"Doc, andito na po yung pedo patient niyo" ani ng dental receptionist sa akin.
"Okay, papasukin mo na" sagot ko sakanya.
"Ahm doc, okay lang po ba kayo? Mukhang pagod na po kayo,"
"Okay lang ako, kaya ko pa." Sagot ko naman dito at pilit na nginitian upang di mag alala.
Pala-isipan parin sa akin ang nangyaring pag-halik ni Kerby, at ang kanyang binitawan na mga salita.
Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa sinabi niya, pati na rin ang pag halik niya sa akin. Tinanong ko siya at pinag paliwanag sa mismong oras na yon, pero nginitian lang ako at umiling. Humingi ng pasensya at sinabing hindi na mauulit.
Gusto ko man' usisain ay diko magawa dahil nahihiya rin ako, ayoko naman' masabihan ng desperada. Kaya kahit alam ko na may karapatan akong humingi ng paliwanag ay diko na iyon ginawa.
Ramdam ko ang pagod bawat araw na nag daan, hindi lang dahil sa dami ng hard cases na ibinigay sakin ni Dr. Rudy, kundi pati na rin ang pag-iisip ko oras oras sa mga nangyari at dapat kong gawin.
Una, gusto ko ng paliwanag ni Kerby, ngunit ayoko naman na mag mukha akong desperada dahil ako itong unang nag kagusto noon sakanya.
Pangalawa, ano nalang ang mukhang maihaharap ko sa pinsan niya...si Ken. Sasabihin ko kaya kay Ken na hinalikan ako ni Kerby? Papatigilin ko na kaya siya?
Litong lito ako kung ano dapat gawin.
.
.
.
"Yehey! Tapos na! Sabi sayo wala akong gagawin na masakit e" sabi ko sa bata kong pasyente na nakangiti.
"Oo nga po! Hihi! Sabi kasi nila masakit daw po ang mag pa dentist. Tuturukan daw ako ng kung anu ano" masiglang sagot naman nito.
"Don't worry honey, kapag tuturukan kita, gagawin ko ang lahat para di siya masakit...okay!???" Sabi ko sa bata. Tumango naman ito ng maligalig.
Sa ngayon, check up lang ang ginawa ko sakanya dahil first appointment niya. Hanggat maari ay wag gawin' traumatic sa bata ang first visit niya sa dentist para gugustuhin pa nitong bumalik.
Bumaling ako sa guardian ng bata, tita niya. Sobrang ganda nito at halata rin' na half half ito.
"Sa ngayon po, chineck ko lang muna ang ngipin ng bata, at ginawan ko ng treatment plan." Sabi ko sakanya...
Ngumiti naman ito na mukhang naiintindihan ang sinasabi ko, at saka ko itinuloy ang pag explain sakanya sa treatment ng bata. Hindi ko maiaalis sa mukha ko ang pagka humaling sa ganda niya. Sobrang maintindihin niya pa, hindi gaya ng ibang guardian ng pedo patient ko na reklamo dito, reklamo diyan kahit naipaliwanag naman ng ma ayos lahat ng gagawin.
"Okay doc, see you next week. Thank you"
"Cherry, say bye to the pretty dentist" habol pa nito.
"Bye po pretty dentist :)" sabi naman ng bata. Hahaha sinabi talaga kung ano sinabi ng tita, nakakatuwa.
"Bye cherry...alagaan mo teeth mo ha, ichecheck ko ulit yan next week" sabi ko sakanya na energetic.
"Yes po, :)" sabay kaway nito, at ginaya ko naman.
Saktong nasa sasakyan na ako nang tumatawag si Ken.
Sinagot ko ito, kahit hindi ko pa alam ang sasabihin ko. Ilang linggo na rin ang nakaraan na hindi kami nag-usap dahil umiiwas ako.
"Thank God! Sinagot mo rin!" Bungad niya sa kabilang linya.
"Ahm...sorry, I've been very busy these past few days, napatawag ka?" Awkward kong tanong sakanya.
"Mukhang masama na pala ang tumawag ngayon"
"Ahm sorry" sagot ko ulit
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
