Kerby's POV
"Baby...are you done???" Sigaw ko mula dito sa sala. Nag bibihis si Snow dahil papunta kami sa clinic ng ate niya. Siya ang gynecologist ni Snow.
"Wait babe...can you please help me here." Sigaw naman niya mula sa kwarto.
Dali dali akong pinuntahan siya...
Napanganga ako sa nakita ko.
"Oww...what if bukas nalang tayo tumuloy?" Pag bibiro ko sakanya.
"Sira!" Sabi niyang natatawa
Tinitigan ko muna ang likod niya, kahit 4 months ng buntis tong asawa ko ay sexy parin, walang pinag bago ang katawan...yung tiyan lang ang lumaki.
"Pakizipper na Kerby..." sabi niya na natatawa.
"Hmm sayang, kung hindi lang sana tayo aalis eh..."
"Eh ano?" Sambit niya.
"Haha, alam mo na baby!" Sabi ko na kinindatan pa siya. Umiling iling lang siya.
Bago ko tuluyang i-zipper ang dress niya ay pinadaanan ko muna ng daliri ko ang likod niya, tumaas ang balahibo niya sa ginawa ko pero pakunwaring pinapagalitan ako, sus, kunwari pa.
"Tara?" Yaya ko sakanya at umalis na kami.
.
.
.
Nag yakapan ang mag kapatid ng mag kita sila, hindi gaanong close si Snow at ang ate niya pero ramdam kong mahal nila ang isat isa.
Kinumutan ang paa ni snow hanggang sa baywang niya, dahil naka dress lang ito at kailangan itass ang dress niya para ma access ang tiyan niya.
Nilagyan ng kung ano ang tiyan niya at saka may idinikit ang ate niya, nakita ko naman ang cute na cute na baby ko sa monitor...
"Hmm...mag kakaron na ako ng niece." Sabi ng ate niya...
???
"Babae?" Tanong ko dito.
"Yes..."
Sabi niya kaya lumapit ako sa monitor at hinawakan ito,
"Be good to mommy ha? my little Snow" sabi ko na hinaplos haplos ang monitor...
"Sira bakit diyan mo hinahawakan? Wala naman diyan yung baby natin, nasa tiyan ko." Kontra ni Snow. Tsk. Dito ko nakikita e.
Lumapit ako kay Snow at hinaplos ang gilid ng tiyan niya habang pinapanood ang baby namin sa monitor.
Nakita kong sumipa ang baby ko...
"Oh look!!! My baby is kicking!" Sabi ko
Sabay namang tumawa ang mag ate...
"Oh, look what we have here..." sabi niya malawak ang ngiti.
Kunot noo kami tumingin sakanya,
"Wag ako tignan niyo. Sa monitor, wala naman sakin ang mukha ng baby niyo" sabi ng ate niya. Tsk. Mag kapatid nga sila.
"It looks like i am going to have a niece and a nephew." Sabi niya kaya napatakip ng bunganga si Snow.
Napapikit naman ako sa tuwa!!! Iminulat ko ang mata ko at saka pinag hahalik ang sentido ni Snow.
"Thank you babe!!!" Sabi ko sakanya.
"Wag kang mag thank you sakanya, sa sperm mo ka mag thank you." Sabi ng ate niya at tumawa si Snow. Sadista talaga!!!
"Shut up ate!" Sabi ko sakanya.
"Oww. You're calling me ate now huh?" Sabi niya na naka ngisi.
"What should i call you then?" Sabi ko.
"Hmmm. I will think about that. For now, call me gorgeous." Sabi niya na natatawa.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
