Chapter 28

151 7 4
                                        

Author's NOTE:
Yung picture na makikita niyo mamaya sa baba/sa susunod na page ay ganun ang location at style ni Tien. Photo is not originally mine.
Please wag kayong mag scroll down/swipe agad para tignan yung picture para di kayo ma spoil. Thank you💖❣️









Nag pa alam na kami sa mga friends at family namin pag katapos I congratulate, gaano ko man kagustong mag stay kasama family ko, di pwede, dahil may lakad pa kasi ulit bukas. Kailangang mag beauty rest dahil bukas na daw ang launching ng new product ng company nina Kerby, which is yung mga pang kasal daw na damit, wedding gown and suit.

"Goodnight love, sleep well. See you tomorrow." Paalam ni Kerby sa akin,

"Goodnight babe, see ya" sabi ko at dinampihan ang labi niya.

Inantay niya munang makapasok ako sa loob ng building bago siya sumakay sa sasakyan niya, di na ako inihatid sa mismong pintuan ko dahil kailangan naming mag rest pareho, para bukas.

Ginawa ko ang mga dapat gawin bago humiga sa kama ko, kahit gaano ko man kagustong matulog ng maaga ay diko magawa, una, dahil sa iniisip ko yung nangyari kanina...sa wakas engaged na kami, pangalawa, kinakabahan ako para bukas. First time ko mag model, at buti kung simpleng damit lang ang irarampa, pano kung di bagay yung wedding gown? Ni hindi ko pa nga nakita yun, at pano kung hindi kasya sa akin kahit sabi nila na base sa measurement ko yun.

Nag text secretary ni Kerby na sunduin raw ako bukas dito, dahil busy si Kerby bukas at mauunang pupunta ng simbahan. Oo simbahan ang location ng fashion show. Hindi ko alam kung labas ng simbahan or loob, siguro labas lang dahil napaka imposible naman kung papayag na mag fashion show sa sagradong lugar.
.
.
.
Andito kami ngayon sa hotel malapit sa simbahan na sinasabi ni Kelly, hindi ko alam kung saang lupalop to ng mundo, pero oras rin ang tinagal ng byahe mula sa condo ko hanggang dito.

Nasa tabing dagat nakatayo ang hotel at napakaganda ng labas. Hindi lang pala ang labas kundi pati ang loob!

Pag pasok namin sa room namin ay yung gown na nakadisplay ang una kong napansin.

Sobrang ganda!!! Dream gown talaga ng ikakasal yung gown na to! Kung sino man naka isip sa company ni Kerby na gumawa sila ng wedding gown, napaka genius niya!

Hindi ko napansin yung dami ng tao, bakit ang dami namin dito? Sabagay...ganito talaga ang fashion show, gaya ng napapanood ko.

Mas ikinagulat ko ng makita ko dito sa loob si Claude, yes...si Claude na kaibigan ko.

"What are you doing here?" Tanong ko rito at niyakap.

"Guess what!??" Excited niyang sabi.

Tsk.

"Ano nga?" Tanong ko.

"Ako nag design ng gown na yan, ako rin nag tahi!!!" Sabi niyang pumapalakpak at tumatalon.

"Seryoso!!??? Bakit hindi mo man lang sinabi noong mag kakasama tayo?" Tanong ko.

"Yes girl! Kinuha ako ni Kerby sa project na to pag kauwi na pag kauwi ko noon galing sa meet up natin, At agad ko namang tinanggap!!! Kaya hindi ko na rin nasabi sayo at gusto kong isurprise ka" Sabi niyang nag tatalon talon kaya nakitalon rin ako, masaya ako para sakanya...

"Congrats girl!!! Mukhang papatok ito" sabi kong nag tatalon pa.

"Alam mo bang ako ang gagamit nito at mang rarampa?" Tanong ko dito.

"Oo, nasabi nila sa akin. At nasabi mo rin na isa ka sa mga model kaya di nako nag isip ng iba. At nakakaloko yung measurement mo ha! Ang perfect!" Sabi niya. Tsk, niloloko na naman ako.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now