Remembering Summer (Summer Se...

By RJPM18

172K 5.3K 465

Faith Samantha Santiago still remembers everything. Mula nung unang beses na tumibok ang kanyang puso, hangga... More

Remembering Summer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 31

2K 63 4
By RJPM18

Chapter 31

Muli akong bumaling kay Bash. Nagimbal ako sa nakita ko at hindi ko matanggal sa isip ko ang naging maghalik ni Rihanna kay Grant. Pumikit ako at suminghap.

"Shit. Rihanna." Dinig kong sabi nya sa likuran ko.

"Why? I miss you so much. Don't you miss me? Miss ka na rin nang mga friends natin. Anu bang nangyayari sayo? Parang ang cold-cold mo na." Aniya.

Buntong-hininga lang ni Grant ang nadinig ko. Hindi ko na pinakinggan ang paguusap nila at tumingin nalang kay Bash. Hindi sya umimik doon at nakamasid lang sa akin.

"Bash.." Pinilit kong ngumiti.

Nilapitan nya ako at niyakap.

"I'm sorry. Nung nalaman nyang makikipagkita ako sayo, nagpumilit syang sumama."

"O-ok lang."

"San tayo maguusap? Somewhere private? Para may privacy naman sila ni Grant." Aniya sa akin.

Natigilan ako ang dahil doon. Nilingon ko sila at nakita kung paanu kumapit si Rihanna kay Grant. Paanu ko sasabihin sa kanyang ayaw kong magkaroon sila nang privacy'ng dalawa? They don't need privacy. Pumikit ako nang mariin. I think, I'm being selfish again.

"Let's go to our house." Sabi ko kaagad.

Nanlaki ang mata nyang napatingin sa akin.

"Huh?"

"I want you to talk there. Doon nalang tayo magusap."

"We can talk here."

"M-madaming tao at mas komportable akong doon nalang makipagusap sayo." Sabi ko. Kumunot ang noo nyang nakatingin sa akin.

"I-I can't." Aniya.

"Bash, please?"

"B-but-"

"Don't worry. kaming dalawa lang Grant ang nasa bahay. Wala na sila." Nakangiting sabi ko. Tumingin sya sa akin nang dahil doon. Hilaw ang ngiti ko.

"I mean, umuwi na sila Thunder kanina pa pabalik nang Central. No worries."

I know, I lied. Pero hindi ko na kasi matagalan dito.

"U-umuwi?" Hirap na sabi nya.

Agad akong tumungo-tungo.

"Let's go?"

"Okay." Aniya.

Ngumiti ako sa kanya. Nilingon namin si Grant doon na katabi si Rihanna. Hindi na maipinta ang mukha nya mukha syang irritable at inis. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinagmasdan ang nakakunot-noong si Grant, nagiwas ako nang tingin at hinawakan ang kamay ni Bash.

"Let's go." Sabi ko.

"Wait, can I come?"

Nilingon ko si Rihanna. What?

"I'm sorry. Uhm, I just want to talk to your brother, if that's okay."

Kumunot ang noo ko.

"Or..you guys can go ahead. Magpapaiwan nalang kami dito ni Grant-"

"What the hell? Don't decide for me!" singit ni Grant sa kanya.

Kumurap-kurap ako. Naiirita ako at hindi ko malaman kung tama ba 'tong nararamdaman ko. It feels like this is the very first time na makakasalamuha ko ang isa mga naging babae ni Grant. I am not comfortable. Hindi ko gusto ang pakiramdam. Pero wala naman akong magagawa. I can't say no because Rihanna knew that Grant's my brother.

"It's okay. I can drive naman." Sabi ko at binalingan si Grant. Naglahad ako nang kamay sa kanya. "I can drive, you two can talk here. Where's the key?" tanung ko sa kanya. Nakita ko kung paanu kumunot ang noo nya sa sinabi ko, hindi nawala ang titig nya sa akin. Hindi sya nagsasalita pero ramdam na ramdam ko na naiirita sya. Ilang segundo na pero nanatiling nakabitin ang kamay ko sa ere. Binaba ko ang kamay ko nang dahil doon.

"T-then, magtataxi nalang kami ni Bash-"

"What the hell?" Biglang sabi ni Grant. Nagulat ako nang dahil doon.

"Y-you guys can talk her-"

"Bakit kami maguusap?" singhal nya habang titig na titig sa akin. Natigilan ako at napatingin kay Bash at Rihanna na pinapanuod lang ako. Grant's too obvious.

"Grant-"

"Kumportable ka ba talagang ipamigay ako sa iba, huh?" may hinanakit na sabi nya.

Nalaglag ang panga ko nang dahil doon. Binalingan ko nang tingin si Bash at nakitang nanlalaki ang mga mata nya. Natakot akong tignan ang ekspresyon ni Rihanna kaya yumuko ako at hindi na nagsalita.

"Let's go." Sabi ni Grant at kinuha ang kamay ko.

Hinila nya ako palabas nang restaurant na yun at nang lumingon ako ay kasunod na namin si Bash at ang nakakunot-noong si Rihanna.

"Get in the car." Utos ni Grant. Wala na akong nagawa. Pumasok si Bash sa likuran at akmang tatabi ako sa kanya nang tawagin ako ni Grant.

"You sit here. Beside me." Aniya at nagtaas nang kilay. Tumigil si Rihanna. Nakahawak na kasi sya sa pintuan nang front seat.

"What?" Angal nya.

Bumaling ako kay Grant. " D-dito nalang ako sa tabi ni Bash-"

"Faith Samantha, I said you.sit.here.beside.me." Matigas ang tono ni Grant. Lumunok ako.

"Rian, come on." Ani ni Bash.

Nahuli ko ang pagirap ni Rihanna.

"Sino bang girlfriend dito?" Angal nyaat padabog na binuksan ang likuran para tumabi kay Bash. Bumuntong-hininga ako at pumasok na sa unahan dahil 'yun ang gusto ni Grant.

Sa biaje ay dinig na dinig ko ang panay na pagbuntong-hininga ni Rihanna. I know, she's really pissed right now. Naiinis sya dahil binabaliwala sya ni Grant. Ramdam na ramdam ko 'yun. She care so much at alam kong hindi naman sya magkakaganyan kung wala namang malalim na naging ugnayan sa pagitan nila noon. Somehow naaawa ako sa kanya. I don't like this awkwardness, I don't like when she's around, I don't like when she's clinging so much to Grant pero ayaw ko rin naman nang ganito. Somehow, naaawa ako sa kanya. Grant's treating here like trashed.

Nang maramdaman ko ang pagvibrate ang cellphone ko ay kaagad kong inilabas 'yun. Nakita ko ang text ni Promise doon.

Promise:

Are you near?

Ako:

Yeah. Malapit na. Get ready.

Tinago ko ang cellphone ko pagkatapos ay binalingan nang tingin si Grant na kanina pa hindi nagsasalita. He looks pissed too, nakakunot ang kanyang noo at diretsyong nakatingin lang sa kalsada. I think he's mad at me.

"Grant, slow down." Sabi ko nang mapansing bumibilis ang aming takbo.

Hindi sya sumagot. He still pissed, alam ko 'yun. I don't want him pissed. Lumingon ako sa likuran at kinagat ang aking labi. Rihanna's busy with her phone at si Bash naman ay nakatingin sa bintana.

Suminghap ako at pinatong ang kamay ko sa kamay nya. Naramdaman ko kung paanu sya nagreact nang dahil doon.

"Please, don't get mad. Slow down." Bulong ko sa kanya.

Nakita ko ang sandali nyang pagpikit at paghinga nang malalim. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagbagal namin.

"Are we near?" tanung ni Bash sa likod. Kaagad kong binawi ang kamay ko at nilingon si Bash.

"Uhm, Yeah." Ilang sabi ko.

"Grant, can we talk in private? Sa room mo kaya? Madalas naman tayo doon noon." Ani ni Rihanna.

Nanlaki ang mata ko nang dahil doon. Sa kwarto ni Grant? Sa kwarto parehas naming tinutulugan ngayon? Naramdaman ko ang sakit saking dibdib.

"Shut up, Rihanna. We're not going to talk." Malamig na sabi nya.

"What? Why are you so mad ba? Dapat nga ako ang magalit dahil hindi ko na ako kinukontak, isang buwan din 'yun ah simula nung umuwi ka sa Central. What happen ba?" Pumiyok ang kanyang boses.

Nadinig ko ang buntong-hininga ni Grant.

"Rihanna, tama na." pigil ni Bash.

Nilingon ko sya at nakitang nakanguso sya at namumula ang mata. Kanina pa sya nirereject ni Grant at tingin ko ay gusto nan yang umiyak, somehow, muli kong nilingon si Grant at nakitang nakakunot lang ang noo nya at diretsyong nakatingin sa kalsada.

"Grant, wag ka namang ganyan kay Rihanna-"

"SHIT!" tili ni Rihanna nang biglaang ipreno ni Grant ang sasakyan.

"Grant!" suway ko sa kanya

Binaliwala nya lang 'yun, sa halip at tumingin lang sya sa akin gamit ang malamlam nyang mga mata.

"I feel trashed. Wag mo akong itulak sa kahit na kanino." Diretsyong sabi nya sa akin.

Nalaglag ang panga ko nang dahil doon. Hindi ko alam kung narinig ba ni Bash at Rihanna 'yun sinabi nya dahil tahimik lang sila sa likuran.

Muling pinaandar ni Grant ang sasakyan. Ilang sandali pa ay niliko nya narin ito papasok sa subdivision kung saan nasaan ang bahay nya.

"We're here." Sabi ko at lumabas na nang sasakyan.

Lumabas nadin sina Rihanna at Bash.

"Whoa. It's been a long time. Naalala ko noon, palagi akong narito. Almost everyday?" Ngumiti sya.

Para bang kinurot ang puso ko nang dahil doon. Nang suminghap si Grant sa gilid ko at nagdesisyon akong isangtabi muna ang lahat para kay Thunder. Ayokong masira ang araw na ito dahil pinaghandaan nya ito para kay Bash.

Nagtext na ako kay Prom para magbigay nang go signal na narito na kami sa labas. Sa likuran dumaan si Grant para tulungan nadin sila dahil sya ang magigitara.

"Halika na." Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Bash.

"Oh, where's Grant?" tanung ni Rihanna pero hindi ko na pinansin 'yun.

Ngumiti ako habang tinutulak ang pintuan nang bahay. Nakakunot ang noo ni Bash dahil sa dilim.

"What's happening?" naguguluhang tanung nya sa akin.

Ginala ni Rihanna ang tingin nya sa paligid. "Anu 'to?" tanung nya.

Ngumiti ako kay Bash at dahan-dahan syang tinulak paloob.

"Wait, may natatapakan ako." Aniya at tumingin sa ibaba. Biglang bumukas ang ilaw. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha nya nang makitang mga petals nang bulaklak ang dinadaanan nya.

"Oh my Gosh!" tili ni Rihanna.

"It took
One look
Then forever laid out in front of me

One smile
Then I died
Only to be revived by you"

Nakita ko kung paanu nagangat nang tingin si Bash. Nasa harapan nya kasing kumakanta si Thunder habang nasa likuran naman si Grant at naggigitara.

"Anung-" Aniya.

Ngumiti ako. Kumakalabog ang dibdib ko sa klase nang titig ni Thunder kay Bash. He's so sincere.

"There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life, plays out.."

"Oh my Gosh! This is so sweet." Ani ni Rihanna.

Hindi ako sumagot at pinagmasdan lang ang ginawa nila sa paligid. Maaga kaming umalis ni Grant kanina kaya ngayon ko lang ito nakita. Napupuno nang petals ang sahig at nasa gitna si Bash nang mga petals na hugis puso. Nakalutang ang mga ballons sa ceiling at sa dulo nang tali ay may mga kinabit silang sticky notes. Ibang-ibang mensahe ang lahat nito.

"I take one step away
Then I find myself coming back
To you

My one and only you
One and only you
Ohhhohhh

Now I know
That I know not a thing at all
'Cept the fact that I am yours
And that you are m-mine.."

Pumiyok ang boses ni Thunder sa huli. Binalingan ko sya nang tingin at nagulat nang makitang namumula ang mata mata nya. It's like he's about to cry.



"I take one step away
And I find myself coming back
To you
My one and only
One and only you."

Tumigil si Thunder sa pagkanta at tinitigan si Bash na nakatitig lang din sa kanya. Panay ang punas nya sa kanyang mga mata. Gulat na gulat ako pati na sila Prom at iba pa na nanunuod. It's the very first time I saw Thunder cry like that.

"This is so gay." Nadinig ko pa ang tawa ni Fifth sa likuran ni Williard.

Hindi 'yun pinansin ni Thunder. Tapos na ang pagkanta nya pero patuloy si Grant sa pagpapaulan nang magandang plucking nang gitara.

Lumapit si Thunder sa kanya at may dinukot sa kanyang bulsa.

"That his letter. Sinabi kong basahin nya nalang since sobrang pangit nang handwriting nya. Nakakahiyang ipabasa 'yun kay Bash.." si Fifth na naman ang nagsalita.

Sa pagkakataong ito, isang batok na ang natanggap nya galing kay Williard.

"Bash, look.." Tumigil sya at nagkagat labi. "I'm really, really sorry." Singhap nya. "I know, I've been a jerk but the truth is, for the very long time, since day one, I've been so attracted to you, ang buong akala ko katulad lang ito nang nararamdaman ko sa mga naging babae ko. Ang buong akala ko, gusto lang kitang paglaruan, pero mali ako. Bash, nasaktan kita kasi akala ko infatuation lang, kasi akala ko wala lang, natakot ako nung narealized kong mahal na kita kaya.. I hurted you at pinagsisihan ko 'yun. I am very sorry.." singhap nya.

Humakbang sya palapit.

"Kung pagkatapos nito hindi mo parin ako tanggapin, hindi parin ako titigil." Dugtong nya.

Ngumiti ako nang magsimulang umiyak si Bash. Tinakpan nya ang mukha nya gamit ang dalawa nyang kamay. She's crying real hard because I know and I feel that she still loves Thunder. Ramdam na ramdam ko 'yun sa kanya. Hindi ko alam kung anung nangyari sa kanilang dalawa at hindi ko alam ang kanilang kwento pero sure akong totoo ang nararamdaman ni Thunder sa kanya dahil kong hindi, alam ko namang hindi sya mageeffort nang ganito kung hindi.

Hindi ko na nasundan ang mga nangyari basta ngayon ay nakikita ko nalang si Thunder na nakikipagsapakan na sa mga pinsan nyang tawang-tawa sa kanya. Panay naman ang mura nya dito. Nang bumaling ako nang tingin kay Rihanna ay nakitang nasa harapan na sya ni Grant. Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko madinig ang pinaguusapan nila at mukhang seryoso 'yun dahil sa seryosong ekspresyon ni Grant. Suminghap ako at mabilis na nahanap ni Grant ang tingin ko. Nakatitig lang sya sa akin kahit na nagsasalita si Rihanna sa harapan nya. Nagiwas ako nang tingin at piniling pumunta nalang kay Prom at Kate.

"It is so touching." Nagpupunas nang mata si Prom habang sinasabi 'yun.

Nagkibit-balikat si Kate at tumungo-tungo.

"Hindi ko makapaniwalang sasabihin ko 'to but, he make me so proud today." Aniya.

Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang pagrereklamo ni Prom dahil kay Rihanna. Tinanung nya ako kung bakit sya narito at sinabi ko naman ang dahilan. Kahit na pinagpyepyestahan ni Fifth ang pagtitig sa kanya ay wala syang pakialam hindi parin maalis ang attensyon nya kay Grant. Kanina pa yan.

"Parang higad ah. Ang kati." Umiral ang pagkamaldita ni Prom habang kumukuha kami nang makakain. "Look at Fifth. Ang sarap sapakin." Dugtong nya.

"Do something, Faith." Bulong naman ni Kate.

Umiling-iling ako.

"Ang alam nya kapatid ako ni Grant." Sabi ko.

Bumuntong-hininga si Kate.

"Hindi naman problema 'to. Grant should tell her to stop nalang."

"I believe na matagal nang ginawa ni Kuya 'yun. Para namang hindi nyo 'yun kilala, kapag ayaw na nya ay ayaw na nya. Matigas lang talaga ang mukha nyang si Rihanna. Kung hindi lang yan pinsan ni Bash baka kanina ko pa yan sinipa palabas nang bahay but then, I don't want to be rude shaka ayokong masira 'to dahil kay Thunder." Ani ni Prom at umirap.

Kinagat ko lang ang ibabang labi ko habang pinaglalaruan ang spaghetti na nasa pinsan ko. Nakakailang subo palang ako pero wala na akong gana. Binalingan ko nang tingin si Thunder na hindi na makaalis sa tabi ni Bash. Tumatawa si Bash dahil inaasar ni Fifth. Nasa tabi naman si Grant na pinapanuod ako tumibok ang puso ko, parang kanina nya pa kasi ako pinapanuod nang hindi ko alam.

"Here." Ngiti ni Rihanna nang iabot sa akin ang baso na may lamang alak. Nagulat ako dahil nasa likuran ko na pala sya.

"Drink this." Aniya.

Umiling-iling ako.

"Hindi ako uminom."

"Come on. Light lang 'to." Aniya at ningitian ako. Natigilan ako she's really beautiful. Para akong nai-insecure, hindi ko alam kung sya ba ang pinakamaganda sa mga naging babae ni Grant o kung may mas maganda pa ba sa kanya, pakiramdam ko kasi sukdulan na ang ganda nya.

"You heard her. Di sya umiinom." Singit ni Prom at tinabig ang kamay ni Rihanna. Kumunot ang noo ni Rihanna at para bang nabastusan sya doon.

Kumalabog ang dibdib ko, alam kong kunting ihip lang dito kay Prom ay talagang hindi sya makakapagpigil at aawayin na nya si Rihanna. Ayokong mangyari 'yun kaya tumayo ako at hinarap si Rihanna.

"Ah. G-gusto mong kumuha nang pagkain? Sa-samahan na kita." Sabi ko at hinila na sya paalis doon. Hinayaan nya lang ako. I feel so awkward. Hindi naman kami close ni Rihanna at nung isang araw lang naman kami nagkakilala.

"Pwede mo ba akong samahan sa CR nyo?" tanung nya.

Tumungo-tungo ako at hinila nya papuntang kitchen dahil naroon ang pinakamalapit na CR. Walang tao dito dahil nasa salas sila at busy sa kanya-kanya nilang ginagawa.

"Dito." Sabi ko nang makarating na kami sa tapat nang CR. Hindi sumagot si Rihanna kaya nilingon ko sya. Nagulat nalang ako at hinila nya ang kamay nya sa akin.

"P-pwedeng ung Cr nalang sa itaas? Ung sa kwarto ni Grant? Mas komportable kasi ako doon, para kasi ang sikip at ang dilim nang CR dito sa ibaba." Aniya sa akin.

Tumigil ako nang dahil doon. Hindi ko alam kung anung gusto nyang mangyari. Hindi ko alam kung papayag ba o hindi. What is she find out?

"Uhm.."

"I believe na ok lang naman, kasi noon, malaya naman akong makakapunta kahit saang sulok nang bahay nya." Nagkibit-balikat sya at tumalikod sa akin. Kumunot ang noo ko. Pakiramdam ko kasi, may mga laman ang sinasabi nya.

Hindi nya naman ako sinabihang sumunod sa kanya, pero nang magsimula syang umakyat nang hagdan ay wala sa sariling sinundan ko sya.

"How nostalgic." Ngumisi sya at tinulak ang pintuan nang kwarto namin ni Grant. Ginala nya ang tingin nya doon.

"Oh, dito kana natutulog ngayon?" tanung nya nang makita ang mga gamit ko sa ibabang nang mesa. Lumunok ako at tumungo-tungo.

"Si Grant, san natutulog?"

Nanlaki ang mata ko.

"Uhm..."

"Guest room?" tanung nya.

Suminghap ako at tumungo-tungo nalang. I have no choice but to lie.

"Hmm.. Is it comfortable in here? Ako kasi, komportable dito palagi ako ditong natutulog, kaming dalawa ni Grant. This room is so big para tulugan nang isang tao lang.." Aniya at nagkibit-balikat.

Kumalabog nang todo ang dibdib ko. They slept together? Pinagmasdan ko syang naglalakad papunta sa malaking bintana nitong kwarto. Tumanaw sya doon.

"We used to be together nung umuwi sya dito sa Maynila. Parang walang araw na di kami magkasama. Parang ang tagal na naming magkakilala kahit na hindi pa naman talaga. Sa maiksing panahong 'yun para nakilala ko na sya. Like, he's favorite food, favorite color, he's likes, he's dislikes, ung mga bagay na nakakairitable sa kanya.." Tumawa sya.. "Alam mo ba ang mga 'yun?" tanung nya at lumingon sa akin.

Nanigas ako at umiling-iling. No.. H-hindi ko alam.. H-hindi ko alam ang mga 'yun. Nakaramdam ako nang sakit saking puso. Wala akong alam kahit na isa doon.

"Like for example, he dislikes lipsticks." Ngisi sya. "He likes girls with pale lips." Tinuro nya ang kanyang labi. "Since then, I don't wear lipstick na, only lip balm cause my lips gets dry. My lips is his favorite part of me, I must take good care of it. You can relate right? Since our lips are look a like." Dugtong nya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...