Remembering Summer (Summer Se...

By RJPM18

172K 5.3K 465

Faith Samantha Santiago still remembers everything. Mula nung unang beses na tumibok ang kanyang puso, hangga... More

Remembering Summer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 13

2.3K 87 4
By RJPM18

Chapter 13

I know, wala akong karapatan. Wala akong karapatang nagreklamo at wala din akong karapatang magalit o magselos, ako ang may gusto nito kaya tama lang sa akin 'to. Tama lang sa akin ang masaktan nang ganito, Kulang pa nga ito. Dapat ay mas masakit pa. Kumpara sa mga pananakit ko sa kanya. Kumpara sa pagiging makasarili ko. Kulang pa ito.

"Nakalimutan mo na ata kung paanu tumugtog nang gitara." Puna sa akin ni Papa David dahil panay ang mali ko sa mga chords. Nagangat ako nang tingin.

"Sorry po."

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Aniya. Umiling-iling ako.

"Hindi po."

"Si Grant?" natigilan ako nang banggitin nya ang pangalan ni Grant. Hindi na ako makasagot sa kanya. Nahihiya ako dahil narito ako sa church ngayon at dapat ang lahat nang pagiisip ko ay nakatuon lang dito pero hindi ko magawa. Kahit na nasaan ako. Kahit na anung gawin ko, sumasagi si Grant sa isipan ko.

"I'm sorry po." Ani ko.

"Nahihirapan ka pa? Pwede ka namang dito muna." Ani ni Papa sa akin.

Tinitigan ko syang mabuti "Papa. Masama ba akong tao? Sinasaktan ko si Grant.."

"Ginagawa mo ito para sa kanya hindi ba?"

"Paanu po kong.. makalimutan na nya ako.. Paanu kong may iba.. na.." nanginig ang labi ko. Sandalin sumagi sa isipan ko ang araw na nakita ko si Grant na nakikipaghalikan sa babae sa sofa. Sumisikip ang dibdib ko kapag naaalala 'yun.

"Faith, if the love is pure and true. It'll find a way.." Aniya.

Tinignan ko si Papa at tumungo-tungo sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sinasabi kong gusto kong mahanap si Grant nang babaeng mamahalin sya at hindi sasaktan katulad nang ginagawa ko ngayon, pero sa likuran nang utak ko natatakot akong mamatay sa sakit kapag nangyari ang araw na 'yun.

Dumaan ang araw at napagusapan na nila ang nalalapit kong birthday. Si Prom ang may kagustuhan na icelebrate ito nang bongga. Ayaw ko at sinabi ko sa kanya na ayos lang at wala lang naman sa akin ang simpleng pagsasalo pero mapilit sya. Sinabi kong ayos lang daw at kung gusto ko ay kaming pamilya nalang daw ang magcecelebrate. Pumayag na ako sa kanya dahil naplanu nan yang lahat at nahihiya na akong tumanggi.

"Ok lang yan! Akong bahala!" Aniya habang winawagayway sa hangin ang listahan nang mga bibilhing pagkain at kung anu-anu pa.

"What is this commotion all about?" Nagulat ako nang makitang pababa sya nang hagdan. Agad ko syang nilingon at nakitang magulo ang kanyang buhok. Namumula ang mga mata nya at para bang kagigising lang.

"Next week, birthday ni Faith, syempre, unang birthday nya na kasama natin sya. Dapat mag party tayo. Tayo-tayo lang dito sa bahay o kaya sa roof top." Ani ni Prom.

Nakita ko ang sandali nyang pagbaling nang tingin sa akin pero kaagad nya ding binawi yun. Nanikip ang dibdib ko. Mukhang pati ang pagtingin hindi na nya magawa. Baka sa susunod, kahit na sulyap wala na.

 "Ah. A-anu, akyat lang ako sa kwarto. Kukuha ako nang dami-" Aniya pero kaagad syang pinutol ni Prom.

"Kila Dillon ka ulit matutulog? Panu yan? Overnight ngayon, napagusapan pa. Sa guest room tayo."

"I'll pass."

"Come on, Grant! Bakit ba palagi nalang mainit ang ulo mo? Ngayon lang ulit tayo makakapagbonding, JP texted. Darating sila mamaya, kasama si Williard." Ani ni Kate.

Bumuntong-hininga ako at walang nagawa kundi ang pakinggan lang ang paguusap nila. Totoong palagi syang wala dito. Halos kila Dillon na sya namamalagi at tuwing umaga o ganitong gabi ko lang sya makita. Sa school naman, nakikita ko sya palagi na may kasamang babae. Iba-iba. Hindi ko alam kung mga kaibigan nya 'yun o ka-fling. Araw-araw, iba-iba.

"Come on. Malay mo, last na 'to. Diba aalis ka? Malay natin, magustuhan mo sa Maynila at hindi kana bumalik dito." Ani ni Dillon. Nanlaki ang mata ko. Aalis sya?

"Punta kang Maynila Grant?" biglang tanung ni Fifth.

"Hmm.. Yeah?" Sagot nya.

Nanlaki ang mata ko at hindi na makakilos sa kinauupuan ko. Nakatitig lang ako sa pagkain ko na hindi ko manlang nagalaw. May kung anung dumagan sa puso ko. What now Faith? Hindi ba't ito naman ang gusto mo?

"Daya! Sama kami. Mag gi-girl hunt ka magisa? Daya talaga nito!" Ani naman ni Thunder.

Nadinig ko ang pagtawa nya bago murahin si Thunder at umakyat sa itaas.

"Naku, Faith. Wag mong pansinin 'yun. Hindi na kasi makascore sa babae kaya mainit lagi ulo." Sabi ni Fifth sa akin. Ngumiti lang ako at tumungo-tungo.

"Dapat kasi dyan kay Grant makahanap nang babaeng makakapagpatino sa kanya. Grabe kaya ang pagiging womanizer nyan, hindi maawat." Dugtong ni Kate.

"I think he already found one." Nagangat ako nang tingin nang madinig ang boses ni Thunder. Binalingan ko sya nang tingin at nakitang nakatitig sya sa akin. Kumunot ang noo ko pero nang ngumisi sya at kumindat ay alam ko na ang ibig sabihin nun..

He knows..

"Meron na? Hindi nga, sino? Ang akala ko din dati meron na. Pero ewan ko ba, nitong mga nakaraan asshole mode na naman sya. Baka nag-break na sila?" Ani ni Prom.

Ngumuso si Thunder at nagkabit-balikat.

"Eh, ikaw Kuya? Wala kang alam?" tanung ni Fifth kay Dillon.

"Wala." Simpleng sagot ni Dillon sa kanila

"Ah, basta. Sana makahanap na si Kuya nang babaeng kababaliwan nya. 'yung bang babaeng mamahalin nya at mamahalin sya. Si Kuya kasi ung tipong kayang magpasakop basta mahal nya ung isang tao. Kaya yang gawin ang lahat. titibagin nya ang batas kung maaari. Ang swerte nung babae kung ganun. My brother is asshole pero pag nagmahal totoo.." Ani ni Prom..

Lumunok ako at kinilabutan nang dahil sa sinabi nya. Tuluyan ko nang hindi nagalaw ang pagkain ko. Mabilis ang tibok nang aking puso at a kaibuturan nito, talagang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ko kay Grant. God. Tama si Prom. Tama sya. She's right. Tama ang lahat nang sinabi nya.. Ganun nga si Grant magmahal.

Lumipas ang oras at hanggang ngayon ay hindi padin sya bumababa galing itaas. Inaantok na din ako pero I want to see him. Anu ba 'tong nararamdaman ko? Pakiramdam ko kasi, kahit na nakatira lang kami sa iisang bahay, ang layo-layo nya padin sa akin. Parang milya-milya padin ang layo namin sa isa't-isa.

Nahuhulog na ang mata ko nang madinig ang mga yapak galing itaas. Nakita ko kaagad si Grant na naroon at nakakunot ang noo nang habang pinapakinggan ang sinasabi ni Kate.

"Oh, next week ha? Wag kayong magpapahuling lahat." Aniya.

"Tayong mga lalaki ang bahala sa alak.. Tapos bili nadin tayo nang gift for Faith." Sabi naman ni Thunder. Ngumiti ako. Nakita ko na sya, atleast, I can sleep peacefully tonight.

"What?" Nagulat ako sa singhal ni Grant. Kaagad ko syang nilingon.

Kinabahan ako dahil halatang inis nya sa kanyang ekspresyon. Siguro ay naiirita na sya dahil sa ingay dito sa ibaba at puro tungkol sa birthday ko nalang ang pinaguusapan.

"Uhm. Hindi naman natin kailangang maghanda nang ganito." Sabi ko.

"Why not? Unang birthday mo dito." Sagot nya sa akin nang hindi ako tinitignan. He looks so pissed.

"H-hindi kasi ako sanay-"

"Well, Dapat ay masanay kana. Hernandez kana at ganito talaga kami dito. We spend money even in not important occasions-"

"Kuya! Sinasabi mo bang hindi importante ang birthday ni Faith?"

"I'm not."

"'yun ang pinaparating mo."

"You're paranoid, Prom."

Umirap si Prom. "Kung hindi ka interesado, edi wag kang pumunta, hindi 'yun ganyan ka. Stop being an asshole, Kuya!" Aniya.

Kumirot ang puso ko nang dahil doon. Yumuko ako at bumuntong-hininga para pigilan ang aking luha. Parang nawala ang antok ko kanina dahil sa sakit nang aking puso. Kapag si Grant, palagi nalang akong mahina. Kahit na pinipilit kong maging malakas, masakit parin talaga. Kahit na sasaktan ako. Sinasadya man nya o hindi, hindi ko magawang magalit. Kahit na anung gawin ko.. sa lahat nang parte nang katawan ko.. kahit saan masakit.. lahat nang bahagi nang katawan ko masakit.. pero kahit na ganun. Mahal.. mahal na mahal ko sya.

"Come on. Dude, Wag ka namang ganyan! Di ka sasama samin? Magaling ka sa alak." Ani ni Fifth.

"Baka may lakad ako nun."

"Where to? Got a date again?" tanung ni Dillon.

Nagangat ako nang tingin sa kanya. Inawang ko lang labi ko at hinihintay lang ang isasagot nya. He won't be there because he has someone else?

"H-hm. Y-yeah. Maybe." Aniya. Bumuntong-hininga ako at nagiwas na nang tingin sa kanya. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko at nilunok ang lahat nang sakit sa puso ko. That's right Grant. Find someone else. Someone else na hindi ka sasaktan katulad nang ginagawa ko sayo ngayon.

Kung saan-saan na napupunta ang usapan nila. Ako naman, nakikinig lang sa mga planu ni Prom at Kate para sa birthday ko. Hindi ko makapagconcentrate lalo na't nararamdaman ko ang init saking tagiliran. Nang bumaling ako doon ay nakikita ko ang titig sa akin ni Grant. Kaagad akong kinabahan. Hindi ko sya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit ganyan sya. Kanina, para bang iritang-irita sya sa akin pero ngayon ay titig na titig naman sya at para bang sinasabing ako ang mundo nya. Hindi ko maintindihan.

"Faith, let's sleep." Maya-maya ay nagalok na si Prom sa akin. Tumungo-tungo nalang ako sa kanya at sumunod nang umakyat sa itaas. Naiwan pa doon sina Grant at Thunder na halatang may tama na.

Humiga na kami sa kama at nakita kong tahimik nadin na humiga ang iba sa ibaba. Antok nadin sila at pagod kaya ilang sandali lang ay nadidinig ko ang hilik ni Fifth. Ngumiti ako at sinilip sya sa ibaba. Nakita ko ang nakayakap na si Dillon kay Thunder. Ngumisi ako at umayos nang aking pagkakahiga. Wala si Grant at sa tingin ko ay nasa salas sya. May space pa naman sa ibaba, pero sa tingin ko, ayaw nya dito dahil narito ako. Ginawa nya ang gusto ko. Ang umiwas. Umiwas sya dahil 'yun ang gusto ko at 'yun ang hiniling ko sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit ang sama-sama nang loob ko.

Pinikit ko ang mga mata ko nang makaramdam nang antok. Pero ilang sandali pa ay nagising din ako nang madinig ang langitngit nang pintuan. Nakita ko si Grant na pumasok doon. Suminghap ako at pinikit na muli ang aking mata. Hindi na ako nakakilos. Hindi na ako makareact pa nang maramdaman ko ang palapit nya sa akin. Lumakas ang tibok nang puso ko at kaagad akong natakot nang maramdaman ang kumot na bumalot sa katawan ko.

"Can I sleep beside you? Can you move?" Kumalabog ang puso ko nang madinig ang pagbulong nya sa akin. Pinigilan ko ang sarili ko kahit na gusto kong maiyak.

"Baby. Can I sleep with you tonight?" bulong nyang muli. God. This is so painful.

Gumalaw ako para lumapit sa kanya. Nanginginig ang katawan ko pero nagawa ko pading ipulupot ang braso ko sa kanyang bewang. Nababaliw na ata ako. Nagpapanggap akong tuhod para lang mayakap sya nang ganito, dahil kapag gising ako, hindi ko 'to pwedeng gawin. Kapag gising ako alam kong dapat akong lumayo sa kanya dahil hindi pwede. Dahil sa mata nilang lahat ay hindi ito pwede. Dahil hindi ito pwede..

"Baby, are you cold?" paos na tanung nya.

Mas isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. I want to be with you Grant, but, what should I do? I need to live. I am sick. At kung bibitaw ako, hindi na kita makakasama. Natatakot ako. I am afraid to die Grant. Ayaw kong mamatay. Gusto kong mabuhay para sayo.

Dammit. She's asleep and probably she don't know all of this. Wala syang maaalala paggising nya.

"Forgive me, Baby. Hindi ko sinasadyang saktan ka sa mga sinabi ko kanina. Let me kiss you, I wanna kiss you ... for the last time.." Nadinig kong bulong nya bago ko naramdaman ang labi nya sa akin.

Pumikit ako nang mariin at tinanggap nang buo ang kanyang halik.

Dumating ag birthday ko at panay ang ayos sa akin ni Prom at Kate. Pinilit nila akong maglagay nang makeup at magsuot nang bestida kahit na ayaw ko. Naaalala ko pa ang tingin sa akin ni Grant kanina. Hindi ako mapakali. Baka kasi hindi nya nagustuhan o baka iniisip nyang masyaaadong maiksi ang suot ko.

"Happy Birthday, Faith and welcome to our family!" Nangibabaw ang tili ni Prom nang nasa rooftop lang kami. Ngumiti lang ako sa kanila dahil ayaw kong makita nila ang nasa loob ko. Nageffort sila para saking birthday at ayaw kong masayang 'yun.

"Lahat tayo may regalo, pwera lang sa isa dyan na wala talagang pakialam!" Panay ang parinig ni Prom kay Grant dahil wala itong regalo sa akin. Yumuko ako, hindi ko naman inaasahang may regalo sya. Marahil nga, napilitan lang sya sa pagpunta dito.

Nagsimula ang party at abala ang iba sa pagluluto nang barbeque samantalang wala namang tigil ang dadalan naming nila Prom at Kate.

"Kasi diba, highschool palang ako crush ko na ung pinsan nyo ni Thunder?" Ani ni Prom. Tinagilid ko ang ulo ko nang makita ang pagpula nang pisnge nya.

"Sinong pinsan ba? Kala ko si Alcantara ang gusto mo?" tanung ni Kate sa kanya.

"Mukha bang may pagasa pa ako kay Alcantara? He seems serious with his girlfriend." Ngumiti ako.

"Si Madielyn Del Rosario diba?" tanung ko.

"Totoo ba 'yun? I am so sure, chika lang yan!" Ani ni Kate.

"Yeah. Totoo nga." Sagot nya habang kinakagat ang barbeque na niluto ni Dillon.

"Hindi ako naniniwala. Kilala ko ung Alcantara na yun. Ung mayaman at magandang si Eden nga nanawa sya, dun pa kaya sa anak nang maggagawa sa farm nila?" Tumikhim sya. "Sino ba sa mga pinsan ko ang crush mo nang matulungan kita?" Ani ni Kate.

Nakita ko ang pagpula nang pisnge ni Prom. Nilaro nya ang mga daliri nya at binalingan kami nang tingin.

"Glenn?"

Nakita ko ang paglaki nang mata ni Kate.

"Si Kuya Glenn? Oh my God!" bulalas nya.

Ngumiti lang ako dahil hindi na ako makarelate sa topic nila.  Hindi ko naman kasi kilala ang mga Xavier isa lang naman kasi ang kilala kong Xavier dito sa Central, si Edison Xavier lang, 'yung ka-team ni Japeth Lee Alcantara sa basketball.

Habang lumalalim ang gabi ay mas tumitindi an gaming pagsasaya. Sinabi sa akin ni Papa David na huwag akong magpuyat dahil may church bukas at bukas kaming dalawa pagcecelebrate pero hindi ko ata mapipigilan ngayong gabi. Matindi ang mga Hernandez sa puyatan at nakakahiya naman kung mauuna akong matulog.

"Happy birthday. Pasensya na kay Fifth gago 'yun, eh!" Ani ni Dillon sa akin nang hilain ako dahil nagalit si Grant at sinuntok si Fifth dahil sa pagbibigay nya sakin nang panty bilang regalo.

"Thank you. Shaka ok lang. Wala naman sa akin 'yun."

"Grant looks so pissed." Sabi nya.

Tumungo-tungo ako. "Yeah. Kanina."

Tumawa sya. Bigla akong napatingin sa kanya nang dahil doon.

"No.. I mean, till now." Sabi nya. Naguluhan ako sa sinabi nya kaya tumingin ako sa kinaroroonan ni Grant. Nagulat ako nang makitang nakatitig nga sya sa amin gamit ang matatalim nyang mata. Nagiwas ako nang tingin nang kumalabog ang aking dibdib.

"Alam mo 'yun? Grant? Nagdate na kami, eh! She finally say yes para makipagdate sa akin. Tapos ganun ang nangyari? The hell? I swear to God na hindi ko talaga alam na susulpot si Yzeline doon!" Napatigil kami at napatingin kay Thunder nang madinig ang malakas nyang boses.

"Then? Tapos? Si Bash ba ang tinutukoy mo? Forget about her. Halata namang di ka nya gusto, baka pinagbigyan kalang."

"Hindi ako gusto? That's imposible! Freakin' impossible, Grant! Gusto ako nang lahat! Si Madielyn Del Rosario? Kung napormahan ko lang 'yun! Malamang ay kami na!"

"Madielyn Del Rosario? Girlfriend ni Japeth Lee Alcantara?" singit ni Prom

"The hell? For real?".

"Yup. Di mo alam? The girls are spreading some humors, Alam mo naman.. Tsaka, madaming nakakita. They were kissing inside the car, tapos nag hoholding hands sila in public! On my Gosh! Kahit ako hindi makapaniwala. She's the first official girlfriend ni Japeth."

"Kaya pala, mainit ang ulo mo this past few days, heart broken ka." Natawa si Grant. Pinagmasdan ko ang nakatawa nyang mukha. Parang ngayon ko nalang ulit sya nakitang tumawa nang ganyan.

 "Jerk! Stupid, Kuya! Hindi no!" sigaw ni Prom at tila napikon. Ngumiti kang ako.

Nadinig ko ang tikhim ni Kate.

"Lasing na si Thunder. Humanda yan sakin mamaya." Aniya.

"Kita mo? Lahat nalang sila, Lahat nalang.. Si Bash? Di ko naman 'yun gusto nung una. Na-aattract lang ako, Dude! Ang tapang kasi, parang tigre! Na-challenge ako! Kaso, ang hirap paamuhin! Shit! Anu bang sikreto mo ha? Share mo naman!"

Yumuko si Grant at nakita ko ang pagiling-iling nya.

"Stop it, Thunder."

"Hindi nga, pre? Bakit kahit na kakakilala nyo palang ni Yzeline gusto ka na nya. Is there something wrong with your pheromones? Kakakilala nyo palang ni Yzeline, pero para bang handa na syang pagpahubad nang panty sayo, hindi ba't hinatid mo sya gamit ang kotse ni Dillon? Wag mong sabihing doon nyo ginawa?"

Yzeline?

"What the hell?" Napatingin sila sa dako namin. Kumunot ang noo ko at kaagad 'yung nahagip nang tingin ni Grant.

"T-that's not true. W-walang nangyari." Aniya

"Whos' Yzeline? Si Buenaventura ba? 'yung varsity nang Volleyball? Saan mo nakilala?" tanung ni Williard.

Humagalpak si Thunder nang tawa.

"Last week, nagkita kami sa Mall nito. He's fast dude. Ang bilis. Nakuha na ata nya ang panty-"

"Cut it, Thunder. What's the hell!" suway ni Grant.

"Kaya pala wala kang regalo kay Faith! Galing ka nang Mall hindi kapa nakabili, puro pakikipagdate ang alam mo, Kuya!" Aniya.

Tumikhim ako at tumungo.

"Saan mo nakuha yan, Prom. Lasing si Thunder, nagsisinungaling sy-"

"Come on. Kapag lasing ka, doon mo lang nasasabi ang totoo, so, probably kahit one percent ay totoo ang sinasabi ni Thunder. Tss. I thought you're dating someone now, ang akala ko serious kana. Tss. Wala ka nang pagasa. You'll be forever a hornmonkey katulad ni Dillon and Thunder."

"Tama na yan, okay? Birthday ni Faith ngayon. Wag na tayong magaway-away." Suway naman ni Kate.

Hindi na ako umiimik. Kinagat ko ang ibabang labi ko at naisip na baka nga ang Yzeline na 'yun ang dinadate ngayon ni Grant. Bumigat ang dibdib ko. Gusto kong maiyak sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ito gusto. Ang bigat-bigat. Hindi maganda sa pakiramdam.

"Yung girlfriend nya nasa labas!" nagulat ako nang dahil sa sigaw ni Thunder. Lasing na lasing sya habang pinagtatawanan si Grant na panay ang iling sa gilid. Hawak nya ang cellphone ni Thunder.

Sinundan ko nang tingin si Grant nang makitang may kausap sya sa cellphone at dali-daling isinusuot ang kanyang jacket. Mabilis syang lumabas nang rooftop habang minumura si Thunder. Nanikip ang dibdib ko.

"Girlfriend talaga ni Kuya yun?" tanung ni Prom.

"Yeah. Yeah. Nung nasa mall kami, 'yun ang date nya." Aniya.

Nanghina ako at pinagmasdan ang pintuang nilabasan ni Grant. May kung anung masakit sa akin at pakiramdam ko gustong-gusto kong humagulgol nang iyak. Kanina, gustong-gusto ko syang sundan at sabihin sa kanya na wag syang umalis. Na wag nyang puntahan ang babaeng 'yun. Kaso, anung magagawa ko? Ginusto ko ito at tinulak ko sya palayo. Karapatan nyang maghanap nang iba. Karapatan nyang magmahal nang iba.

"Hindi na uuwi 'yun si Grant. Sabihin nya sa guard na i-lock na ung gate." Ani ni Fifth.

"Yeah. Siguradong buong gabing magpapakasarap 'yun. Yzeline looks yummy anyway." Natatawang sabi ni Thunder.

Natigilan ako at mas lalong hindi napalagay.. No.

"Faith, come on. Diba, antok kana?" Ani ni Kate sa akin at humihikab na. Tumungo-tungo ako sa kanila at sumunod sa kwarto. Humiga na sila Kate at Prom doon matapos nilang makapagbihis.. ako naman ay umupo lang sa kama habang pinapanuod ang orasan. Hindi ba talaga sya uuwi ngayong gabi?

Tumayo ako sa kama at isa-isang tinignan ang mga regalong ibinigay nila sa akin. Ngumiti ako pero sandaling napawi 'yun nang marealized na wala doon ang regalong gusto kong matanggap. Kinagat ko ang ibabang labi ko at sandaling sumagi sa utak ko na paanu kong may kahalikan ngang iba si Grant ngayon.. Para bang hindi ko kayang isipin na may iba syang kinababaliwang babae bukod sa akin. Hindi ko kaya.

Tumigil ako nang mangilid ang luha saking mata suminghap ako at kaagad na lumabas nang kwarto. Malamig sa salas at umupo ako sa sofa habang niyayakap ang aking sarili. Isang oras pa ang lumipas pero wala sya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagiyak. Hindi ko alam kung bakit sobra ang nararamdaman kong takot sa puso ko ngayon. Takot na takot ako na may iba sya. Takot na takot ako na may mahal syang iba. Parang hindi ko kaya.. Para bang hindi ko na 'to kayang panindigan pa.

Ilang sandali pa ay nadinig ang isang mabilis na yabag paloob. Dinilat ko ang mga mata ko at sa isang iglap ay nakita syang papasok doon.

"Faith, Baby. You'll catch a cold."

Lumapit sya sa akin. Antok na antok ako pero gusto kong labanan 'yun dahil gusto ko syang makausap. Gusto kong sabihin sa kanya at hindi ko kaya.. hindi ko kaya na wala sya at hindi ko kaya na mayroon syang iba. Na mahal ko sya at sobrang sakit na. Na hindi ko na kayang magpanggap at anumang oras ay matitibag na ang lahat nang pader na pinalibot ko saking puso.

"Grant." Napaos ang aking boses nang ilapag nya ako saking kama.

"Y-you fell asleep. Sa sofa.  Sorry. Nagising kita?" tanung nya.

Hindi ako sumagot. Inawang ko ang bibig ko at sinabit ang dalawa kong braso sa kanyang leeg. I am afraid. Ayaw kong bitawan nya ako.

"F-faith."

"Is she your girlfriend, Grant?"

 "Who? Yzeline? No.."

"B-bakit sya nandito? Bakit ang tagal mong dumating? Saan kayo nagpunta?"

"Baby.."

"Don't go." Nanginig ang aking boses at hindi ko napigilan ang buhos nang aking luha. Para akong batang takot iwanan nang kanyang ina. Para akong batang takot maiwan. Takot na takot ako. Ang ideya na may magmamahal si Grant nang iba ay nagbibigay nang sakit saking puso.

"Damn Baby. Are you crying because of me?" tanung nya

"Nasaktan ba kita? " tanung ko

Umiling ako at umiyak nan umiyak.

"Tama lang saking 'to. Mas nasaktan kita.."

 "Hurt me all you want Faith. I don't mind, as long as it's you." Bulong nya.

"Shh. Don't cry. They'll gonna hear you, Baby. You don't want that right?" Pinunasan nya ang luha saking pisnge. Pinagmasdan ko lang sya habang ginagawa 'yun. Nakikita ko ang sakit sa mga mata nya. Kung hindi nainlove si Grant sa akin, malamang ay hindi sya nasasaktan nang ganito. At kung hindi ko sya minahal malamang ay patay na ako ngayon at sumuko na sa laban.

"I'm sorry for being jerk. H-hindi ko sinasadya. I'm sorry if I hurt you. Akala ko kapag ginawa ko 'yun, makakaganti ako sayo. But I am very wrong, dahil sa tuwing nasasaktan kita.. mas nasasaktan ako." Aniya.

Nasaktan ako nang makita ang butil nang mga luha na nahuhulog galing sa kanyang mga mata.

"I'm not late right? One minute before your birthday ends, Baby. I wasn't able to greet you properly earlier but now let me do this.. Happy Birthday Baby. I love you more than anything in this world. I love you more than I'm allowed to. I love you so much even if it hurts." Nakita kong inilabas nya ang isang magandang singsing at pinadulas 'yun saking daliri.

"Alam kong hindi ka sasama sa akin. You'll going to choose what is right for sure. But, Baby can I ask you something?" Aniya.  "Can I be with you? Come with me. Let's spend summer vacation together. Kahit sandaling panahon lang. I want to be with you alone. Let's go somewhere, Faith. Somewhere far away. This Summer. Can you come with me? I promise this will be the last time." He beg.

After that, Grant and I had a really great summer and I prayed that God gives us one more summer together. One more..

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...