Remembering Summer (Summer Se...

Od RJPM18

172K 5.3K 465

Faith Samantha Santiago still remembers everything. Mula nung unang beses na tumibok ang kanyang puso, hangga... Více

Remembering Summer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 12

2K 83 3
Od RJPM18

Chapter 12

Lumipas ang araw at naging pasukan nang muli sa CCCU madalas ko nalang makita si Grant sa bahay at sa tingin ko ay hindi sya doon natutulog. Minsan, naiisip kong baka gabi lang syang umuuwi kaya sinasadya kong magising at kunwaring umiinom nang tubig sa kusina pero wala.. wala talaga sya. Magkatabi lang ang kwartong tinutulugan naming at palagi ko syang pinapakiramdaman sa kabila. Naninikip ang dibdib ko dahil sa kalagayan namin ngayon.

Gusto ko nalang umiwas. Gusto ko nalang umiwas dahil alam kong sa oras na pagbigyan ko ang sarili ko ay katapusan ko na. Natatakot akong hindi ko 'to mapanindigan hanggang dulo.

"Faith. Are you okay?" Nagulat ako nang makitang nasa likuran ko na sya.

"Anung ginagawa mo? Class hour-"

"You're panting."

Lumunok ako.

"Galing ako sa pagtakbo."

"I know, I saw you." Aniya. Nakita kong ang agad nyang paglapit sa akin. Natakot ako sa kalabog nang aking dibdib kaya mas pinili kong umatras nalang. Nakita ko ang pagkunot nang kanyang noo nang dahil doon. Halata ang sakit sa kanyang mga mata at hindi ko 'yun kayang tignan.

"Baby. You're pale again. I'm worried." Aniya.

God. Nanghina ang tuhod ko at tinago ang ibabang labi ko gamit aang likuran nang aking kamay. Nagiwas ako nang tingin sa kanya. Galing ako sa pagtakbo kanina at naninikip ang aking dibdib. Matagal nang sinasabi sa akin na bawal ang pagtakbo. Pero buong buhay ko. Gustong-gusto ko talaga ang tumakbo kaya habang may pagkakataon ay ginagawa ko ito.

Suminghap sya at akmang hahawakan ako pero kaagad akong natakot at tinapik ang kanyang kamay. Nakita ko ang pagkagulat nya nang dahil doon. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya nang dahil doon.

"Baby-"

"Don't call me baby."

Umiling sya at hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha.

"You're really hurting me, Faith. Bigtime." Napapaos na sabi nya.

Suminghap ako at pinigil ang luhang nagbabadya saking mga mata. Bakit ang hirap? Bakit ang hirap-hirap? Sobrang bigat nang loob ko at pakiramdam ko anu mang oras ay malulunod na ako sa sakit. Natatakot akong dumating ang araw na mamatay ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Stay away Grant. This is bad." Hirap na sabi ko.

"W-we love each other, how can this be bad?"

"H-hindi pwede." Nanginginig na sabi ko.

"Baby please. Stay with me." pakiusap nya sa akin.

Nakita ko ang titig nya sa akin. Bumuntong-hininga ako dahil alam ko na sa kaibuturan nang aking puso ko ay mahal na mahal ko sya at natatakot akong mawala sya. Natatakot ako at baka hindi ko kayanin at hindi ko ito mapanindigan. Natatakot ako at hindi ko kayanin hanggang dulo, dahil ngayon.. ramdam na ramdam ko, mahal na mahal ko sya. Gusto ko syang yakapin at halikan pero hindi pwede.. hindi na pwede.

"Let me hug you. Baby, I miss you." Pakiusap nya.

Nanginig ang kamay ko at namanhid na ang buo kong katawan. Hindi ko na magawa pang igalaw ang buo kong katawan. Gusto ko mang tumakbo at tumakas ay wala na. Hinang-hina na ako at ngayon ay wala akong magawa kundi ang tanggapin ang yakap nya sa akin.

"I miss you. I miss you so much." Paulit-ulit nyang sabi. Katulad kong paanu nya sabihin sa akin na mahal nya ako. I want to hear it again. Over and over again. Gusto kong paulit-ulit nyang sabihin sa akin na mahal nya ako, kasi ako, oo. Mahal na mahal ko sya.

"I miss you too." Pumikit ako. "But, we can't be happen anymore. Grant. Hindi ko alam kung bakit hindi ka galit sa akin. Have you heard what I sai-"

"I heard."

Lumunok ako at pumikit. "S-sinabi ko na sayong niloko kita, na matagal ko nang alam pero tinago ko sayo at pinatulan padin kit-"

"I don't care. Baby, I don't care." Aniya. "I don't care anymore, Faith. Wala kang kasalanan. Ako ang unang nainlove sayo, baliw na ako sayo noon pa, Dammit. Nung simula palang kitang nakita. Sana alam mo.. Damn! Sana alam mo kung gaanu ako kabaliw sayo. Wala kang kasalanan. I'm greatful, kasi minahal mo din ako. We're just victim here. Sasabihin natin sa kanila. We'll tell them, Baby. Maiintindihan nila." Aniya.

Nanlaki ang mata ko nang dahil sa sinabi nya. Kaagad akong napabitaw sa kanya at lumayo. Hindi ako makapaniwalang naiisip nya ang bagay na 'yun.

"No. Grant, hindi pwede."

"Why?"

Panay ang iling ako. "Hindi pwede.. Hindi pwede."

"What about..what about us?"

"M-magkapatid tayo.. Hindi kaba nandidiri?"

"Dapat ba mandiri ako?"

"Oo! Dapat mandiri ka!" sigaw ko. Nanginginig ang buo kong systema. Hindi makabubuti na yayain nya ako nang ganung bagay. Mahal ko sya pero hindi pa ako umaabot sa puntong pagtataksilan ko sila Papa at sila Mr. Hernandez.

"Kung ganun bakit hindi?" Kinuyom nya ang kanyang palad. "Ikaw? Nandidiri kaba? Nandidiri kaba? Huh? Faith? Na parehas ang dugong nananalaytay sa mga ugat natin? na mahal kita na higit pa sa pagiging kapatid? nandidiri ka that I am so deeply inlove with you and I am willing to run away kasama ka? N-nandidiri kaba, kasi minahal mo ako?"

Naiyak ako at hindi makapagsalita. Hindi ako nandidiri dahil alam ko ang totoo Grant. If only you know my reasons.. Sana may lakas ako nang loob para sabihin sayo ang totoo.

"Ginagago mo ba ako? ARE YOU FUCKING TOYING ME?" sigaw nya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Umiyak ako nang umiyak sa kanyang harapan dahil hinang-hina ako at naiinis ako saking sarili.

"GODDAMMIT FAITH STOP CRYING AND ANSWER ME!"

Nagbell na at hudyat na nang pagsisimula nang klase. Wala akong maibigay na sagot sa kanya. Natatakot ako na sa oras na ibuka ko ang mga bibig ko at ibang salita ang lumabas doon. Baka masabi ko ang totoo. Ang totoo na mahal na mahal ko sya at gustong-gusto kong tumakas at tumakbo na kasama sya.

"Sorry." Bulong ko. Please Grant, stop.

"How can you do this to me? How can you fucking-" tumigil sya at tumingala.

"I'm sorry, Grant. Pero hindi talaga pwede. Maybe someday you'll find a girl-"

"Bullshit, Faith!"

"I'm- I'm so sorry. Stay away Grant. K-kasalanan 'to."

"Then, let's fall into the deeps of hell together. I don't care, as long as I'm with you." Umiling-iling ako

"I can't risk my Faith, Grant. I am a child of God. We are. We must choose the right way. This is against Gods wil-"

"Fuck! Ask your God, whoever he is, ask him why he let us love each other when there's no way for us to be together, Faith.. W-why? Why can't I love you?" Pumikit sya. Tuloy-tuloy ang pagluha saking mga mata.

I know. Alam kong hindi ko dapat kinukwestyun ang Diyos. Bata palang ako. Naniwala na akong sya lang ang nakakaalam nang kung anung mangyayari sa akin. Kung mabubuhay ba ako nang matagal o hindi. Kung kakayanin ko ba o hindi. Si Papa David at sya ang nagsilbing lakas ko. Noon, handang-handa ako sa anumang pwedeng mangyari sa akin. Wala akong pakialam. I am scared to death but I know he's waiting for me so it's alright. Nagbago lang naman ang lahat nang magmahal ako. I don't know that being inlove gives you a roller coaster feeling. Hindi ko alam na masarap pala ang magmahal. Sasaya ka, malulungkot, kikiligan, masasaktan, iiyak.. - lahat ay nakapaluob na sa apat na letrang 'LOVE'.

Ngayon ko lang nalaman na kapag nagmahal ka pala magagawa mo ang lahat. Masarap palang mabuhay kapag alam mong may paglalaanan ka nito, pero ako, sa tulad kong walang kasiguraduhan ang pamamalagi sa mundo, kinailangan kong sumugal, kinailangan kong pumusta.. talo o hindi.. lalaban ako. Lalaban ako para sa mahal ko.

"Breathe Faith." Malalim ang paghinga ko dahil sa instruction nang Doctor sa akin.

"Relax." Aniya. Tumungo-tungo ako at binalingan si Papa David na nasa labas at nakaupo sa bench. Ngumit sya at kumaway sa akin. Ngumiti din ako sa kanya.

"You're doing good, Faith. Ganun padin. Taking aspirin every day to reduce the tendency of your blood to clot. Watch your diet and please, reduce stress. Ok?" Ani ni Doctor Carol sa akin. Ngumiti ako at tumungo-tungo sa kanya.

Nang makita kong nililigpit na nya ang kanyang mga gamit at kaagad kong hinawakan ang kanyang kamay.

"Doc.." Panimula ko. Tumingin sya sa akin. "Yeah?"

"I am okay right? I can live longer right? Mabubuhay po ako.. nang matagal, hindi ba Doc?" tanung ko. Punong-puno nang pagasa ang aking mga mata.

Ngumiti si Doc Carol at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko.

"Faith, It's up to you kung gusto kong mabuhay o hindi. Sayo nakasalalay ang lahat. Mabubuhay ka kung gusto mong mabuhay." Aniya.

Ngumiti ako at tumungo-tungo sa kanya. Nagkaroon nang kaunteng pagasa sa puso ko. Mabubuhay ako. Yes. I want to live... Gusto kong mabuhay para kay Grant..

Niyakap ko kaagad si Papa David nang salubungin nya ako palagbas ko nang kwarto. May ngiti sa mga mata ko at nagpapasalamat ako sa Diyos dahil maayos ako ngayon. Those past few months became a tough month to me. I am so thankful dahil sa ngayon maayos ang kondisyon ko. I can still live.

Kinalaunan ay sinundo na kami nang sasakyan. Hinatid nang driver si Papa David church at ako naman ay hinatid sa buiding nang mga Hernandez. Bumaba ako nang sasakyan at kaagad na pumasok sa loob nang elevator. Masayang-masaya ako dahil sa magandang balita. I am doing well at mabubuhay ako kung gugustuhin ko. Yeah. I want to live. I really wanted to live.

Walang tao sa loob nang bahay nang pumasok ako kaya dumiretsyo ako sa loob nang kwarto. Nakita ko kaagad ang isang envelope na nakapatong sa ibabaw nang aking kama. Kinuha ko 'yun at binuksan. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makitang 'yun ang mga dokumento sa pagpapalit ko nang apelyido. Nanghina ako at kaagad na umupo sa aking kama. Nanikip ang dibdib ko at para bang kaagad na napawi ang saya ko kanina.

I want to be his Hernandez, not theirs..

Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan. Nagising nalang ako nang makarinig nang kalabog at ingay sa ibaba. Binalingan ko ang orasan at nakitang maggagabi na pala. Naisip kong baka nariyan na sila Prom galing sa kanilang ekswelahan. Sinabi nyang gusto nya daw akong ayusan ngayong gabi. Magaling si Prom sa pagaayos, paglalagay nang make-up at sa buhok kaya gusto nya daw akong pagpraktisan.

Dali-dali akong bumaba pero iba ang naabutan ko doon. Nanlaki ang mata ko nang makita si Grant doon sa sofa at mayroong kahalikang isang magandang babae. Kaagad na nanghina ang tuhod ko at hindi ko na nagawa pang tumalikod at umalis. Mukhang napansin nyang nandoon ako kaya agad syang napatingin sa akin. Nang magtagpo ang mga mata namin ay hindi ko nagawang itago ang sakit na naramdaman ko.

"Grant. Sino sya?" narinig kong tanung nung babae habang inaayos ang kanyang sarili. Bumilis ang naging paghinga ko. Kung kanina ay maayos ang pakiramdam ko, ngayon ay hindi na. Natabunan na lahat nang sakit na nakikita ko ngayon..

Kumunot ang noo ko nang makita ang malalim na titig ni Grant sa akin. I felt my heart skip a bit then he uttered the word I never wanted to hear.

"My Sister." Bulong ko.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...