"Engage?"
"Sakanya?"
"Ah...siy—a pala ang dahilan?"
"Siya pala ang dahilan kung bakit umalis ka, dahil gusto mo siyang balikan?"
"Siya yung rason kung bakit mas gusto mong mag stay sa Canada,"
"So siya nga ang sinabi mo sa pinsan ko na gusto mo?"
Sunod sunod na tanong ko sakanya...
"Bakit siya?"
"Bakit hindi nalang ako?"
Tanong ko ulit kahit di niya pa nasasagot yung mga naunang tanong ko sakanya.
"Kasi kahit anong gawin ko, hindi ko ma alala na nagustuhan kita." Malamig niyang sabi, ngunit sa mga mata nito ay may galit akong nababasa.
"Isa pa...bakit ko naman gugustuhin ang taong may asawa na? Bakit ko naman gugustuhin ang taong may iba na?"
Tanong niya na ikinagulat ko. Ako? May asawa? May iba?
Hindi niya ba alam na hindi natuloy ang kasal ko?
"Wait...ano—" naputol ang sasabihin ko dahil tumunog muli ang selpon niya.
"Okay...I'll be there in 5 minutes" sabi niya at mabilis na lumabas ng office ko.
Hindi ko na siya nahabol dahil nagtataka parin ako sa sinabi niya.
Akala ko sa pag babalik niya...ay kilala na niya ako.
Hindi man lang binalak na alalahanin ako?
Umasa ako na sa pag babalik niya ay maipakita ko sakanya kung gano ko siya kagusto noon pa man. Akala ko maipapakita ko kung gano ko siya kamahal, at kung gano ako katagal na nag aantay sakanya...kahit alam kong may iba na siya. Na may binalikan siya sa Canada.
Huli na ba ako Snow?
Tien's POV
"Hoy beshy ang sama sama mo! Bakit kailangan mo yun sabihin sakanya?"
Bakit nga ba? Simple lang. Ayokong ma involved ulit sa magulong sitwasyon. Ayoko na makasira ako ng bagong buong pamilya.
"Alam mo parang binigyan mo pa ako ng responsibilidad gaga ka!"
"Ano mag kukunwari pa akong lalake sa harap niya?! Goshhh! Crush ko pa naman siya!"
Kasalanan mo rin, bakit kasi lalake ang boses mo noong nag pakilala ka sakanya hahaha
"Lahat nalang ng lalake na makilala mo ay crush mo!" Natatawa kong sabi kay James.
"Oo na! Pano ko pa maipapakita na crush ko siya kung kailangan ko pang mag panggap na lalake! My God! Alam mo kung di lang kita kaibigan nilaglag na kita! Ewww ikaw papakasalan ko!? No way! Kung si Kerby pwede pa, pero ikaw? Magiging ninang nalang ako ng anak mo!"
"Tapos ano? Nag papanggap ka parin ba na may amnesia? Hindi ka parin maka move on te? May asawa na yung tao, uma acting acting ka pa. Kahit siguro mabagok yang ulo mo, di na kayo pwede kasi nakatali na siya sa iba friend." Marahas niyang sabi. Sinamaan ko nalang ito ng tingin.
Tama naman siya. Kaya nga pilit akong nag hahanap ng iba para makalimutan ko na siya.
Nakilala ko si James sa Canada.
Coincidence ko lang siya na meet sa isang bar.
Akala ko isa lang siyang normal na baklang pinoy noon, pero isa rin pala siyang lawyer.
May private law firm siya kaso kakasarado lang dahil walang client.
Sobrang transparent niyang tao kaya kita ko kung gano siya kabait at kapursigido base sa mga kwento niya, kaya kinuha ko siya bilang legal representative ng clinic namin. Hindi naman ako nag sisi dahil maayos ang pakikisama niya at maganda ang trabaho niya, kaya naging matalik ko na rin itong kaibigan.
Sa mga araw na nakakasama ko siya, ay mas lalo ko pa siyang nakilala at naging malapit sa isa't isa.
Naikwento ko na rin sakanya ang kabuo-an ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
