The Girl in Worst Section (Co...

By whixley

3.8M 89.3K 17.7K

Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Epilogue
Author's Note
Bonus Chapter
Special Chapter

Chapter 108

20.1K 473 65
By whixley

Chapter 108: Begged

Walang pumapasok na lessons sa utak ko. Hindi ko magawang makinig dahil sa mga iniisip ko. Iniisip ko kasi aalis na kami. Masaya kaya sa Spain? Kalahati ng utak ko... ayaw kong umalis.

Pero ang kalahati ng utak ko sinasabi na tama lang muna 'yon. Iyong isang buwan na hindi namin makikita ang isa't isa. Kung may kinakatakutan pa ako, 'yon ang masaktan ako. Ayokong nasasaktan dahil mahina ako sa gano'n.

Ang Papa at si Kuya Drake, hindi ako hinahayaan na masaktan, eh. Pero siya... si Phoenix, nagawa akong saktan.

Habang minamahal ko siya, hindi pumapasok sa isip ko ang ganoon dahil sa nakikita ko sa kaniya. Dahil totoo siya... pero mali ako, hindi ko alam na may ginagawa na pala siya sa likod ko at hindi lang siya mag-isa, pati ang mga itinuturing kong higit pa sa kaibigan ay gano'n rin.

He didn't cheat, he never cheated pero bakit parang mas masakit 'to? Bakit parang mas nadudurog ako?

Nakatingin lang ako sa labas ng classroom, tulala na nga yata. Wala na rin akong maintindihan sa lesson.

Ramdam na ramdam kong gusto nilang magsalita pero pinipigilan lang nila ang sarili nila. Pinipigilan ko na rin magsalita dahil ayokong makasakit gamit ang salita ko.

Gusto ko silang sigawan at sabihin na hindi ako katulad ng ibang babae.

Ano ba ang akala nila sa akin? Babaeng madaling mahulog sa kama? Madaling magpapadali kay Phoenix? Ibibigay ang sarili kong katawan at kapag nagawa 'yon, titigil na?

Hindi ko inakalang masasabi nila 'yon sa akin. Ang akala ba nila kagaya ako ng babaeng nakikilala nila na puro sarap lang ang hanap?

Paano nila nasisikmurang kasama ako habang may ginagawang kalokohan sa likod ko? Paano nila nagagawang harapin ako sa araw-araw?

Si Phoenix, paano niya nagagawang sabihing mahal niya ako sa araw-araw? Paano niya nagagawang kausapin ako na para bang wala siyang tinatago? Paano niya nagagawang sabihin na gusto niya akong makasama araw-araw gayong niloloko niya ako ng patago.

Lumandas ang luha ko nang sunod sunod. Muntik lang tumulo sa papel ko kaya agad kong pinawi pero ganoon pa rin, patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.

"Miss Miranda."

"Bakit po?" Nag-angat ako ng tingin.

"Are you okay? Your eyes were red and teary. Are you crying?"

Hala, nakita niya pala! Nakakahiya... dito pa ako umiiyak sa room.

Umiling ako. "Hindi, nagpapractice lang akong umiyak. Mag-aartista kasi ako."

Tinuon ko na lang ang paningin sa notebook ko kaso tumulo lang ang luha ko sa papel kahit pigilan ko nang ilang beses.

Ramdam kong nakatitig sa likod ko si Phoenix gano'n rin kay Harvey at Arvin.

Hanggang sa matapos ang klase at maglunch tahimik lang ako. Wala akong balak sumabay sa mga taong sumira ng tiwala ko.

"Darlene..." tawag ni Mavis.

"Please lang... hayaan niyo na ako." Hindi ko na napigilan ang umiyak. "Dahil hanggang ngayon, nasa utak ko pa rin lahat-lahat..." nanginig ang boses ko. "... ng ginawa niyo kaya wala kayong karapatan na tawagin ang pangalan ko, dahil sa totoo lang nagagalit ako sa inyong lahat."

"We're... sorry..."

"Ano bang akala mo, Harris?! Isang sorry niyo lang mawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon?! Isang sorry niyo lang, tapos na kaagad ang sakit?! Sana nga gano'n nalang! Isang sorry niyo lang, sana wala na!" Wala na akong lakas para sumigaw. Pagod na pagod na ako. "Sana isang iyak lang, okay na ako kaso hindi, e. Isang iyak, sakit pa rin talaga."

"But at least, you know-"

"Wala na akong pakialam sa sasabihin niyo! Wala na akong pakialam sa inyo! Wala na akong pakialam sa explanation niyo dahil wala na! Wala na akong tiwala sa inyo! Iyon naman ang purpose niyo, 'di ba? Aside sa hiwalayan ako ni Phoenix, gusto niyo rin 'yon, 'di ba? Pwes, gusto ko lang malaman niyo na ubos na ubos na ang tiwalang binuo ko sa inyo kaya pwede ba? Huwag niyo akong lapitan. Hindi ko rin naman kaya na lapitan kayo matapos ang ginawa niyo." Inalis ko ang mga luha kong dumadaloy sa pisngi.

Pagod na pagod na talaga ako.

"At para sabihin ko sa inyo, iba ako sa mga inaakala niyo, hindi ako katulad ng mga babaeng dini-date niyo. And to be honest, you all must be disgust sa sarili niyo dahil sa ginawa niyo. Well, ako, class and elegant pa rin ako, iba sa mga babae niyo. And para sabihin ko rin sa inyo, hindi ako 'yong nawalan dito, kayo 'yon. At sa totoo lang, nagsisisi rin akong tinulungan ko kayo, sana hinayaan ko nalang kayo, e, sana hindi ko nalang kayo tinulungan sa mga buhay niyo, bwisit." Kinuha ko kaagad ang bag ko at lumabas ng classroom.

Ramdam ko ang tingin nila pero hinayaan ko na lang sila at dumiretso sa restroom ng girls. Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Inalis ko ang blazer at necktie ng uniform ko. Pati ang pagkakatali ng buhok ko inalis ko rin.

Hindi pa ako nakakapasok sa loob may humawak na sa braso ko. Napaigtad ako dahil ang init ng palad na dumapo sa akin.

"Darlene, please, talk to me..."

Tumigil ako. "Ayoko." Inalis ko ang kamay niya pero hinawakan niya lang ulit ang kamay ko. "Ano ba? Ayoko nga. Bitiwan mo 'ko." Pilit kong inalis ang kamay niya sa palapulsuhan ko.

"Just talk to me..." Pakiusap ni Phoenix. "Please... hear me out, baby, please."

"Ano pa ba gusto mong pag-usapan? Kung tungkol 'yan sa ginawa niyo. Pwedeng lumayas ka na lang sa harapan ko? Dahil ayokong makita ang pagmumukha mo dahil tuwing nakikita kita, naalala ko lahat ng ginawa mo!" Mabilis kong inalis ang luha sa pisngi ko. Malakas ko siyang tinulak pero nahawakan niya ako.

"Just hear me out..." halos magmakaawa na siya sa harap ko. "Please, Darlene, just hear my explanations."

"Sawa na ako marinig 'yan... nasasaktan na ako tuwing naririnig ko 'yan." Hindi ko napigilan ang mapahikbi. "Sana kahit ngayon lang... patahimikin mo 'ko kasi... ang sakit na. Tigilan mo na ako."

"I know... I hurt you a lot, baby, but please hear my explanation." Humigpit ang hawak niya.

Mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko kapag umiiyak ako dahil pakiramdam ko sobrang hina ko. 'Yong dapat na magaan dahil sa paraan ng pag-iyak naaalis ang sakit pero bakit sa akin... lalo lang sumasakit?

Sa bawat patak ng luha ko kasabay rin nang paglala ng sakit dahil sa kaniya. Nasasaktan ako sa kaniya at sa ginawa niya. Paulit-ulit na umiikot sa buong Sistema ko ang sakit. Nasasaktan ako sa lahat. Sa kaniya, sa ginawa niya, sa kanilang lahat na involved. Lahat... para akong dinudurog.

"Tapos hahaluhan mo lang ng kasinungalingan ang lahat ng eksplenasyon mo?" Naging malamig ang boses ko.

"N-No..." halos bulong na sagot niya. "I know, I hu-" Pinutol ko ang sinasabi niya.

"Wow, dapat lang alam mo na nasaktan mo ako!" Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Phoenix, pinagkatiwalaan kita ng higit pa sa kanilang lahat dahil mahal kita..." nanginig ang ibabang labi ko. "Mahal na mahal kita... pero bakit mo nagawa 'to sa akin? Ano? May nagawa ba akong mali sa 'yo? Wala naman, 'di ba? Ano? Sagutin mo 'ko! May nagawa ba ako sa 'yo?! Sinaktan ba kita?! Gusto mo rin ba mangyari sa akin ang nangyari sa kaibigan ko?! Na saktan ako?! Please... hindi ko na kasi talaga alam... gusto ko malaman ang dahilan para gaguhin mo 'ko ng ganito..."

Siya lang iyong taong pinagkakatiwalaan ko. Siya 'yong taong akala ko iba talaga. Binigay ko lahat ng pagmamahal ko sa kaniya. Kahit na magkanda-ubos ako wala akong pakialam, maging masaya at maayos lang siya dahil mahal ko siya.

"Ang hirap mag-earn ng trust, sobrang hirap magtiwala sa tao tapos ikaw sinira mo lang?! Alam mo bang hirap na hirap akong magtiwala sa tao at nadagdagan iyon dahil sa 'yo!" Sigaw ko na halos sakit lang ang laman.

Nakatingin lang siya sa akin at pareho na rin kaming umiiyak.

"Ano bang napala mo dito?" Basag na basag na ang boses ko.

"I'm sorry..." Tanging nasabi niya, nanginginig ang boses. "I-I'm sorry... I'm sorry."

"Anong magagawa ng sorry mo?" diretso ang paningin ko sa kaniya. "Sira na tayong dalawa... Mababalik ba ng sorry mo ang masayang relasyon natin? Hindi, 'di ba." Ni hindi ko nga alam kung totoo ba lahat 'yon. "Kaya huwag ka nang mag-sorry, nangyari na ang hindi ko inaasahang gagawin mo. Nagawa niyo na. Nasaktan na ako. Ano pang magagawa ng sorry mo?"

"I'll fix our relationship. I truly love you, Darlene. While, I'm doing my game I was falling too. It was all true. Totoo lahat ng pinaramdam ko sa 'yo. Hindi 'yon laro... totoong mahal kita. Hindi laro lahat 'yon, Mahal kita, Darlene, please don't do this..." Halos magmakaawa na siya sa harap ko habang umiiyak, kulang nalang na lumuhod siya harap ko. "Mahal na mahal kita, Darlene. Aayusin ko lahat... please, I will fix this."

Umiling ako. "Wala ka nang aayusin dahil tapos na tayo. Simula nang malaman ko lahat ng 'to matagal na tayong tapos kaya wala ka nang aayusin." Tinulak ko siya para makaalis ako.

Umiling siya. "N-No... I will fix this... I will earn your forgiveness and trust again... Love. I love you so damn much... Please, don't end this..."

"Nakakapagod rin palang magmahal. Ayoko na. Maghiwalay na tayo." Iniwan ko siyang mag-isa.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang bumaba ang tingin ko sa kamay ko. Iyong singsing na bigay niya nasa akin. Bala ko pa sanang bumalik kaso hindi pa ako nakakakilos may humila na sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Darlene, please don't do this..." basag na basag ang boses niya nang magsalita. "Mahal kita..."

Inalis ko ang kamay niyang nakayakap sa akin. "Hindi na kita mahal," sabi ko na nagpatigil sa kanya. "Ibabalik ko lang 'yan." Nilagay ko ang singsing sa palad niya. "Wala na akong pakialam sa pagmamahal mo. Hindi na kita mahal, parang naglaho lahat ng pagmamahal ko noong nalaman ko lahat."

"Darlene, it's not t-true right?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. "I know... You l-love me."

"Hindi na kita mahal. Hindi kita mahal." Pwersa ko siyang tinulak at mabilis na iniwan siya doon.

Humihikbi ako habang naglalakad. Hindi ko siya kayang harapin. Ang hirap paniwalaan na totoo lahat ng pinakita niya at pinaramdam niya sa akin matapos kong malaman ang lahat.

Nahihirapan akong maniwala.

Ang hirap magtiwala ulit. Iyong mas pinagkakatiwalaan ko nang sobra sinira lang. Naloko na nga ako noon pati ba naman ngayon? Hindi nga siya nagkaroon ng iba pero iba 'to, e, mas masakit 'to.

Kay Gianna ko na lang muna siguro ipapagawa na ipapirma ang slip sa mga subject teacher ko.

"Darlene." Mabilis na lumapit si akin si Darius. Pinasok niya ang cellphone sa bulsa nang huminto sa harap ko. "Kanina pa kita hinahanap. Where have you been? Did you cry again?"

"Hindi. Bakit naman ako iiyak. Kagabi pa 'to." Una akong naglakad papunta sa cafeteria.

Mukhang nahalata naman niyang kagabi pa 'to kaya hindi na siya nagtanong. Sabay kaming pumunta sa cafeteria para kumain. Nakita ko si Gianna kaya doon ako pumunta. Binaba ko kaagad ang papel sa kaniya at naupo sa bakanteng upuan.

Napatingin siya sa akin. "Isa na lang pala pipipirma. Principal na lang tapos ipasa mo na. Ay, ako pala ang magpapasa nito."

Kinuha ko ang fries na nasa harap niya at kinain.

"Wala daw klase pero tatapusin muna ang klase pagkatapos ng lunch! Meeting ng mga Teacher!" Natutuwang sabi ni Gavin at pumalalpak pa. "Pati 'yong sa inyo, Darlene."

"Tuwang-tuwa ka namang gago ka," sabi ni Mico.

"Syempre, gago! Wala akong assignment palagi kaya napapalayas ako sa room." Natawa pa siya.

Napansin nilang nandito kami kaya napalingon sila sa direction namin ni Darius.

"Magkamukha kayong dalawa kapag ganyan itsura niyo." Puna ni Zay.

"Bobo, kambal sila. Huwag kang ugok."

"Talaga ba, Giovan? Pakyu!"

"Paano ba 'yan? Walang klase mamaya, saan na tayo mamaya?" Tanong ni JP.

"Edi sa mall! Bobo mo."

Tatapusin ko na lang muna ang isang klase ko nang hindi sila papansinin.

"Kantahan natin si Darlene." Tumikhim si Mico. "Kung bibitaw ng mahinahon ako ba'y lulubayan ng ating mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing...mga pangako ba'y-."

"Tatanggalan kita ng lalamunan, Mico, kapag hindi ka tumigil." Tinutok ko sa kaniya ang tinidor.

"Sabi ko nga tatahimik na." kumuha siya ng fries at nag peace sign.

Nanatili ako sa cafeteria bago tumayo para pumunta sa restroom. Naudlot ang paglabas ko ng kalikasan. Ihing-ihi na ako! Pumasok agad ako sa isang cubicle para mag-cr.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng skirt ko. May message galing kay... Phoenix. Dinelete ko lang ang message niya.

Lumabas na ako sa restroom at naglakad papunta sa classroom.

Nagbabasa ako ng mga bwisit na message habang naglalakad kaya nauntog ako sa pader. Napa-ouch pa ako bago mapamura ng hindi sinasadya bago tumingin-tingin sa paligid habang hawak-hawak ang noo.

"Putangina." Ang sakit ng noo ko.

Naupo ako sa upuan ko sa harap. Dumukdok na lang muna ako sa armchair para umidlip, wala pa namang Teacher. Tahimik naman sila kaya walang istorbo sa buhay ko.

"Nix, umuwi ka na kaya?" rinig kong sabi ni Dash.

Nagmulat ako ng mata pero hindi ko binangon ang ulo.

"No," sagot ni Phoenix.

"You're sick..." si Trevor.

Kaya pala siya mainit. Hindi ko na pinansin.

"Shut up, Trevor." paos na ang boses ni Phoenix. "I need to talk to her..."

I don't want to talk to you.

Mabuti na lang at dumating na ang Teacher. Nagpa-Quiz lang siya pero wala akong masagot. Diretso lang ang tingin ko sa test paper pero ang utak ko ay hindi mapakali. Pinasa ko na lang ang papel ko kahit wala pang sagot ang iba.

Umalis na lang rin ako kaagad matapos kaming i-dismissed.

Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila nang makalabas ako.

Dapat hindi ako sasama kila Darius kaso nagbago isip ko. Kaysa naman ang pumirmi lang ako sa classroom kasama ang mga 'yon, sumama na lang ako sa kanila. Ayoko rin naman sa bahay.

Panay ang pasok ng text sa cellphone ko pero binabasa ko lang at hindi nagre-reply.

Wala naman akong ginawa masyado sa mall. Nakasunod lang ako sa kanilang lahat habang tumitingin sa mga store na nadadaanan namin. Tumigil lang kami sa isang food court para kumain sandali.

May napansin lang ako... mas mahaba pa ʼyong buwan na wala kaming label ni Phoenix kaysa sa mayroon.

"Sabi ko naman kasi sayo, Giovan, kahit na mag-usap, maglandian, o magkaroon kaya ng label niyan. Ang ending niyo pa rin niyan, salamat sa lahat," sabi ni Mico, nang-aasar.

Nang matapos kaming kumain lahat sa food court, bumaba kami. May mga nagbebenta sa baba ng mall, mga naka-stall silang lahat. Parang nasa labas kami. May mga nagbebenta rin ng mga books at iba pa.

Bumili ako ng libro na pwede kong basahin. Book for moving on sana ang gusto ko kaso romance na lang.

Panay ang punta nila sa girls section para raw pang-regalo sa mga kaibigan nila kahit wala namang occasion. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin ng mga magagandang gamit rito.

Hindi naman sila bumibili. Nagpapakilig lang sila ng mga sales lady rito. Ito namang mga babae, kilig na kilig.

Sa una lang masaya! Sa huli sasaktan ka!

Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko dahil tunog nang tunog. Pangalan ni Phoenix ang nasa caller ID. Pinatay ko ang tawag pero tumawag ulit siya. Paulit-ulit lang ang ginagawa namin.

Napapatingin na sa akin 'yong sales lady.

"Sagutin niyo na po kasi, Ma'am."

"Wala 'to," sagot ko.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Hindi ba siya nauubusan ng load? Sa bagay mayaman nga pala ang isang 'to. Kayang-kaya nitong magpaload ng malaki.

"Boyfriend niyo po, Ma'am?" Tanong noong babaeng kausap ko kanina.

"Ex," pagtatama ko. "Ex-boyfriend."

Pinatay ko na ang cellphone ko.

"Ay, baka mahal pa po kayo, Ma'am, kaya tumatawag."

"Hindi na! Ginagago niya ako in different way." Umiling ako. "

"Baka naman po may explanation, Ma'am. Saka, hindi naman po tatawag 'yan ng ganiyan kung hindi niya kayo mahal, 'di po ba? Ako nga po, ginagago rin in different way rin."

"Anong klaseng panggagago ba ang ginawa sa 'yo?" Tanong ko.

"Ginago niya ako dahil po may iba pala siya. Ginawa niya lang pala akong panakip butas. Tapos tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niya dahil para sa kaniya nawala ang sakit na nararamdaman niya."

"Mas gago pala 'yon kaysa dito," comment ko.

Mabuti na lang hindi na tumawag si Phoenix kaya natahimik na ang buhay ko.

"Pero napatawad mo ba siya?" Tanong ko bigla.

"Noong una hindi ko siya mapatawad kasi ang sakit. Imagine, mahal na mahal ko siya tapos pagdating ng dulo malalaman ko 'yon? Ilang buwan kaming nag-usap hanggang sa nahanap niya ako at doon gumawa ng paraan para mapatawad ko siya."

Hindi ko alam kung mapapatawad ko sila... siya.

"Hindi pumasok sa isip ko ang pagpapatawad sa kaniya pero hindi ko inakala na darating ang araw na 'yon." Kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya.

"P-Paano?" Tanong ko ulit.

"Basta pag-gising ko lang po parang ang gaan ng dibdib ko. Iyong parang wala akong dinadala na galit at hinanakit sa puso ko. Nakakahinga ako nang maluwag. At kung noon tuwing nakikita ko siya nasasaktan ako, ngayon hindi na. Parang natutuwa pa ako," sagot niya at bahagyang natawa. "Siguro dahil rin 'yon sa ginagawa niya. Halos ilang buwan ko siyang nakita na nagpapakahirap para lang makuha ang tiwala na nawala niya."

Parang hirap gawin. Parang ang hirap magpatawad.

"Madali lang ba 'yon gawin? Madali lang bang magpatawad?"

Hindi kaagad siya nakasagot. "Mahirap po sa una pero kapag nakikita mo namang bumabawi siya doon mo na mare-realize na deserve niya ang second chance. Na pwede niya pang patunayan ang sarili niya, 'yong hindi niya ipinakita noong una. Sa pangalawang pagkakataon niya ipapakita sa 'yo ang totoong siya at nararamdaman niya."

"Paano kung hindi niya deserve?"

"Lahat po tayo deserve ng second chance sa mga unang maling nagagawa natin. Kasi ʼyong una, pagkakamali 'yon kaya kung magbibigay ng chance ang isa sa tao, pwede niyang hindi na ulitin ang pagkakamali na nagawa niya." Tumingin siya sa akin.

Deserve niya ba ng second chance? Parang hindi niya deserve. Para sa akin... hindi niya deserve.

"May chance na siyang hindi na magawa 'yon o maulit. Nakita niya na ang mali niya kaya lilihis na siya ng daan para hindi 'yon maulit. Doon na siya sa panibagong daan kung nasaan ang tama," dagdag niya.

"Paano kung tanga siya tapos bulag kaya hindi nakita ang daan kung nasaan ang tama?"

Mahina siyang tumawa. "Problema na ng tao 'yon, Ma'am. Siya na po ang may problema kung mangyari 'yon."

Natigil kami sa pag-uusap ni ateng nang dumating si Darius.

"Let's go. Kuya and Ate Anya are here with Amir," sabi niya.

Tumango ako bago lumingon kay ateng sales lady. "Salamat."

Una na akong umalis doon, sumunod naman sa akin si Darius. Nagkita-kita kami sa labas ng mga stall.

Nagpaalam na rin kami sa kanila dahil sasabay kami kay Kuya pauwi. Naglalakad na kami ni Darius papunta kung nasaan sila. Kanina pa rin pala sila rito.

Mabuti hindi napapagod si Ate Anya. Jontis pa naman siya.

"Nag-cutting si Darius," sumbong ko. "Dapat binabawasan ang 10k niyang allowance. Gawing two thousand 'yan."

"We don't have a class."

"I'll tell Papa later," sabi ni Kuya.

"What? I didn't cut my class!" si Darius.

Pumunta na kami sa kidzoona dahil nandoon daw sila Amir.

Awit, pambata.

Nang makarating kami doon na-e-excite ako! Hehe. First time ko kasing pumunta rito! Nae-excite ako.

Tangina, pambata raw pero mas nag-enjoy pa kaysa sa mga bata.

Ang daming naglalaro sa loob, 'yong mga nanay naman. Binabantayan lang 'yong mga anak nila.

"Pwede kaya ako rito?" Tanong ko kay Kuya.

"This is only for kids, Darlene."

"One hour lang naman." Nagtanggal ako ng sapatos at medyas.

Pwede raw ako rito! Basta one hour lang! Ang arte nitong si Darius pa-ayaw-ayaw pang pumasok sa loob pero nanguna naman sa may slides!

"Tita, you're here." Bungad ni Amir nang makita ako.

"Ang saya pala rito, Amir!" Umakyat ako sa slides.

"What..." Narinig ko pang sabi ni Amir sa likod ko.

"You're not a kid anymore!" Sabi ni Kuya sa baba, kasama niya si Ate Anya.

Hindi ko siya pinansin. Umakyat rin si Amir rito kaya sabay kaming nagslide pababa. Tawa-tawa pa kami nang makatayo.

"Damn it. Muntik na ako sumubsob!" Si Darius na nakahawak sa baba niya.

"Ang tanga mo kasi!" Mahina ko siya tinawanan.

"Tita, what's tanga?" Tanong ni Amir.

Napatigil kami ni Darius.

"Kung ano-ano tintuturo mo sa bata!" Turo ko kay Darius.

"What?! Me?!" Tinuro niya ang sarili. "Why I always dragged into this?"

"Bad 'yon! Huwag mong sasabihin kay Kuya, ah?" Tumango naman si Amir sa akin. "Kaya loves kita."

Naglaro kami sa buong kidzoona. Inaagawan ko ng nilalaro 'yong mga bata. Katulad ng mga lutu-lutuan? Hehe.

"Ako ang chef kayo customer, ha?" Sabi ko sa mga batang babae na inagawan ko ng laruan. "Dapat ang bayad niyo real money."

"Nang-uto pa nga sa bata." Aba! Aba! Sino itong bwisit na lalaki na 'to at nakikisabat?!

"Excuse me? I'm not talking to you." Tinaasan ko ng kilay ang lalaki.

"Excuse me? I'm not talking to you either." Tinuro niya ang nasa likod ko kaya lumingon ako at hindi nga ako ang kinakausap niya. "Feelingera ka sa part na 'yon."

"Langyang 'to! Makafeelingera!" Shuta, may mga bata nga pala rito.

Tinawanan niya ako. "Jacob nga pala." Ay, sabay gano'n?

"Wala akong pakialam." Binaba ko ang hawak ko. "Ayan na mga girls, enjoy eating." Iniwan ko sila doon.

"Hoy! Arte mo, sasabihin mo lang naman ang pangalan mo," nadinig kong sinabi noong Jacob.

Hindi ko siya pinansin at nagpunta na lang kay Darius na nakita pala ang eksenang 'yon.

"May kapalit na agad si Nix?"

"Ulol," sagot ko.

Nakipaglaro na lang ako kay Amir.

Nawawala lahat ng pinagiisipin ko nang pumunta kami rito. Ang saya pala sa kidzoona. Kung nalaman ko lang na mayroon palang ganito, edi sana matagal na kaming pumunta rito.

Naiinis na 'yong iba sa amin ni Darius pero tinatawanan lang namin. Hanggang sa matapos kami nang pagod na pagod ako! Nagtatakbuhan kasi kami ni Darius at Amir rito. At paulit-ulit na umaakyat para makapagslides.

Tapos itong Hakob na 'to! Iyong Jacob talaga 'yon. Panay ang usap sa akin. Hindi ako interesado sa 'yo, Hakob.

Nag-extend pa kami ng dalawang oras dahil dinaan ni Amir sa paawa effect si Kuya kaya pumayag na dito muna kami. Syempre kami rin, 'no! Hindi namin namalayan ang oras.

Alas-siete na ng gabi kaya nagyaya nang umuwi si Kuya. Kailangan pa raw namin magready kasi nga ngayong midnight ang alis namin.

At isa pa si Ate Anya, gusto na raw niyang umuwi.

Hindi na rin kami kumain sa resto tutal nagluto pala si Mama sa bahay kaso nagutom si Amir kaya bumili kami ng pagkain sa Mcdo.

Natapos na ang lahat ng trabaho nilang lahat. Ang gagawin na lang namin ay puntahan ang mga magulang ni Mama sa ibang bansa.

Nang makauwi kami sa bahay, bumaba na agad ako kasama si Amir. Naupo si Amir sa sofa at ako naman dumiretso sa taas.

Papasok na sana ako sa kwarto ko nang makita ko si Mama sa tapat ng pinto ko.

"Darlene..." Tawag ni Mama at lumapit sa akin.

"Bakit?"

Lumapit siya sa akin. "Nix was looking for you. Pumunta siya rito sa bahay kaso pinauwi ko na muna, halatang hindi maganda ang pakiramdam. Mukhang nilalagnat."

"Okay lang 'yon. Tama lang ang ginawa mo, Mama." .

"It's not, Darlene," aniya. "Hinihintay ka rin pala niya sa park ng village kagabi. Hindi ka pala pumunta, umuulan pa naman no'n."

Bigla akong nakonsensya sa narinig. Naghintay pala siya... parang ako tuloy 'yong may dahilan kung bakit siya nagkasakit ngayon.

"Ayos na ba kayong dalawa?"

Umiling ako. "Wala na. Tapos na."

"What do you mean?"

"Wala na kami," pag-amin ko. "Hiniwalayan ko siya..." napaiwas ako ng tingin para hindi niya makita ang mata ko.

"I see... I hope you're okay. If you need or want someone to talk to, we are just here, okay? I love you." Hinalikan niya ang noo ko bago ako hagkan ng yakap. "Change your clothes now."

Pumasok ako sa kwarto ko matapos siyang yakapin.

Ang sakit sabihin na wala na kaming dalawa. Akala ko pa naman pang-matagalan na ang relasyon naming dalawa.

Nagpalit ako ng damit at pagkatapos, bumaba na. Iniwan ko ang cellphone ko sa kama. Nasa dining na silang lahat kaya doon ako dumiretso. Naupo ako sa tabi ni Darius.

Nilagyan naman niya ng pagkain ang plato ko.

Si Phoenix... nakainom na kaya siya ng gamot? Hindi naman sa pagiging malambot pero parang kasalanan ko kung bakit siya nagkasakit.

Halos wala akong maintindihan sa sinasabi nila habang kumakain kami dahil busy ang utak ko sa pag-iisip. Hanggang sa matapos kaming kumain hindi ako nagsasalita.

Pero sa huling narinig ko. Masyadong maraming naghihintay sa akin! Mukha ba akong prinsesa tapos maraming mga tao ang naghihintay na Palace para sa akin.

"Is she's broken?" Rinig kong tanong ni Amir.

Nakaupo sila sa sofa, tapat ng kama ko. Nagbabasa naman ako ng libro habang nakadapa sa kama, tapos rinig ko ang chismisan nilang dalawa.

"Sort of..." Sagot ni Darius. "Wait, I forgot my phone. I'll be back." Lumabas si Darius sa kwarto.

Lumapit naman sa kama ko si Amir. "Tita... are you really broken?"

Sinara ko ang libro at tumingin sa kaniya. "Ewan, pero masakit talaga."

"It's okay, Tita..." Niyakap ako ni Amir. "I won't break your heart. Promise." Hinalikan ako ni Amir sa noo.

"Thank you." Ngumiti ako.

Dinampot ko sa tabi ng kama ang cellphone ko nang tumunog. Pangalan ni Tita Grace ang lumabas kaya sinagot ko.

"Hello po?"

"[Darlene, salamat naman at sinagot mo. Pwede bang pumunta ka muna sa bahay? Ikaw kasi ang hanap ni Nix. Please?]"

Para saan naman?

"Po? Bakit po?"

"[He's not listening to me, hija. He's drinking medicine. Baka sakaling makinig siya sa 'yo. I am so worried.]"

Nagpakawala ako ng hininga. "S-Sige po, Tita."

"[Salamat, Darlene. I'll wait for you.]" Binaba ni Tita Grace ang linya.

Humarap ako kay Amir. "May pupuntahan lang ako, ah? Sabihin mo kay Mama, babalik din ako kaagad, ah?"

"Okay, Tita." Tumango siya.

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba. Pumasok muna ako sa kwarto nila Mama para kunin ang susi ng kotse.

Nang makuha, agad akong lumabas ng bahay. Sumakay ako sa kotse para makarating agad sa bahay ni Phoenix.

Binilisan ko ang pagda-drive para makarating kaagad sa bahay nila. Pinark ko ang kotse sa tabi ng bahay nila nang makarating ako. Kinuha ko ang susi para makapasok sa loob.

Paakyat si Tita Grace nang makita ko.

"Darlene, mabuti na lang nandito ka na." Lumapit muna siya sa akin. "Nasa kwarto si Nix, ikaw ang hinahanap niya."

"Ako na po." Kinuha ko ang tray sa kaniya.

May gamot at pagkain na nakalagay sa tray.

"Thank you. Call me if may kailangan ka."

Tumango ako at dumiretso sa taas. Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok sa loob.

Naabutan kong nakahiga siya sa kama at nakalagay ang likod ng palad sa mata.

"Kumain ka na."

Napalingon siya sa akin. "Darlene..." Napabangon siya.

"Kumain ka na at uminom ng gamot para makauwi na ako." Lumapit ako sa tabi ng kama para maipatong sa side table ang tray.

"Darlene, don't break up with me."

"Kumain ka at uminom ng gamot." Pilit kong iniwas ang usapan na 'yon. "Gusto ko ng umuwi at magpahinga."

Pero hindi niya man lang pinakinggan ang sinabi ko. Mahigpit niya lang akong niyakap.

"Bawiin mo ang sinabi mo, Darlene. I don't want to lose you. Let's fix our relationship. I'll fix it. Don't break up with me, please..." Narinig ko ang pag-iyak niya. "Tatanggapin ko lahat 'wag mo lang ako hiwalayan. Please... I will do everything, Darlene, huwag lang ganito. Huwag lang tayo maghiwalay."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para matigil sa pag-iyak.

"Tigilan mo na... magpahinga ka na. Matulog ka na. May sakit ka." Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.

"No... please... I'm begging you... don't break up with me... I'll do what you want. Just don't break up with me. I will do everything, I promise. Huwag ganito..." Halos magmakaawa na siya sa harapan ko para lang bawiin ko ang sinabi ko kanina. "Totoong mahal kita. Sobra pa sa ipinaramdam mo..."

Inalis ko ang kamay niya ng pwersahan. Umatras ako palayo.

Tumingin ako sa kaniya nang diretso sa mata. Nag-angat rin ng tingin sa akin, sakit at pagsisisi ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Sana matagal mo ng sinabi sa akin... maiintindihan ko naman, e. Kaso sa iba ko pa nalaman at 'yon ang pinakamasakit. Lagi kitang kasama, 'di ba? Pero bakit hindi mo sinabi sa a-akin." Umiiyak na bulong ko matapos alisin ang luha sa pisngi.

"I'm scared of losing you... every time I tried to tell you about this, lagi akong pinapangunahan ng takot ko na baka mawala ka sa akin. Instead of telling you, I let that. I kept it a secret. But, believe me, I stopped," aniya at tumingin sa akin, tumulo ang mga luha niya. "I stopped when I found out that I was falling too. My plan was to make you fall into my arms and after I did that I'll sue you out of our c-class..."

Totoo nga ang sinabi ni Iris.

"But, I didn't do. I didn't sue you because I know if I do that, our class will no longer be happy. Babe, believe me, I stopped. Everyone noticed it, hindi na laro ang ginagawa ko. Totoo lahat 'yon. I truly love you, noong sinabi ko ang nararamdaman ko sa 'yo, totoo lahat 'yon. Lahat ng sinabi ko sa 'yo, totoo 'yon, lahat-lahat."

Panay hikbi na lang ang nagagawa ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng mga sinabi niya.

Ang hirap maniwala.

"Mahal na mahal kita... Darlene. I was scared of losing you. I regret everything that I've done. Nahulog din ako noong panahon na nahulog ka sa akin..." sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero humakbang ako paatras. "I was the first loser in the game because I fell to you... nahulog ako sa 'yo."

Hindi na ako maniniwala sa 'yo.

"Ayoko na..." Pumiyok ang boses ko habang paulit ulit na umiiling. "Ayoko na, Phoenix. Tigilan mo na." Mas lalong nanginig ang boses ko. "Hirap na hirap akong maniwala sa 'yo ngayon, hindi ko magawang paniwalaan ka dahil sinaktan mo ako behind my back. Patalikod mo 'kong niloko... at 'yon ang masakit."

"Darlene, please, believe my words.."

Hindi ko magawa... ang hirap maniwala.

"Tumigil ka na. Ayokong maniwala sa 'yo. Ayoko nang marinig ang sinasabi mo..." Pumikit ako at napahikbi.

"If you won't believe that then just... believe that I love you. Kahit 'yon lang sana na mahal kita, paniwalaan mo..." Nabasag at bahagya pang nanginig ang boses niya.

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya dahil parang alam ng puso ko na totoo 'yon. Na mahal niya ako pero... ang hirap talagang paniwalaan para sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 435K 40
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
751K 2.8K 67
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
53.2K 1.5K 14
DISCONTINUED. It's never quite as it seems. ROY KENT x FEM!OC. SEASON ONE ╱ THREE. TED LASSO, 2020 ━ 2023. SPORADIC UPDATES. © 2023, @ez...