Remembering Summer (Summer Se...

Da RJPM18

172K 5.3K 465

Faith Samantha Santiago still remembers everything. Mula nung unang beses na tumibok ang kanyang puso, hangga... Altro

Remembering Summer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 11

2.2K 77 4
Da RJPM18

Chapter 11

"We're here." Kinilabutan ako nang madinig ang boses ni Kuya Russell sa unahan. Kaagad kong inayos ang pagkakaupo ko at hinila pababa ang nagusot kong dress.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Ate Cory nang tanungin nya ako. Ngumiti ako sa kanyang at tumungo-tungo nalang.

Anu bang dapat kong sabihin? I am not okay. Paanu ko sasabihin sa kanila 'yun?

Tiningala ko ang isang building na mayroong nakasulat na Hernandez sa unahan. Sa tingin ko ay dito sila nakatira. Kaagad kaming pumasok sa loob matapos i-park ni Kuya Russell ang kanyang sasakyan. Matindi ang kalabog nang dibdib ko at para bang anumang oras ay lalabas na ito saking dibdib. Bumuntong-hininga ako at pumasok na kami sa loob nang elevator. Nilalamig ako sa di ko malamang kadahilanan. Nang bumukas 'yun ay kaagad na bumungad sa akin ang isang magandang pintuan.

"Dito kami." Ani ni Kuya Russell. Tumungo-tungo lang ako sa kanya. Bumuntong-hininga ako inihanda ang aking sarili bago pumasok.

Pumasok kami sa loob. Nakita kong natigilan kaagad sila sa kanilang paguusap. Nakayuko ako at hindi ko magawang inaangat ang aking tingin. I am afraid. Natatakot ako dahil alam kong nariyan sya. Nakikita ko ang sapatos nyang nakatigil lang doon.

"No. No." nauna kong nadinig ang kanyang boses. Pumikit ako at ininda ang lahat nang sakit. I am so sorry. I am sorry, Grant.

"This is Faith Samantha Santiago. Sya.. sya ang kapatid nyo."

"D-dad, paanu nya nalamang sya? Anak sya ni P-pastor David." Naramdaman ko ang panginginig sa kanyang boses. Nagangat ako nang tingin at kaagad na nagtagpo ang mga mata namin. Kinilabutan ako. Ang kalampag nang aking puso ay mas lumakas. Nakikita ko ang pagkagulat at takot sa mga mata nya.

"Pastor David told us, Sya ang asawa ni Hope na ina ni Faith, hindi ko alam. All this time, hindi ko nalaman na nasa tabi ko pa pala ang hinahanap ko. Grant. I'm so sure, Si Faith ang anak ko. Ang kapatid nyo." Ani ni Mr. Hernandez, yumuko akong muli. I need to keep my mouth shouted and eyes close with all this lies!

"Dad, how about.. DNA-"

"That's a slap to my daughter, Grant."

Lumunok ako.

"But, Dad.. Faith and I.." Napatigil ako at kaagad na nagangat nang tingin sa kanya. No. He's not going to tell everyone about us right? Hindi pwede. Nakita ko ang pagpigil sa kanya ni Thunder. Nagiigting ang bagang nya at para bang gustong-gustong may sabihin pero alam kung pinipigilan nya lang ang kanyang sarili. Suminghap ako at kinailangang umalis doon dahil sa matinding paninikip nang aking dibdib.

Kaagad akong tumayo at umalis sa itaas. Nanginginig ang binti ko at kalamnan pero pinilit ko pading umalis doon. Alam kong nakasunod sya sa akin. Alam kong maaabutan nya ako pero hindi padin ako tumigil. Mas binilisan ko ang paglalakad ko.

"Faith." Aniya.

Hindi ako sumagot.

"Faith, please." Pagmamakaawa nya.

Pumikit ako at akmang isasarado ang pinto nang mahuli nya ito, Nakapasok sya sa loob nang guest room. Nanlaki ang mga mata ko. Oh no..

"Baby." Nanghihinang bulong nya sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinitigan syang mabuti. Your baby makes me weak Grant. I want to hold you right now.. pero..

"Grant. I'm sorry." Nilakasan ko ang aking loob.

"Faith, please. Let's talk, pagkakamali ang lahat nang ito."

"Hindi.." Umiling-iling ako. "Grant, lumabas ka nalang doon. Hindi pwedeng makita nila tayong naguusap, magpapalit lang ako nang damit, tapos lalabas din ak-"

"Fuck! I can't understand! Paanung naging ganito? Magkausap pa tayo kanina sa telepono, Tapos.. Damn!"

"M-matagal ko nang alam, Grant. I'm sorry. I-I'm sorry."

"What?"

"Noon ko pa alam na hindi ako anak ni papa. Noon ko pa alam na anak ako ni Mama sa ibang lalaki. Noon pa, Grant. Pero minahal ako ni papa na para bang tunay nyang anak. Alam kong nagkaroon nang relasyon ang mama ko at ang Daddy mo noon pa. Alam ko ang lahat. Lahat-lahat."

Umiling sya.

"H-hindi."

"I-I'm sorry. Nung kasal ni Kuya Russell, doon ko kayo unang nakita. Doon ko unang nakita si Mr. Hernandez, ang Daddy mo. Nung nakita ko sya, naisip ko kaagad ang mama ko. Nagkaroon sila nang relasyon noon. Hindi kayang magkaanak ni Papa. Noon pa, A-alam ko na.. Grant.. na magkapatid tayo.."

Tumikhim ako. I'm sorry for the lies, Baby.

"Iniwasan ko ang pagmamahal ni Dillon dahil alam kong hindi pwede pero hindi ko naiwasan ang sayo. I'm sorry, Grant. Alam kong kapatid kita pero pinatulan kita, kapatid kita pero minahal kita, kapatid kita pero gusto kitang makasama. I risk all my Faith, Grant. Tanggap ko kung sa impyerno na ang punta ko ngayon. I disobey God's will. Nakasalanan ako,pero ikaw hindi. Save yourself, Grant. I'm sorry."

"No. Faith. Hindi ito tama. Mali ito, Pagkakamali lang. I believe there is somethi-"

"Grant.. Did you hear me? I want us to stop."

"No."

"Grant, Ikamamatay ko 'to-"

"MAS IKAMAMATAY KO TO! TANG-INA FAITH! Bakit mo hinayaang mahalin kita nang ganito. Pinaglaruan mo lang ba ako?" Pumiyok ang boses nya at kitang-kita ko ang paglaglagan nang luha dito.

"I'm sorry."

"This is just a mistake-"

"This is not a mistake. Totoo ito, Grant. Matagal ko nang alam. Hear me? Niloko kita." Humikbi ako nang humikbi. "Please Grant. Itama nalang natin 'to." Pakiusap ko sa kanya.

Nakita kong tinagilid nya ang kanyang ulo at tinitigan akong mabuti. I saw pain in his eyes at wala akong magawa para doon. I want to hug him and say that everything is a lie. Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero hindi ko magawa. I know he's inlove with me at kung malalaman nya ang totoo ay alam kong masasaktan lang sya. If I end this now, makakalimot pa sya. Hindi pa sya ganun kahulog sa akin at makakahanap pa sya nang babaeng para sa kanya. Ayokong matali sya sa akin nang dahil lang sa may sakit ako. Though, I want to live, hindi ko parin alam kung hanggang saan o hanggang Kaylan lang ako. I don't want him to take any chances with me dahil walang kasiguraduhan ang pamamalagi ko sa mundong 'to.

I am sorry. I want him to know that I am taking all the risk because I want to live for him. Finally, I found my reason to live and that was him.

Matapos kong makapagpalit ay bumaba ako para sa hapunan. Naroon kaming lahat pero hindi bumaba si Grant. Sinundan ko nang tingin si Mrs. Hernandez nang pababa sya nang hagdan. Binalingan nya si Mr. Hernandez at kaagad itong umiling-iling.

"I don't know. Kinakatok ko sya pero hindi sya sumasagot." Aniya.

Yumuko ako.

"Don't worry. I'll talk to Kuya. Matatanggap ka rin nya." Hinawakan ni Prom ang kamay ko.

Binalingan ko sya nang tingin at sandaling ngumiti. Kumakain kami nang tahimik at napapansin ko ang madalas na pagtingin sa akin ni Dillon. He must be mad at me right now. Nung nasa charity kami, nagconfess sya sa akin at hindi ko tinanggap 'yun. Now, I know that he knows that about me and Grant pero wala syang sinasabing kahit na ano.. I don't know what he's thinking.

Natapos ang pagkain namin nang hapunan. Kahit na wala akong gana ay pinilit ko padin kumain dahil nahihiya ako sa kanila. Mr. Hernandez wants me to call him Papa. Naiilang ako pero tumungo nalang ako sa kagustuhan nya. Mrs. Hernandez wants me to call her Tita and I agreed.

Ilang sandali pa ay umakyat na sila Papa at Tita sa itaas para magpahinga. Ang ilan ay nasa salas at nanunuod nang TV. Hindi pa nila ako masyadong kinakausap. Sa tingin ko ay medyo ilang pa sila sa akin ngayon. I understand. Ako din naman ay naninibago pa.

"Faith." Nilingon ko si Dillon nang lumapit sya sa akin. Narito ako sa kanilang balcony at nagpapahangin.

"Hmm. Hi."

"Kumusta ka?" tanung nya.

Hindi ko sya tinignan. Nakatitig lang ako sa kawalan habang pinapakiramdaman ang pagdampi nang hangin saking mukha.

"I'm not fine, Dillon."

"I understand." Aniya.

Yumuko ako nang maramdaman ang paginit nang aking mga mata.

"Mas nauna kong nalaman. I was so surprised too. I am in love with you too, so I got so pissed nung nalaman kong kayo." Aniya.

Nilingon ko sya.

"I am sorry, Dillon. Believe me, pinigilan ko ang sarili ko. Pero bago ko pa namalayan, hulog na hulog na pala ako sa kanya. Hindi ko alam kung paanu 'yun nangyari." Sabi ko. Nagiwas ako nang tingin nang tumulo ang luha saking mga mata. Sandaling katahimikan ang bumalot saming dalawa.

"There must be something." Natigil ako nang dahil doon. "I know there's a reason behind this Faith. Sandali palang tayong magkakilala pero alam kong hindi mo sasaktan si Grant nang walang sapat na dahilan. I know there is something wrong." Aniya.

Nanlaki ang mata ko nang dahil doon. Nagkatitigan kami pero mas pinili ko pading magiwas nalang nang tingin. Hindi ko alam na ganun ang tingin ni Dillon. Hindi ko alam kung matalino lang talaga sya at nagagawa nyang pagtagpi-tagpiin ang lahat o nababasa nya lang ang laman nang isip ko.

Sabay-sabay kaming kumain kinabukasan. Masaya ako dahil madadaldal na sila sa akin at para bang komportable na silang kausapin ako. Lalo na si Juan Paolo na halos hindi ako imikin kagabi.

"Want some bacon, Ate?" tanung nya. Ngumiti ako at tumungo-tungo.

"Thank you." Sagot ko.

Hinayaan ko syang lagyan nang bacon ang pinggan ko tulad nang gusto nya.

"I hope nakatulog ka nang maayos kagabi, Faith. Comportable kaba?" tanung sa akin ni Tita. Tipid akong ngumiti sa kanya at sandaling tumango kahit ang totoo ay hindi naman talaga ako nakatulog kagabi. Panay ang iyak ko at palagi ko nalang naiisip ang magmamakaawang si Grant. Parang minumulto ako noon.

"Uy, Kuya! Dito ka!" biglang sigaw ni Prom. Nanlaki ang mata ko nang dahil doon. Kumalabog kaagad ang dibdib dahil alam kong nariyan na sya sa likuran ko.

"Good morning." He said. Suminghap ako dahil nararamdaman ko ang init nya sa likuran ko. I know he's talking to me.

"G-good morning." I replied, without looking back.

Kalmado lang ang puso ko kanina. Not until narito na sya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa panginginig. Kinakabahan ako.

"Grant. Sit here." Nakita kong tinapik ni Thunder ang kanyang upuan. Pero nagulat ako nang kay Juan Paolo sya lumapit.

"JP, move. Doon ka sa tabi ni Thunder." Aniya. Pumikit ako. Oh, No..

"Kuya, Bakit? Doon ka nalang sa tabi ni Kuya Thund-"

"I said move." Matigas nyang sabi.

Hindi ako nagsalita. I can't say anything. I just hope that he stops doing this.

"Grant-"

"Grant Elliot. Umupo kana sa tabi ni Thunder." Matigas na sabi ni Papa sa kanya.

"I want to sit beside Faith-"

"Grant." Suway naman ni Williard. Binalingan ko sya nang tingin. Kagabi pa sya nagmamasid at napapansin ko ding pinapanuod nya ang aking galaw. Hindi ko alam kung may alam ba sya o wala.

"Nakaupo na si Juan Paolo diyan, sa tabi kana ni Thunder." Ani ni Papa

Nakita ko ang pagiigting nang kanyang bagang bago sumunod. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang mapansin ang pamumula nang kanyang mata. Nadudurog ang puso ko isipin ko palang na baka buong gabi syang umiyak at hindi nakatulog nang dahil sa mga nangyari.

"I can't believe pinsan ka namin!" Napalingon ako kay Fifth nang dahil doon.

Ngumiti si Prom. "Oo nga! Ate pala kita. Alam mo, Ate Faith, to be honest, tutol ako dito nung una, pero nang malaman kong ikaw ang kapatid namin, I feel so relieved, At least, may anghel na dito sa bahay. Puro demons kasi ang kasama ko." Sabi ni Prom. Ngumiti lang ako.

"Dito kana titira, hindi ba?" tanung naman ni Kate.

"Hmmm. Siguro." Sabi ko. Kahit na hindi ko alam kung mapapanindigan ko ba 'yun. Living here with him become torture for me.

Panay ang kwentuhan nila at pinagdadasal ko na sana ay matapos nalang ang almual na ito. Hindi ko na kayang tagalan ang mga titig nya sa akin. Natatakot akong mahalata nila. Alam ko, hindi si Grant ang tipo na nagtatago nang nararamdaman.

"Ate Faith. May boyfriend ka naba?" Natigilan ako sa tanung ni Prom.

"H-huh?"

"Faith? Do you have a boyfriend right now?" tanung ni Papa.

Kinabahan ako at nangapa nang salita. I know, dapat ay sabihin kong wala pa dahil tinapos ko na ang sa amin ni Grant kagabi pa, though, alam kong hindi nya tinatanggap 'yun.

"I bet, wala. Si Faith pa?" natawa si Fifth.

"Faith, Mayron ba?" tanung uli ni Papa.

Suminghap ako at sumagot.

"Ah, wala po." Sabi ko pero agad din akong nagitla nang madinig ang matinis na tunog nang nahulog na kubyertos ni Grant. Binalingan ko sya nang tingin. Natakot ako sa madilim nyang eksresyon. He looks really, really mad.

"Talaga? Means, you don't love anyone now?" tanung ni Prom.

Umiling ako. I can't tell that I love your brother, Prom.

"You're lying." Nagulat ako sa pagsingit ni Grant.

"Why? May alam ka ba, Grant?" tanung ni Tita sa kanya.

"I'm sorry Faith kung madami silang tanung sayo, Ayaw naming mabigla ka, but they're so excited." Ngumiti sya. "I don't forbid you to have a boyfriend since pinapayagan ko na din naman si Prom.. and, you're a Hernandez.. Sooner or Later, magpapalit kana nang apelyido." Ani ni Papa.

Kinakabahan ako sa mga kinikilos ni Grant. Hindi nya kayang manahimik. Sooner or later, alam kong sasabihin nya.. sasabihin nya ang lahat..

"I-I can't accept it, D-dad." Pumiyok ang kanyang boses. Nanuyo ang lalamunan ko.

 "Grant.." pigil sa ni Thunder.

"Why?"

"I-i.." Lumunok sya. Tumindi ang kalabog nang dibdib ko nang dahil doon. I know he's going to say it at natatakot ako. Please, not now. I need to live.

"Papa.." Ani ko pero agad nya akong sinigawan.

"Dammit, Don't call her Papa! He's not your Fathe-"

"GRANT ELLIOT!" nangibabaw ang galit na boses ni Tita.

Natahimik ako nang dahil doon. It hits me really hard. Yeah. He's right. Wala akong karapatang tawaging Papa ang ama nila. He's not my father, this is just a big lie! Hindi ko napigilan ang pagiyak. I feel so helpless.

"Dad.. Faith.. and I-" hirap na sabi nya pero agad ding natigilan nang makita ang paghikbi ko.

"Kuya, Anu ba!" sigaw ni Prom. Pinigilan ko ang sarili ko sa pagiyak pero hindi ko magawa. Matindi ang buhos nang aking luha. Lahat nang parte nang katawan ko ay masakit. Lahat nang parte nang katawan ko ay namamanhid. Lahat.. ramdam na ramdam ko..

"What's the problem, Grant! For pete's sake!"

"H-how about.. H-how about.. DNA, Dad?" nanginig ang kanyang boses..

"W-we already had, and it's positive. Faith is my child, so stop sulking. She'll be a Hernandez, too." Aniya.

Bumaling sya sa akin. Nanghina sya at naupo sa kanyang upuan. Tuloy-tuloy ang pagdaloy nang luha saking mga mata. This is the worst, I am the worst. I am really going to break my love's heart. Hindi ko makita ang dahilan kung bakit kailangan kong saktan sya nang ganito para lang mabuhay ako. Seeing him hurt makes me hurt even more.. Even more, Baby.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

Chimed Da jazlykdat

Storie d'amore

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...