Kerby's POV
"Ugh! I hate hangover" bulyaw ko sa sarili ko pag kagising na pag kagising ko.
Bumangon ako at nag tungo sa kitchen para uminom ng tubig at para makapag luto na rin ng breakfast ko.
Pag tapos kong kumain ay naisipan kong buksan ang selpon ko.
" i drove you home last night, instead of some chicks! What a drunk bastard!"
"Fuck U. Thanks" reply ko dito.
Pag katapos kong isend ang reply ko kay ken, ay agad ko naman' tinawagan ang secretary ko para sabihin na hindi muna ako papasok ngayon' araw.
"Himala Sir. Ngayon lang kayo nag day off sa loob ng mahigit isang taon." Biro pa ng secretary ko.
Tama siya, ngayon nga lang ulit.
Ngayon nga lang, pero hindi ko alam ang gagawin ko ngayon' araw.
Ngayon palang nag sisisi na ako bakit hindi ako pumasok. Tsk!
"Ouch!" Napa singhap ako sa kalmot ni Snow.
"Bakit mo ako kinalmot?" Tanong ko rito.
"Tsk, tsk, tsk! Bad dog!" Sabi ko ulit na pinapagalitan.
Mukhang naiihi na naman.
Inopen ko ang toilet ni Snow, pinagawan ko kasi siya ng sariling C.R ngunit nakalimutan kong buksan ito. Naka lock. Hehe.
"You're done?" Tanong ko dito pag katapos umihi.
"What should we do today baby Snow?" Tanong ko sa aso ko na nakatingala sakin.
"Hmm..."
"Alam ko na! Mag laro nalang tayo sa park!" Sabi ko mukhang excited siya. Akala mo naman naiintindihan ako. Tsk.
"You like it??!" Tanong ko at tinahulan ako.
Tsk. Magugulat nalang talaga ako kapag nag salita ito bigla...
Ayoko sanang tanggapin tong si Snow noong binibigay ni mommy sakin.
Iniwan niya dito sa Condo ko dahil babalik daw siya ng Vietnam, bibili bili kasi ng aso hindi naman pala aalagaan! Tsk!
Lahat nalang i-pinapasan sa balikat ko.
Noong una ay hirap akong alagaan itong si Snow.
Kung saan saan tumatae at umiihi, kaya pinagawan ko ng sariling toilet, tutal malaki naman ang condo ko. Sinanay ko siyang tumae at umihi sa toilet niya at ngayon ay kaya niya ng mag C.R mag isa basta hindi ito naka lock.
Kalaunan ay naging magaan na itong alagaan. Ang laki rin ng tulong niya sa akin, napapasaya ako kahit papano.
Kapag wala akong ibang schedule kundi sa office lang ay dinadala ko siya doon, para di maiwan mag hapon dito.
Pero kapag may iba akong lakad ay iniiwan ko dito, naka display lang ang inumin at pag kain niya, at naka open lang ang toilet niya. Pinapa check ko naman lagi kay Ken, o di kaya sa Secretary ko kapag naiiwan siya dito.
Hay nako Snow! Napaka spoiled mo!
"Lalaro tayo sa park baby Snow ha? Wag kang pupunta kung saan saan. Wag kang lalayo sa akin. Sa tabi lang kita. Okay?" Pangangaral ko sa aso ko.
Naligo ako saglit saka ko tinalian si Snow.
Tuwang tuwa siya noong hawak ko palang ang tali niya at di pa naikakabit sa collar niya. Alam niya na kasi na lalabas kami everytime na hawak ko ang tali niya.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
