Ken's POV
"Anong plano mo?" Tanong ko kay Tien, tatlong araw na ang nakakaraan simula ng makita ni Tien si Kerby sa ganoong kalagayan.
"Hindi ko pa alam, honestly." Sagot niya.
Nandito kami ngayon sa bahay niya, bahay ng magulang niya.
Umalis siya sa bahay nila ni Kerby, at dito ang napili niya dahil mahangin at malawak ang paligid, hindi gaya sa dati niyang condo.
"Hiwalayan siya? Siguro?" Sabi niyang natatawa, pero alam kong may pait sa mga katagang binitawan niya.
"Wag kang padalos dalos Tien." Sabi ko sakanya.
"Di naman ako nag papadalos dalos, kaya nga lumayo muna ako sakanya. Alam mo ba na may isa akong rule sa isang relasyon?" Sabi niya na nakatingin sa kawalan,
"Gawin mo na lahat ng kalokohan, wag lang ang pambabae, dahil hindi ko kayang mag patawad sa ganoong kasalanan." Sabi niyang may lungkot ang boses.
Ano isasagot ko? Pati yata ako nauubusan na ng ipapayo, tatlong araw ko na rin siya kasakasama. Tatlong araw ko na din siya binibisita, at nawawalan ng oras kay Lisa.
"Alam mo yung masakit? Yung nanumpa siya sa harap ng diyos na hindi niya ako lolokohin." Sabi niya at tumulo ang luha pero agad na pinunasan.
"At ang nakakatawa pa doon, nag loko siya kung kailan buntis na ako. Parang insulto naman sa akin yon, nag hanap siya ng sexy dahil buntis ang asawa" sabi niyang tumatawa pero may tumulong luha na agad niyang pinunasan ulit.
Niyakap ko siya at hinagod ang likod.
Nasasaktan ako para sakanya, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, pero gusto kong makawala na siya sa poot na nararamdaman niya.
"Ssshhhhh, you are still beautiful Tien, you can still slay even if you have a baby bump"
"If only, I don't have a girlfriend, I'll snatched you away from my cousin, and I'll be the father of these unborn babies." Sabi ko, hindi ko rin alam ang lumabas sa bunganga ko.
"Sira! Papaiyakin mo lang si Lisa, gagayahin mo lang si Kerby!" Sabi niya na natatawang nag tataray kunwari.
Atleast bumalik na ang dating Tien.
"Pero seryoso, kung hindi lang kami ni Lisa, ay ako na mananagot sa babies mo, kadugo ko rin lang naman mga yan." Sabi ko na natatawa.
"Tsk" sagot niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ito.
"Mag pakatatag ka Tien. Andito lang kami para sayo, hayaan mo at pag sasabihan ko ang pinsan ko." Sabi ko.
.
.
.
"The fuck bro! What are you talking about!!!" Sigaw ko kay Kerby.
Pinuntahan ko siya dito sa bahay nila. Dalawang linggo na ang nakakaraan at hindi niya pa binibisita si Tien! Ni hindi man lang nagawang kamustahin!
"Hindi pa naisilang yung dalawa mong baby!!!! Tang ina Kerby!!! May bago na naman! Sa ibang babae pa! Pano nalang si Tien!!! Gago ka ba!?" Sigaw ko sakanya
Nakayukom lang ang mga kamao niya, nag iisip.
Pati relasyon namin ni Lisa na aapektuhan na. Yung oras ko napupunta kay Tien.
"Talagang may nangyari sainyo!!!?? Nagawa mo siyang lokohin!?? Kerby naman! Si Tien yun! Hindi kung sino lang!" Sigaw ko ulit.
"Can you please shut your mouth! I'm thinking okay!!!" Sigaw niya.
"How could I shut my mouth about this fucking problem that you brought!!!" Sigaw ko rin
"Pano nalang si Tien!!" Pag uulit ko.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
