The One that got away.....

By Theblackwdow

1.8M 34.9K 2.4K

What if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Ar... More

THE ONE THAT GOT AWAY....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Chapter 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Chapter 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
Chapter 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86

CHAPTER 7

24.4K 457 7
By Theblackwdow

 "Her Heartbreak.."

Hindi na ako nakatulog pagkauwi ko ng bahay. Halos hindi mawala sakin sistema ang mukha at anyo ni rafael.

umiikot ang larawan nito sakin isipan kapag pinipikit ko ang aking mga mata.

Diyos ko,

ano ba itong nangyayari sakin?

kahit kasama ko buong gabi si Lake at hawak nito ang aking kamay, nararamdaman ko pa rin ang simpleng pagkiliti ni rafael sakin mga daliri.

tumagilid ako ng higa at yinakap ang aking unan.

pumikit muli pero katulad ng kanina, si rafael ang aking nakikita.

pakiramdam ko rin ay nawawalan ako ng laman loob sakin tyan.

wala ang aking mga instestines, ang aking atay. parang kinain sila ng mga kulisap na namamahay don.

Umilaw ang aking cellphone at tamad kong kinuha iyon.

Unknown # ang nakaregister.

binuksan ko iyon at kusang tumalbog ang aking puso ng mabasa ko ang laman ng text message.

" I can't sleep. I'm thinking of you Jocel. What did you do to me?" 

natutop ko ang aking bibig dahil ayaw kong tumili ng madaling araw.

pero hindi ko kayang pigilan ang mga paro paro na nabulahaw sakin katauhan.

tumaob ako at diniin ko ang aking sarili sa unan.

"AHHHHH!!" kinakagat kagat ko pa ang aking labi.

Shemay!!

kahit hindi ko alam ang nagmamay-ari ng # na yun, I'm sure sa kanya yun.

kay Monteverde.

Kay Rafael Monteverde!!

tumunog muli ang Cellphone ko.

Dali dali akong nag-ayos ng upo at nilagay ko sakin hita ang unan.

" Wag kang tumili, kahit di kita nakikita, alam ko tumitili ka, nakikita ko rin na namumula ang pisngi mo habang binabasa ang text na'to. na halos kalampagin mo ang iyong kwarto dahil pinipigilan mo ang iyong sarili.. I think I like you jocel.. again, what did you do to me?" hinampas ko ang unan sakin ulo at nagtalon talon sa ibabaw ng aking kama.

Shemay ka jocel!!

nakikisabay ako sa bawat pagtalon at paglipad ng mga demonyo sakin tyan.

This is it!!

Gustong gusto ko nga siya....

Umupo akong muli at inabot ang aking cellphone.

Nagtype ako ng marereply sa kanya,

Kagat ko ang aking labi..

" Hindi rin ako makatulog, naiisip rin kita.." binura ko ang message na yun. masyadong obvious. hindi ba ako dapat mag-inarte muna...

nagtype uli ako..

"Matulog kana monteverde, good night.." binura ko ulit. wala man lang akong response sa sinabi nito, baka isipin ng damuhong ito na snob ako.

ngumuso ako at bahagyang nag-isip.

" Panu mo nalaman ang number ko..' backspace uli.. malamang kay Anna.. at ako rin ang sumagot sa tanong ko sa kanya.

Nag-isip akong muli.. hindi na ako mapakali habang hawak hawak ko ang aking cellphone.. eh kung tawagan ko nalang kaya?

Hindi pwede.. ano to ako ang magfifirst move sa kanya. swerte nya..

at muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone ng magvibrate ito at rumihistro ang numerong gamit ni rafael sa caller ID.

tumitirik ang aking mga mata habang nagtatalon talon muli sa ibabaw ng aking kama.

"Oh me ged!!! tumatawag siya!!"

umabot siguro ng ilang minuto akong naghehesterical sa pagtatalon. nang silipin ko ang cellphone ko'y wala na ang tawag ni Rafael.

tumunog itong muli..isang text message.

" Ang daya mo, nakatulog kana...samantalang ako iniisip pa kita... Sige na nga, di na kita kukulitin. Good night.. sana mapanagipan mo ako kagaya ng pagpapanaginip ko sayo." sumunod ay isang emoticon na puso.

Hindi ko alam kong maiinis ako o anu sakin sarili.

hindi ko man lang nasagot yung tawag. 

tapos matutulog na siya pero wala pa rin akong reply.

dali dali kong denial ang number ni rafael. 

"And if you want love

We'll make it

Swim in a deep sea

Of blankets

Take all your big plans

And break 'em

This is bound to be a while"

nilalaro ng aking daliri ang aking labi. lumalakas rin ang dagundong ng aking puso.

Sagutin muna dali!!

"Your body Is a wonderland

Your body is a wonder (I'll use my hands)

Your body Is a wonderland"

Natigil ang tugtog ng ringback, kasunod ng pagtigil rin ng pintig ng aking puso.

kinalimutan ko ang lahat ng parte ng katawan merun ako..

ang sense of smell, sense of touch, at kung ano  anu pang senses na yan ay tila nawala..

nililipad ang aking kaluluwa ng mga paru-paro sakin tyan..

"Hello sino to?" 

tila nabitawan ako ng mga nilalang na nagpapalipad sakin at lumagapak ako sa lupa't naghiwa hiwalay ang parte ng aking katawan.

Hindi ako sumagot at hinayaang ko lang magsalita ang babae sa kabilang linya.

" Honey may tumatawag sa phone mo?" 

"Sino?" confirmed.

boses nga ni rafael yun.

" Walang pangalan na nakalagay eh." sandaling nawala ang mga tinig.

hindi ako nagsasalita.

ayokong magsalita. dahil sa oras na bumuka ang aking bibig, hahalahaw ang bigong damdamin sakin mga salita.

" Hello.." husky ang boses niya..

again. hindi ako nagsalita..

Ang sakit..

Ang sakit sakit...

Ang sayang naramdaman ko kanina lamang ay napalitan ng ganito kasakit na pakiramdam.

Hinihiwa ang bawat ugat ng aking puso..

Wala na rin ang mabilis na pagtibok nito.

Ang mga kulisap ay tila sinabuyan ng pesticide at nagsimatayan na rin.

"Honey mamaya na yan, matulog na tayo.." I heared him moaned..

tinutop ko ang aking bibig at pigil ang mga luha sakin mga mata.

Shit!!

ba't ako naiiyak..

agad agad kong pinindot ang end button at nagmamadaling sumampa ng aking kama.

"Bakit!!! bakit!!!" binaon ko ang aking ulo at pinaghahampas ang aking kamay sa unan.

pakiramdam ko niloko ako..

niloko ako ng lalaking yun..

nawala ang lahat ng pwedeng mawala dahil umasa ako..

umasa ako na hindi siya katulad ng ibang lalaki..

Pare pareho lang talaga silang lahat..

They will play with your emotion just like they played others.

ang kaninang tili ay napalitan ng hagulhol..

peste ka Monteverde!!

maputulan ka sana!!!

//~//

Nagpalit agad ako ng sim card pagkatapos ng insidenteng iyon. 

Ayoko nang isipin pa ang lahat.

I avoid everything na makapagpapaalala sakin ng lahat ng tungkol sa kanya.

at hindi ko alam, dahil unang una, hindi naman naging kami..

pinipilit ko ang aking sarili na mag move on pero di naman naging kami.

ang weird diba..

May mga bagay na mas masakit maramdaman ng walang sugat o dugong dumadanak.

pakiramdam na mahirap pawiin at paulit ulit na bumabalik sayong serkulasyon.

Oo umasa ako,.

Umasa ako sa kakarampot na pagpaparamdam sakin ni rafael sa isang gabi.

Isang gabing nagpalimot sakin kung ganu siya kasama at ganu siya kahayok na tao.

Isang gabi na akala ko magbubunga ng magandang bukas..

pero mali rin pala ako..

kung ano ang mga naisip ko ng una'y iyon si rafael.

nadala niya ako sa kanyang mga ngiti at nakakatunaw na titig.

at ako naman itong si tanga, nagpatangay naman.

Tsk..

There all the same..

Lahat sila..

nakaramdam ako ng sakit na hindi naman dapat. nakaramdam ako ng poot na wala naman sa lugar, nang paninibugho at nadamay pati lahat ng lalaki sa mundo.

Hindi na rin naman nagpursige sakin si lake dahil pagkatapos ng graduation namin ay lumipad ito ng brunei para don mag-aral at pamahalaan din ang kanilang negosyo.

Merun pa naman kami kumunikasyon. at hindi yun naputol..

may mga times na nagpaparamdam siya ng kanyang damdamin, pero ewan ko ba sa sarili ko.

Hindi ko maramdaman ang pagbuhay ng kulisap sakin katauhan.

Siguro naubos na ang kanilang mga lahi at wala nang natira simula ng kamuhian ko si rafael.

That devil..

Lumipas ang ilang araw.

buwan.

taon.. 

Hindi na ulit kami nagkita ni rafael.

Naging busy ako sa pag-aaral sa college. Naging myembro ng iba't ibat organisasyon at naging leader ng Sorority group.

Mas lalo akong naging malakas.

naging matapang sa harap ng mga tao..

kinatatakutan..

Anna and I are still friends.

walang nagbago don liban sa mas naging matibay ang naging relasyon namin sa isa't-isa.

hanggang sa nagbago ang buhay nito dahil sa isang gabi ng pagkakamali na hindi namin akalain na magbubunga ng buhay sa kanyang katauhan.

" Jocel anong gagawin ko? mas lalong magagalit sakin si papa? pati si tricia.. itatakwil nila ako.." hagulhol na ang boses nito.

Nabuntis si Anna,.

at dahil yun sa kanyang obsession sa lalaking iniwan ng kanyang kapatid.

nagsamantala siya ng pagkakataon at binalikan siya ng karmang hindi niya kayang takasan.

at ngayon buntis siya at hindi niya alam ang kanyang gagawin.

"tulungan mo ako jocel,please.."

" Anna you have to face the consequences, sana nung pinaplano mo yan, naisip mo ang posibilidad na maaring mabuntis ka.."

" I know, I know, kaya nga nagsisisi na ako diba.."

" You have to raise the kid no matter what happen." madiing kung sabi. umiling ito na nagpakunot ng aking noo.

" I need to abort the baby, alam mo ang dahilan ko jocel." nalaglag ang aking panga sa kanyang sinabi.

Jesus Christ!!

Anong kagagahan na naman ang umiikot sa ulo nito.

Isang pagkakamali na dudugtungan na naman ng panibagong pagkakamali!!

"No Anna!! matakot ka sa Diyos!!

Humahagulhol itong napayakap sakin,.

"Jocel what will I do?" hinaplos ko ang kanyang likod.

Hindi ko rin alam..

Ang alam ko ay malaking kasalanan ang gagawin niya kapag pinalaglag niya ang sanggol.

This will not solve her problem.

She need's to face it..

Wala siyang makikitang solusyon sa kanyang mga naiisip.

dahan dahan ko siyang pinaupo sa bakanteng upuan.

hinaplos ang likod at nagbabakasakaling mabawasan ang bigat na nararamdaman nito.

" Malapit na ang graduation, masayang masaya sila papa dahil Magna Cum Laude ako, ngayon ko palang naeearn ang kanilang trust. pero lahat ng yun mawawala agad dahil sa ginawa ko."

She looked unfazed..

" Kailangan mong ipaalam yan kay Cyrus. Kailangan ka niyang panagutan." sunod sunod muli ang kanyang pag-iling,.

alam kong sarado ang kanyang isip sa kung anong suhestyon ang sasabihin ko sa kanya. pero kailangan kong iparealize sa kanya ang mga bagay na dapat niyang gawin at hindi patulan ang mga pagkakamaling maari nitong gawin.

"alam mong walang lihim na di lumalabas. After 2 months or so malalaman at malalaman ng pamilya mo ang nangyari sayo."

"Kaya please.." hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay." The kid deserved a life..wag mong ipagkait sa kanila kung ganu kasarap mabuhay."

pinunasan nito ang naluluhang mga mata.

" Kung hindi ka nila tanggapin nandito pa rin ako. Nandito lang ako Anna. Kung hindi mo matanggap ang mga bata, ibigay mo sakin.." hindi pa ako nagiging ina pero kung yun lang ang paraan para maligtas siya sa kanyang kahibangan gagawin niya, mabuti.

Walang kasalanan ang bata sa kanyang sinapupunan.

Biktima lang sila ng isang pagkakamali na hindi dapat solusyunan ng pagkakamali.

Walang dapat sisihin sa mga nangyari. kung merun man ay matuto nalang sana silang tanggapin.

I'm sure Anna's Family will understand her. pamilya sila. at ang pamilya, kahit anong pagkakamali ng bawat parte nito ay pipilitin intindihin at unawain. susuportahan at aalagaan.

Ramdam ko ang takot sa kanyang mga mata. 

yung takot na hindi pa nangyayari ang isang bagay ay pinapangunahan na siya nito.

"I'll help you no matter what happen. we're bestfriends right." tumango ito habang umiiyak pa rin.

Alam ko kailangan niya lang malinawagan sa mga nangyari.

matalino siyang tao at hindi siya gagawa ng anumang hakbang na ikasisira ng kanyang buhay.

Simula nun, kasama niya ako sa pag-aasikaso sa kanyang pagbubuntis.

I even helped her to find good doctor for her. kahit sa mga check up sinasamahan ko siya.

Sa mga oras na'to.. ako lang ang pwedeng maging karamay ni Anna.

Nang hindi siya hinuhusgahan sa kanyang kamalian.

Alam kong mali ang lumandi ka sa isang lalaking may karelasyon iba, pero anong magagawa mo..

mahal na mahal niya yun.

At kapag nagmamahal ang tao, hindi mahalaga kung ano ang pagkakaiba ng tama at mali,.

Dahil kahit hindi tama ang isang bagay, kung ito ang makapagbibigay sayo ng kasagutan sayong nararamdaman, gagawin mo.

Hindi ka magpapakaplaying safe para hindi ka masaktan.

 kahit na maghintay ka nang matagal, susugal at susugal ka..

hanggang sa hindi mo namalayan sumusugal ka na pala at ginagawa mo na pala ang di tama.

Sa mundong ito, nalaman ko na hindi lang pala matatanggap ang sakit sa mga pasa at sugat na matatanggap ng yung katawan.

mas masakit damahin ang sugat na walang dumadanak na dugo.

Ang sugat sayong puso..

Ang sugat sayong buhay..

Ganito ba dapat kung magmahal?

kapalit ng kunting kasiyahan ay tila walang hanggang naman sakit.

Now I understand kung bakit maraming tao ang nababaliw sa pag-ibig.

Dahil minsan, naging tanga ako at umasa sa isang lalaking katulad rin ng iba..

Napawi ang mga maling impression ko sa kanya ng makaramdam ako ng mga paghuhuramentado ng mga kulisap sakin tyan,.

napawi ang damdamin ko na para sana sa iba at nabaling sa kanya.

Alam ko may mali, dahil unang una, wala ako sa lugar na umasa.

Only those stupid sweet words that he said to me through text ang nagpakilig sakin.

pero mali nga ba ang ginawa ko?

mali nga bang kahit minsan, maramdaman mo ang isang bagay na masarap?

Continue Reading

You'll Also Like

405K 4.3K 55
Si Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang...
1.7M 35.8K 34
Picture this. Nagsusukat ka lang ng wedding gown sa isang sikat na boutique. Suot mo pa ang gown habang nakatingin sa malaking salamin sa harap mo ng...
1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
36.6K 1.3K 9
Book 3 of My Aloof Husband