Tien's POV
"Hahaha ang hirap maging pogi e!" Natatawang sabi ko kay Ken. Sakanya kasi naka tuon lahat ng tingin ng mga babae, mula ng pumasok kami dito sa isang kilalang restaurant.
"Hahaha bakit ako ba ang tinitignan nila?" Natatawang tanong rin ni Ken.
"Sino pa nga ba? Imposibleng ako?" Natatawa ko ring sagot.
"Anong imposible doon? E sa ganda mong yan? Hindi ko nga alam kung nagagandahan sila sayo o napopogian rin" pang aasar niya sa akin.
"Sira!" Sagot ko naman sakanya.
"Next time kasi wag ka ng mag long sleeve at pants, nasasapawan mo ako e" pang aasar niya parin sakin.
Natawa nalang ako at sinabing kumain nalang kami.
Sumenyas si Ken para mag bill out pag katapos naming kumain. Lumapit ang isang waitress at hindi ma alis ang tingin nito kay Ken habang ina antay ang bayad.
Lumingon siya sa akin, at nagulat ito ng bahagya dahil nahuli ko siyang nakatitig kay Ken.
"Sorry ma'am, diko kasi maikakaila na sobrang pogi po ng kasama niyo. Bagay na bagay po sa ganda niyo" sabi ng waitress na nahihiya kaonti.
"Hahaha it's okay. Isa pa di ko naman siya boyfriend" natatawang sabi ko.
"Eh? Seryoso ma'am? Halatang halata na gusto ka ni sir ma'am. Kitang kita sa mga tingin niya sayo" sabi ulit ng waitress na medyo pabulong pero sure akong rinig din ni Ken. Hahaha.
"Ehem. Di niya ako pa ako boyfriend. Magiging boyfriend palang." Ngising sabat naman ni Ken. Haha sure ka ba Ken?
Umiling nalang ako sa kumpyansa niya.
Sabay kaming kumain ni Ken ngayon' gabi, dahil may mahalaga daw siyang sasabihin. Niyaya niya akong maging date niya sa Family reunion nila. Haha. Ngayon lang ako naka encounter ng ganoon' na reunion, na may kailangan dapat isamang date. Bukas ng gabi magaganap yon, noong una ay tumanggi ako dahil family reunion iyon, hindi naman ako kabilang. Pero sabi niya na gusto niyang ipagmalaki sa family niya na may nililigawan siya, haha sira talaga siya kahit kailan. Kapag hindi siya sinagot ewan ko nalang.
Pangalawang rason ay wala akong isusuot. Biglaan kasi kaya hindi ako prepared if ever na sasama ako. May mga bagong damit ako, pero hindi ko binili mga iyon para sa family reunion. Mukhang walang babagay sa pupuntahan ko.
Sabi naman ni Ken na siya na bahala at may dala na siyang damit na susuotin ko. Since biglaan daw niya akong niyaya, alam niyang kailangan ko ng isusuot kaya siya na rin bumili.
.
.
.
Pag katapos akong ayusan ng kaibigan ni Claude, ay isinuot ko na iyong binili ni Ken sa akin na damit. Humingi ako ng tulong kay Claude dahil di ko alam ayusan ang sarili ko. Basic lang alam ko sa pag aayos ng itsura ko, di naman pwedeng kung ano ang every day look ko ay yun ang isasabak ko sa family reunion nina Ken. Inipit ng kaibigan ang buhok ko, nilagyan niya muna ito ng extension dahil nga maikli lang ang buhok ko ngayon. Nagustuhan ko naman ang gawa niya at tuwang tuwa nang makita ko ang sarili ko sa salamin.
Pagkatapos akong ayusan ng kaibigan ni Claude ay umalis na rin siya.
Sakto naman ang pag text ni Claude na nasa labas na daw siya noong tapos na rin ako mag bihis.
"You look amazing Tien Snow" nakangiting sabi niya sa akin.
"Hahaha thanks" sabi ko na medyo awkward. Sandali niya ulit akong tinignan mula ulo hanggang paa at saka ngumiti.
"Di ako nag kamali ng niligawan. Kung gaano mo kabagay ang maiksing buhok, mas lalong bagay pala sayo ang mahabang buhok kahit naka ipit lang ito" nakangiting sabi ni Ken na hindi maitatago ang paghanga. Tsk.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
