Chapter 20

140 11 0
                                        

"Noong araw ng graduation natin...grabe yung tuwa ko, parang nabuhayan ulit ako. Gustong gusto kitang puntahan noon sa bahay niyo kinagabihan, kaso naisip kong ipag pabukas nalang dahil baka busy kayong mag celebrate ng mga friend mo.
Ayun nga, dumalaw ako sainyo kinabukasan...kaso wala ka na, umalis ka na, ng hindi nag papa alam man lang." sabi niya na napalingon pa sa akin.



"Jeez!!! why are you crying!!?" Nag aalala niyang tanong.

Ngayon niya lang napansin? Tahimik kasi akong umiiyak, busy rin siguro siyang alalahanin ang mga nangyari noon, kaya ngayon lang niya talaga napansin.



"Wag mo akong pansinin, ituloy mo lang kwento mo please" sabi ko dahil gusto kong maliwanagan.

Lumapit siya sa akin at nag kadikit na kami, hinawakan niya ang kamay ko.


"Then stop crying if you want me to finish my story." Sabi niya, kaya pinunasan ko nalang yung luha ko at uhog ko sa shirts niya. Hehe.


"Tsk" rinig kong sabi niya.


"So ayun nga, dumating ang college life, di nag tagal...nag kahiwalay kami ni Shary. Tinapos ko rin ang  natitirang 2 years ko sa college doon sa Germany, exchanged student ako doon. Bumalik ako kaagad dito sa Pinas dahil akala ko nakauwi ka na...kaso nag kamali ulit ako. Dumadalaw ako paminsan minsan kina mama mo, para kamustahin sila dahil napalapit na rin ang loob ko sakanila noon, pero ang pinaka dahilan ko ay para maki-kamusta na rin sayo. Kaso kahit anong kulit ko sakanila, ayaw nilang mag sabi about sayo, dahil yun ang mahigpit daw na bilin mo sakanila."






"Hanggang sa kilala na ako sa larangan ng bussiness...hindi ka parin nakakabalik. Yung mid twenties ko...puro ako work, para maibsan yung pag ka miss ko sayo. Hindi ko alam kung anong gayuma ang pina inom mo sa akin Snow, pero sa loob ng sampung taon...ikaw yung nasa isip ko.
Inantay kita ng inantay, ang dami kong gustong itanong sayo kaso pag balik mo...iba ka na. Nag paligaw ka rin sa pinsan ko, hindi ko alam kung pano kita noon babawiin. Hinanda ko na sarili ko...balak na kita bawiin, dahil hindi ko kayang makita ka na may kasamang iba...kaso...nag ka problema sa side ko, tapos  na aksidente ka rin, kaya yun ang nag mulat sa akin na wag ka ng pakawalan, kaso pinag tulakan mo ako, ang sabi mo di mo ako ma alala, ang sabi mo ituloy ko ang kasal ko...kaya sinunod kita, kaso ang sabi mo aalis ka na naman, ayokong umalis ka na naman at baka matagalan na bumalik, kaya kinagabihan ng araw na yun pinatawag ko ang family ko and family ni Lisa para ikansela na ang kasal namin, kaso na huli na naman ako Snow...di na naman kita na abutan. Umalis ka na naman ng walang pa alam."







"Ngayon nag balik ka na, sobrang nasaktan ako noong nalaman kong engaged ka na...pero sabi ko sa sarili ko na hindi pa naman kayo kasal, at sa pag kakataong ito, hindi pa ako huli, hindi pa huli ang lahat...kaya ginawa ko yung mga ginawa ko noong nakaraang araw. And thank God! Nag work!"



"Ayokong mawala ka ulit sa tabi ko Snow. Kaya ipaparamdam ko lahat sayo yung hindi ko nagawang iparamdam noon."

Pag tatapos niya sa kwento niya at niyakap ako ng mahigpit.




"So...ikaw naman ang mag kwento. Anong nangyari bakit bigla ka nalang nag karoon ng pakpak at lipad ka ng lipad pabalik sa Canada" pag bibiro niya para ma-lighten yung mood. Di naman siya nabigo at napatawa ako saglit kahit ang corny ng joke niya.






"Noong nag bakasyon kami sa Canada ng christmas...doon ko na realize na gusto kita." Panimula ko.

"Really!??" Tuwang tuwa niyang sagot.

"Sshhh shut up" pananahimik ko rito.

"Okay sorry, tuloy mo na." Sambit niya.






My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now