ay kung bakit sya nandito.

"Clark! Ano ba ibaba mo na ako!" May halong galit na saad ko sa kanya. Hindi ko kasi maiwasang manumbalik sa akin ang nangyari sa London sa loob ng kotse, kaya ganun ang takot ko na baka maulit o may mangyaring masama uli.

"C-clark pwede bang ibaba mo na ako! Clark! Ano ba kasi ang balak mo?"

"No I'm sorry sweetheart but I can't do that, matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, matagal na kitang gustong makasama muli, hindi kasi ako makatyempo kapag nandyan ang magaling mong bodyguard."
Saad nito pero may diin ang pagkasabi nito sa huling salita. Napaisip nalang ako kung sino ang kanyang tinutukoy.

"At sa huling tanong, well I can't tell you that baka hindi kasi matuloy." Anito sabay kindat.

So may plano talaga sya pero kung inaakala nito na hahayaan ko lang sya, puwes nagkakamali sya. Kailangan kong makababa dito habang maaga.

"Ibaba mo ako dito! Clark! Ano ba! Kung ano man ang iniisip mo huwag munang ituloy. Clark!" Sigaw ko sa kanya pero parang tinakpan na ata ng adobe ang tenga nito na para bang hindi nya naririnig.

"Sweetheart calm down, kahit magsisigaw ka pa dyan, no one can hear you nor sees you, this car is highly tinted. And relax, I won't hurt you."
Saad nito habang pasilip-silip sa front mirror. Agad ko namang sinipat ang kabuuan ng kotse nito pati na ang tinutukoy nitong highly tinted ang salamin nito.

Teka parang hindi ito ang daan sa amin?

"Clark saan mo ako dadalhin? H-hindi ito ang daan papunta sa amin!" Ano ba talaga ang plano nito? Bawat sandaling lumilipas kasi ay mas lalong nadagdagan ang bigat at kaba sa aking dibdib.

Nang hindi ito sumagot ay mas lalong kong tinaasan ang boses ko, pero sa pagkakataong ito halata na may halong takot dahil sa panginginig nito. Kahit sino naman kasi ay kakabahan kapag malaman mong wala kang ideya-ideya kung saan ka dadalhin ng kasama. "C-clark sagutin mo ako! Saan mo ako dadalhin?!"

Tumingin muna ito sa salamin bago sumagot. "Hey relax sweetheart, hindi naman kita sasaktan, we're going to my rest house in Pampangga."

Biglang lumaki ang mga mata ko sa aking narinig. "Ano?! Nagbibiro ka ba?! Anong gagawin natin dun?! Ibalik mo na ako, Clark , this is already a kidnapping!"
Saad ko. Nanginginig na ako sa takot dahil baka kung ano ang gawin niya sa akin, natrauma na kasi ako sa nangyari noon. Kahit duda akong may gagawing masama si Clark ay hindi ko pa rin mapigilan ang mag-alinlangan. At dahil sa taranta at takot ay hindi ko mapigilan ang humikbi.
Ang alaala kasi ng London ang rumirehistro sa utak ko. Kung paano nya ako hawakan ng walang pakundangan.

"Clark ano ba ibalik mo na ako! iuwi mo na ako! O di kaya ibaba mo nalang ako dito!Clark! Clark!" Naghehestirika na ako sa kasisigaw para lang palabasin o makababa sa kotseng ito.
Nang makita nito na hindi ako hihinto sa kasisigaw ay inihinto nito ang sasakyan at lumipat sa tabi ko. Agad ko syang pinagsusuntok sa dibdib, dito ko ibinuhos ang lahat ng hinanakit at galit ko sa kanya. "Bakit mo ba ito ginagawa sa akin?! Bakit?! Hindi ka pa ba kuntento sa nagawa mo? Kulang pa ba!? Kulang pa ba?!" Patuloy lang ako sa pagsuntok sa kanya at hindi man lang ito umawat sa akin o umiwas, pinabayaan nyang saluhin ang lahat ng mga suntok sa dibdib nya.
Hanggang sa ako nalang ang nagsawa at huminto.

Doon bumuhos na ang mga luhang kanina pang bagbabadyang kumawala sa aking paghikbi.
Ilang sandali rin ako sa ganoong posisyon ng muling akong nagsalita.
"C-clark iuwi mo na ako,p-please." Ani ko sa paraan na alam kong makikinig sya at hindi naman ako nabigo.

He inhaled before slowly touched my hand. Pumiksi ako nang maramdaman ko ang mainit na palad na dumampi sa akin ring mga palad.

Pero imbes na kunin ang kamay ko mula sa kanya, ay isang pamilyar na pakiramdam ang namumuo sa akin loob. Ang pakiramdam na natago ng matagal na panahon.

Hindi nagtagal dahan-dahan nito ipinihilig ang aking ulo sa balikat nito. Hindi naman ako umangal dahil sa pamilyar na pakiramdam na binibigay nito sa akin.
Hindi ko makakaila na komportable ako sa lagay na ito.

"Hush sweetheart hush. It's okay I won't hurt you, I just want to be with you, I can't live anymore without you by my side. Hush now sweetheart Hush. Hindi na kaya ng sistema kong hindi ka kasama. Every seconds pass without you is making me sickI'm sorry for this, but I'm not sorry at all. Gusto lang naman kitang makasama."
Saad nito saka binigyan ako ng halik sa noo. Napapikit ako sa kanyang ginawa.

"Okay just relax and rest sweetheart, you'll spend your weekend at my rest house, okay?" Saad nito saka bumalik sa driver seat at pinagpatuloy sa pagmamaneho.
Sa hindi malamang dahilan napapikit na lang ako at hinayaan sa gusto nito.



To be continued.

Please vote, comment and share.

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
96.8K 1.6K 57
❤ Reached #13 in #Filipino When everything you thought was right, suddenly goes wrong, kanino ka lalapit? Kanino ka kakapit? Angel Fueco has everythi...
48.6K 1K 40
Highest rank: #1 in NONFICTION This story might contain explicit words or explicit scenes which may not be appropriate to young audiences. There mig...
873K 17.2K 23
Krake Chen, one of the richest bachelor in the country. He owns chains of hotels. He devoted all his early life sa hotel na pinatayo ng kanyang ina t...