The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.7M 87.8K 17.4K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 86

23.3K 520 108
By whixley

Chapter 86: Birthday

Napamulat ako ng mata sabay tingin sa katabi ko. Namataan ko agad na natutulog si Phoenix sa tabi ko. Nakapatong sa tiyan ko ang kamay at mahigpit ang yakap sa akin.

Maliwanag na ang langit nang makita ko. May araw na pumapasok na rin sa loob ng kwarto kaya nakakagising talaga.

Umayos ako ng higa matapos alisin ang kamay niya. Hindi na ako matutulog, bangon na bangon na ang diwa ko.

“Iyong kamay mo, ang bigat,” sambit ko.

“Are you still mad at me?”

‘Yon pa rin pala ang nasa isip niya. “Hindi naman ako galit.”

Galit at inis ako, oo, pero kay Iris dahil talagang ginawa niya ‘yon kahit may girlfriend na si Phoenix. Alam naman niya sa sarili niya pero talagang ginawa niya, hindi ba siya marunong rumespeto sa kapwa niya babae? Paano kung sa kaniya gawin ‘yon? Napailing nalang ako.

“Then, that’s good.” Hinila niya ako palapit sa kaniya.

“Hindi mo naman siguro… g-ginawa ang sinabi niya, ‘di ba?” Hindi kasi ako mapakali.

“Of course, Darlene. I have a girlfriend, so why do I need to do that? She was the one who followed me in the kitchen and said a lot of words. She said that she still loves me, but believe me, I explained that you are the one I love,” pagpapaliwanag niya. “But she didn’t listen, she pulled me then kissed me. But, love, I didn’t kiss her back.”

Nakinig ako sa mga sinasabi niya. Iyon lang naman ang gusto kong malaman, hindi ko rin mapigilan minsan ang mapaisip kung totoo ang sinasabi ni Iris. Masakit para sa akin iyon bilang girlfriend niya. Hindi ko talaga alam ang magagawa ko.

At isa pa, mataas naman ng tiwala ko sa kaniya.

“Oo, alam ko na.” Tumango-tango ako. “Pero bakit kaya siya gano’n? Kahit alam niyang may relasyon tayong dalawa, pinipilit niya pa? Hindi ba siya marunong gumalang sa relasyon ng iba? Dapat move-on na lang siya, mahirap ‘yon gawin pero makakaraos din siya. Lahat naman dumadaan sa hirap.”

‘Yong ugali talaga ni Iris ang hindi ko maintindihan. Alam ko namang mabait siya, kinakain lang siya ng selos. Dahil sa selos ay nagagawa niya ang mga bagay na hindi naman dapat gawin. Katulad na lang ng ginawa niya. May relasyon na muntik nang masira dahil sa ginawa niya.

Tanggap ko pa naman siya bilang kaibigan at gusto ko rin na pag-ayusin silang lahat pero dahil sa ginawa niya ayoko na lang. Nawalan ako ng ganang kaibiganin siya.

“I don’t know what happened to her. All I know is that she’s not like that. Maybe jealousy eats her. I can see the jealousy in her eyes whenever we are all with you.”

“Halata pa naman sa kaniya na mabait siya kaso hindi niya magawang ipakita dahil sa nangyayari.” Sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon sa School. “Nga pala, ano ang nangyari at parang ang bilis niyong nalaman? Ano ang nangyari, ha?”

“It came in her mouth. She didn’t think about her words because of nervousness. Dash was asking her normally pero nadulas siya. Hinuhuli lang siya ni Dash, nagpahuli naman siya.” Hinalikan niya cheeks ko nang paulit-ulit. “Finn also helped. Iris thought that the CCTV wasn’t working, the time clip captured. But when she found out that the CCTV captured what happened, she removed it. She hired some experts to delete the clip. But Finn did find a way to find the clip even if it was deleted.”

“Hindi lang siya sa mga laptop o mag-tracked ng places magaling, pati pala doon!” Na-amaze ako kay Finn.

Grabe, ang galing niya.

“That’s why he’s important to the Organization. He was trained. Lahat kami, we are all trained by our parents.”

“Ang galing niyo naman pero bakit kailangan gano’n? Lahat ba kayo kailangan well-trained bago pinasok sa Organization na sinasabi niyo?”

“Yes,” sagot niya. “Actually, my parents and their parents are part of this organization. Kaya kilala ni Tita Serine ang mga magulang nila. My Dad is the real Mafia Leader of Forelli Organization, hindi talaga si Drake. And Tito Dylan gave me the title kaso binigay ko lang sa kaniya ‘yon dahil ayoko. Marami na akong kalaban tapos iintindihin ko pa ‘yon? Nah, I’m contented with my enemies.”

Wow, maraming kalaban. Proud yarn? “Paanong maraming kalaban?”

“My father has an enemy, which is ang dating suitor ni Mommy. Hindi niya matanggap na mahal ni Mommy ang Daddy ko. Until now, hindi niya matanggap kahit na patay na siya. That fucker loves my Mom, but my Mom loves my father. Iyon ang dahilan ng ikanagalit niya, hindi niya matanggap.”

Mala-teleserye.

“When my parents got married, hindi niya mas lalong natanggap even if he already has his own family. Still, he wants my family to suffer. He did some shits on my Family, kahit sa akin noong bata pa ako. Alam niyang magsa-suffer ang parents ko kapag ako ang nawala. And you know what, Darlene, I was kidnapped when I was kid,” aniya parang ayaw nang alalahanin ang araw na ‘yon.

“Hala, kwento mo bilis!” Madalas rin kasi akong dakipin noon, e.

Mahigpit niya akong niyakap. “During that day, it was my nightmare. Because that woman was forcing me to do the things I didn't want to do, she ordered me to touch her b-body. I was scared and traumatized from what happened. I can't even sleep because of that, you know. Paulit-ulit at paulit-ulit rin akong tumatanggi kaya paulit-ulit rin akong sinasaktan.”

Hay, hindi ko alam na mas grabe pa pala ang nangyari sa kaniya kumpara sa pag-kidnapped sa akin noong bata ako. Bata pa lang ako may dumadakip na sa akin kaya ‘lagi akong may kasama noon dahil ‘yon pala ang purpose. Tapos sa isang abandonadong kwarto na naman ako nilagay! Ni wala akong makita noon kasi nakapiring ang mata ko!

“That’s the first time that I k-killed someone. I accidentally shot the girl to protect myself. Her cousin was mad at me, that’s why he imprisoned me in an abandoned room.”

May tumulong luha sa pisngi ko, sa mata niya galing ang luhang ‘yon.

“Someone was talking to each other. One is a British man and the other one is Almendral. I don’t know who the other man is, all I know is that fucker kidnapped me,” dagdag niya. “I’m also with someone at that time. She’s a girl and she’s crying. I comforted her to stop her from crying. I know our eyes are blindfolded. But, I was protecting her because there were a lot of men there. Baka kasi kung ano ang gawin sa kaniya. I even gave her a handkerchief.”

Mas lalo akong napatigil sa sinabi niya! Hindi kaya siya ‘yong batang lalaki na kasama ko noon?! Kasi ang sabi ni Papa sa akin may kasama daw ako nang mahanap nila kami! Oo, kami. Kasi ang sabi niya ‘kayo’ kaya ayon!

“I found out that Tito Dylan and Dad helped each other to find me… I guess? At, galit na galit si Tito Dylan noon, I don’t know why. Same with Drake he’s mad, while Darius is busy. He’s taking care of someone at that time.”

Napabangon ako at tumingin sa kaniya.

Siya nga!

“Hala ka! Ako ang tinutukoy ni Darius! Nasa Laguna pa nga kami noon, e! Ikaw nga yata ‘yon! Hala, destiny tayong dalawa! Bagay tayong dalawa kasi lagi tayong kinikidnap!” Niyugyog ko siya.

“Wait, what?” naguguluhan niyang tanong.

“Ganito kasi ‘yon, magkakilala na kaming dalawa ni Darius noong panahon na ‘yan. Madalas ko siyang kasama habang nasa provine kami. Nagka-trauma kasi ako noon kaya gusto ni Papa na magpahinga ang isip at kaluluwa ko,” sabi ko habang nakatingin lang siya sa akin. “At alam mo, my eyes were blindfolded at that time.” Pucha, napapa-english ako.

“You mean you are the girl who always says ‘Papa’?”

“Oo!” kaagad akong tumango .

“So, we met each other, but we were both kidnapped…” aniya. “Fuck, now I know why Tito Dylan was so mad as hell. It’s because of you, because someone kidnapped you.”

Tumango ako. “Teka at ibig sabihin rin, magkakilala ang Almendral na sinasabi mo at ang dumakip sa akin noon?” Tanong ko na nagpatigil sa kaniya.

“Maybe yes, that man was British, but he knows how to speak Filipino. But, who’s that man?”

Isang British lang naman ang kilala kong marunong magsalita ng Filipino.

“It was your Mom’s brother.” Nilingon niya ako. “That Aristotle Morriston.”

Napasinghap siya. “Damn, they know each other? That fucking Almendral. Tangina, kahit patay na ‘yon, naaasar pa rin ako.”

Pinatay nga pala ng Dad niya ang Almendral na tinutukoy niya.

“Paano ba namatay ang bullshit na ‘yon?” Tanong ko.

“My Dad killed him because he pointed a gun at me. Dad shot him first,” sagot niya. “Also, that’s the day when my parents died.”

“At ang araw na nasira kayo ni Darius,” dagdag ko pa. “Anyways, alam mo na ba kung sino ang may gawa no’n sa magulang mo?”

“Hmm… sort of.”

“Sort of, amp. Paano ‘yon?” Umirap ako.

“You’ll know soon…” Tanging nasabi niya..

Pa-suspense din siya.

“But, Darlene after my Dad killed Almendral… his body was gone.” Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Ano ‘yon? Sinundo ng mga retre katulad ng nasa encantadia kaya nawala? Ay, sa impyerno pala ‘yon mapupunta.

“Paanong nawala?”

Nag-shrugged siya. “I don’t know… after looking at my parents dead bodies, pinuntahan ko siya kung nasaan ang katawan niya pero nawala.”

“Baka naman dinala na sa impyerno este sa morgue noong may kumuha sa katawan?”

Hindi siya nagsalita kaya hindi na lang ako nagtanong. Sinilip ko na lang ang screen ng cellphone ko para makita ang oras.

“9:15 na. Lagot ka, hindi ka umuwi sa inyo.”

“It’s fine, nagpaalam ako kay Tita Grace.” Kinuha niya si Lucy sa sahig. “Did your maids cook some breakfast now?”

“Siguro.” Tumayo ako. “Lumabas ka na muna, doon ka na muna sa ibaba. Maliligo pa ako.”

“I’d stay here.” Nahiga siya sa kama.

“Maliligo ako, gago. Umalis ka na.”

“Hindi naman kita sisilipan.” Tumingin pa siya sa akin. “Go ahead and take a shower or if you want, I’ll stay inside in your bathroom while you bathe.”

“Baka gusto mong mag-stay sa kabaong.”

Tumawa siya. “Joke lang.”

“Sinasabi ko sa ‘yo…” Dinuro ko siya bago dumiretso sa bathroom.

Kumuha ako ng damit sa walk in closet para doon na magbihis sa loob ng bathroom. Ginamit ko ang bathtub ko. Nilagyan ko ng maraming bula bago tanggalin ang damit ko at lumubog. Pinatong ko ang paa ko sa dulo ng bathtub, at ang ulo ko naman ay hinilig ko sa kabilang dulo ng bathtub.

Birthday na ni Kuya ngayon kaya for sure nagre-ready na sila. Mamayang gabi gaganapin ang party dahil panigurado abala pa sa mga oras na ‘to ang ilang bisita.

Si Darius kaya tulog pa o pumasok ngayon? Basta-basta na lang kasi ako umakyat kagabi dahil sa inis. Nawalan ako ng gana mag-party.

At higit sa lahat, ano kayang connection ni Aristotle at Almendral?

Kinuha ko ang cellphone ko para i-connect sa speaker dito. Tinodo ko ang volume kaya nakarinig ako ng katok sa labas.

“Miranda!”

“Ano?” Sagot ko.

“Turn down the volume!”

Napakamot ako sa noo bago hinaan. Nanatili ako sa bathtub, panay naman ang katok ni Phoenix sa labas kesyo bilisan ko daw maligo. Hindi niya alam nagbababad pa ako rito sa mga bula. Minsan lang ‘to, ‘no! Sayang naman kung hindi ginagamit.

Naglagay din ako ng clay mask sa mukha. Si Mama bumili nito para daw sa akin. Hindi ko maintindihan trip ni Mama, parang gusto niyang gawin akong babaeng-babae. Panay din ang bili niya sa akin ng mga mga magagandang damit tapos dinig ko balak maghired ng magaling magturo kung paano kumilos ng tama.

Marunong naman akong kumilos ng maayos. Minsan lang ako balagbag.

“Miranda, it’s almost ten!” Katok ni Phoenix sa labas. “I’m hungry!”

Kinuha ko ang net scrub para kuskusin ang katawan ko.

“Teka lang, hindi pa ako tapos!” Sagot ko pabalik.

Minsan lang ako magbabad!

“Make it faster.”

Napakamot ako sa noo bago kunin ang towel. Tumayo na ako para makababa kaso pag-apak ko sa tiles, tangina, nadulas ako! Nalaglag ang towel ko kaya para akong tanga sa itsura ko!

Nakakahiya!

Nadali ko din ang basong babasagin kung saan nakalagay ang toothbrush ko. Kingina, nagkaroon pa nga ng basag.

“Putangina!” Sigaw ko.

Binalot ko ang sarili ko ng towel. Ampucha, ang sakit ng bewang ko. Tumayo ako at humawak sa sink para makabalanse.

“Miranda, what was that?”

“Nadulas ako!” Sagot ko.

“Ang tanga mo, mahal,” nang-aasar pa ang gago.

“Ulol! Ang sakit na nga ng baywang ko tapos nang-aasar ka pa.”

“Do you want me to help you? I will go inside.” Ang gagong ‘to.

“Paliliparin kita sa outer space kapag pumasok ka rito!” banta ko.

“I want to help—”

“Hindi pwede! Bumaba ka na lang doon kung gutom ka na!” putol ko sa sinasabi niya.

Narinig ko pa ang tawa ng gago.

Hinilot ko pa ang baywang ko bago dumiretso sa shower. Mabilisang banlaw at pag-hampoo ang ginawa ko para matapos. Hanggang sa makapagbihis ako, ang sakit ng baywang ko.

Nakabalot pa rin ako ng bathrobe nang lumabas ako. Nasa kama pa rin pala siya at hinihintay ako. Tumingin siya nang mapansin ako.

“Sakit ng baywang ko. Nadulas ako pag-landing ng paa ko sa tiles.” Naupo ako sa kama.

“Ang laki mong tanga, love.” Hindi talaga siya tumitigil sa pang-aasar.

Binigyan ako ng diyos ng pogi at hot na boyfriend pero bakit ang gago? Nakakabaliw na talaga maging girlfriend nito.

“Tigilan mo nga!” Tumayo ulit ako, nawawala na naman ang sakit ng baywang ko.

Inalis ko ang bathrobe ko, nagulat pa siya at napatigil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit.

“Bakit ganiyan ang itsura mo?” Tanong ko.

Nilagay ko sa upuan ang bathrobe bago kumuha ng hair brush sa lagayan. Tumingin ako sa kaniya.

Naubo siya. “I thought you don’t have c-clothes and you’ll show your b-body…”

“Bakit ko naman gagawin ‘yon? Baliw ba you?”

“Hindi pero ikaw, oo,” sagot niya.

“Nakakarami ka na, ah! Kanina ka pa!”

Mahina niya akong tinawanan. “You didn’t give me a morning kiss. I’m so hungry, I’m waiting for your kisses.”

“Hoy, kapag ikaw narinig nila Momshie! ‘Yang bibig mo!”

Kaso kahit ano’ng saway ko sa kaniya hinding-hindi siya tumigil pero hindi ko binigay ang gusto niya. Panay na nga ang kiss niya sa pisngi ko habang pababa kami para kumain.

Hindi pala pumasok si Darius dahil masakit ang ulo. Nawala na rin ang kalat sa labas, mukhang nilinis ng mga helper. Nandito rin sina Mama at Papa, mukhang kakagising lang rin, naka-pajama silk si Momshie ko nang bumaba.

“Ayan, inom pa!” Tumingin ako kay Darius.

Nasa sala kaming tatlo, nasa one-sofa siya at may tubig sa harap. Nasa tabi ko naman si Phoenix at hawak-hawak ang buhok ko. Para siyang baliw na inaamoy ang buhok ko at parang baliw na ginagawang brush sa mukha.

Hinilot niya ang sentido. “My head hurts…”

“Hindi raw uminom.”

“You are so loud, Lin. I want peace.” Pumikit siya.

“Edi mag rest in peace ka kung gusto mo ng peace.”

Nagmulat siya ng mata at masama na agad ang tingin niya sa akin. Hindi siya nagsalita at pumikit na lang ulit. “Ayokong makita ang kaharutan niyong dalawa.”

“Stop being bitter,” si Phoenix. “Fix your bra,” bulong niya.

Napatigil ako bago ayusin ang pang-ilalim ko.

“Sa sobrang liit walang makapitan,” ngumisi siya.

“Tangina talaga,” inis na sabi ko. “I-ngungudngod kita sa lamesa.” Tumawa siya sa sinabi ko.

Napakagago talaga nito.

“Where’s Drake?” Napaangat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Mama.

“Nasa—” Naputol ang sasabihin ko nang may magsalita.

“Tita.” Holy shit, si Amir!

Nandito na sila Kuya. Unang pumasok sa pinto si Amir, sa likod niya si Ate at Kuya.

Kinandong ko si Amir sa lap ko. “Ang bango mo,” sabi ko nang maamoy ang pabango niya.

“Daddy poured a lot of perfume on me.” Natawa pa si Amir.

“I don’t know how to do that.” Kinuha ni Kuya si Amir sa akin para ayusin ang anak niya.

Tumingin na lang ako sa kanila, gano’n rin naman si Phoenix. Si Darius naman gising at mulat na dahil nandito na si Mama. Lagot siya kapag nalaman ni Mama na uminom siya. Galing magpanggap na walang hang-over, huh?

“Where have you been?” Tanong ni Papa kay Kuya.

“To Anya’s family,” simpleng sagot ni Kuya.

“Good Morning, Miss Serine,” ngumiti si Ate.

“Don’t call me that way…” Si Mama. “Call me Tita or Mama,” ngumisi si Mama.

Wow…. Accept na ba siya sa family?

“Should I call your Mom that way too?” Mahinang tanong ni Phoenix sa akin.

“Part ka ba ng family?” Tanong ko pabalik.

Umirap siya. “Of course,” preskong sagot niya.

Sa bagay, halos ituring na siyang anak rito tuwing pumupunta siya. Nagseselos na nga ako, e. Parang hindi ako ‘yong anak! Pero totoo, tuwing nandito si Phoenix parang part na siya ng Family.

Close pala talaga ang pamilya ko sa kanila. Hindi pa rin naman nakakalimutan nila Mama ang mga magulang ni Phoenix dahil kaibigan pa rin ang turing nila kahit wala na sila.

Hindi na kami nagtagal sa sala. Nasa dining na kami para kumain ng breakfast. Nasa tabi ko si Phoenix kahit kumakain kami tapos ang isang kamay niya nasa hita ko. Parang hindi kami kumakain.

May pinag-uusapan rin sila sa habang kumakain kami. Kasali doon si Phoenix tapos ako hindi. Si Amir naman, naka-earphones. Parang ako lang noon.

“I heard that your Dad’s family will be back here in the Philippines?” tanong ni Papa.

May pakpak talaga ang balita.

“Yeah, Tita Grace wants them to give a party actually. Welcome party…” sagot ni Phoenix.

“And you do what she wants?”

Tumango si Phoenix “Yes.” Mahal kaya ang bawat salita niya?

“Well, it’s fine though. Give your grandma some respect.” Tango ni Mama. “She is still your Dad’s Mother.”

Sa bagay… pero hindi ko alam kung kaya kong gawin ang sinasabi ni mama kung ako ang nasa posisyon ni Phoenix. Imagine, arranged marriage kahit na ayaw mo? Naaasar ako. Madalas ko rin kasing marinig kay Phoenix ang tungkol doon at maging siya, inis rin.

“I know that, Tita,” sambit ni Phoenix. “I want to invite you all to that party. On Sunday, seven in the evening.”

“Then we are all going. I have a bad feeling about that party.”

“Kailan ka pa natutong tumingin ng future, Mama?” napatingin siya sa akin.

Pinisil ni Phoenix ang hita ko bago haplusin. Pinitik ko ang kamay niya para patigilin siya kaso ayaw, e. Ugali na niya siguro ‘to.

“Hindi ako marunong tumingin ng future. Kutob ko lang,” pagtatama ni Mama.

“Ah…” Napatango ako.

Akala ko pa naman marunong na siyang makakita ng future. Papahula sana ako ng future ko.

May napag-usapan nila ang about sa Black Forum. Totoo nga na si Phoenix ang dapat na may hawak ng Forelli Organization na sinasabi niya pero binigay niya lang kay Kuya. Wala rin naman pala si Kuya na intention na tanggapin ‘yon napilitan lang rin siya dahil may gustong makita! Pero masaya naman si Kuya sa mga adventure. At hilig pala ni Kuya ang magpa-evict sa Organization na sinasabi nila kasi useless! Iyong Madrid? Hay, useless! Tapos espiya pala kaya ayon, na-evicted sa Organization.

At totoo rin na pati ang mga magulang nila Finn ay kasali. Ang mga posisyon nila ay same sa mga anak nila, hindi ko lang alam kung ano ang position nila.

Matagal na rin talaga ang organization. It was made by Papa at iyong father ni Phoenix pero sina Mama nalang ang nagtuloy since namatay nga ‘yong father ni Phoenix. At sila Mama rin ang nag-decide na hatiin iyon.

Kilala rin pala nila Mama ang Almendral na ‘yon. ‘Yon din pala kasi ang nagtangkang gahasain ang Mama ni Phoenix! Hay, nanggigigil ako. At ang napag-usapan namin ni Phoenix kanina about sa kidnapping… totoong siya nga ang nakasama ko. Iyong Almendral at Aristotle… matagal na palang magkakilala.

Hindi lang makuha ni Papa ang identities niya dahil sobrang tago at hindi mahanap. Kahit patay na rin siya, alam rin nila Mama at Papa na ang anak ni Almendral ang magpapatuloy sa balak na nadudlot ng tatay niya. At siguro para na rin paghigantihan si Phoenix.

Hindi rin alam ni Papa kung anong koneksyon mayroon ang dalawang tao na ‘yon. Pero isa lang raw ang nasisiguro nila, kalaban ang Almendral na ʼyon at ang clan niya.

Sa Satyr, hindi ko alam. Pero ang sabi ni Papa, si Darius raw ang may hawak. Ang mga bwisit, hindi man lang sinasabi sa akin noon pa! May mga miyembro ‘yon at sila Gianna. Hmp! Matagal na pala nilang kilala ang isa’t isa tapos nag-aaway away pa?! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, hmp!

“I need to go home now, Tita, Tito,” paalam ni Phoenix.

Nang matapos kaming kumain kanina, hindi pa siya umuwi. Nagpalipas pa siya ng oras hanggang ala-una.

“Sige, mag-ingat ka pauwi,” ngumiti si Mama.

“Drive safely,” paalala ni Papa. “Lin, ihatid mo siya sa labas.”

At ‘yon nga ang nangyari. Hinatid ko siya sa labas ng gate.

“I’ll see you later.” Lumapit siya at marahas na hinalikan ang labi ko.

“May CCTV dito,” sabi ko matapos siyang itulak nang mahina.

Tiningnan niya ang paligid pati ang banda sa gate. “There’s no CCTV here,” aniya bago bumaba ang tingin sa hita ko. “It’s red…”

“Para ka kasing ewan. Pinipisil mo ang hita ko, e, ang dali-dali kong mamula.”

“Kaya ang sarap mong pisilin.” Binuksan na niya ang kotse niya. “I’ll see you later at the party. And please, wear the necklace, okay?”

“Oo, ‘lagi ko namang suot ‘yon. Ingat ka pauwi. I love you.” Paatras akong pumasok sa gate.

“I love you more. Go inside now.” Sumenyas pa siya. “I’ll text you later.”

“Sige, bye!” Ngumiti pa muna ako bago pumasok sa loob.

Si Mama lang ang nakita ko sa sala nang makapasok ako sa loob ng bahay. May tinitingnan siya sa magazine. Naupo ako sa isang sofa, sa tapat niya.

“Umuwi na si Nix?” Tanong niya.

“Kakaalis lang,” sagot ko.

Tumango siya. “Alam mo na ba?”

“Ano’ng alam ko na?”

“Na maganda ako.” Pinatong niya ang magazine sa lamesa at tumingin sa akin.

Napangiwi ako. “Wow, ah,” comment ko sa sinabi niya.

“Ayos lang na mamangha ka sa akin.” Sa kaniya siguro ako nagmana. “Anyway, what happened here last night? Umuwi kami ng Papa mo na parang nagkagulo. Did something happen?”

“Nagkaroon lang ng away. At si Iris… hinalikan si Phoenix. Tapos nainis ako at the same time nagalit rin kasi nagawa ni Iris ‘yon…” Sagot ko.

“She did that?”

Tumango ako. “Oo, kaya nga lumabas ang matalas kong bibig kagabi. May nasabi akong nakakahurt. Pati ang past nila Velasquez at Darius nadamay.”

“So, you know the reason why they got mad at each other?”

“Oo, ‘Ma. Inakala pala ni Phoenix na si Darius ang may pakana kung bakit namatay ang parents niya. Alam kong gago si Darius pero hindi naman mamamatay tao ‘yon.” Napabuntong hininga ako. “At alam mo momshie, mmatagal ko na palang nakilala ang lalaking ‘yon. Si Velasquez? Noong field trip namin? Epal ‘yon, e. Sinabihan akong toothless? Bungal daw ako kaya nasuntok ko siya. Hindi ko alam na nagkakilala na pala kaming dalawa noon. Ang shunga ko kasi, ang hina ng memory ko. Hindi ko siya maalala tapos kasama pala siya noong debut ko? Kaso hindi man lang nagpakita ang Velasquez na ‘yon?”  Nakakapanghinayang talaga.

Tumingin sa akin si Mama. “It’s not, Lin. Because… look you still met each other. Marami lang rin kasing nangyayari noon kaya ganiyan. You still met each other after those years even if our life is still a mess. Kaya wala ka dapat ikasayangan, manghinayang ka kapag nandiyan na tapos pinabayaan mo pa.”

Wow… hindi ko alam kung hugot ba ‘yon o ano.

“Lin, I want to ask a question,” bahagya siyang sumeryoso.

“Ano ‘yon, Mama?” Tanong ko.

“What will you do if you are the Princess of a Royal Family?”

Huh? Bakit ba siya nagtatanong ng ganito?

“Ako? Ewan.”

Suminghap siya. “Lin, answer my question properly.”

Napakamot ako sa noo. “Ano bang dapat kong sagot? Ayoko ngang maging Princess! Hello? Pero kung kagaya ko sila Cinderella, why not? Pero mas gusto ko din si Elsa kasi may powers siya, e. Ayoko ng basta-basta Princess lang. Gusto ko ‘yong may powers. Ayoko noong ibang Princesses kasi laging inaapi tapos laging inaalila—”

“Okay, enough,” putol ni Mama.

“Ay, ‘Ma, dapat dinagdagan mo ng ‘Darlene’. Para maging ‘enough Darlene’ with feelings dapat para madama,” biro ko.

“Puro ka kalokohon,” comment ni Darius na nasa tabi pala ng sofa. “Mama was asking you.”

“Eh, sa ayoko nga, e.”

Princess, amp. Ayoko nga no’n! May napapanood ako sa TV about Royal Family, masyado silang formal at parang hindi makabasag pinggan sa sobrang hinhin.

Nakakabasag ako ng pinggan kaya hindi ako mahinhin, e.

Napatango lang si Mama sa sagot ko pero may something sa kaniya. Hindi ko na lang pinansin ang something na ‘yon at umakyat para kay Amir. Nasa baba pa rin sila Mama pero hinayaan ko na.

Pumasok ako sa kwarto ko.

Dinampot ko ang cellphone ko sa may vanity table bago mahiga sa kama. Nandito rin si Amir at nagpapaturo mag-guitar. Fast learner naman ang bata na ‘to. Kaya hindi siya mahirap turuan.

At alam niyo ba, may chika akong nasagap mula kay Gael! About kay Dice and Ivy, hindi sila magkaibigan! Mag-asawa sila? Sinabi sa akin ni Ivy kasi nagtaka ako kahapon, ang caring kasi ni Dice tapos may nakikita rin akong wedding ring sa kamay nila.

Hindi na lang ako nagtanong kung kailan. Wala naman akong balak idaldal ‘yon sa iba—sa bagay, mukhang alam rin naman nilang lahat. Pakiramdam ko nga ay ako ang huling nakasagap ng balitang ‘yon, e.

May text messages akong natanggap mula sa mga ugok. Kesyo ayos lang daw ba ako? Nag-text ako ng ‘oo’, maayos naman ako, e.

Owen: basta darlene, basta nandito lang kami.

Harvey: oo nga, ikaw lang bebe namin kaya if may problems ka o kailangan mo ng makakausap. Dito lang us.

Napangiti naman ako bago tumingin ng ibang messages. Kaagad kong binasa ang message ng boyfriend ko.

From: Phoenix.
Babe, I have a chocolates. Hindi kita bibigyan. Gusto kong mainggit ka.

Itong lalaking ‘to ang sarap ibalik minsan sa pinanggalingan niya. Kay Amora lang naman galing ang mga ‘yon!

To: Phoenix.
Okay lang hihingi na lang ako kay Amora babes ko.

Mabilis siyang nag-reply.

From: Phoenix.
Stop calling Amora that way. I’m the only one you should call that. Call me that way.

Nag-reply ako.

“Tita, I’m tired now. Can you teach me later na lang?” Nag-angat ako ng tingin kay Amir.

“Sige,” sagot ko, kinuha ko ang remote ng TV para manood siya ng cartoons. “Matulog ka para gising ka kapag punta natin sa party ng Daddy mo.”

“I know. It Daddy’s birthday today.” Tumabi siya sa akin at tinuon ang paningin sa TV. “I have a gift to Daddy, what about you, Tita?”

“Ano… kakulitan. Kakulitan ang regalo ko kay Kuya,” mahina akong tumawa.

Natawa rin siya.

Umilaw ang cellphone ko kaya tiningnan ko. Nag-reply si Phoenix. Nag-reply din muna ako bago ibaba ang cellphone at manood.

Nakakaadik ang cartoons lalo na ang adventure time! Favorite kong cartoon ‘to. Kapangalan nga ni Marquez, e. Si Finn. Hehe.

Medyo pumipikit ang mata ko pero pinipilit kong maging matatag.

Tanging panonood lang ang ginagawa ko sa sala nang bumaba ako. Naki-epal si Darius dito, pinabili ko rin siya ng pagkain tutal makikinood siya.

Umalis saglit si Mama. At hindi pa rin mawala sa isip ko ang tanong niya, if ever Princess daw ako sa isang Royal Family. Nagtaka lang kasi ako, bakit niya tinanong ‘yon? Imposible namang kusa ‘yon lumabas sa utak niya.

Tumingin ako sa lap ko.

Nakatulog pala si Amir kaya hinayaan ko siyang matulog since busy ang mother rainbow niya at si Kuya. Medyo madilim na sa labas nang silipin ko.

Naririnig ko kay Mama na darating si Gwen! ‘Yong babaeng nag-makeup sa akin noon. Since eight at the evening pa gaganapin, naligo ulit ako para naman mabango ako.

Hindi ko na rin ginamit ang bathtub baka kasi madulas ulit ako.

Maya’t maya ang tawag ni Phoenix sa akin, akala mo naman, e, hindi kami nagkita kanina.

“Mag-slipper muna ako baka kasi sumakit kaagad ang paa ko,” sabi ko kay Mama na nasa harapan ko.

“Paano ka masasanay.” Binigay niya sa akin ang heels.

Hindi na ako nagsalita.

Dumating na rin si Tita Gwen na siyang nag-makeup kay Mama. Ang elegante ni Mama sa suot niya. Naka-sparkly long v-neck dress siya, at ang heels niya sakto lang ang taas. Tapos ang ganda ng mukha niya, naka-smokey eye makeup kasi siya. Hay, parang wala siyang anak sa itsura niya. Ang ganda niya sobra!

Suot-suot ko na rin pala ang black draped satin dress. Fit na fit siya sa akin, pang-pormal ba ang dress na ‘to? Pa-v-neck style nito. Naka-glam ponytail rin ang buhok ko, kinulot din ang dulo para may style. Ang naririnig ko kay ateng makeup artist. Shimmer makeup raw ang style. Hinayaan ko na silang makeup-an ang mukha habang kumakain ako ng fries.

Gutom na kasi ako, hindi pa ako nagdi-dinner.

Hindi ko alam kung nasaan sila Papa pero sure akong nasa baba na sila at hinihintay kami. Ginising ni Ate si Amir para bihisan kaso pagkatapos natulog pa rin.

Nang matapos ang kaartehan nila sa akin, tumayo na ako. Nasa sofa si Mama at nakatingin sa cellphone niya.

Tiningnan ko ang sarili ko sa full length mirror.

Ang ganda ko. Nai-inlove ako sa itsura ko.

Napatingin ako kay mama nang tumayo siya. “Thank you, Gwen,” ngumiti si Mama.

“No worries. Thank you for taking care of my daughter in the organization.”

“Ha? Daughter? Sino?” Tanong ko kay Tita Gwen.

“Gianna.” Tumingin si Tita Gwen sa akin.

“Hala, weh?” gulat kong sinabi.

Tumango si Mama. “Gwen is Gianna’s Mom, bukod sa kumpanya may business rin silang ganito.”

“Wow,” tanging nasabi ko.

Hindi ko in-expect na nanay pala ni Gianna ‘to! Ampucha, hindi ko talaga inakala. Akala ko basta-basta lang siyang babae, hindi pala.

“Mama, ano ang nilalagay mo sa hita mo?”

“It’s a thigh holster, sweetie,” sagot ni mama, nilagay niya ang isang baril doon. “It’s for purposes,” dagdag niya bago may kunin sa cabinet. “Here. Hold that gun, that’s your weapon if something happens in the party.”

Binigay niya sa akin ang gun. May diamond din ito katulad ng akin.

“Give me your leg,” utos niya.

“Ayoko nga! Ano puputulin ko ang hita ko para lang—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng yumuko si Mama para maglagay rin ng thigh holster.

Para siyang garter sa kasal.

“Okay, done.” Tumayo siya ng maayos.

“Ayoko ng ganito.”

“No. It can protect you,” ngumiti siya. “Let’s go.”

Bumaba na kami nila Mama para pumunta sa baba.

“Ano ba ‘yan, alam kong maganda ako. Huwag niyo na akong purihin.” Pinangunahan ko sila sa mga sasabihin nila.

‘Kita ko ang pag-irap ni Darius. “Hindi ikaw pupurihin ko, si Mama at Ate Anya.”

“Same,” gatong ni Kuya.

Paka-epal ng mga ‘to.

“Tse!” Singhal ko.

Buti pa si Papa! Maganda daw ako! Kaso ‘yong paningin na kay Mama! Hmp, walang nakaka-aprecciate ng ganda ko. Dumiretso agad si Kuya kay Ate Anya, si Papa kay mama!

“Come on, kawawa ka naman.” Hinatak ako ni Darius. “Maganda ka, okay? You’re pretty.”

Napangiti naman ako.

Hindi na naman kami nagtagal sa bahay dahil umalis na kami. Bumukod ng sasakyan sina Kuya. Kami namang apat nila Mama sa isang BMW, nasa backseat kami ni Darius, si Mama sa shotgun at si Papa sa drivers seat.

Na-e-excite ako kasi maraming pagkain. Iyon lang talaga ang trip ko tuwing may mga birthday. Target locked rin ang shanghai.

“Darius, ang pangit mo,” puna ko nang makita siyang tulala. “Mukha kang tanga.”

Tumingin siya sa akin. “Mas mukha kang tanga, tingnan mo itsura mo.”

Siya kaya ang mukhang tanga. Nakatulala sa labas ng kotse, akala mo nasa music video at broken hearted. Iyong iniwan ng jowa tapos damang dama pa.

“Miss mo na, ‘no?” ngisi ko.

“Sobra…” mahinang sagot niya sabay tingin sa labas.

Natikom naman ang bibig ko. Nanahimik nalang ako habang papunta sa party ng aking brother. Sina Mama naman nag-uusap, hindi lang kami nakikisali dalawa ni Darius.

Nang makarating kami sa kinemeng party ay agad akong bumaba. Humawak ako sa pinto para hindi matumba.

“Tangina, halatang pinaghandaan, ah?” Comment ko habang nakatingin sa harap ko.

Ang engrande!

“Stop cussing,” saway ni Darius.

Hindi ko na siya pinansin. Sinilip ko ang oras sa cellphone ko, 8:31 na! Hala, late na kami. Ang oras ng party ay 8:00 tapos late kami ng thirty-one minutes. Baka isipin nila pa-VIP kami.

Nandito na rin pala sina Kuya tapos si Amir gising na kaso lutang pa ang isip niya habang nakahawak kay Kuya. Una na lang akong naglakad at nasa likod ko naman sila.

“Fix your walk.” Mukha raw kasi akong siga kung maglakad.

Inayos ko ang lakad ko para naman hindi na ako masita. Hahawakan ko pa lang ang handle ng pinto pero bigla nang bumukas.

Shit, automatic pala ang pinto!

Napatingin sa amin ang lahat ng mga tao nang dumating kami. Ano ba ‘yan, ayoko ng ganito. Nakakailang.

“Gandang-ganda sila sa akin.”

“Dream on,” basag trip ni Darius.

Umirap ako. “Pangit mo lang, e.”

Nagdiretso ako ng lakad at hindi sila pinansin. May table na pala kami kaya doon ako pumunta. Nang lumingon ako sa likod ko, wala sila Mama.

Napakamot ako sa noo.

Nasaan sila? Ang daya, nang-iiwan. Nagsimula ang party ng mag-salita ang pinaka-host. Napansin ko rin na nandito nga ang mga Miranda Family, silang lahat! Akala mo naman reunion ang dating.

‘Happy Birthday, Drake.’ Ayan ang mga naririnig ko sa mga bumabati kay Kuya.

Pati ‘yong iba ay napapatingin sa akin, at panay ang sabi na maganda raw ako. Sus, maliit na bagay. Wala akong nakikitang kumakain kaya hindi ko magawang dumekwat ng shanghai.

Invited sina Gianna at ang iba, pati ‘yong mga ugok invited pero hindi ko makita. Nasaan na kaya ang mga ‘yon? Paniguradong nandito lang sa tabi-tabi ang mga ‘yon. Pati si Phoenix ay wala!

May pa-counter bar rin sa party na ‘to, ang dami rin alcohol.

Nawala rin sila Mama at Papa. Nakita ko sila kanina at kausap ang mga Tita ko. Halata namang close na sila, Halos lahat ng Miranda nandito na, ang Lolo ko na lang ang hindi ko makita.

“God, this is boring!” Napalingon ako sa nagsalita, pati siya napalingon sa akin. “Oh my god, Darlene!” Ampucha, si Katherine nandito, ang pinsan kong babae.

Nandito sila, straight from America pa kaya ang mga ‘to?

“I missed you a lot! You know Devin, he didn’t tell me about you!” Mahigpit niya akong niyakap. “How are you?!”

“I’m fine.” English speaking ang isang ‘to, hindi ko sure kung nakakaintindi ba ‘to ng tagalog. “And still… you know… gorgeous.”

“I know! Better than Izzie!” Humawak siya sa braso ko.

“That’s the reason why I liked you.”

Bumitiw siya sa akin. “Wait, where’s Drake?”

“Nasa anak niya.” Kinuha ko ang isang champagne sa isang lalaki at ininom. “I mean, with his son.” Pinatong ko ang kanang siko ko sa counter bar sabay baling sa kaniya.

Nasaan na kaya si Phoenix?

“I can understand Filipino words, Lin,” aniya at kumuha rin ng champagne. “I already know that Drake has a son, Grandad wants to meet his son.”

“Edi i-meet niya,” tanging nasabi ko.

“I want to meet Amir! I only heard his name from our cousins,” aniya.

“Sige, tara.”

Hindi kami nagtagal kung nasaan kami dahil pumunta kami kay Mama para puntahan si Amir.

Continue Reading

You'll Also Like

48.5K 1K 62
[Book 1] This fanfiction is about Bellatrix Mikaelson, The original heretic and half-sister of Kol, Klaus, Elijah, Freya, Henrik and Finn Mikaelsons...
162K 968 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
224K 8.5K 79
Irel Kirsi is a newly appointed Jedi Knight when the Clone Wars arrives, bringing chaos into the galaxy she was sworn to protect. At the bidding of t...
1.1M 36.8K 62
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...