Chapter 7

159 8 0
                                        

Tien's POV

Tuloy tuloy na ang pag-uusap namin ni Kerby simula nang mag kaayos ulit kami.
Hindi ko alam kung tama bang sabihin ang salitang nag kaayos, pero yun na kami ngayon. Okay na kami.

Hindi lang si Kerby ang nangungulit sa akin, na iniistorbo ang trabaho ko, kundi pati ang kanyang pinsan na si Ken Raver. Close na rin kami simula noon' nag palitan kami ng number.

Minsan lalabas kami ni Ken, minsan si Kerby naman. Ganoon lang ang nangyayari, ni hindi pa nga kami nagkakasama na tatlo.
Kadalasan mga kaibigan ko kasama ko sa pag labas.

*ting
Dinner tayo together?
-Ken

"Okay" reply ko naman. Mas enjoy kasing may kasamang kumain. Hanggang 5 pm lang naman ang clinic namin kaya may time pang mag pahinga. Nakwento ko na rin kay Ken kung anong meron sa amin ni Kerby noon, at kung pano kami nag kakilala. Tinatanong niya nga ako paulit ulit kung naging kami ba hahaha. Syempre todo tanggi ako dahil yun ang totoo.

*ting
Sunduin kita mamaya, dinner tayo sa labas.
-Kerby

Hindi ba nila alam ang ganap ng isat isa? Mag pinsan ba talaga sila? Akala ko ba close sila bakit di man lang alam na parehas nila akong niyayaya.

"Nagyaya rin si Ken na kumain. Umoo na ako, sabay ka na sa amin." Reply ko sakanya.

*ting
Bakit ka umoo? Close na kayo?
-Kerby

Hindi ata alam ni Kerby na lumalabas kami ni Ken minsan. Di kasi siya nag tatanong sa akin kaya diko rin nasasabi sakanya. Diko rin naman alam na hindi rin pala sinasabi sakanya ni Ken.

"Yeah, kind of" reply ko sakanya.

*ting
Kailan pa?
-Kerby

"Since noong nag kakilala kami sa bar, lumalabas na kami together. Mabait naman siyang kaibigan" reply ko.

*ting
Bakit ganoon ka na lang ba na ngangailangan ng kaibigan? Wala ka na bang kaibigan?
-Kerby

Problema nito? Dami niyang oras para mag text ha.

"Whatever Kerby. Bahala ka kung ayaw mong sumama" reply ko sakanya.

*ting
Sino nag sabi na di ako sasama? I'll pick you up later. Ako susundo sayo mamaya. Wag kang mag papasundo sa iba.
-Kerby

"Mukhang nakakalimutan mo na may sasakyan rin ako?" Reply ko sakanya.

*ting
Basta sunduin kita mamaya. Sige na busy pa ako.

Sino ba kasing nag sabing makipag texan ka sa akin? Tsk.

"Labas ka na andito na ako" text ni Kerby. Sakto kakatapos ko lang din naman mag ayos ng sarili. As usual naka long sleeve ako, pero this time, pinaresan ko ng skirts.

Nadatnan kong nakasandal si Kerby sa sasakyan niya at nakapamulsa ang parehong kamay niya. Nag tama ang tingin namin nang makita niya ako at di na siya umiwas hanggang sa makarating ako sa harap niya. Tinapik ko lang siya sa balikat at saka tumango. Napa iling naman siya at saka pinag buksan ako ng pintuan.

On the way na kami sa restaurant nang nag text si Ken na nandon na daw siya, nasabi ko na rin sakanya na kasama pinsan niya. Si Ken ang pumili ng kakainan namin.

"Okay malapit na kami" reply ko naman sakanya.

"Okay ingat. Antayin kita dito" reply niya, natawa naman ako dahil di niya sinali pinsan niya sa sinabi niyang aantayin ako, dapat "kayo" yun e. Haha.

Lumingon naman si Kerby sa akin at tinanong kung si Ken ba nag text.
"Oo, nandon na daw siya." Sabi ko na naka ngiti.
"Hmm yun lang sabi? Bakit ka tumawa? Parang di naman nakakatawa yung text e. Psh!" Tanong niya sa akin.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now