"Mauna na kayo doon Kerby, ayusin ko lang buhok ni Snowiee" sabi ko sa asawa ko.

Lumapit muna siya sa akin, niyakap ako at mabilis na humalik sa labi ko.

"Ewww" sabay na sabi ng kambal ko. Hahaha. Laging ganyan sinasabi pag hinahalikan ako ni Kerby.

Tinirintas ko ang buhok ni Snowiee na siyang nagustuhan niya naman at malawak na ang ngiti.

Sabay kaming lumabas at nadatnan namin ang boys sa harap ng hapag kainan.

"So, kamusta naman ang pag aaral mo Cane?" Tanong ko sa inaanak ko.

"Okay lang po ninang." Tipid na sagot nito, hay nako. Di niya namana ang pagka madaldal ng tatay niya.

"Balita ko heartthrob ka daw sa Loreto ah" sabi ko dito.

Sa Loreto nag aaral si Cane, Grade 7.
Sa katunayan ay sa Loreto rin ang dalawang kambal ko at anak ng mga kaibigan ko.
May elementary at college na rin ang Loreto, kaya tinawag na LORETO UNIVERSITY na ito ngayon. In-adapt na rin nila ang normal na bilang ng Grade one hanggang twelve, yung amin kasi noon ay nakakahilo.

Ang building, canteen, playground ng elementary, highschool at college ay mag kakaiba, parang nasa iisang compound lang pero mag kakaibang building.
Ang laki na rin ng ipinag bago ng Loreto, sobrang laki ng pinag bago. Kung gano kalaki noon ay nag triple pa ngayon.

"Hindi naman po tita" sagot ni Cane sa akin.

"Mommy, what is heartthrob?" Tanong ng inosente kong baby girl.

"Ahm—-" i-explain ko na sana sakanya, kaso tong over protective niyang ama...nakisawsaw.

"That's just a word without meaning baby, eat this...it's delicious" sabi nito habang nilalagyan ng mechado ang plato ni Snowiee.

Nakita ko namang ngumisi ang anak kong si Tieron, don't tell me...alam niya meaning non? Ang bata niya pa.
Isa pa, bakit alam niyang ngumisi? Kebata bata niya!

Sinigurado kong nag toothbrush at shower muna ang mga anak ko bago pinayagan na pumunta sa kwarto ni Cane, may sarili ng kwarto si Cane dito...dahil madalas siya dito. Busy kasi masyado sina Darwin at Catherine, naawa ako sa bata dahil naiiwan palagi, kaya kinupkop ko muna...besides, yun ang role ko sa buhay niya. Ang maging pangalawang ina niya.
Masaya rin ako, dahil may kasa kasama ang mga kambal ko.

Pinuntahan ko rin ang pangalawa kong kambal, oo...may kambal pa akong isa, isang lalake at isang babae ulit.
Pinanganak ko sila noong 33 yrs old ako.
6 years old na sila ngayon. At ang nakakatawa pa dito sa kambal na to, ay ka birthday nila yung una kong kambal, august 27 rin ang birthday nila. Ang galing guma ni Kerby!

Mahimbing na natutulog yung dalawa, nauna na silang kumain kanina, kasama nila ngayon ang mga yaya nila. Diko kasi kaya kapag wala akong kasama dito sa bahay, busy rin ako sa clinic. Kaya kumuha ako ng tig iisang yaya ng mga anak ko, at may taga luto at linis rin dito sa bahay.
Pero kahit ganoon, ay hindi naman namin sila pinapabayaan. Sinisigurado naming walang araw na hindi namin sila bibigyan ng atensyon.

Pag tapos  kong icheck sina  Sophien (sofayn pagbasa) Angel at Kaysh Angelo ay naligo na rin ako at nag shower,
Dahil tapos ng nag shower ang asawa ko.

Lumabas ako at nakatitig ang asawa ko sa akin,
Kung di ka sana tumitig, diko sana maaalala. Patay ka ngayon.

"Kerby, diba sabi ko sayo...wag kang mag mumura sa harap ng mga bata" pangagaral ko sakanya.

"Kailan ko ginawa?" Maang maangan niya.

"Nagagaya na ni Snowiee yang mga language expression mo, si Tieron naman...nagagaya niya na ang mga facial expression mo!" Sabi ko nito at pinag kukurot ang tagiliran.

"Ako ang poging daddy nila e" sabi nito na may pag yayabang.

"Hay nako Kerby, ewan ko nalang kung mag mana sayo ang mga anak mo." Sabi ko dito na umiiling,

"Eh di maswerte sila. Mamamana nila ang charm ko." Sabi nito na nakangisi. Tsk!

"Charm mo mukha mo!" Sabi ko at nahiga sa tabi niya.

Niyakap naman niya ako,

"Baby, di na ba natin dadagdagan yung apat nating anak?" Tanong nito na may halong pag lalambing.

"Hay nako Kerby! Sa apat palang ay nahihirapan na ako...pano pa kaya pag nadagdagan pa" natatawang sabi ko.

"Okay lang, kahit punuin pa natin ng yaya ang bahay natin, para lang may mag alaga sakanila." Sabi nito na hinahalikan ang leeg ko.

"Umayos ka Kerby, tama na ang apat, tutal yun ang pangarap mo diba?" Natatawa kong sabi.

"Pero diba sabi ko naman sayo baby, pwede mo pang dagdagan kung gusto mo?" Sabi nito na inangat ang tingin sa akin.

"Well, ayoko na." Sabi ko na natatawa.

Bumangon siya at naupo, tinitigan niya ako ng matagal,

Naiilang na ako sa titig niya, kaya pinalo ko ang binti.

"Kainis ka ha, bakit ka nakatitig ng ganyan?" Sabi ko sa asawa ko.

"Nothing, I just can't stop staring at you." Sabi nitong nahihiya at napakamot sa batok.

"Hay nako, kinukuha mo lang buntot ko, para payagan kitang gumawa pa ng isang anak...teka...baka kambal na naman, kaya wag na. Hahaha" sabi ko nito.

"No baby, di lang ako makapaniwala na may sarili na tayong pamilya, parang kailan lang...nag aantayan tayong dalawa." Sabi nito na nahiga at nakatitig na sa kisame.

"Kaya nga eh, parang kailan lang..." sabi ko naman na napatitig rin sa kisame.

"You know naman that I'm thankful, kasi ikaw ang napangasawa ko diba?" Sabi nito at napalingon sa akin.

Tinanguan ko lang siya at nakangiti.

"I LOVE YOU SNOW, THANK YOU FOR FULFILLING MY DREAMS. I WILL ALWAYS LOVE YOU..."


"MY ONLY ONE"













                    -THE END-

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now