Kerby's POV
Isang buwan ang nasayang ko, isang buwan na hindi ko siya nakasama, isang buwan kong pinapanood siya sa malayo.
Gusto ko man siyang lapitan, gusto ko man siyang tulungan kada sasakay ng sasakyan, gusto ko man siyang laging pag buksan ng pintuan, gusto ko man siyang bilhan ng mga gusto niyang kainin, gusto ko man siyang samahan sa check up niya...hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil inilalayo ko siya sa pahamak na maari kong idulot sakanya.
Wala nang akong kilalang tao na mas masama pa sa ugali ng ex ko, si Shary.
Isang buwan niya rin ako naging sunud sunuran at niloko. Akala ko hindi ko na makikita ang mga anak ko na maisisilang dahil itinali ako ni Shary sa leeg niya. Kung hindi pa sana ako tinulungan ni Ken kung pano ayusin ang problema ko, siguro ay nasa puder niya pa ako ngayon.
Sobrang laki ng pasasalamat ko at inalagaan niya ang asawa ko habang wala ako. Pero diko parin matanggap na hinalikan niya! Tsk!
Kung pwede ko lang laslasin yung bibig niya para ma undo niya yung experienced niya kay Snow!
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Snow sa akin, binisita ko siya dito sa mansion nila. Agad ko siyang pinuntahan pag tapos ng pag kikita namin ni Ken, kinuha ko rin ang copy ng cctv para ipakita sakanya at para maniwala.
"I came here to explain EVERYTHING" sabi kong mahina, nanghihina ako kapag siya ang kaharap ko.
"I didn't asked your explanation." Malamig niya ulit na sabi.
"You can go home now," sabi niya at tinalikuran ako, pero hinabol ko siya at niyakap.
"I miss you! I fucking missed you!!!" Madamdamin kong sabi.
"Bitaw." Mahina niyang sabi pero ma otoridad
Hindi parin ako nag patinag, sobrang na miss ko talaga siya. Yung amoy niya...nakakamiss
"Bitaw sabi e! Umuwi kana sa kabit mo!"sigaw niya at nagulat ako, sa lahat ng sigaw niyang narinig ko...ito yung pinakamalakas, kaya napabitaw ako ng wala sa oras,
Humarap siya sa akin at mag sasalita na sana ako kaso bigla niya akong sinampal, oo sinampal niya ako...kauna unahang sampal na natanggap ko mula sakanya at sa buong buhay ko. At masakit ito dahil sa mga pasa ko na nakuha kay Ken. Parang nagsisi siya sa ginawa sandali at agad na naging blanko ang mukha niya
"Umuwi ka na, baka mapatay pa kita." Banta niya sa akin,
"Hindi ako takot mamatay, kung ikaw ang gagawa" sabi ko ng mahina. Diko siya masisisi ngayon,
"Wag kang mag pa awa effect dahil hindi yan uubra sa akin. You cheated on me? Then deal with the consequences, you are no longer the father of these babies! Tatanggalan kita ng karapatan, sa ayaw man o sa gusto mo...at ipapagamit ko ang apilyedo ko sakanila!"
Nalungkot ako sa sinabi niya, iniisip ko palang ay nasasaktan na ako.
"Snow, please...let me explain." Sabi ko sakanya na nag mamakaawa.
"Kilala mo ako Kerby, alam mo pananaw ko sa buhay. Sinabi ko dati sa klase natin na RESPETO ANG PINANGHAHAWAKAN KO SA RELASYON!!!" Galit niyang sabi.
Oo natatandaan ko yung sinabi niya noon, yung sagot niya sa tanong ng classmate namin noon.
Kaya alam ko na kapag nag loko ako, wala na akong chance na mapatawad.
Pero hindi eh, hindi ako nag loko.
"Hindi ako nag loko Snow, she blackmailed me! I'm not even the father of her unborn child!!! She used me...! She used me..." nanghihina kong sabi at napaupo ako.
"Hindi mo ako makukuha sa ganyan Kerby." Malamig niyang sabi
"Let her explain anak, dinggem paylang nu anya ti ibaga na tapno ag kinna awatan kayo (pakinggan mo muna ang sasabihin niya, para mag kaunawaan/intindihan kayo)" sulpot ng mama niya,
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
