Minulat ko ang aking mga mata dahil sa kalokohan na ginagawa ni Kerby sa ilong ko, pinipindot pindot niya ito...
"Goodmorning babe, owhh...goodafternoon pala dapat" sabi nito na nakangiti...
Afternoon?
Kumunot ang noo ko, dahil sa sinabi niya pero inilagay niya ang kamay niya sa noo ko at ibinabalik sa dating ayos.
"Hmm, yes babe, it's already 1pm" sabi nito na natatawa.
Lumapit pa siya lalo sa akin at niyakap ako...dun ko lang napag tanto na wala parin kaming saplot pareho.
Di na ako mag tataka kung tinanghali na nagising, halos inumaga na rin kasi natulog...dahil...dahil alam niyo na.
Ginapang ni Kerby ang kamay niya sa tiyan ko...
"Babe may laman na kaya to?" Sabi niya na hinahaplos at dinadampihan naman ng halik ang ulo ko...
Napanganga ako sa sinabi niya, agad agad?
Sinarado ko agad ang bunganga ko dahil kagigising ko lang at di pa pala ako nakapag toothbrush! Baka hiwalayan niya ako agad, pag na amoy niyang mabaho hininga ko.
"Babe, gusto ko ng apat ha?" Sabi ulit niya.
"Apat ang alin?" Tanong ko rito na iniyakap rin ang kamay ko sakanya.
"Apat na anak." Sabi niya na tumatawa at ramdam ko ang pag vibrate ng tawa niya sa dibdib niya.
"Sira" sabi ko dito at pakunwaring pinalo ang likod.
"Pero kung gusto mong dagdagan, mas okay saakin." Sabi ulit niya na tumatawa, natawa na rin ako sa kalokohan niya.
"Tara, ligo na tayo." Sabi niya at kumalas sa pag kakayakap.
"Mauna ka na." Sabi ko naman dito.
"Hmm...bakit pa ako mauuna kung pwede naman tayong mag sabay?" Tanong niyang naka ngisi.
"Sira! Mauna ka na nga!" Sabi ko sakanya at namumula na sa hiya, bigla akong nahiya. Na angkin na niya talaga ang buong pagkatao ko.
"Come on baby!!!" Sabi niya at binuhat ako papunta sa banyo.
Gusto ko sanang mag protesta ngunit napaka useless na ito.
"Don't be shy babe, nakita ko na kabuuan mo, natikman ko na rin." Sabi niya na tumatawa...kaya mas lalong namula na ako.
Sira ulo talaga to!
"Na alala ko pa yung first time kitang makitang mag hubad sa harap ko, na naka bra ka lang noong highschool tayo, yung hinubad mo ang pang itaas mo para mag palit at para bantaan ako na umalis..."
"That was the first time i got boner" sabi niya na tumatawa.
"Sira ulo ka talaga no Kerby!!!??? Napaka pervert mo!!! Tapos tumatabi ka sa akin noon na matulog, yun pala pinag papantasiyahan mo ako!" Sabi ko sakanya na pinag papalo.
"Hindi ah, ang sabi ko, yun yung first time at hindi na naulit pa noon, yung second time ay yung nasa beach tayo last last year, dahil duon ulit kitang nakitang na naka underwear lang HAHAHAH" pang aasar niya sakin.
"And believe me or not...sayo lang to tumigas, kahit ang daming nag papapansin sakanya" sabi niya ulit at tumatawa! Sira ulo talaga!
"Alam mo...kung alam ko lang na ganyan ka pala kamanyak edi sana di na kita pinakasalan!" Sabi ko sakanya na medyo naiinis na.
"Ikaw naman babe, di mabiro haha, nagiging honest lang ako no!" Sabi niya na yumakap sa akin.
Sabay kaming naligo at sinabon ang isat isa...at sa hindi mabilang na pag kakataon...may nangyari na naman.
Napag kasunduan naming kumain sa labas at mag check in sa ibang hotel, gusto ko kasing ma experience yung ibang services ng ibat ibang hotel dito.
Sa Sheraton Hotel kami lumipat.
Yung room nila ay parang taliwas sa design ng Halekulani Hotel, sa unang hotel ay halos puti ang majority na kulay, dito sa room naman namin ngayon ay pinag halong puti, brown, at yung floor carpet na yellow at parang may shade na green.
Kahit halo halong kulay...ang ginhawa paring tignan sa mata.
Kung royal suite ang kinuha ni Kerby sa Halekulani Hotel, dito ay Presidential suit...andito kami sa pinakataas ng hotel, para daw may panoramic view kami sa waikiki beach at sa diamond head.
Sa sobrang laki at luwang nitong room na to, diko alam pano to gagamitin, pero worth it naman kung gusto mong makita ng ma ayos ang view dito.
Humiga ako sa kama at ipinikit ang mata ko...
.
.
.
"Babe, gising..." dinig kong bulong ni Kerby.
Binuksan ko ang mga mata ko at medyo nasilaw ako sa kumikinang na araw.
Nakatulog pala ako.
"Bumangon ka na diyan dali, bago tuluyang lumubog ang araw" sabi ni Kerby, dali dali naman akong bumangon at sabay naming pinag masdan ang pag lubog ng araw.
Napaka ganda! Sobrang ganda!
Nang dumilim na ang paligid ay nag salita muli si Kerby.
"Pagod ka ba love?" Tanong nito sa akin.
"Masakit ang buong katawan ko." Sabi ko sakanya.
"Sorry" sabi nito at hinalikan ang ulo ko.
"Mag papa room service nalang ako." Sabi niya at kumalas sa pag kakayakap sa akin...
Gaya ng sinabi niya ay, nag padala ng pag kain dito sa room namin.
Sa dami ng dinala ay diko na matandaan kung ano mga yon at agad na sinunggaban. Parang nawala kasi agad yung kinain ko kanina sa late lunch namin.
Pag tapos naming kumain ay nag kayayaan kaming bumaba, pero hindi lalangoy.
May nadaanan kasi kami kanina na Hammocks o duyan.
Yun yung gusto kong puntahan...
Humiga nga kaming pareho ni Kerby sa duyan at sabay na nakatingin sa langit, ang ganda ng mga bituwin sa langit.
Tahimik kaming pareho at yung ingay sa paligid lang ang maririnig pero di yun alintana sa sarili naming mundo.
Nakayap ang mga bisig niya sa akin...
Hindi ko man lang naimagine dati na mangyayari ngayon ito sa amin.
Hinaplos haplos ni Kerby ang buhok ko na siyang nag pa antok na naman sa akin...
Okay lang naman siguro kung matutulog ulit diba?
Nag simulang kumanta si Kerby ng mahina, ang ganda talaga ng boses. Diko rin noon inakala na maganda ang boses niya, noong niyaya niya akong maging girlfriend ay doon ko lang nalaman na magaling siyang kumanta. Napakabilis pala lahat ng pang yayari...
Pinag pa tuloy niya ang pag kanta, habang hinahaplos ang buhok ko...Yung Kerby na pilyo pero seryoso ay romantic palang tao.
Wala na akong mag hihiling pa.
Ang taong to...ang taong yakap yakap ko...
Ay siya na talaga ang magiging tatay ng magiging anak ko...
————————————————————
Author's note:
May naka save nang chapter 33 sa draft ko, pero diko siya ma publish, isang araw ko na trinatry pero may technical problem talaga.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako di maka publish.
Keep safe everyone❣️
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
