Chapter 3

166 8 0
                                        

Tien's POV

Walang pinag bago si Kerby, maliban sa mas lalong pumogi siya.

Natatawa talaga ako na di niya ako nakilala noong nag punta siya sa clinic. Sabagay naka mask at naka salamin naman kasi ako. Hindi ko na sinadya na mag pakilala sakanya.
Malalaman niya rin na ako ang bago niyang dentista.

Day off ko ngayon' araw ng linggo.
Mag iisang linggo na rin mula ng makauwi ako dito sa Pinas. Andito ako ngayon sa bago kong nadiskubre na coffee shop, dahil wala na yung dating coffee shop na tinatambayan ko.

Inopen ko ang social media account ko. Buhay parin ang mga ito, kahit hindi na ako nag upload ng mga photos at hinanaing ko mula noong umalis ako dito.

Binuksan ko naman ang messager ko at saka nag iwan ng mensahe sa group chat naming magkakaibigan noong highschool.

Nagsend ako ng picture na kapeng hawak ko sabay kinuha ang background ng coffee shop at sinabing " 'looks familiar?"

Sunod sunod naman silang nag reply. Mukhang madami silang oras huh?

"Thanks GOD!! Buhay ka pa!" Reply ni Claude. Di ko na rin ma alala kung kailan ako last na nag message sakanila. Sobrang busy kasi talaga ako dati sa school at clinic.

"Where are you!?" Tanong naman ni Gracelyn.

"Andito ka ba sa Pinas?" Tanong naman ni Mary.

"Parang alam ko kung nasaan yan." Sabi naman ni Darwin.

"Ako rin. Kaso diko ma alala kung saan" sabi ni Jefferson

"Saan ka ba hija?" Tanong naman ni Dante hahaha

"Kung andito ka sa Pinas mag libre ka na!" Sabi rin ni Bret.

"Ano tara na ba? Lalabas na ba?" Tanong naman ni Jhon paul

"Gracelyn babe, sunduin nalang kita mamaya sabay tayo. Welcome back Tien!" Sabi naman ni Andrew. Going strong naman tong dalawa!

"Ano sabihin niyo agad pag lalabas tayo para makapag pa alam ako sa asawa ko" sabi naman ni Jerry. Haha oo nga pala ikinasal na to. Sila ni Jhon paul. Dapat kinasal na rin si Jefferson para lahat silang J, kasal na.

"Hoy wag ka lang mang seen!!" Sabi ulit ni Claude.

"Yeah sure" sabi ko lang.

"Anong yeah sure!!??? Umayos ka ng sagot" sabi ulit ni Claude.

"Let's go? Dinner in Darwin's house?"

Tanong ko sakanila.

"For real!!??!" Reply naman ni Gracelyn

"Yey!!!" Sabi naman ni Mary.

"Surenesss" sabi naman ni Claude

"Oy oy oy!! Alam kong nakaka miss ka pero maka imbita ka sa bahay ko pa?" Pag tataray na reply ni Darwin haha.

"Tama lang yun para ipakilala mo na din ang gf mo sakanya" sabi naman ni Bret.

"May gf ka na? Wow! Congrats! Sure kang gf Bret? Hindi ba't BF ang gusto niyan' si Darwin?" Reply ko hahaha.

"Hahahaha" si Dante

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now