The One that got away.....

By Theblackwdow

1.8M 34.9K 2.4K

What if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Ar... More

THE ONE THAT GOT AWAY....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Chapter 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Chapter 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
Chapter 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86

CHAPTER 32

16.9K 330 42
By Theblackwdow

"The Engagement.."

“Jocel.” Natigil ako sa pagpupunas kay daddy ng tawagin niya ako. Nilagay ko ang bimpo sa katabing mesa at hinawakan ito sa kamay.

“Do you need anything dad?” Umiling ito sakin, pero hindi nakaligtas sakin mga mata ang nagbabadyang luha nito. Mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay.

“Jocel wag mo akong iiwan.” Sa nahihirapan nitong pagsasalita. Tumango ako at ako na ang nagpunas ng luha niya.

Simula ng nagising siya ay iyon lagi ang kanyang bukang bibig sakin. Siguro nga, malaki ang naging impact ng ginawa ko sa kanya. Naghahalo halo ang kanyang emosyon at natatakot siyang pang-iwanan ko.

“That’s not gonna happen dad. I will take care of you.” I squized his hand. Hindi ko rin maiwasan mapaluha sa nakikita kong kalagayan ni daddy. Hindi siya deserved sa kung ano ang nangyari sa kanya. Kasalanan ko ang lahat.

Biktima siya ng pagiging hibang ko sa pag-ibig.

Hindi ako umalis sa kanyang tabi hangga’t nakatulog ito. Palagi ko iyon ginagawa lalo pa’t palagi rin ako nitong hinahanap.

Minsan ay pumapalit sakin si kuya kasama si JD. Somehow, kapag nasa mansion ang pamangkin ko, nagkakaron ng kulay ang bahay namin.

Ang sarap pakinggan ang hagikhik at mumunting tawa nito. Kahit san sulok ng bahay, tila musika sa pandinig sa mga tulad namin matagal nang walang bata sa bahay.

“ I will take my car kuya, mauna na kayo sa hotel.” Gusto akong isabay ni kuya jayson papunta ng Shangri la. May dadaanan pa ako kaya hindi ako makikisabay sa kanila. Alam na rin ito ni lake at hindi na rin siya nagpumilit pang sumundo sakin.

Ngayon gabi ang engagement namin. Desidido na ako sa gagawin kong ito lalo pa’t alam ko na mapapaganda ng pag merge ng kompanya namin at nila lake.

Sa ganitong desisyon, walang talo. Walang uuwing luhaan at dehado.Pero kapalit ng kasunduan ito, ay ang tuluyan kong paglimot sa isang damdamin minsan nagparamdam sakin ng saya.

Pinilig ko ang aking ulo. Hinawakan ko ng mahigpit ang manibela ng aking sasakyan habang patuloy na binabaktas ang daan. Hindi ko alam kung san ako pupunta? Iyon ang totoo.

Gusto ko lang na mapag-isa habang lumalapit ang oras ng engagement. Kailangan kong isink in sakin isipan na magpapakasal ako sa taong hindi ko mahal.

Again, kailangan ko itong gawin. Para kay Daddy, para sa kompanya namin.

Iginilid ko ang sasakyan sa pamilyar na parke at binaba ang salamin para pasadahan ng tingin ang mga taong naroon.

Wala nang masyadong nakatambay sa park. Medyo basa ang lupa dahil sa bahagyang pag-ulan. Pumasok ang malamig na hangin sa loob ng aking sasakyan, pero dinadaig ng init ng luha sa gilid ng aking mga mata ang lamig na dulot ng sakit sakin puso.

Bakit ganito? Hindi ba ako pwedeng maging Masaya dahil gagawin ko ang alam kong tama.

Bakit ako pilit na tinitikis ng estupidong pagmamahal ko kay Rafael.

At ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

Pinagmasdan ko sa malayo ang lugar kung san kami umupo ni Rafael noon. Sa mga oras na ito ay nakikita ng aking isipan ang mga nakaraan namin. Binibigyan ng larawan at kulay sakin puso ang mga ngiti at pagkislap ng mga mata ng lalaking hindi ko magawang patawarin.

Swear, gustong gusto ko nang tapusin kong ano man itong nararamdaman ko. Gustong gusto ko nang magmove on at kalimutan ang lahat.

Tonight, everything will change. I will be the fiancé of one of the bachelor in the Philippines. Ang lalaking maglalagay ng singsing sakin daliri ay minsan ko na rin pinangarap na maging akin. Ang mahirap nga lang, dahil inevitable ang changes, nagbago ang pagpapangarap ko sa kanya at natuon ito kay Rafael.

Constant changes inga ka. Talagang mangyayari at nangyari. 

I hope I can make it. Dahil kung hindi ko mapapanindigan ang galit ko sa kanya, baka tumakbo akong pabalik at kainin ang aking sariling suka.

//~//

“Pwede ka pang umatras kong hindi ka sigurado jocel. I will always understand you.” Si lake nang pumasok ito sa dressing room. Sinenyasan ko ang nagmamake up sakin na lumabas muna para makapag-usap kami na sinunod naman nito.

Hinarap ko siya sa salamin at nakatutok ang mga mata nito sakin. Pero sa kabila ng mga ngiti nito roon ay ang lungkot na hindi niya kayang maitago.

Binaba ko ang aking tingin at kinuyom ang aking palad.

Hanggang sa hindi ko na mapigilan pa ang aking nararamdaman, unti unting tumulo ang aking mga luha at yumugyog ang aking balikat.

“Jocel, ssshh.” Naramdaman ko ang malapad nitong dibdib na sumakop sakin mukha.

“ I’m sorry lake I can’t make it.”

“Ssshh. I understand.” Kiniskis nito ang palad sakin braso na nagbigay init sakin katawan.

“You are really good to me lake, at hindi ko alam kung ano ang nagustuhan mo sakin.” Pinangko niya ang aking pisngi at inalis ang mga luha.

“Just let me stay on your side, that is enough for me.” Pinipiga ang aking puso sa kanyang sinabi. Minsan, may mga tao talagang mas pinipiling maging martir para lang sa taong minamahal nila. Na kahit alam nilang wala silang kapana panalo, sumusugal sila sa pagbabakasakali.

Tumango ako, hindi ko alam kung tama bang edeya ang pagpapapanatili nito sakin tabi pero hahayaan ko siya. Sa mga nagdaan araw, isa si lake sa mga tumutulong sakin para magampanan ko ng maayos ang posisyon binigay sakin ni daddy. Si kuya jayson naman ang siyang kasalukuyan CEO. Wala naman tumututol don liban nalang kay Tito Allan na hinahangad ang posisyon ni daddy.

“Here.” Inabot niya sakin ang bottled water.madali ko iyon tinungga. Hinarap ko muli ang aking sarili sa salamin at nanatili lamang siyang nakamasid sakin.

Inayos ko ang nagkalat na mascara sakin mata. Naglagay ng kunting foundation para matakpan ang bakas ng aking mga luha.

Ngumiti ako pagkasalubong ng aming mga mata ni lake. I have to assure him na hindi ko aatrasan ang pinasok kong ito. If this is the only way to make things right, then I’ll accept the challenge.

Nagpatuloy ang gabi, maraming mga kilalang tao ang dumalo kasama ng mga executives and mga directors ng kompanya. Buo ang pamilya nila lake, dumating din sila mommy kasama si tito luis.

“ Are you okay anak?” Tumango ako at nag-iwas sa mapanuri niyang mga mata. Higit kong nararamdaman ang kaba at takot kapag may nagpapaalala sakin nito. Inabala ko ang aking sarili sa pakikipag-usap sa mga taong naroon. 

Umugong ang mic tanda na magsisimula na ang program. nakasuot lamang ako ng simpleng damit at nagpaayos. Hindi ako excited sa gabing ito lalo pa't ngayon iaanunsyo ang nalalapit namin kasal ni lake.

Gumilid ako ng magsimulang magsalita ang papa ni Lake para ewelcome ang lahat ng mga tao. Pero sa gilid ng aking mga mata ay nahagip ko ang grupo ng mga kalalakihan nakasuot ng pare parehong itim na suit.

at nanlalaki ako ng makumpirma ko kung sila sino ang mga iyon.

Pinaliligiran sila ng mga malalaking tao higit ng mga kabataang babae. at sa gitna nila ay ang lalaking may kulay asul na mga mata at nag-aalab na nakatingin sakin.

napalunok ako at tila nawalan ng balanse sa pagtayo. napahawak ako sa mesang katabi ko at muntikan pa akong matumba ng umuga iyon.

Jezz, anong ginagawa ng mga ito dito. Alam ko mayayaman sila pero wala akong natatandaan na inimbitahan sila rito.

nakita kong lumapit si Mr. Yao sa grupo nila Rafael. kinamayan nito isa isa ang mga lalaki at nakangiting aso na nakikipag-usap sa mga ito.

Yeah right.. Mga bilyonaryo nga pala ang mga ito pwera kay Rafael.

Umiwas ako ng tingin ng magsalubong muli ang aming mga mata. nakita ko ang paglaro niya sa kanyang mga labi. biglang nang-init ang aking pisngi. pakiramdam ko ay namumula ako.

ito na naman ang pagkabuhay ng mga demonyo sakin tyan. unti unti silang nagliliparan at inuubos ang laman sakin tyan. 

Napatingin ako sa gitna ng stage at nakita kong nakatayo si lake. Inabot nito ang mic galing sa kanyang papa at napansin ko ang pag-abot ng tingin nito sakin. Umigham ito bago nagsalita.

"Thank you so much for coming tonight. Tonight, we are celebrating the 25th Anniversary of Tizon Group of Companies. "

tumingin muli ako sa gawi kong saan sila rafael, pero biglang naglikot ang aking mga mata ng wala na ito sa dating kinaroroonan. 

napansin ko ang pagsunod ng mga mata ng mga tao sa grupo nila Nilo at nandon sila malapit sa may Stage.

"I also have a very special announcement tonight. May I call on Ms. Jonecocel Salvador." kumalabog ang puso ko nang marinig ko ang pagtawag ni lake sakin pangalan. Wala don ang aking atensyon kundi sa mga lalaking nakaitim na matalim rin nakatutok sakin.

Inayos ko ang aking sarili at ang suot kong damit. Tinucked ko ang ilang strands ng aking buhok at nilagay iyon sakin tenga.

Shit, hindi ito maganda. Panu ko papanindigan ang gagawin ko kung narito ang lalaking nagpapatibag ng mga paninindigan kong niyon.

Naglakad ako, hindi ko na alintana ang lahat ng mga mata ng tao sakin. MAs naiintimidate ako sa kulay asul na mata. Ramdam ko ang mainit na aura nito sa malayo at alam kong nagpipigil ito.

Inabot ko ang nakalahad na kamay ni lake sa may hagdan, subalit ang aking mga mata ay na kay rafael. nakahawak sa balikat nito si Cyrus at matindi ang pagkaigitng ng panga.

Napailing ako kasabay ng paglamlam ng aking mga mata. Sinalubong ako ng kunot noong si lake at tumingin ito sa kung san ang aking mga mata kanina. 

narinig ko ang kanyang buntong hininga at bumulong sakin.

"Do you still love him?" hindi ako nakasagot sa kanyang tanong pero may kung anong mga nilalang ang nagsusumigaw sa kung ano ang aking damdamin.

"You want to move on right?"napatango ako. kahit sa sarili ko ay nagsisinungaling ako. Wala na ang personal na pakikipagrelasyon ko sakin sarili dahil hindi ko kayang maging tapat.

"Then do what  you think is right."napalingon muli ako kay rafael. nakikita ko mula sakin kinaroroonan ang kumusyon nangyayari sa kanila.

"Ladies and Gentlemen, I want you to witness this memorable night, together with the most beautiful woman infront of me."dahan dahan lumuhod sakin harapan si lake. Hindi ko alintana ang mga mga pagsinghap ng mga tao, dinadaig ako ng damdamin ko para kay rafael.

kinuha niya ang isang maliit na box sa kanyang bulsa at nilahad iyon sakin harapan.Tumambad ang isang makinang na dyamante.

"Will you..."

"Marry me Jocel.." nabigla ako ng lumuhod sakin harapan si Rafael. nakalahad rin sakin ang Kulay asul na dyamante. 

nasa likod nito sila nilo na natigilan sa ginawa ng kaibigan.

Nagpalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa ni lake. parang may kung anong kuryente ang namamagitan samin tatlo. 

natahimik ang buong venue. Walang nagsasalita at ang lahat ay nakatutok sakin,

"Please Jocel, ako ang piliin mo. I'm sorry sa lahat ng nagawa ko, hindi ko kayang mawala ka sakin."si Rafael.

"Sinaktan ka ng lalaking yan Jocel, niloko ka, walang ganyan na klase ang pagmamahal." si lake at kulang nalang ay magpang-abot sila ni rafael.

Ako ang nasa gitna nilang dalawa at parehong nakalahad ang kanilang mga kamay. Pareho silang nag- aantay ng aking sagot. Para na naman akong kandilang nauupos na sinilaban sa magkabilang panig. Bawat init, bawat pagtikatik ng mga segundo, nasasayang. 

Nakaramdam ako ng pagkataranta sakin sarili. Ano ang gagawin ko? sino ang pipiliin ko?

" Jocel, yung mga sinabi mo sakin noon, Hindi ba sinabi mo na sasamahan mo ako maging satin pagtanda. Ipinangako mo na sakin noon ang isang panghabangbuhay na magkasama tayo." napalingon ako sa nagsalitang si rafael.

" You told me you love me, I love you too. So much that I can't breath without you near me." napasinghap ako sa kanyang sinabi, susubukan ko na sanang abutin ang kanyang kamay nang maramdaman ko naman sa isa si Lake.

" You are making your life complicated Jocel, Walang taong ilalagay ang kanyang sarili sa isang relasyon punong puno ng kasinungalingan. He already made a mistake, and once is enough to stop your foolishness with him, You deserve to be happy Jocel."

" Walang perpektong relasyon, Hindi rin akong perpektong tao, Oo nasaktan kita, nagkaron ako ng isang pagkakamali at kapalit nun ay ang pagkawala ng magaganda natin alaala. Maaring hindi ko mawala ang sakit na nararamdaman mo ngayon, pero hayaan mo naman sana ako na alisin ko ang masasakit na alaalang yun oh, kasi putcha, ang hirap hirap eh. nasasaktan din ako Jocel."

natigilan ako ng makita ko ang singsing na hawak hawak ni rafael. Hindi iyon pangkaraniwan, Kulay Asul ang dyamante at kasing kulay iyon ng kanyang mga mata.

Tiningnan ko ang dagat ng mga tao. lahat sila ay nasamin ang atensyon. Walang kumukurap.

Animo'y natigil ang oras sa gabing ito.

" Minsan kanang nagmahal Jocel, at nasaktan ka ng lubusan dahil don. papayag ka ba ulit na mangyari yun? You almost wrecked and broken, Pano ang daddy mo? ang kompanya niyo?" automatic na napalingon ako sa nagsalitang si Lake.

" This is not about what you feel for him, it's about other people, your dad. your family. Kaya mo ba silang saktan uli? Sabi mo sakin gusto mong makalimutan ang sakit, Then it's time for you to decide what is the best way to move on. Ito na yun Jocel, at alam mo kung ano ang mangyayari sakaling piliin mo siya." mariing sambit ni lake sakin. napapikit ako.

Tama siya, Mas marami akong masasaktan kong pipiliin ko ang sarili kong damdamin. mas maraming maapektuhan. Mas marami ang hindi aayon sa kung ano ang magiging desisyon ko.

Si daddy, hindi ko kayang makita siyang nahihirapan nang dahil sakin. Baka sa oras na piliin ko si rafael, baka mawala na rin siya sakin.

Ayaw kong maging selfish sa magiging desisyon ko. pero minsan, kahit gustuhin mo man piliin ang nakakarami, mas doble ang sakit sayo dahil alam mo sa sarili mong hindi yun bukal sayong puso.

" Babe come with me." muling nilahad ni rafael ang kanyang kamay sakin.

Nanlalaki ang aking mga mata habang tumutulo ang mga luha ko. 

" I'm sorry rafael." at inabot ko ang kamay ni lake. 

Hindi ko magawang ipikit at ilihis ng tingin ang aking mga mata ng makita kong rumihistro sa kanyang mukha ang pait na mabitawan ka ng taong pinanghawakan mo ng matagal.

Agad akong hinila ni lake sa kanyang tabi at tinago sa kanyang likod.

" Leave Rafael kung ayaw mong may mangyaring masama sayo rito."

Pero tila bingi ito sa sinabi ni lake sa kanya at sumugod ito patungo sakin. biglang humarang ang mga gwardya.

" Jocel Ano to!! bakit!! bakit siya ang pinili mo!!" napahaglhol ako ng iyak ng makita ko ang malalaking butil ng luha sa kanyang mga mata.

" Umalis kayo dyan!!" isa isa nitong binalibag ang mga gwardya na humaharang sa kanya.

" Anong nangyari sa mga pinangako mo sakin? Nasan na ang mga iyon? Jocel naman, wag mo naman akong bitawan ng basta basta lang."

"Hindi ko kaya Jocel, please wag mong gawin sakin to." napahawak ako sakin bibig ng makita ko siyang lumuhd samin harapan.

" She already made her decision, just take it." 

" Arrgghh!!" nakaiwas si lake ng tangkain siyang suntukin ni rafael at nang makatyempo ito ay ito naman ang tumilapon sa suntok na ginanti niya rin.

tatakbo sana ako palapit kay rafael subalit bigla akong sinakop ng mga kamay ni lake. humahangos akong napatingin sa kanya.

Umiling ito sakin. tumingin muli ako kay rafael na dinadaluhan na nang mga kaibigan.

"Don't turn your back Jocel. Wag mo kaming bibiguin." aniya. Hindi ko magawang kumalma lalo pa't nakikita ko kung gano nahihirapan si rafael.

" Jocel Halika na, umalis na tayo dito.sumama kana sakin." Hindi ko alam kung panu nakarating si rafael samin harapan. lumuhod itong muli but this time, hindi lang sakin kundi kay lake na rin.

" Plese dude, hayaan muna kami. Ibang babae nalang. Wag ang babaeng hindi ko kayang mawala sakin buhay." napapikit ako nang makita ko siyang nagmamakaawa sa harapan ni lake. 

Sobrang sakit na hindi ko kayang makita na nagkakaganito ang taong mahal na mahal ko para sakin.

" Marami akong kilala na magaganda,mayayaman din sila, please, wag si jocel. iba nalang,, Kunin mo nalang ang lahat sakin, wag lang siya.." 

" Rafael." tumingin siya sakin gawi. baon na baon na ang kutsilyo ng kapighatian sakin puso at tumatagos ito hanggang sakin kaluluwa.

"Tama na please." siya naman itong pumikit at umiling sakin sinabi.

" No Jocel, I will fight for you till the end."

Dinaluhan siyang muli nila Nilo at kahit ang mga ito ay hindi maitago ang sakit na nararamdaman para sa sinapit ng kaibigan.

" Let's go man, Hindi ka dapat lumuluhod dahil lamang sa kanya." mariing akong tinuro ni kelvin. nakita ko ang nangangalit nilang anyo sakin at sakin katabi.

" Iwan niyo na ako dito, I will wait for her."

" Dude wag ka nang magpakabaliw pa kay Jocel, hindi ka nga pinili diba, ano pa bang hindi malinaw sayo." naiiritang sabi ni Anton. Natigilan ang kaibigan at napatingin muli sakin.

Dahan dahan itong lumapit sakin. hindi ko magawang makagalaw. si lake ay nanatili sakin likod.

at muli, lumuhod siya sakin harapan at linahad ang singsing.

" Please, choose me." Gusto ko nalang itigil ang aking paghinga ng sambitin niya iyon sakin. Muli akong napahagulhol. 

" I'm sorry Raffy, I'm very very sorry." mariing siyang pumikit at humugot ng malalim na hininga. 

Naramdaman ko ang kamay ni lake sakin beywang at hinigit ako nito palayo sa kanila. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang mga nangyari. Hindi na ako lumingon kay rafael kahit ilang beses niyang tinatawag ang aking pangalan.

I'm sorry. iyon lang ang nasabi ko sa lahat ng mga nangyari at ginawa niya para maipanalo niya ako. pero ako mismo ang naghulog sa kanya sa isang kawalan. at hindi ko alam kung may sasalo sa kanyang pagkahulog sa kabila ng aking mga nagawa.

O kung magiging buo pa kaya siya sa gitna nang pagkawasak nito.

I wish I have the courage to take the risk. But I don't have one. Nawala ang mga naipundar kong tapang para harapin ang sakit at takot.

Hindi ako sumugal sa walang kasiguraduhan bagkus mas pinili ko ang tuwid na daan.

I guess hanggang dito nalang nga ang samin. at sana balang araw, dumating ang panahon pareho na namin limot ang mga sakit.

Pareho namin makita ang tamang dahilan kung bakit hindi kami ang para sa isa't isa at kung bakit para kami sa iba.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

84.1K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
463K 6.8K 55
The job was simple- crash into a wedding and make sure na hindi ito matutuloy. But sadly, Mariana came to the wrong wedding! Dahil doon niya matatagp...
98.3K 2.4K 36
BEAUTIFUL LIARS SERIES #1 BETWEEN LIES >Krezyl Zane (Zyle) Saavedra< Aksidente ang una nilang pagkikita. Zyle introduce the unknown guy, as her...