Remembering Summer (Summer Se...

By RJPM18

173K 5.3K 465

Faith Samantha Santiago still remembers everything. Mula nung unang beses na tumibok ang kanyang puso, hangga... More

Remembering Summer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 57

2.4K 72 7
By RJPM18

Last 3

--


Chapter 57

Maaga din kaming umuwi kinabukasan. Ayaw pa nga ng mga pinsan ko pero wala din silang nagawa. Sa makalawa na agad ang balik ng parents nila Thunder sa America at kailangan naman nila ng quality time. Ang tinig ko, luluwas ata sila ng Maynila para bisitahin ang mga pinsan nilang Xaviers doon.

"I can help you with the ring." Tinapik ako ni Kuya ng daanan namin sya ni Faith papunta sa aking sasakyan. Sumimangot ako at kulang nalang ay sapakin sya.

"Thanks but no thanks, Kuya."

Ngumisi sya. "That ring is so expensive. Sabagay, you have money." Nagkibit-balikat sya.

He caught me last night na tumitingin ng singsing. I'm planning to buy one for Faith. Not just an ordinary couple ring this time but an engagement ring. Ngumuso ako. If I ask her to marry me, will she freak out?

Tinanung ko na sya nun dati, I ask her. Tinanung ko kung paanu kaya kung magpakasal na kami pero paulit-ulit nyang sinasabi na pagisipan ko muna. She said she might leave me at ayaw nyang magsaktan ako. Silly. She's already hurting me now, bigtime. But I'm not complaining. This is totally fine with me as long as it's for me.

Pinagbuksan ko sya ng pintuan ng sasakyan ako. Nang makapasok sya ay umikot narin ako sa driver's seat.

"Uuwi na ba tayo?" tanung nya.

"Yes, Baby."

"Hindi na tayo dadaan sa building nyo?"

Umiling ako.

"Hindi na siguro. Tsaka, pagod ka na rin. Didiretsyo na doon sila Dillon at sila Thunder, tayo, uuwi na sa bahay natin." Sabi ko at niliko na rin ang sasakyan.

"Sigurado dapat mag drop by muna tayo doon kahit na sandali."

"Kapag pumunta tayo doon, I'm sure, hindi na nila tayo hahayaang makauwi ng maaga. Lalo na si Promise, kapag nandoon kana halos hindi ka na nya bitawan." Sabi ko.

Tumahimik sya at tumungo-tungo lang. Nagmamaneho ako at tahimik lang sya sa buong biaje at hindi umiimik. Nililingon ko sya dahil ang akala ko ay natutulog na sya pero hindi naman. Nakasulyap lang sya sa bintana at para bang malalim ang iniisip.

Ngumiti ako at ipinatong ang isa kong kamay sa kanyang hita.

"Gutom ka ba?"

"Hindi. Kakakain lang natin kanina ah." Natawa sya.

"You're so quiet. It bothers me." Nakakunot na sabi ko.

"Ok lang ako."

"Wala tayong gagawin bukas, may gusto ka bang puntahan?" tanung ko sa kanya.

Sinulyapan ko sya at nakita kong nakalingon lang sya sa akin.

"Punta tayo sa charity?" Nakangiting sabi nya

"Okay, baby."

"Tapos, punta tayo kay Papa. Sa church tsaka, punta tayo sa tabing dagat."

"Teka, baka mapagod ka naman nyan."

"Hindi ako mapapagod." Aniya.

"Anu sa mga 'yun ang una gusto mong unang puntahan?"

"Let's go to the charity first. I miss the kids." Sabi nya

Ngumuso nalang ako at hindi nagsalita. Wala din naman akong magagawa. Palagi naman syang nananalo. She's my boss, I can't say no.

"Oh sige. But, if you're tired. Tell me, please." Sabi ko.

"I will." Aniya.

Huminto ako nang magtraffic. Tumunog ang cellphone kong nasa dashboard at sabay kaming lumingon doon ni Faith. Kinuha ko 'yun at nakitang si Dillon ang tumatawag. Sinagot ko 'yun at ni-loudspeaker.

"Hey, dude. San na kayo?" Aniya.

"Malapit na sa crossing. Di na kami dadaan ng building kaya iba ang way namin, remember?" Sabi ko.

"Ha? Why?"

"Faith is tired, bro." Sabi ko.

"Traffic ba dyan? Traffic kasi dito, Nakipagpalit ako kay Fifth. Tang-ina nanginginig na ang tuhod ko." Aniya.

Hindi ko sya kaagad nasagot ng gumalaw nang kaunte ang mga sasakyan.

"Alam mong traffic lagi dito, manual ang gamit mo."

"Automatic is for the weak, bro." dinig kong sigaw ni Fifth. Umiling-iling ako at ngumisi lang.

Hinayaan naming nakaloud speak lang ang cellphone kahit na nagmamaneho pa ako. Dinig na dinig ko ang panay na mura ni Fifth dahil hindi parin umuusad ang traffic sa kanila. Ganun din ang panay na reklamo ng kapatid kong si Promise dahil gutom na naman sya.

"Sinabi ko na kasi sa inyong mag stop over tayo sa isang fast food eh! Ag kukulit nyo! This isn't enough." Dinig kong reklamo nya sa kabilang linya. Umiling-iling lang ako.

Nang lingunin ko si Faith ay nakita kong nakapikit na sya at tulog. Pinatay ko ang cellphone ko at pinigilan ang sarili ko na wag syang panuorin.

Nakarating na rin kami sa bahay at tulog parin sya. Magtatanghalian na at marahan kong tinapik ang pisnge nya para gisingin.

"Baby, wake up. We are here." Bulong ko at hinalikan ang pisnge nya.

Dinilat nya ang mga nya at tumingin sa akin. Bumaba kami ng sasakyan at kita ko na siguro ay antok na antok na sya dahil pumupungay na ang kanyang mga mata. Kaagad kaming dumiretsyo sa kwarto para makapagpahinga na sya. Nakatulog naman sya kaagad at naisip kong maghanda nalang nang makakain nya ng tumunog ang aking cellphone kinuha ko 'yun at sinagot ng makita si Daddy ang tumatawag

"Dad." Walang ganang sabi ko.

"Son, Bakit hindi kayo dito umuwi ni Faith sa building? I told you na mas makakabuti kung dito kayo uuwi."

"Dad, I already told you that I can take care of her."

"Her condition is no joke. Remember that last time na inatake sy-"
"Hindi na 'yun mauulit." Putol ko kaagad.

Sandaling tumahimik si Dad sa kabilang linya.

"Grant Elliot, you're so stubborn." Sabi nya sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at bumuntong-hininga. I am sorry if I'm being stubborn. Gusto ko lang sulitin ang lahat nang araw na kasama ko sya. Ayaw kong mawalang nang pagasa, but I'm not stupid. Hindi ako tanga para hindi malamang mahina na talaga sya. Dammit.

"I'm sorry Dad. P-please trust me." Nanginig ang boses ko ng sinabi ko 'yun.

"I trust you. Believe me, pero si Faith lang ang iniisip ko dito."
"Hindi ko naman po papabayaan si Faith. I just need to be with her all the time. Ito ang isang bagay na hiniling ko sa inyo noon pa Dad."

"I know. I'm just worried. Alam mo naman kung anu ang kondisyon nya. She's weak. I mean, really weak, son."

Hinilamos ko ang palad ko saking mukha.

"I know, Dad."

"Please take care of her."

"I will."

"Be strong Grant Elliot. I raised you as a man. Wag kang panghinaan nang loob." Sabi nya sa akin bago binaba ang tawag.

I've been pretending that I'm strong unang-una palang. Nagpapanggap akong malakas pero ang totoo, ako itong takot na takot. Ngayon lang ako nagkaroon ng kinatatakutan ng ganito sa buong buhay ko. Takot akong mawala sya sa akin, I know, I'm being selfish dahil alam kong kahit na hirap na sya, gusto ko paring lumaban sya para sa akin. Para sa amin.

Hinilot ko ang noo ko gamit ang isa kong kamay. Alam kong sinabi ko na hindi ako mapapagod. But, it is okay to admit that I am really damn tired right now? I get sleepless night. Natatakot akong matulog dahil baka atakihin na naman sya ng hindi ko alam, gusto ko palagi ko syang nakikita at palagi ko syang namomonitor. I am damn tired pero ayaw kong tumigil. I don't want to complain. Infact, I am very willing to do everything to her. Kung nakikita ng Diyos ang lahat ng paghihirap at pagsisisi ko ngayon, hindi nya kukunin si Faith sa akin. Hindi nya kukunin ang mundo ko.. ang buhay ko.. ang lahat sa akin.

Nagising si Faith alas kwarto nang hapon kaya 'yung tanghalian namin ay naging hapunan na. Marami syang sinasabi sa akin na gusto nyang gawin. Tulad nalang nang pagpunta sa charity at pagkanta muli sa simbahan nila. Pumayag ako. Gusto kong hayaan syang gawin ang lahat ng gusto nyang gawin.

Kahit na paulit-ulit na ang kwento nya at gustong-gusto ko paring pakinggan. Hindi naman kasi sya nagiging madaldal nang ganito. Madalas lang.

Napagtuloy ang gamutan nya at lumipas pa ang ilang buwan sa buhay namin. Excited na ang lahat lalo na dahil kabuwanan na ngayon ni Ate Cory. Lahat sila ay nagaabang na dahil anumang oras mula ngayon ay nanganganak na sya. Isa sa mga araw na 'to ay magkakaroon na kami ng pamangkin.

Nilalaro ko sa kamay ko ang singsing na ibibigay ko sa kanya. Magkasama lang kami sa iisang bahay pero hindi ko parin matanung sa kanya ang bagay na matagal nang gumugulo sa isip ko.

She has a lot of worries. Palagi syang may takot na baka iwanan nya ako at masaktan lang ako sa huli.

"Grabe! Bakit ba ako ang kinakabahan eh, hindi naman ako ang manganganak!" rekalamo ni Prom habang pabalik-balik na naglalakad sa may corridor.

Narito kaming lahat ng magpipinsan sa labas kasama sina Mommy a Daddy pati ng ang mga parents nila Dillon. Nagaalala kami kay Ate Cory na nanganganak na ngayon. Si Kuya Russell ay nasa loob din.

"Ang OA mo kasi! Umupo ka kaya dito." Iritadong suway sa kanya ni Fifth.

Umirap si Prom at umupo sa tabi ni Kate.

Binalingan ko ng tingin si Faith na tahimik lang at nagaalala din. Kinuha ko ang kamay nya at ningitian sya.


"Everything will be alright." Bulong ko.

Tumungo-tungo sya sakin.

"Kinakabahan ako. Tang-ina! Tang-ina!" Paulit-ulit na mura ni Thunder.

"Sit down, Thunder and stop cursing." Puna ni Tito Rooney sa kanya.

Bumalik sa pagkakaupo si Thunder at saktong labas naman ng doctor. Sabay-sabay kaming nagsitayuan.

"He's a healthy boy." Nakangiting sabi nya.

Laglag ang panga ni Promise at Kate. Samantalang ang mga lalaki kong pinsan ay nagsimula ng magsigawan at magtalunan sa saya.

"A boy? Yes!" Sumuntok sa hangin si Juan Paolo ng marinig 'yun.

"Whoooo!" sigaw nila Thunder, Dillon at Fifth.

"Finally, another Hernandez is born!" Ani ni Williard ng nakangisi.

Niyakap ako ni Faith. Niyakap ko rin sya at hinalikan sa ulo.

"You alright?" tanung ko.

"Yes." Pabulong na sabi nya at tumungo-tungo.

Nang maayos na ang lahat. Ilang sandali pa ay pinayagan na rin kaming pumasok sa kwarto ni Ate Cory. Pagpasok na pagpasok palang namin ay nagunahan kaagad ang mga pinsan ko na kargahin ang bata. Nakisali ako sa kanila dahil tuwang-tuwa ako at nasasabik din. Ito ang unang beses na magkakaroon ng bata sa pamilya namin at lahat kami ay nababakla dahil gusto naming kargahin 'yung bata.

"Nakuha 'yung mata mo! Kuya!" Sabi ko nang makitang pare-parehas kami ng mata.

"Well, that's Hernandez genes!" Pagmamayabang ni Kuya

"Ang tangos ng ilong! Ang gwapo nang apo ko!" Ani ni Daddy at sayang-saya.

Ngumiti ako at pinakinggan ang pagkikipagtalo naman ni Promise tungkol sa bagay na pangalan sa Baby. Inis na inis sya dahil gustong bigyan nang palayaw na Butchoy nang mga pinsan kong lalaki 'tong bata.

Natawa si Ate Cory at kahit mahina pa sya ay nagawa pa nyang makipagkulitan saming lahat.

"Ang una kong gagawin kapag nakarecover na ako ay ang mag gym. Tumaba kaya ako!" biro nya.

"Tss. Magpagaling ka muna." Ani ni Kuya.

"Mataba na ako ngayon, baka mamaya nyan ipagpalit mo ako!"

Tumaas ang kilay ni Kuya. "Wha- Why would I do that?"

"Malay mo! Tss! Dapat lang na hindi ka maghanap ng iba! Ikaw kaya ang may kasalanan kung bakit ako tumaba ng ganito!" Aniya.

Tumawa kami. Nilingon ko si Faith at nakitang naroon lang sya likuran kahit na nagkakagulo na kami dito. Pinagmamasdan nya lang kaming lahat.

Kumirot ang puso ko at kaagad syang nilapitan. Mukhang wala sya sarili dahil hindi nya kaagad napansin ang paglapit ko.

"Baby.." Ani ko. Tsaka lang nya ako tiningala.

"H-huh?"

"You okay?" tanung ko.

Ngumiti sya at tumungo-tungo. She's not okay, I know. Hinila ko sya at niyakap. Binaon ko sya sa dibdib ko at hinalikan sya sa ulo.

"I am okay, Grant."

"I know, you're not. You're worrying things again."

"Sorry." Bulong nya at niyakap din ako

"For?"

"Sorry if I can't give you one." Paos na sabi nya.

Umiling ako. "Silly. I told you, you're all I need. Wala akong kailangan iba."

"You look like you really want a child. Too bad I'm weak. I can't afford pregnancy. I w-want a child too." Mas mahinang sabi nya pero malinaw parin sa tenga ko.

My heart broke again. Niyakap ko lang sya ng mahirap. I can't do anything aside from just holding her tight. Dammit. I can't do anything. This is all I can do for her. At nagagalit ako sa sarili ko ng dahil doon. I'm sorry Faith. I am very sorry.


Continue Reading

You'll Also Like

25.3K 2.5K 13
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
679K 17.3K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...
241K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...