Chapter 14

142 8 1
                                        

Tien's POV.

Parang katawa tawa ang nangyari sa akin.
Umalis ako dati ng Pilipinas para makalimot, umuwi dahil nakalimot na at sobrang miss ko na ang bansa ko. Pero heto ako ngayon, naka sakay na naman sa eroplano pa alis ng bansa, upang makalimot muli.

Ang dami kong gustong sabihin sa taong mahal ko, ngunit mukhang walang paki alam ito. Ang dali niyang sabihin na gusto rin ako na akala mo'y pinag lalaruan lang ang damdamin ko. Porket alam niyang gusto ko siya, ginagawa  niya lang biro  ang salitang "mahal kita".

Ni hindi ko narinig na direktang sinabi niya sa akin.
Ni hindi niya sinabi sa mukha ko na mahal niya ako. Ay oo nga pala, kahit sabihin man niya...napaka useless na ito dahil ikakasal na siya.

Ikakasal na ang taong mahal ko, at diko ko kayang dumalo, kaya lalayo nalang ako...










Kerby's POV

"Bro, naihatid ko na si Tien. I just want you to know that she left again."

Bungad sa akin ng pinsan ko na si Ken.

"Ha?" Tanong ko dahil mukhang hindi malinaw ang pag ka dinig ko rito.

"Umalis na si Tien, bumalik na ng Canada"

"Umalis na si Tien, bumalik na ng Canada"

"Umalis na si Tien, bumalik na ng Canada"

Paulit ulit na nag laro sa isip ko ang sinabi ng pinsan ko.

"Why?" Ito lang ang salitang nasambit ko. Nanghihina ang tuhod ko. Napaka baklang pakinggan pero nang hihina talaga ako sa narinig ko.

"Why? Hmm. I don't know. Maybe you know better why she left" sagot niya sa akin.

"Bakit mo siya pinayagan' umalis? Akala ko ba nililigawan mo siya!?" Tanong ko ulit.

"Wala bro, pinatigil ako e. May ibang gusto"

"Wala bro, pinatigil ako e. May ibang gusto"

"Wala bro, pinatigil ako e. May ibang gusto"

Tama, tama ang dinig ko.

Sino ang gusto niya? Hindi niya ako ma alala diba? Hahabulin ko pa ba siya kung may iba pala siyang gusto!?

Ah...kaya siguro umalis, babalikan siguro niya yung taong mahal niya sa Canada. Kaya naman pala ang tagal niya noon dun.

Hahaha oo! Kaya naman pala ang cold na niya sakin noong galing sila sa Canada ng Christmas break noong highschool kami.

Oo...napag tagpi tagpi ko na.
Ginawa lang niya akong dahilan, yun pala hindi ako. Hindi ako ang gusto niya. Kaya pala nag mamadali siyang umalis noon, pag katapos na pag katapos ng graduation namin.

Ngayon nag madali na naman' umalis, para kitain ang taong gusto niya.

Pag katapos kong i-urong ang kasal namin ni Lisa para sakanya...umalis naman siya para sa iba.

"So kailan ang exact date ng kasal niyo? Nag tipon tipon daw kayo kagabi. Napag usapan niyo na ba?"

Tanong ng pinsan ko.

"Yeah both parties talked last night, but not about the date of our wedding."

"Eh ano? Wag mong sabihin na..."

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now