Chapter 40

120 8 2
                                        

Tien's POV

Sa loob ng isang buwan, ang daming nangamusta sa akin, ang daming taong bumisita sakin...pero kahit gaano sila karaming sumusuporta sakin...may kulang parin, kulang parin...dahil wala sa piling ko, ang asawa ko.

Nag papakatatag ako para sa mga baby ko, sanay naman na ako e, sanay naman na akong masaktan.
Anong magagawa ko? Nag mahal ako e, nag mahal ako sa taong hindi marunong makuntento.

Palagi akong binibisita ni Ken, sa totoo lang ayoko siyang abalahin, lagi ko siyang pinag sasabihan na kahit wag na niya akong dalawin, at kamustahin nalang ako gamit ang selpon, pero matigas ang ulo.
Sobrang bait ni Ken, at mabait rin si Lisa, kaya ayokong gumitna sa relasyon nila, ayokong nakikihati ako sa oras ni Ken, dahil hindi dapat ako makihati, hindi dapat ako kasali sa oras niya, sa oras nilang dalawa.

Muntik na akong maniwala sa pag hingi ni Kerby noon ng pasensya, noong nahuli kong nakaupo si Shary sakanya, gusto kong isipin na si Shary ang may kasalanan, pero noong nakita ko silang mag katabi...nanghina ako, gusto ko ng sumuko sa mismong oras na yun, at alam niyo kung ano yung masakit? Ni isang paliwanag wala man lang ako natanggap. Ni isang sorry wala, inantay ko siya, inaantay ko ang paliwanag niya...

Sa pag aantay ko sakanya... diko man lang namalayan na isang buwan na pala, isang buwan na pala siyang naglaho na parang bula...
Masaya sana kung kasama siya ngayon dito, kung apat kaming andito at nag kwekwentuhan ng kung anu ano.

"Baby, sabing ayaw ko yang ihh, yun gusto ko, subo mo sakin pleasssee" sabi ng isang maarteng babae, nag tinginan kaming tatlo at nag tawanan...

Pero hindi ko alam na yun na ang huling tawa ko sa oras na yun, dahil sa hindi inaasahang pag kakataon, sa hindi inaasahang lugar ko maririnig ang boses ng asawa ko.

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala sila dahil nilapitan ko.

Hindi ko inaasahang makita ko ang asawa ko na hawak ng iba...

At yung masakit ay nakabuntis pa siya...

Yung gusto ko nalang saksakin o dukutin ang puso ko sa sobrang kirot nito,

Gusto kong magwala pero may responsibilidad ako...responsibilidad kong alagaan ang mga hindi ko pa naisisilang na mga anak ko.

Gusto kong mag pakamatay sa mismo oras na to...pero iniisip ko yung dalawang buhay, na nasa sinapupunan ko.

Ang bilis ng mga pangyayari...Yung pag halik sa akin ni Ken...hindi ko rin inaasahan.

Ang daming nadamay, ang daming nasaktan...nang dahil sa kagagawan nina Kerby.

Umalis ang hayop ng walang paliwanag...

Pag balik namin ng sasakyan, nasa loob na si Lisa, gusto ko siyang kausapin, pero hindi ko magawa, dahil busy rin ako sa sarili kong damdamin, nasasaktan rin ako ngayon.

Kinagabihan ay bumisita rin si Kerby ng hindi ko na naman inaasahan.

Hindi mawala ang galit sa loob ko!!! Sobrang kinasusuklaman ko siya!!!

Pero nawala lahat ng yun...

Dahil sa paliwanag niya...

Paliwanag niya, na sana noon niya pa sinabi...

Na sana noon ko pa pinakinggan...

Dahil hindi lang pala ako ang nag hirap at nasaktan sa kagagawan ni Shary...

Kundi pati rin ang asawa ko, na walang hinangad kundi ang kaligtasan at kasiyahan ko...

Ngayon, nakokonsensya ako...

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now