Kerby's POV
Kung may hihilingin lang siguro ako sa itaas...ay yung maipanganak ako ulit na hindi sina mommy at lolo ang pamilya ko.
Sobrang mahal ko sila pareho, pero ang bigat bilang isang anak at apo nila.
Gusto nilang pakasalan ko ang taong diko mahal para sa kumpanya namin.
Apo ng bestfriend ni lolo ang fiancé ko.
Maski si Lisa na fiancé ko, ay mukhang di masaya sa engagement namin. Dati na namin kilala si Lisa, in fact, kababata namin ni Ken, pero mas close sila ni Ken dahil parehas sila na sa Taiwan lumaki at nag aral, saka ko lang sila nakakasama kapag nag bakasyon ako doon, o di kaya kapag nag bakasyon sila dito.
Alam ko rin na si Ken ang gusto ni Lisa, noon pa man. Nakiusap ako kay lolo na si Ken nalang ang ipakasal niya dito, ngunit tumanggi siya dahil ako raw ang may hawak sa kumpanya. Magiging useless lang daw ang kasal kapag si Ken at hindi ako. Kung alam ko lang na pang habang buhay kong kaligayahan ang kapalit ng kumpanya na ipinamana sakin, sana...sana...diko nalang ito tinanggap!
Huli na ang lahat. Engaged nako sa taong diko gusto, diko mahal. At yung mahal ko...pinapanood ako na isuot ang singsing sa taong papakasalan ko!
Kaliwaan ang bumabati sa amin, ngunit isa lang ang hanap ng puso't isip ko. Si Snow...
Diko na siya mahagilap sa mga bisita, kaya lumabas nalang ako para mag pahangin...para makapag isip, kung pwede pa bang mag isip sa mga oras na to.
Sa may fountain ang gawi ko nang maaninag ko si Snow.
"Snow? Anong ginagawa mo dito? Ang dilim dilim dito, wait...umiiyak ka ba?"
Tanong ko sakanya na may pag tataka.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito? Baka hanapin ka sa loob" tanong niya sa akin at hindi sinagot ang tanong ko. Pansin ko rin na garalgal ang boses niya.
Bumuntong hininga ako saka tumabi sakanya. Ayoko na nakikitang umiiyak siya.
"Sabihin mo nga sa akin, bakit ka umiiyak? May nangyari bang masama?" Nag aalalang tanong ko sakanya dahil ayaw parin tumigil sa pag iyak.
Kung may taong dapat umiyak ngayon, ako yun. Hehe
"Please leave me alone. Gusto ko lang mag pahangin" pakiki usap niya sa akin, kaya nag seryoso ulit ako
"No. I'll stay here. Sasamahan kitang mag pahangin" sagot ko naman, dahil wala naman akong paki alam sa nangyayari sa loob, mas gusto kong makasama ang taong mahal ko, noon pa man.
Highschool palang, mahal ko na si Snow. Na realized ko lang ito noong nawala siya sa akin. Noong nag aral siya sa ibang bansa. Sobrang huli na noong na realized ko. Di ko man lang napansin na mas may oras pa ako noon sakanya, kesa sa panliligaw ko kay Shary, na mas masaya ako kapag kasama siya, kaysa kapag kasama ko si Shary. Kaya ganun nalang ang pag antay ko sakanya. Sa paliwanag niya. Sobrang tagal ko siyang inantay, at ang tagal ko siyang na miss!
"Tang ina naman Kerby! Nakiki usap na nga ako sayo! Ano ba gusto mo ha!? Tang inang yan! Litong lito ako sa mga pinapakita mo! Ano yung halik mo sa akin!? Wala lang sayo yun!? Tang ina! Ano yung mga binitawan mong mga salita!?"
Bumalik ako sa katinuan ko sa biglang sigaw ni Snow sa akin. Hindi ko rin alam kung papano ko ipapaliwanag lahat sakanya ang sitwasyon ngayon. Alam ko rin na nabigla siya. Kaya hindi ko binalak na imbitahin siya ngayon' gabi dahil ayoko na masaktan ko siya, dahil pag katapos kong mag bigay ng motibo sakanya ay mag papa pakasal ako sa iba!
"Tang ina! Umalis ako noon! Para lang kalimutan ka! At nang makalimot na ako...bumalik ako dito! Payapa yung puso't isip ko Kerby! Pero ginulo mo na naman! Masyado kang pa fall! Sana naman kung may balak ka palang pakasalan si Lisa... di mo na ako hinalikan! Di mo na sana ako ginulo! Dahil limot na kita noon e! Umeksena ka lang! At ako naman tong si tanga! Nahulog ulit sayo!"
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
