Chapter 13

151 10 4
                                        

"Maybe I'm the one for her" nangingiting sabi ni Ken. Napailing nalang ako. Bagtit to, may nalalaman pa siyang friend kuno.

Nasamid si Lisa pag katapos sabihin ni Ken yun, kaya inabutan siya ni Ken ng tubig.

"Kung kailan patapos ka ng kumain, saka ka naman masasamid." Sabi ni Ken.

Napailing nalang ulit ako. Manhid nga.

"Galing nung tumutugtog ng piano no?"
Tanong ni Ken.

"Hmm" sagot ko lang.

"napaka romantic nga e" sabi naman ni Lisa.

At si Kerby? Walang imik.

"Sure ka Lis? Romantic?" Tanong ni Ken kay Lisa.

"Yeah" tipid na sagot ni Lisa sakanya.

"I guess this is the perfect time," nangiti niyang sabi sabay inilabas ang maliit na box.

"Balak ko sana sa park e, kaso sabi ni Lis, romantic daw yung tugtog hehe" sabi niya na nakatingin sa box.

"ah—m, ano yan" tanong ni Lisa.

Inangat ni Ken ang tingin saka siya tinignan, at ngumiti.

Ibinaling niya sa akin ang tingin, habang binubuksan ang box.

Kinuha niya ang laman ng box, at tumambad sakin ang isang bracelet.

Kinuha niya ang kamay ko saka isinuot yung bracelet.

"Congrats sa pag galing mo Tien" sabi niya na nakangiti.

"Hahahahahaha" tawa ko sakanya.

Takang taka naman ang mukha niya.

"Ano ba! Gumaling lang, may pa bracelet ka na" sabi ko na natatawa parin.

"Anyway thank you!" Sabi ko saka niyakap siya. Sobrang thoughtful niya kasi.

"Ehem!" Rinig namin. Sabay yung dalawang nag ehem, may mali ba sa steak na kinain namin? Mukhang makati lalamunan nila.
.
.
.
"So kailan ang kasal bro?" Tanong ni Ken, habang nag lalakad kami sa park.

Pwede mo naman yang itanong Ken kapag kayo kayo lang!

"Siguro sa mga susunod na buwan" sabi ni Kerby.

"Ready-ing ready ah" may pagka sarcastic kong sabi.

"Yeah" tipid niyang sagot.

Yan ba ang sinasabi mong mahal mo ako? Kung saktan mo ako daig mo pa ang kabayo na manipa.

"Abay na kami ni Tien..." natatawang sabi ni Ken.

Seriously Ken? Nang aasar ka? Gusto mong sipain kita nang masubsob ka sa mga halaman!?

"Sure" tipid na sagot ni Kerby.

Tang ina.

"Ah, kahit seryoso man kayo or biro yan, di ako pwede aalis na ako" sagot ko. Kahapon di pa ako sure, ngayon desidido na akong umalis. Sobrang sakit na eh!

"San punta mo?" Sabay na sabi nilang tatlo. Diko parin nasabi kay Ken yung tungkol dito kaya pati siya napa tanong.

"Canada" tipid kong sagot.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now