The One that got away.....

By Theblackwdow

1.8M 34.9K 2.4K

What if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Ar... More

THE ONE THAT GOT AWAY....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Chapter 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Chapter 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
Chapter 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86

CHAPTER 23

18.5K 320 7
By Theblackwdow

"Substance nalang ang iba..."

Hinihiling ko na sana sa mga oras na'to, biglang umulan ng malakas. kumulog, kumidlat, lumindol, lipunin ng delubyo ang buong mundo at kainin ako ng lupa. 

O di kaya ay may isang kotse na nawalan ng preno at dumiretso sakin at bungguin ako. Iniisip ko rin ng mga sandaling ito na may ipo ipong dumating o di kaya ay umulan ng blokeng bloke na yelo at tamaan ako't ibaon nalang ng buhay sa lupa.

Hindi nawawala ang masamang tingin ni rafael samin at walang kaalam alam ang aking kasama sa bagyong sinimulan niyang gawin.

" Fiance huh?" umangat  ang labi ni rafael nung sinabi niya yun. Kalma lang please.. Hindi ko pinaghandaan ang mga sandaling to, at sa  milyong milyong tao sa buong pilipinas, hindi pa kasama ang mga foreighner at mga turista na nagbabakasyon rito, bakit si Rafael? Pano, saan, kelan? 

O kapalaran, ang sarap mong kunyutan. ang galing mong maglaro. nakakapang-init ka ng dugo. kumukulo lahat ng liquid sa buo kung katawan.

" Raffy ito pala yung calling card ko." Pinasada ng mestisang babae ang calling card nito sa dibdib ng BOYFRIEND ko!! shit! nakita ko ang paggalaw ng adams apple ni rafael sa babaeng nakasuot ng paldang sana ginawa nalang panty.

" Thank you Zyra, Ipapahanda ko nalang yung mga papers para sa releasing ng sasakyan, tatawagan kita pagkatapos." Iniwas nito ang mga mata sa babaeng tinawag nitong Zyra. ito siguro ang ligit na anak ni Zuma na daig pa ang Ahas kung kumuyapit sa braso ni Rafael.

" You can call me anytime you want. Pwede rin tayong lumabas." Hindi ito sumagot pero ako ay nanlalaki pa rin ang mga mata.

Hindi kayang panlabanan ng paninibugho sakin damdamin ang paglalandi ng babaeng ito sa harap namin. Mas nananaig ang pangamba sakin puso gayundin ang pag-aalala.

"Mag-iisang linggo na siyang umalis rito. Ang dahilan niya ay nakahanap na daw siya ng ibang trabaho, yung swak sa tinapos niya." nagrecall sakin isipan ang mga sinabi ni Dina.

So dito siya nagtatrabaho. kelan pa? Panu siya nakapasok dito? Pwede naman siyang magtrabaho sa mga kaibigan niya, o di kaya ay bumalik siya sa pagiging instructor. bakit dito pa?

Bakit hindi? Walang masama sa trabaho niya at mas lalong mas magandang trabaho ito? ani ng boses sakin utak.

Ano ba ang kinababahala mo? ang trabaho niya o ang katotohanan ang taong mahal mo ay siniserbisyuhan ang taong mang-aagaw sa kanya sayo? 

Natatakot ka ba na husgahan ang Boyfriend mo dahil sa trabaho niya? O ang katotohanan hindi ito katulad ni lake na may- ari ng kompanyang mayaman pa sa may-ari ng pinagtatrabahuan ng nobyo mo?

Hindi ko alam. ayaw kong mangumpara, pero ayaw ko siyang husgahan. Ayaw kong hatulan siya ng mga taong nakapaligid sakin sa mga bagay na kanyang ginagawa at kaya niyang gawin. Mahal ko siya, at wala siyang pwedeng patunayan sa lahat.

"Mr. Tizon, good to see you here." aniya ng babaeng umaalon ang laki ng tyan. nakasuot ito ng salamin at humalik sakin kasama.

"Wow, is this your Girlfriend." nadako ang mga mata ni lake sakin. Hindi ko alam kung bakit. ang atensyon ko ay nasa lalaking nasa harap namin at nakakahiwa ang mga matang nakatutok sakin.

Tumawa lang si lake at kahit wala itong sinasabing iba ay nag-assume nalang ang babae na girlfriend ako nito.

" Sobrang ganda ha, ang swerte mo." kinurot nito si lake na patuloy lang sa pagtawa.

" Hindi mo ba ako ihahatid?" ani ng anak ni Zuma kay Rafael.

Kitang kita kung pano nag-iigting ang panga niya at nagpeflix ang muscle nito. hindi bumibitiw sa kanyang braso si Zyra pero ang mata niya ay hindi rin bumibitiw sakin.

Pero para akong kinalabit ng kung ano ng hawiin nito ang kamay ni Zyra at lumapit sakin. 

Walang tanong tanong at wala siyang sinisino sino. 

kinuha niya ang isa kung kamay na malaya niyang inabot at hinila ako.

Pero natigil kami ng may humigit din sa isa kong kamay at matalim nitong tinitigan si Rafael.

Swear, gusto ko nalang hiwain ang aking katawan para madala ako nila pareho.

" What are you doing Rafael?" 

"Lake si rafael kasi siya yung.." 

" I'm taking my Girlfriend with you." at hinila ako nito papunta sa kanya. naramdaman ko ang panlalambot ng palad ni lake dahilan para mapabitaw siya sakin.

Nanlalaki ang mga mata ng mga taong nandun.

Ang anak ni Zuma na daig pa ang beauty queen makaemote dahil nakahawak ang mga kamay sa bibig. Ang babaeng umaalon ang bilbil na alam ko ay boss ng boyfriend ko, at si lake na tila binuhusan ng malamig na tubig at pinanlalakihan ng mga mata.

" Rafael please." hinawakan ko ang kanyang braso, sunod sunod ang paghingang ginagawa nito. Nagbabakasakali ako na mapakalma ito sa kabila ng kumusyon nangyayari.

"Huh, what the fuck." malutong ang mura ni lake. nakangisi ito pero hindi matatago ang pagtitimpi nito sa sarling nararamdaman.

Nang magtatangka itong lumapit muli sakin ay tinago ako sa likod ni Rafael.

Tinapik nito ang kamay ni lake . " Stop touching my woman, or I will throw you outside and kick your ass off our sight." matigas nitong sabi.

"Rafael what are you doing?" umeksena na ang babaeng boss nito. hindi ito makapaniwala sa inakto ng empleyado nito sa harap mismo ng kliyente nila.

Nang haharapin nito ang boss ay hinawakan ko siya sa braso muli. pinilit kong humarap sakin at iniangat ko ang kanyang pisngi.

" Please Raffy." hinahaplos ko ang kanyang leeg para bigyan ito ng init. Sandali lang ay unti unting kumalma at nag-iwas ng mga mata. muli itong tumingin kala lake.

" I'm sorry, kinukuha ko lang ang tunay na AKIN." hindi ito bumibitaw nang tingin sa lalaking karibal niya sakin.

"Walang sayo, dahil ang babaeng inaangkin mo ay una nang naging akin."

" Really? since when?" sarkastiko nitong sagot. sinubukan kong pumagitna sa kanila pero hinila niya ako pabalik sa kanyang likod.

Nakita ko ang galit sa mga mata ni lake at alam ko ay unti nalang ay puputok na rin ito sa galit.

" Wala ka pa sa buhay niya ay nangako na siyang maging akin. Kaya wala kang karapatan kay Jocel."

Hindi na napigilan ni rafael ang sarili at tumilapon ang kamao nito sa mukha ni lake.

"Raffy!!" napasigaw ako at naagaw na ang atensyon ng lahat ng tao sa showroom.

Napadapa si lake sa sahig at tila hirap ang katawan nito na maitayo dahil sa pagsuntok ni rafael sa kanya.

Nang magtatangka pa itong lumapit ay agad na akong kumilos. pumagitna ako at pinigilan ko siya gamit ng pagkayap rito.

"Raffy please stop it. please." hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa kanya.

" Tandaan mo to Gago!! Kapag malaman laman kong ginugulo mo ang SYOTA ko, hindi lang suntok ang aabutin mo."  agad itong tumalikod at hinila ako. sinubukan kong lingunin si lake na inis na hinawi ang mga kamay na dumadamay sa kanya.

Samin nakatuon ang lahat ng mga mata. halos makaladkad na ako dahil sa ginagawang paghila ni rafael.

"Arrgghh!!" sinipa nito ang gulong ng sasakyan ng mahinto kami sa parking.

tigalgal lang ako sa gilid at hinahayaan ko lang siya na magwala. natatakot ako. 

sa mga nangyari? kay lake? kay rafael, sa trabaho nito.

at ako, ako ang sumira ng lahat ng yun. kung sana'y nanahimik nalang ako eh di sana ay maganang nagtatrabaho ito ngayon. pero ginulo ko na naman ang kanyang buhay.

Katulad ng ginawa ko sa una nitong trabaho. Ang una nitong minahal gawin bago niya ako nakilala.

Ang hirap din pala ng ganito. Napakahirap lalo pa't pakiramdam ko ay sinisira ko ang buo niyang pagkatao. Sinasaktan ko ang mga taong nagmamahal sa kanya, at iniiwan niya ang dati niyang buhay.

Umiiyak akong napaupo sa tapat ng kanyang sasakyan. Mas nasasaktan ako para sa kanya lalo pa't ako ang dahilan ng lahat ng ito.

"Hush babe, stop crying. I'm sorry, nadala lang ako." sinakop nang kanyang palad ang aking mukha. hinawakan niya ako sa braso at inalalayan makatayo.

Umiling ako. bakit siya nagsosorry. Wala siyang kasalanan. Sakin lahat ang sisi. hagulhol akong napayakap sa kanya na ginantihan naman nito. naramdaman ko ang halik nito sakin buhok at ang masuyong paghaplos nito sakin likod.

" I'm sorry, hindi na sana ako sumama sa kanya." ani ko habang umiiyak.

" No it wasn't your fault. It was mine. sorry, nagpadalos dalos ako. tinakot ba kita." 

Umiling akong muli. Why will I scare for him. His eveything that I want.

"Let's get out of here." aniya at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan.

hindi pa niya naayos ang kanyang seatbelt at siniil na niya ako ng halik.

"God I miss you." pinunasan niya ang aking mga luha.

Agad niyang pinalipad ang sasakyan paalis ng lugar na iyon.

Sa ngayon, nawala ang pag-aalala ko sa kanya sa mga bagay na iniisip ko kanina. Pero sa tuwing naiisip ko ang ginawa nito kay lake, inaalala ko naman ang kanyang trabaho.

Aminin na natin, hindi maganda ang kanyang ginawa sa harap ng boss niya. Kliyente nila ang inupakan nito at makapangyarihan tao ang pamilya ni lake.

Pero masisisi ko ba siya. Kung ako nga ay kumukulo na ang dugo sakin mga ugat habang nakakapit ng mahigpit ang Zyrang iyon sa brasong sakin lang dapat.

Wala talagang magandang naidudulot sa kapwa ang labis na selos. But what will we do. We are selfish with each other. ayaw namin ng may kahati o di kaya ay may kaagaw sa bawat isa.

I guess this is why Love is so stupid. You are making things crazy. You choose to hurt others even if you didn't mean it. You are going beyond boundaries and break the rules.

Sabihin niyo mabuti pa rin ba ito? healthy pa rin ba samin ang mga nangyayaring ito?

Na kahit alam namin may mali, pinipilit pa rin maging tama.

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay sakin at nilagay iyon sa kanyang labi.

" I'm sorry dahil nagselos ako ng sobra sobra. hindi ko lang maiwasan na di makaramdam ng ganun lalo pa't ikaw ang hinahawakan niya."

"It's okay. I understand. The feeling is mutual, nagseselos din ako sa Zyrang yun, tapon muna yung calling card nun." napangiti ito pero ang mga mata ay nasa daan. maingat siyang nagdadrive. hindi ko alam kung san kami pupunta. basta nagdadrive lang siya. kung san kami mahinto eh don na.

" Minsan mas gusto kong nagseselos ka at naggagalaiti ka sa galit dahil sakin. Because I know for sure how much you love me that you cannot share me to anyone or anybody. I like the way how you hold my chain and be proud of me."

"Nagseselos ako Oo sa lahat ng mga taong nakapaligid sayo. Sa mga taong nagbibigay ng ngiti at saya sayo, sa mga taong handang magbigay ng higit na pagmamahal kesa sakin, Yes I am selfish and possessive. I love you at takot akong makita kang maging masaya at makalimutan mo kung pano ka rin naging masaya sakin."

Napaawang ang kanyang bibig sakin tinuran. I know na napakacynical nang paniniwala kong yun at ito ang ramification ng lahat. Sabihin man nila na lunacy o mali ang lahat, pero iyon ang paraan ng pagmamahal ko sa kanya.

Umibis ang sasakyan niya sa isang parke. Walang masyadong tao sa lugar. ang liwanag na nanggagaling sa buwan ang nasisilayan namin. May ilang mga bituin kumikinang at kitang kita ang malaking halo sa pumapalibot sa buwan.

Ang hangin sumasalubong samin ay hindi ganun kalamig. Hindi rin ganun kainit. Mga boses na nanggagaling sa mga kulisap at mga insekto sa mga puno ang nagiging musika ng paligid.

Sumasayaw ang dahon sa mga puno sa bawat pagdampi at pagtambay ng hangin sa kanila.

May ilang mga taong nakatambay sa parke. ang ilan ay magkakapareha at katulad nami'y naghahanap ng pagkakataon mapag-isa ang bawat isa.

May mga batang nagtatakbuhan at naglalaro ng tagu taguan. ilang nagtitinda ng balot at pinoy sa daan at nag-aalok sa bawat taong madaraanan.

Isa lamang kami sa mga taong matuturing na normal sa gabing ito. Marahil ay walang nakakakilala samin kung sino sino kami. Kabilang kami sa sebelisasyon may pantay pantay na pagtrato sa iba. at siguro, ito ang tamang oras, lugar para pagtuunan namin ng pansin ang bawat isa.

I want to ask him everything. kung bakit at panu siya napunta sa bago nitong trabaho. alam kong hindi na iyon mahalaga, pero nababagabag ako ng kung anong konsensya sakin sarili.

Ayokong mawala ang trabaho niya nang dahil lamang sa ginawa niya kay lake. Hindi ko man nakita ang lahat, pero alam kong pinaghirapan niyang makuha iyon.

bakit niya ba ginagawa ito? hindi ko naman hiniling na iwan niya ang lahat ng sa kanya para sakin.

Sapat nang alam kong mahal niya ako at kaya niya akong ipaglaban. The rest, mga substance nalang. mga bagay na pwede naman namin makuha nang nagmamahalan.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 27.7K 68
#1 IN FICTION #54 IN ROMANCE Thank you all!!! ~~~~~~~~~~ "If love were only feelings, then, there's no such thing as lasting..." "Marrying you is th...
467K 7K 40
This story may be close to a perfect life. This story would expect you to have a happy ending. K. WRONG! Kung sa FAIRYTALE palaging may WITCH, sa REL...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1.7M 35.8K 34
Picture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng...