Legend of Divine God [Vol 9:...

By GinoongOso

567K 114K 12.4K

Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang ma... More

Legend of Divine God [Vol 9: World of Alchemy]
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Chapter LVI
Chapter LVII
Chapter LVIII
Chapter LIX
Chapter LX
Chapter LXI
Chapter LXII
Chapter LXIII
Chapter LXIV
Chapter LXV
Chaptet LXVI
Chapter LXVII
Chapter LXVIII
Chapter LXIX
Chapter LXX
Chapter LXXI
Chapter LXXII
Chapter LXXIII
Chapter LXXIV
Chapter LXXV
Chapter LXXVI
Chapter LXXVII
Chapter LXXVIII
Chapter LXXIX
Chapter LXXX
Chapter LXXXI
Chapter LXXXII
Chapter LXXXIII
Chapter LXXXIV
Chapter LXXXV
Chapter LXXXVI
Chapter LXXXVII
Chapter LXXXVIII
Chapter LXXXIX
Chapter XC
Chapter XCI
Chapter XCII
Chapter XCIII
Chapter XCIV
Chapter XCV
Chapter XCVI
Chapter XCVII
Chapter XCVIII
Chapter XCIX
Chapter C
NOTE

Chapter I

7.9K 1.2K 121
By GinoongOso

Chapter I: City in the Mysterious World

Pinanood ng labing dalawang Chaos Rank ang pagdagsa ng mga adventurer papasok sa lagusan. Walang mababakas na emosyon sa mga mata ng halos labing dalawang Chaos Rank habang ang ilan ay mababakasan ng bahagya pag-aalala. Nag-aalala sila sa kani-kanilang mga estudyante at pinahahalagahang tauhan, at bilang guro, taimtim na ekspresyong hinihiling nila sa kanilang isipan na makaligtas at maging matagumpay ang kanilang ipinagmamalaking mga estudyante.

Sa mga mata ni Eurogasi, malamig na ekspresyon ang makikita. Naramdaman niya kanina na mayroong nakatingin sa kanya kaya napabaling siya sa nagmamay-ari ng mga matang nakatingin sa kanya. Nakita niya ang malamig na mga mata ni Finn, at napansin niya na tila ba hinahamon sila ng binata.

“Napansin n'yo ba ang grupo ng mga nakasuot ng itim na balabal at puting maskara? Isa sa kanila ay hindi maayos tumingin. Malamig siyang nakatingin sa atin na tila ba wala siyang respeto sa ating katayuan,” paglalahad ni Eurogasi. “Sino ang lapastangang iyon para tingnan ako ng direkta sa aking mga mata?”

Ngumiti si Hermec at inilahad niya ang kanyang kamay. “Isa lang siyang Heavenly King Rank. Bakit kailangan mong magalit nang ganiyan? Sa rami ng mga adventurer na naririto kanina, hindi mawawala ang mga ganoon. Mayroon at mayroong isang nilalang na hindi titingin sa ating katayuan,” aniya. Napahimas siya sa kanyang baba at marahang nagpatuloy, “Ramdam ko ang galit sa kanyang mga mata, pero sa anong dahilan ng galit niya sa atin? Lalong-lalo na kay Gamor na huli niyang tiningnan ng nakamamatay na tingin.”

Tahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Hermec. Totoo ang lahat ng sinabi niya kaya agad na naunawaan ng iba na hindi mawawala ang ganoong kaganapan. Subalit, nahihiwagaan din sila kung bakit iba ang tingin ni Finn sa kanila, na galit at nanghahamon. Pinagmasdan sila ng binata bago ito tuluyang pumasok sa lagusan na para bang tinatandaan sila nito.

Umismid si Gamor. Sinuklay niya ang kanyang buhok at nakapikit na nagwika, “Isa lang siyang hamak na Heavenly King Rank. Wala siyang halaga kaya hindi dapat pagtuunan ng pansin ang mga gaya niya.”

“Sa rami ng aking mga kinalaban para sa ikauunlad at kaligtasan ng mundong ito, hindi na ako magtataka kung mayroong gusto akong mamatay. Pero, sino ang may kakayahan na ako ay patayin? Wala. Dahil walang sinoman na kalaban ko sa mundong ito ang may lakas ng loob na paslangin ako,” aniya pa.

Tumango si Jinja bilang pagsang-ayon at nagkomento rin. “Tama ka naman. Hamak na Heavenly King Rank pa lamang siya, subalit hindi rin maikakaila na base sa kanyang aura, hindi pa siya ganoon ka-tanda. Mayroon din akong kakaibang napansin sa kanyang aura, at naramdaman n'yo rin naman iyon. Higit pa roon...” huminto sandali si Jinja sa pagsasalita bago magpatuloy, “Napakatibay ng kanyang pundasyon. Alam n'yo ang kahulugan nito, hindi ba?”

Humalakhak ang isa pang pinuno ng Crimson Guardian--si Urio. Nakangisi niyang ibinaling ang kanyang tingin kina Jinja at Eurogasi. “Bakit kayo nag-a-argumento? Nangangamba kayo sa isang hamak na Heavenly King Rank? Natatakot kayo sa isang mahina at nag-iisang adventurer samantalang mga Chaos Rank tayo.”

Malamig na tiningnan ni Eurogasi si Urio at nanghahamak na tumugon, “Sino'ng may sabi sa iyo na natatakot ako? Hindi ako natatakot sa kahit na kanino. Hindi ko lang gusto na tinitingnan ako ng kahit na sino'ng walang kuwenta sa aking mga mata--at kabilang ka na roon.”

Nagdilim ang ekspresyon ni Urio habang ang ibang Chaos Rank ay walang pakialam sa mga salitang binitawan ni Eurogasi. Hindi sila ang direktang pinatatamaan nito kaya walang dahilan para makisali sila dahil ito ay girian sa pagitan ni Urio at Eurogasi.

Isa pa, si Urio ang humamak kina Eurogasi at Jinja kaya nararapat lang sa kanya na ma-buweltahan.

“Tinawag mo akong walang kuwenta..? Pangahas ka! Isa ka lamang hamak na rogue adventurer!” Nanggagalaiting sigaw ni Urio.

Humalakhak si Eurogasi at nanghahamak na sinulyapan si Urio bago magsalita. “Isang rogue adventurer na hindi hamak na mas malakas sa iyo. Huwag mong sagarin ang pasensya ko dahil hindi mo magugustuhan kapag napuno ako sa 'yo.”

Namula si Urio dahil sa sobrang galit. Ang kanyang mga mata ay nanlilisik at ang kanyang halamang buhok ay nagtayuan at nagwala na para bang mga buhay. Ganoon man, suminghal na lang siya at pilit na huminahon.

Mahina pa rin siya kumpara kay Eurogasi. Kung lalabanan niya ito ng mag-isa, kahit na hindi siya mamatay sa laban, matatalo siya--at iyon ang sigurado.

Natigil na ang diskusyon sa pagitan ng mga Chaos Rank. Umismid muli si Eurogasi nang hindi na tumugon si Urio sa kanyang mga sinabi. Muli nilang pinanood ang pagdagsa ng mga adventurer papasok sa lagusan at pare-pareho silang nahihiwagaan kung ano ang mayroon sa loob nito.

Lumipas ang bawat sandali. Paunti na nang paunti ang mga natitira sa dalampasigan. Sa napakaraming adventurer na nasa lungsod ng Innogon ngayon, halos mabibilang na lang sa daang-libo ang natitira. At bawat lumilipas ang segundo, daan-daan ang pumapasok sa lagusan.

Makaraan pa ang sandaling paghihintay, lahat ng balak pumasok sa lagusan ay nakapasok na. Nakahinga ng maluwag si Hermec nang makita niyang walang nangyaring aberya sa lagusan. Matamis siyang ngumiti at sinabing, “Ngayong ang lahat ay nakapasok na sa lagusan, ang kailangan na lang nating gawin ngayon ay manatili rito at magbantay kung sakaling may mga taga ibang realm ang nais makihati sa oportunidad ng ating Crimson Lotus Realm. Sa mga parating naman na mga adventurer pa, maaari silang humabol--”

Natigil si Hermec sa pagsasalita dahil mayroon siyang naramdamang kakaiba. Dahil hindi pa man lumilipas ang ilang sandali, noong sila na lang mga Chaos Rank at ang mga piniling hindi pumasok sa lagusan ang natitira, nagkaroon ng biglaang pagbabago sa lagusan.

Nabigla ang labing dalawang Chaos Rank nang bigla na lamang may naipong malakas na puwersa, at ilang saglit pa, umalingawngaw ang isang malakas na pagsabog at mayroong puwersa ang nagtulak sa mga adventurer na naroroon.

BANG!!!

Napaatras ang mga naroroon. Nanatiling matikas na nakatayo ang mga Chaos Rank at malalakas na Heavenly Emperor Rank habang ang mas mababang antas dito ay tumilapon at bumagsak sa dalampasigan at karagatan.

Nanlaki ang mga mata ni Hermec habang si Eurogasi ay pinanliitan ng tingin ang lagusan. Sumara ang lagusan, nawala bigla ang enerhiyang nagpapagana sa lagusan upang i-konekta sa ibang dimensyon. Sa pagsasara ng lagusan, nakaramdam ng matinding pangamba ang bawat haligi ng Crimson Lotus Alliance.

“Ano'ng nangyayari?! Bakit bigla na lamang nawalan ng enerhiya ang lagusan gayong kanina lamang ay makapal pa ito at mayaman?!” Nangangambang gulat na tanong ni Hermec.

Walang nakasagot sa kanyang tanong dahil ang bawat isang naroroon ay ito rin ang tanong na gumugulo sa kanilang isipan.

“Hindi... Maaari kayang isa itong patibong upang maubos ang adventurer ng Crimson Lotus Realm..? Pero...” Napahinto si Jinja sa pagsasalita. Agad siyang bumaling sa iba pang Chaos Rank at nagpatuloy, “Kailangan nating gumawa ng paraan para muling mabuksan ang lagusan! Kung sarado ang lagusan, paano makalalabas ang mga pumasok sa mundong iyon?!”

Nagkaunawaan ang bawat isang Chaos Rank. Nagtanguhan sila at muli nilang sinubukan na buksan ang lagusan gamit ang kanilang enerhiya.

Subalit...

Walang nangyari. Hindi gaya nang nauna, walang kahit na katiting na pagbabago ang nangyari sa lagusan. Nanatili pa rin itong nakalutang sa ere na animo'y isang dambuhalang batong mayroong porma.

--

Samantala...

Nang sandaling makapasok si Finn sa lagusan patungo sa ibang mundo, sinalubong siya ng liwanag at hindi niya ito nakayanan kaya agad siyang napapikit. At makailang sandali pa, naramdaman niya ang malakas na hangin na dumadampi sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay nasa mataas siyang lugar at ang kanyang katawan ay bumubulusok pababa.

May malakas na grabidad na humihila sa kanya pababa, at nang imulat niya ang kanyang mga mata, doon niya napagtanto na totoong bumubulusok ang kanyang katawan mula sa himpapawid pababa sa lupa.

Ang una niyang ginawa ay agad niyang tiningnan ang kanyang paligid. Hinanap niya agad sina Poll, Eon, Paul at ang kanyang tatlong manika. At sa sandaling paglingon-lingon, nakita niya ang mga ito hindi kalayuan sa kanya. Natauhan na rin ang mga ito, at sa kasalukuyan, pinipilit nilang labanan pare-pareho ang grabidad na humihila sa kanila pababa.

Ibinalanse nila ang kanilang katawan. Sinubukan nilang lumipad, pero hindi nila magawa na pagaanin ang kanilang katawan. Hindi lang sina Finn ang kasalukuyang bumubulusok pababa sa lupa. Napakarami nila, at bumibilang sila ng libo-libo dahil para sila ngayong mga patak ng ulan na bumubuhos mula sa kalangitan.

Ang kalangitan ay kulay asul. Mayroon ding araw na nagbibigay liwanag sa buong paligid. Makakapal ang mga ulap at maaliwalas ang himpapawid. Muling naramdaman nina Finn ang kapaligiran na kagaya sa mundong kanilang pinagmulan. Sa wakas ay muli silang nakakita ng araw at payapang kalangitan.

Habang pababa sa lupa, nagdikit-dikit sina Finn. Maayos na ang kanilang pagbulusok, at sa kaunting konsentrasyon, kahit na mataas ang kanilang pagmumulan, siguradong ligtas silang lahat na makabababa sa lupa.

Kahit ang mahihinang adventurer ay nagawa na ring maka-balanse, at sa kasalukuyan, lahat sila ngayon ay nakatitig sa lupa na kanilang babagsakan.

Nakakita sila ng mga gusali, bahay at iba't ibang imprastraktura. Tama, ang kanilang babagsakan ay animo'y isang maunlad at malaking lungsod. Mayroong lungsod sa mundong ito na naging palaisipan sa bawat isang adventurer.

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod ang paglapag ng mga adventurer sa lungsod. Mayroon ng mga nauna kaysa sa grupo ni Finn, at kasalukuyan nilang pinagmamasdan ang mga imprastraktura sa paligid.

Hindi abandonado ang lungsod. Para itong alagang-alaga dahil napakalinis at napakaayos ng mga gusali. Wala ring makikitang nagkalat na mga basura sa paligid, ganoon man, bukod sa mga adventurer na nagmula sa Crimson Lotus Realm, wala ng ibang nilalang pa ang naroroon sa lungsod.

Matagumpay na nakababa sina Finn, at ang una nilang ginawa ay walang iba kung hindi ang paglingon-lingon sa paligid.

Napansin agad nila na mayroong mga adventurer na hinahalughog ang mga gusali. Marami na ang nagsimulang maghanap ng mga kayamanan, at ilang mga pagsabog na rin ang maririnig kasabay ng mga hiyawan.

Nagsimula na ang labanan at away sa pagitan ng mga adventurer. Wala na sila sa lungsod ng Innogon kaya maaari na silang maglaban-laban.

“Huwag kayong aalis sa tabi ko. Pakiramdaman ninyo ang ating paligid para kung sakali mang may umatake, handa tayo,” seryosong sambit ni Finn.

Bahagyang tumango sina Poll at Paul kay Finn na kasalukuyang lumilingon-lingon pa rin sa kapaligiran. Si Eon ay nakangiti lamang ng malapad habang hinihimas ang kanyang kamao. Iginagala niya ang kanyang paningin at tila ba may hinahanap sa kanyang paligid.

“Nasaan na ang grupo ng pangahas na unggoy na paulit-ulit na nanghahamon sa akin? Pagkakataon ko na para maiparamdam ko sa kanya na mali siya ng binangga,” may panghahamak na hayag ni Eon.

Habang ang labanan at mga pagsabog sa lungsod ay mas tumitindi, isang malakas na sigaw na narinig sa buong lungsod ang umagaw sa atensyon ng lahat. Naging dahilan ito ng paghinto ng ilan sa pakikipaglaban.

“Kayong lahat, makinig kayo!!”

Agad na tumalon-talon si Finn sa mga gusali upang maka-akyat sa mataas na lugar. Sumunod sa kanya sina Eon, at kasakuluyan sila ngayong nakatingala sa isang malaking grupo ng mga kawal na mayroong bandila ng Crimson Lotus.

Nakatitig ngayon si Finn sa babaeng nangunguna sa mga kawal, at naramdaman niya na naglalabas ang babaeng ito ng aura ng isang 9th Level Heavenly Emperor Rank.

“Ako si Geyaj, Punong Komandante ng Crimson Lotus ay may mahalagang anunsyo sa lahat ng adventurer na nasa lungsod na ito!” Malakas na sigaw ni Geyaj. Nag-akyatan na rin ang iba, habang ang iba ay nagpapatuloy pa rin sa pakikipaglaban at pagsasawalang-bahala sa mga sinasabi ni Geyaj.

“Bibigyan ko kayo ng isang minuto para huminto sa inyong paglalaban at pagsisimula ng gulo sa loob lungsod na ito. At sa oras na lumipas ang isang minuto pero patuloy pa rin ang ginagawa ninyong pagwasak at panggugulo sa lungsod...”

“Pasensyahan tayo pero papaslangin namin kayo upang matigil kayo sa inyong mga kalapastanganan,” dagdag niya pa.

Mayroong huminto sa paglalaban dahil sa pagbabanta ni Geyaj ngunit marami pa rin ang patuloy na gumagawa ng mga pagsabog at kaguluhan. Nanlamig ang ekspresyon ni Geyaj. Bumaling siya sa mga adventurer na nasa baba at naglalaban at muling malakas na sumigaw, “Ang pagbibilang ay sisimulan ko na ngayon!”

Ipinagsawalang-bahala ng ilan ang pagbabanta ni Geyaj habang mayroon namang nanlamig ang ekspresyon at hindi mapigilan na magsalita.

“Ang mundong ito ay hindi na Crimson Lotus Realm! Ang batas ng inyong alyansa ay hindi na maaari rito dahil ang mundong ito ay para sa lahat! Malaya kaming gawin ang aming nais gawin nang walang restriksyon kaya wala kayong karapatan na kami'y utos-utusan!” Sigaw ng isang lalaking adventurer. Isa rin siyang Heavenly Emperor Rank, pero ang kanyang antas at ranggo ay nasa 4th Level Heavenly Emperor Rank lamang.

Agad na sumang-ayon ang mga rogue adventurer at mga adventurer na kabilang sa isang pangkat. Hindi sila sang-ayon sa nais ipatupad ni Geyaj sa lungsod na kanilang pinagbagsakan. Hindi sila payag na gawin ng Crimson Lotus Alliance ang ginawa at ginagawa nila sa Crimson Lotus Realm dahil para sa kanila, ang mundong ito ay para sa lahat.

Malamig na pinagmasdan ni Geyaj ang lalaking adventurer na nagsalita. Ibinuka niya ang kanyang bibig at malamig na boses na nagwika, “Sa mundo ng mga adventurer, isang batas lang ang laging nasusunod: ang batas ng kagubatan kung saan malalakas lamang ang masusunod habang ang mahihina ay kailangang sumunod.”

“Hindi magkakaroon ng kaayusan kung walang mamamahala. Sisirain ninyo ang lungsod na ito dahil sa inyong walang kabuluhang mga pag-aaway at girian. At kami, ang mga miyembro ng Crimson Lotus Alliance ay ang magiging hukom at tagapamahala ng mundong ito na kung saan ang lahat ng lalabag ay sesentensyahan ng kamatayan.”

“Kami ang batas dahil kami ang malakas. Ito ang pangunahing kaalaman, at kung nais ninyong mabuhay pa ng matagal, sumunod na lang kayo. Lumabas kayo ng lungsod at doon ninyo ipagpatuloy ang inyong laban,” nanghahamak na dagdag pa ni Geyaj.

Bumakas ang galit sa mukha ng mga naroroon matapos ang marinig ang mga sinabi ni Geyaj. Mayroong napakuyom ang kamao habang mayroon ding naging taimtim lamang ang ekspresyon.

May punto ang sinabi ni Geyaj. Upang mapanatili ang kaayusan, kailangang may namamahala. Kung walang namamahala o namumuno, puro digmaan at kaguluhan ang mamamayani sa mundong ito.

“Tapos na ang isang minuto. Mga kawal, alam n'yo na ang gagawin sa mga ayaw sumunod,” malamig na sambit ni Geyaj.

Agad na kumilos ang mga kawal. Bumaba sila mula sa himpapawid, at nagtungo ang bawat isa sa kanila sa mga adventurer na naglalaban-laban. Ilang sandali pa, mas lalong tumindi ang mga pagsabog at paghiyaw, at makaraan ang ilang saglit, muli nang naging payapa ang buong lungsod.

Tumalikod na si Finn at muli nang bumaba sa kanyang inakyatang gusali kasama sina Eon.

“Handa ang Crimson Lotus Alliance. Nasakop na agad nila ang lungsod na ito nang ganoon kadali. Naipatupad na rin nila agad ang kanilang mga tuntunin at batas gamit ang lakas at puwersa,” malamig na boses na hayag ni Finn. “Ganoon man, wala akong pakialam sa kanilang batas. Ipatupad nila ang gusto nilang ipatupad habang tayo ay sisimulan na ang ating pakikipagsapalaran sa mundong ito,” aniya pa.

Bumaling si Finn kina Eon. Tiningnan niya ang mga ito sa mata at muling nagsalita, “Maliit na porsyento lang ng mga adventurer ang naririto sa lungsod. Marahil napunta ang iba sa iba pang lugar. Ang lungsod na ito ay okupado na, at limitado na ang ating kilos dito kaya wala ng dahilan para manatili tayo rito. Sisimulan na natin ang ating paglalakbay sa mundong ito, at tutuklasin natin kung ano ang totoong layunin ng mundong ito.”

Ito ang kanilang pangunahing hangarin--ang tuklasin ang sikreto at mga oportunidad sa mundong ito. Ang mundong ito ay pag-aari ng isang makapangyarihang adventurer noon, at kailangan nilang madiskubre kung ano ang hangarin ng makapangyarihang adventurer na iyon kung bakit niya binuo ang mundong ito at kung bakit napunta ang lagusan nito sa Crimson Lotus Realm.

‘Kung isang makapangyarihang nilalang gaya ng fire phoenix na si Sierra ang may-ari ng mundong ito, mabuti. Kailangan kong mahanap ang kanyang teritoryo dahil kailangan ko ang kanyang kapangyarihan, kaalaman at mga kayamanan upang lumakas ako,’ sa isip ni Finn.

--

Continue Reading

You'll Also Like

84.8K 9.3K 56
[Curse Darking #1] After the Blood War, Ronan Acworth couldn't believe he survived the bloody combat. Nagising siya sa isang lumang karwahe na nagdal...
670K 140K 142
Synopsis Sa pagpapakita ng Land of Origins o ang tinatawag ding mundo ng pinagmulan ng lahat bagay, si Finn at ang New Order ay naghahanda na para sa...
1.1K 100 43
Just a group of friends trying to survive a zombie apocalypse.