Chapter 42

123 7 1
                                        

Tien's POV

"Mommy, totoo po bang pupunta si kuya Cane dito?" Tanong ni Tieron sa akin, habang nag preprepare ako ng dinner. Nasabi siguro sakanya ng kambal niya

"Yes love, busy kasi masyado sina tito Darwin at tita Catherine mo, kaya dito muna siya mag papalipas ng weekend" sabi ko kay Tieron...

"Owww, sleep over na naman si Kuya Cane! May kalaro na naman ako!" Sabi ni Tieron na na eexcite.

Hay nako grade 4 na nga siya, pero puro laro pa ang ina atupag.

Buti at nakikipag laro pa si Cane sakanya, eh nag bibinata na yung ina anak ko.

"Where's your twin sister baby?" Tanong ko dito.

"Ahm, she's fixing her ugly hair mommy, cause Kuya Cane is coming daw po."

"And I'm a big boy na po, stop calling me baby, mommy" sabi nito.

Napaka cute nga naman ng anak ko oo.

"You are still my baby, even if you're a big boy already." Sabi ko nito at hinalikan sa pisngi.

Hinanap ko si Snowiee ngunit diko siya makita, napagod na ako at lahat lahat...diko parin mahanap.

"Snow..." sabi ko at sumipol, dahil kung nasaan si Snow...ay andun rin si Snowiee.

Tumakbo si Snow papunta sa akin, galing sa banyo...hmmm. Bakit diko naisip na nasa banyo siya.

Pinuntahan ko si Snowiee sa banyo at ayun, parang nest na ng ibon ang buhok.

"What happened to your hair honey?" Tanong ko dito na papalapit.

"I'm trying to fix it mommy, but this damn hair is not participating!" Sabi niya na naiinis na sa buhok.

"Honey, watch your language. Saan mo natutunan yan?" Pangangaral ko.

"From daddy, mommy. Sorry." Sabi nito na yumuko.

Malilintikan si Kerby pag uwi!
Sinabihan na ngang wag siyang mag sasalita ng masama sa harap ng mga bata e!

"Snow...baby? Guys...where are you...?" Rinig kong sigaw ni Kerby, dumating na sila. Pinadaan ko na rin sakanya si Cane.

"Mommy!!! Mommy!!! Andito na si kuya Cane!!! Pano po tong hair ko! Ang pangit ko mommy!" Sabi ni Snow na naiiyak.

Hindi ko alam kung maawa ako sakanya o matatawa, pinili ko yung huli. Natawa ako. Hahaha

"Why are laughing mommy? Ang pangit ko na nga po! Di pwedeng makita ako ni kuya Cane na ganito itsura ko" sabi ulit nito.

"And what if I saw you like that?" Tanong ni Cane na sumulpot sa likuran ko. Natatawa siya, pero pinipigilan ang sarili.

Tumayo bigla si Snowiee at nag tago sa may kurtina ng banyo.

"No...you can't! Ang pangit ko ngayon!" Sabi nito at nag tawanan kaming tatlo nina Cane, Kerby at ako, si Tieron? Naka kunot lang ang noo.

"What's wrong Keryl? It's not new that you are ugly." Sabi ni Tieron na agad ko namang tinakpan ang bunganga, tong anak ko na to...walang preno ang bunganga,

"You're a demon Tieron! I hate you!" Sigaw ni Snowiee sa likod ng kurtina at nag simula ng umiyak, ito na nga ba ang sinasabi ko e.

Tinanggal ni Tieron ang kamay ko sa bunganga niya at nag salita.

"I told you, call me Kuya!" Sigaw rin nito at pinag krus ang maliliit na braso.

"Oppss...kids...tama na yan, tara na sa sala, dahil nakakahiya sa kuya Cane niyo...pinapakita niyo ang pag aaway niyo" sabi ni Kerby, naintindihan naman yata ng dalawa kaya tumigil na sila. Lumabas na rin si Snowiee.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now