Remembering Summer (Summer Se...

By RJPM18

172K 5.3K 465

Faith Samantha Santiago still remembers everything. Mula nung unang beses na tumibok ang kanyang puso, hangga... More

Remembering Summer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue

Chapter 60

3.7K 112 12
By RJPM18

This is the last chapter. The next story is Wicked.

--

Chapter 60

"A-are you serious, Dad?"

Tumungo-tungo sya sa akin. "Gusto kong pagisipan mo ito ng mabuti, Grant. Sayo namin ibibigay ang desisyon." Sabi nya sa akin.

Lumunok ako nang maramdaman na naman ang walang tigil kong luha.

"If you say yes, we'll tell Doctor Sebastian to do the operation right away." Sabi nya.

Para akong nalunod na sa ideya na may pagasa pa. Pero sa tuwing iniisip ko kung annu ang magiging kapalit ng lahat ng ito ay hindi ko maiwasang kabahan. Isang beses lang pwedeng gawin ang operasyon at maaaring tumigil ang tibok ng puso nya habang ginagawa ito. Maliit lang ang posibilidad na mabuhay sya. Sobrang liit lang. God, I don't know what to do.

"Kung sakali, ito ang unang beses na magpapaopera sya." Sabi ni Pastor David sa akin ng sinamahan nya akong magbantay dito kay Faith.

Nilingon ko sya.

"Nung bata pa si Faith, hindi pa sya pwedeng operahan. Bukod sa mahina ang puso nya. Mahina din ang katawan nya. Isa pa, ayaw din nya."

Hindi ako sumagot at ngumiti lang. Bumuntong-hininga sya.

"Malapit si Faith sa mga Doctor at Nurses dito. Kadalasan kasi, dito na sya nag ce-celebrate ng birthday nya."

"It must be really hard." Bulong ko.

Tumungo-tungo sya sa akin. Namumura ang mga mata nya at nagpipigil ng luha.

"I-ilang beses nya akong iniiyakan noon dahil palaging masakit ang dibdib nya. The Doctors even told her na hanggang 18 years old nalang sya. But despite of that, tinanggap nyang lahat 'yun. I know, nung mga panahong 'yun, gusto na din nyang bumitaw. Kumakapit lang sya dahil sakin. Ayaw nya akong iwanan."

Sumakit ang puso ko ng marinig ang ipit ng iyak ni Pastor David.

"H-handa na syang sumuko pero nakilala ka nya. Minahal ka nya kaya sya lumalaban. Kung hindi dahil sayo, b-baka wala na sya ngayon." Umiiyak na sabi nya.

Bumigat ang pakiramdam ko ng dahil doon. Pinagmasdan ko lang ang umiiyak na si Pastor David.

"She sacrifice a lot. She deserves to be happy." Aniya

Hindi ko alam kung anung nararamdaman ko ngayon. Halo-halo na ang nararamdaman ko at ang gulo-gulo na rin ng isip ko. Gusto ko nalang sisihin ang sarili ko. Sana pala hindi ako nagsayang ng oras. Sana pala pinahalagahan ko ang bawat oras. Sana..

"Faith won't be happy if she saw you crying like that." Sabi ko at hinagod ang likuran nya para patahanin.

Naawa ako sa pagtungo ni Pastor David at pagpahid ng luha sa mga mata nya. Pigil ang iyak ko. He's getting old. Matanda na sya at kailangan din nya si Faith. Every one of us needs her. Kailangan nya pang mabuhay.

Pinauwi na muna nila Williard si Pastor David para makapagpahinga. Naiwan ako sa loob ng kwarto ni Faith. Lumakas ang tibok ng puso ko ng tignan ko sya. Lumunok ako at umupo sa upuan matapos hawakan ang kamay nya. Anu kayang nararamdaman nya ngayon? Until now, she's still sleeping. Anu kayang nasa panaginip nya? Is it a good place? Or is it a complete darkness? I don't know. She's afraid of a dark. Sana maganda ang panaginip nya.

Lumunok ako at maingay na hinalikan ang kamay nya. Tinitigan ko 'yung mabuti. Halos mamaga na ito sa mga tusok ng karayom. Oh God, this is too much! Sobra-sobra na ang paghihirap nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingala para pigilan ang luha ko pero hindi 'yun nakatulong. Tuluyang bumagsak ito galing sa mga mata ko.

"B-baby. Hirap ka na ba?" tanung ko sa kanya. Dinilaan ko ang labi ko at pumikit ng mariin. "G-gusto mo na ba talagang magpahinga?" Pinunasan ko ang pisnge kong puno ng luha at muling hinalikan ang kamay nya. "Matagal ka ng lumalaban and you did w-well." Nanginginig na sabi ko.

Pinagmasdan ko ang mga luha kong nagsisibagsakan sa kamay nyang hawak-hawak ko. Dahan-dahan kong inangat ang kamay nya at maingat 'yung hinalikan.

"Baby, please don't give up yet, we still have a chance. You said you'll stay with me. H-hindi kita susukuan." Sabi ko at tumungo sa kama nya.

Nung gabing 'yun ay iniyak ko ng lahat pero para bang hindi parin nauubos ang mga luha ko. Sobrang sakit at sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Para akong sasabog sa sakit. Para akong mamamatay na sa sakit. Pakiramdam ko, wala ng mas sasakit pa dito. Wala na.

"Happy 23rd Birthday Eden Kate Xavier!" Umalingawngaw ang boses ni Promise ng pumasok ako sa loob ng kwarto ni Faith. Nagdecide na din kasi sila na dito nalang i-celebrate 'yung birthday ni Kate. They don't want to go anywhere without Faith.. so..

"Thank you! Thank you!" Malakas ang tawa ni Kate. Binati sya ng mga pinsan namin. Tinapik ni Kuya ang balikat ko habang karga-karga ang anak nyang si Zeus.

"Kuya, you look gay." Bulong ko.

Tumaas ang kilay nya sa akin. Mukhang gusto nya akong sapakin pero umalis na kaagad ako sa tabi nya. Dumiretsyo ako kay Faith at hinalikan sya sa pisnge.

"Bawal tayo maginom ngayon eh! So, kumain nalang tayong lahat!" Sabi ni Thunder at nilabas 'yung mga binali nilang pizza sa Yellow Cab.

"Kulang 'to! San 'yung mga pastas?" tanung ni Prom.

"Inaakyat pa ni Fifth. 'Yung sa Sbarro 'yung binili namin. Favorite ni Ate Faith." Sabi ni Juan Paolo.

Tumigil ako at tumingin sa paligid. Totoong puro paborito nga ni Faith ang binili nila.

Maya-maya pa ay bumukas na rin ang pintuan. Pumasok si Fifth doon dala-dala ang iba pang pagkain. Nagsaya silang lahat. Ngumingiti din ako at nakikipagbiruan pero sandaling tumitigil din ako at bumabalik ng tingin kay Faith. Hindi ko kayang maging masaya ng lumusan. If only Faith's awake, maybe I can.

Inubos ko lang ang oras ko sa pagtitig sa kanya. Pinapanuod ko ang pagtulog nya at hindi ako napapagod. Hawak ko ang kamay nya at hindi ko 'yung binibitawan. I feel sorry for my cousins because I can't be happy like them. But, I know, they can understand me.

"Grant."Nilingon ko si Mommy ng tawagin nya ang pangalan ko. Matipid na ngiti ang binigay nya sakin bago tinapik ang balikat ko.

"Kumain ka na."

"Mamaya na po Mom, hindi pa naman ako nagugutom."

"Hindi ka pa gutom? Ni, hindi pa nga kita nakikitang kumain." Sabi nya

Umiling ako. "Later, mom."

"You got thinner. Pinabayaan mo na ang katawan mo." Puna nya at tumabi sa akin.

"I doesn't matter Mom. I can gym again." Sabi ko.

Sandali syang hindi sumagot. Gabing-gabi na at pinauwi na din ang mga pinsan ko. Naiwan ako dito sa ospital ng dumating si Mommy para maglinis ng mga naiwan nilang kalat.

"Can I see the ring?" tanung nya at ninguso ang singsing na nilaro ko sa mga daliri ko. Tumungo-tungo ako at inabot 'yun sa kanya.

"This is beautiful." Napansin ko ang pagkabasag ng kanyang boses. Hindi ako sumagot. Diretsyo lang ang tingin ko sa kawalan.

"Sigurado akong babagay ito kay Faith." Dugtong nya.

Tumulo ang luha sa mga mata ko ng dahil doon. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at tinignan ako.

"Y-yeah."

"Have you ask her?"

"Yes, but she rejected me. T-twice." Nagpunas ako ng luha.

Tumigil si Mommy at pinagmasdan ako.

"I am sorry, son. I know you're in pain right now."

Tumungo ako. "Y-yes, I am in pain. I feel like my whole body is aching. E-every bit of my body is aching."

"Sorry. Sorry." Paulit-ulit nyang sabi sa akin.

"I a-am making this hard for her?" tanung ko habang nakatitig ako kay Faith.

"Anak.."

"W-what if.. What if she want to let go already?"

"Are you giving up?"

Umiling ako. "I never thought of that.."

"You two made this far, why not fight until the end?" Sabi nya.

Tinignan ko si Mommy ng dahil doon.

"Marami na kayong pinagdaanan ni Faith. Madami nang humadlang sa inyo at isa na kami doon. Ilang beses na kayong naghiwalay. Ilang beses na ninyong piniling humiwalay sa isa't-isa. Marami na kayong sinakripisyo. Ngayon pa ba kayo susuko? Ito nalang ang pagsubok na dapat ninyong lagpasan. Son, you need to fight for her. Ngayon ka mas kailangan ni Faith."

Nagsibagsakan ang luha ko at tinignan din si Mommy na umiiyak.

"H-hindi pa ako nakakahingi nang tawad sa mga nagawa kong pagkakamali. I was wrong! Son. Patawarin mo ako. I may not say this more often to you but, I want you to know that I love you and I am so proud of you. I am so proud of you, Grant."

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagiyak. Humagulgol ako sa harap ni Mommy. This is the first time na sinabi nya 'yun sa akin. Ito rin ang unang beses na narinig kong pinagmamalaki nya ako. All my life, hindi ko naman talaga naramdaman na nasa tabi ko sina Mommy and Daddy they're always out because of business. Si Promise Ann na bunso namin ang nagsisilbing nanay namin dahil babae sya at mabunganga. But the truth is, hindi ko naman talaga naramdaman si Dad and Mom sa buhay ko. And I feel like, ito nag unang beses na naramdaman ko ulit ang yakap ni mommy ni akin. It feels so warm and comforting.

Kinabukasan ay nagdesisyon narin ako. Sinama ko si Dillon sa opisina ni Dr. Sebastian para sabihin sa kanya ang gusto kong mangyari. Faith will undergo operation. Kahit na anung mangyari ay hindi ko sya susukuan hanggang sa huli. Ako ang lalaban para sa aming dalawa.

"Are you sure about this?" nilingon ko si Dillon nang tanungin 'yun.

"I am sure." Matapang kong sabi.

"What if-"

"She's going to live. Hindi sya mamamatay, Dill." Inunahan ko na sya.

Hindi sya sumagot at tinignan lang din ang nakahigang si Faith.

"Sa gitna ng operasyon, kung hindi nya kayanin alam mo naman siguro ang mangyayari hindi ba?" Sabi nya.

Lumunok ako. "I know. Pero nangako syang lalaban sya para sa aming dalawa at pinanghahawakan ko ang pangakong 'yun."

"Grant.."

Nilingon ko sya. "Dill, mabubuhay si Faith. I believe in her. Naniniwala ako sa kanya. She's just sick. She's a tough girl. She been through a lot at nalampasan nyang lahat 'yun. This is the last one, Dillon. This operation is the last painful part and after this, we'll be happy again.." Sabi ko.

"Damn it!" Paulit-ulit ang mura ni Dillon sa kawalan.

"W-why? Damn it! Grant! Bakit hindi ka nalang sumuko? Bakit.. Damn it!" sinipa nya ang upuan na nasa gilid namin.

Ngumisi ako.

"Alam mo ba kung anung nararamdaman ko ngayon? I am so damn afraid. Natatakot ako Dillon. Naraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Panu kung hindi na sya gumising? Panu kong huminto na ang tibok ng puso nya? Paanu kong maiwan akong mag-isa? H-hindi ko magawang matulog. B-binabangungot ako. N-natatakot ako sa pwedeng mangyari. N-natatakot ako na baka paggising ko wala na sya. Simula nang minahal ko si Faith, palagi nang may takot dito sa puso ko. Hindi naman ako dating ganito hindi ba? Wala naman talaga akong kinatatakutan. Ngayon lang talaga ako natakot ng ganito. Takot ako. Takot na takot na baka mawala sya sa akin. Pero nangako sya, 'yun ang pinaghahawakan ko. Hindi sya susuko at babalik sya sa akin Dill. Babalik sya." Sabi ko.

"You're so brave, bro. Palagi kong iniisip, kung ako ang nasa katayuan mo ngayon, anu kayang gagawin ko?" Ngumisi sya. "Paanu kong ako ikaw? Kaya ko rin kayang gawin lahat ng sakripisyong ginawa mo para sa inyo ni Faith?"

"She's worth everything Dillon. She's worth it." Sabi ko.

Bukas gagawin ang operasyon ni Faith. Hindi ako umalis sa tabi nya buong araw. Pang-isang linggo na syang natutulog ngayon at mas lalo syang humihina sa paglipas ng araw. Hinahanda ko naman ang sarili ko. Nangako ako sa kanya na ako ang magiging lakas nya, na kung hindi na nya kayang lumaban, ako ang lalaban para sa aming dalawa. At gagawin ko 'yun ngayon.

"Baby." Bulong ko at hinalikan ang pisnge nya.

"Bukas, ooperahan na nila 'yung nakabara sa puso mo. All you need to do is to fight. K-kahit na anung mangyari, dapat, hindi ka bibitaw. P-please, Faith. I still remember what you've said. I still remember everything. 'yung pangako mong babalikan mo ako kahit na anung mangyari. 'Yung pangako mong hindi mo ako iiwan. Panghahawakan ko 'yun. May pag-asa pa hindi ba? There's still a chance. Naniniwala ako. H-hindi kita susukuan hanggang sa huli." Sabi ko.

Paulit-ulit ko syang kinausap nang gabing 'yun. Walang tigil. Wala ng puwang para sa akin ang matulog. Buong gabi lang akong nakatingin at nakatitig sa kanya. Pinapanuod ko lang ang pagtulog nya. I want to be remember every details of her. Her long hair, her pale skin, her eyes, her nose, her lips, her warm hands. Lahat-lahat sa kanya. She's damn beautiful. So beautiful that I can't help but to stare at her. I feel like I can stare at her forever. I love her. I love her so damn much. God, I really really love her. Parang hindi na matatapos ang pagmamahal ko sa kanya. Parang wala na 'tong katapusan. Hindi na ito matatapos. Kahit na mawala man ako ngayon, o kung mawala man sya. Sa kabilang buhay, mamahalin ko parin sya. O kung mabuhay man kami sa magkaibang panahon at oras mamahalin ko parin sya. O kung hindi man nya ako maalala, o kung may iba man syang mahalin, o kung hindi man kami ang para sa isa't-isa, mamahalin ko parin sya. I love her. I deeply love her.

Malakas ang kalabog ng dibdib ko habang sinusundan si Faith na dinadala sa operating room. Hawak-hawak ko ang kamay nya pero ng ipasok na sya ng mga nurse ay hinarangan na nila ako.

"Sorry sir, hanggang dito nalang po kayo." Sabi nung isa sa akin.

Huminto ako sa paglalakad pero nanatiling sinundan ko sila ng tingin hanggang sa magsara na sa mismong harap ko ang pintuan. Nanlambot ang tuhod ko habang iniisip na totoo na nga ito. This is the real thing, Grant. The battle are starting.

Nanatili kaming nakaupo sa labas at nagaabang. Ito na ata ang pinakamahaba at pinakamahirap na sandali ng buhay ko. Ang hirap at pakiramdam ko, ang tagal tagal ko nang nakaupo kahit ang totoo ay sampung minuto palang naman ang nakakalipas.

Bumuntong-hininga ako. Walang umiimik sa aming lahat. Nakatulala lang ako at inaalala si Faith. Naiiyak ako at hindi ko maintindihan ang naararamdaman ko pero I need to keep my Faith. Mabubuhay sya. I know, hindi sya susuko. Hindi nya ako susukuan.

"Kuya, magpahinga ka muna." Sabi ni Juan Paolo sa akin.

Tumungo-tungo lang ako sa kanya pero hindi naman ako umaalis sa kinauupuan ko. Anung gagawin ko? I can't move an inch. Nanghihina ako. Sobra. Sarado ang isip ko sa kahit na anu. All I want to do is wonder and stare at the wall. Gusto kong bumilis ang oras na ayaw ko. Natatakot akong malaman ang mangyayari pagkatapos nito.

Inalala kong lahat. Lahat-lahat. Nung hindi ko pa nakikilala si Faith. Nung wala pang Faith sa buhay ko. Anung klaseng tao ba ako nun? Barumbado? Gago? Wala naman akong ginawa noon kundi ang mambabae, ang uminom sa bar kasama ang mga pinsan ko, Gumala at magwaldas ng pera sa mga walang kabuluhang bagay, o ang mapaaway. Naisip ko noon, wala na akong hihilingin pa sa buhay ko. I got the looks, money, fame, everything. I have everything- 'Yun ang akala ko. Nung unang nakita ko si Faith na kumakanta sa kasal ni Kuya Russell, naisip ko, hindi ko sya magiging tipo nang babae. She's so plain. She's boring. I've never seen a girl as boring as her.

Anu bang meron sa kanya? She's just so plain. Her pale skin. Her long brown hair. Her impressive eyes. Her dry lips. Bukod doon anu pa ba? Kung paanu sya kumilos? Mahinhin sya? She's always dead serious and always holding a bible and a guitar case at her back. She's thin. She doesn't have any curvy shape. Really. Sinong magkakainteres sa kanya?

Ako? No way. Even once, hindi ko inisip na magkakagusto ako sa ganung babae. But, Fuck! What happen to me? Really? I think I'm going insane! I started to watch her every move. Feels like I'm a stalker.

Simula nung nabaling ang mata ko sa kanya, wala na akong nakikita kundi sya at sya lang. Hindi ko alam kung paanu nangyari pero isa-isa ko nang napapansin ang kahit na maliliit na bagay sa kanya. Even the way she move, the way she flips her hair, ung bawat pagpungay ng mga mata nya. 'Yung pagkalabit ng maninipis nyang daliri sa gitara. Everything. Everything about her.

She may be boring at first. But, the moment she open her mouth and smiles makes my heart beats faster. I always think that Faith has this special kind of spell. 'Yun bang kahit na anung gawin ko, o kahit na may maganda pang babaeng dumaan sa harapan ko, sya at sya parin ang gusto kong tignan. Sa kanya ko lang gustong ibaling ang mga mata ko. 'yung bang babalik at babalik parin ang tingin ko sa kanya.

We've been through a lot of hardships and heartache. Sinukuan ko na sya ng isang beses at hindi ko na uulitin 'yun. Hindi na 'yun mauulit. Sising-sisi ako nung oras na 'yun. Inisip ko na ako lang ang nasaktan, that time, I didn't know na mas nahihirapan at mas nasasaktan sya.

Hindi ako makapaniwalang ganun ang naging tingin ko sa kanya noon. Because now, the girl I used to call boring and plain is my world now and I can't live without her anymore.

"Anung nangyayari?!" Tumili si Prom nang makitang may ilan pang doctor na nagtakbuhan papasok sa operating room kung nasaan si Faith.

Nagising ang mga pinsan kong nakaidlip na sa paghihintay. Tumayo si Dillon nang dahil sa gulat. Nagtakip naman ng bibig si Mommy habang dinadalo sya ni Daddy.

"W-what happen ba? Bakit sila natataranta? Bakit nagtatakbuhan?" Natatarantang tanung ni Prom.

Kumalabog ang puso ko at hindi ko kayang lumingon. Naramdaman ko ang pagtayo ni Fifth sa gilid ko. Tinangka nyang pumasok sa loob ng operating room pero pinigilan sya ng mga nurse na naroon.

"Tang-ina! Kung sinasabi nyo kasi kung anu nang nangyayari diba?!" Umalingangaw ang boses nya.

"Fifth! Calm down!" Sigaw ni Williard.

Bumuntong-hininga si Fifth. Umiling-iling, pagkatapos ay pabalik-balik na naglakad. Nakasabunot sya sa ulo nya.

"Calm down, Prom." Patahan ni Kate kay Promise.

Umiling-iling si Prom at nagpatuloy sa pagiyak.

"Bakit ganun? Bakit parang may mali? Bakit sila tumakbo? Anu bang nangyari sa loob?" tanung nya.

Lumunok ako nang tumulo ang luha sa mga mata ko. Nanginig ang katawan ko at dahan-dahang tumayo sa kinauupuan ko. I am afraid. So damn afraid. Naglakad ako pabalik nang chapel nang ospital. Pumasok ako sa loob at lumuhod. Nangangatog ang buo kong katawan. I really need to pray right now. Damn. Makikiusap ako sa kanya. I really need this. I need to pray.

"I-I really need your help right now." Nanginginig kong sabi.

"P-parang awa mo na. Tulungan mo ako." Umiiyak na sabi ko habang lumuluhod sa harapan nya.

Buong katawan ko ang nanginginig. Ramdam na ramdam ko ang takot sa buong pagkatao ko.

"B-buhayin mo si Faith. Parang awa mo na. Parang awa mo na tulungan mo ako.." Pakiusap ko.

Umiyak ako ng umiyak habang nakaluhod. Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya kapag nawala sya sa akin.

"S-she's worth it. M-magpapakasal pa kami. She still want children. M-marami pa syang gustong gawin. W-wag mo muna syang kukunin."

Lumunok ako. "Please, give us second chance. M-marami na kaming pinagdaanang sakit at paghihirap. H-hayaan mo kaming maging masaya. I love her. God, I really love her. Isipin ko palang na mawawala sya sa akin, para na akong mamamatay sa sakit. H-hindi ko kaya." Umiiyak na sabi ko.

"S-she's still young and she deserves everything in this world. W-with all the pain she's been through, s-she deserves to be happy."

"T-this is the most painful prayer I ever had. God, you really need to hear me." Nanginginig na sabi ko.

Ilang oras akong nanatiling nakaluhod doon. Magdadalawang oras na. Hindi ko na alam kung anung nangyayari. Natatakot na akong bumalik. Takot na takot ako. Nakaluhod lang ako sa harapan ng Dyos na nakapako sa Krus. Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Nagdadasal ako. Paulit-ulit. Iisa lang ang laman.. na buhayin nya si Faith. Na buhayin nya ang babaeng mahal na mahal ko.

Handa ko syang iyakan. Kahit na umiyak pa ako ng dugo gagawin ko.

Dumaan pa ang oras. Tatlong oras. Apat na oras.Magaapat na oras na akong nakaluhod. Hindi ako tumayo at nanatili lang sa ganung posisyon. Ito na ata ang pinakamatagal na nanatili ako sa isang chapel o simbahan. Pumikit ako nang mariin. Bumaling ako sa orasan ko at nakitang alas kwatro na ng madaling araw.

Nang marinig ko ang ilang beses na pagring ng cellphone ko ay binalingan ko 'yun ng tingin.

"S-on.." Nanginig ang boses ni Daddy nang sagutin ko ang tawag. "W-where are you? F-faith needs you right now." Sabi nya pagkatapos ay humagulgol nang iyak. Tumulo ang luha ko lalo na nang marinig ang malakas na iyakan ng mga pinsan ko sa background.

Pinatay ko ang tawag at namilipit sa kakaiyak.


Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...