Chapter 6

148 12 0
                                        

Tien's POV

"Ang ganda naman dito!" Tuwang tuwa kong sabi. Hindi ako ganoon kahilig sa bulaklak, pero nakakatuwa na makita ang nag gagandahang bulaklak sa harap ko.

"Sabi na at magugustuhan mo dito" si Kerby.

"Hmmm" sabi ko lang dahil busy rin akong tignan ang mga nag gagandahang bulaklak. Nag lakad lakad lang kami at ine enjoy ang view at mahalimuyak na hangin.

"Snow..."tawag sakin ni Kerby, kaya lumingon ako sakanya. Nakahawak siya sa selpon niya at nakatutok sa mukha niya at kita rin ako sa may likuran niya. "Smile..." sabi niya at ginawa ko naman, pinindot niya ang selpon niya para makuhanan kami ng litrato.

"Ito ata first picture natin together" sabi niya. Tumango lang ako.

Naglakad lakad lang kami at pansin kong panay kuha ni Kerby ng litrato sakin, stolen kung baga. Aanhin niya naman ang litrato ko? Baka ibenta niya, talagang mahal ang kita niya pag nag kataon.

Nag tagal rin kami ng halos isang oras doon at saka umalis at nag tungo sa lugar na di ko alam. Pinarada ni Kerby ang sasakyan at saka bumama at pinag buksan ako ng pintuan.
"Where are we" tanong ko sakanya.
"Ah andito tayo sa company ko, may kukunin lang tayo saglit sa office ko." Casual niyang sabi.
"What? Tapos isasama mo pa ako na ganito lang suot ko?" Tanong ko sakanya. Kung alam ko sana na pupunta kami dito edi nag pants at long sleeve sana ako.
"Haha don't worry, sanay na sila dahil naka shorts at T-shirts lang din ako pumupunta dito kapag may kukunin lang." Sabi niyang natatawa.
"Kahit na, pangit parin tignan" makatotohanan kong sabi.

"Okay lang yan, di ka naman naka slippers e" sabi niya sabay hila sakin pababa ng sasakyan, at sinarado ang pinto at inakbayan ako.

"Goodmorning sir" bati ng mga nakakasalubong namin. Akala ko lunch na, bagal ng oras.
Tumatango lang naman si Kerby sakanila na nakangiti at minsan binabati rin sila. Di nakaligtas ang mga mata ng empleyado niya sa akin at ang mga bulong bulungan nila.

Pilit kong tinatanggal ang pagka akbay sakin ni Kerby ngunit pinapatigas niya lang ang kamay niya para diko ito matanggal.
"Ano ba" asik ko sakanya.
"Hmm?" Baling niya sakin na kunwaring walang alam.
"Pinag uusapan tayo, wag mo nga akong akbayan" bulong ko sakanya.
"Ano ngayon kung pinag uusapan tayo? Natural kasama mo ang boss nila" casual niyang sabi. Tsk!
"Ano ba kailangan mong kunin sa office mo at isinama mo pa ako"
"Hmm wala naman" sagot niya
"Anong wala naman!?" Inis kong tanong.

Pumasok kami sa isang pintuan at bumungad sa akin ang pagkalaki laking office. Diko nga alam kung office to e.
"Take a seat"utos niya at ginawa ko naman.

"Bakit andito tayo?" Tanong ko ulit
"Wala lang, gusto ko lang ipakita sa mga employee ko na may kasama akong babae"casual niyang sabi.
"Bakit kailangan mong ipakita? Isa pa bakit ako pa ginamit mo?"
"E sayo lang ako kumportable at ikaw lang kilala kong babae maliban sa nanay ko. Pinag dududahan kasi nila ang kasarian ko, kaya naisip kong dalhin ka dito." Simpleng sabi niya.

Pinagdududahan? Sa kapogian niyang yan? Isa pa kumportable parin siyang kasama ako?

"Bakit ka pinag dududahan?" Tanong ko sakanya.
"Hahaha ewan ko. Dahil laging mga lalake kasama ko? Wala man lang babae" sabi niya. Ano naman masama don? Sabagay siya yung boss, talagang bawat galaw niya pag uusapan.

"Rest ka muna diyan, alam kong pagod ka mag lakad. Saka nalang tayo lumabas kapag lunch time na" sabi niya ulit.
"Akala ko ba gagala tayo? E bakit kinukulong mo ako dito?" Tanong ko sakanya.

"Hahaha grabe naman kung kinukulong kita, medyo mainit na kasi sa labas, kaya ituloy nalang natin ang pamamasyal pag di na ganoon ka init" pag papaliwanag niya.
Tumango nalang ako.

Tumabi siya sa akin, dahil sa may kutson ako na upo kanina. Tumabi siya at ni one inch space ay walang namagitan samin. "San mo gustong kumain mamaya?" Baling niya sa akin na sobrang lapit ng mukha. Balak ko sanang lumayo ngunit may kumatok sa pintuan at sinabi niyang hindi naka lock. Pumasok ang isang maganda at sexy na babae pero professional naman itong tignan.

"Goodmorning sir, andito po pala kayo. Akala ko po di kayo papasok ngayong araw kaya nasa ibang department ako" sabi ng babae na naka ngiti.
"Kung may kailangan kayo sir tawagin niyo lang po ako sa labas" sabi parin ng babae na nakangiti. Tumango lang si Kerby at saka lumabas ang babae.

Binalingan naman ako ni Kerby at tinanong ulit kung saan kami kakain.
Pero imbes na sagutin ko siya...sinabihan ko ng "lumayo ka nga sobrang lapit mo naman sa akin masyado!"
"Bakit? Naiilang ka ba?" Nakangisi niyang sabi.
"Bat naman ako maiilang?" Pag hahamon ko sakanya.
Mas lumawak ang pagka ngisi niya at saka mas lalong tumitig sakin.
Pulang pula na siguro ako ngayon panigurado.
"Snow..." sabi niya na nakatitig parin sakin.
"Ano!" Pagtataray ko.
"Hmm wala lang." Sabi niya at saka yumakap sakin.
"Namiss kita." Emosyonal niyang sabi at sobrang higpit ng pagkakayakap.

"Kung may nagawa man ako noon, I'm sorry." Madamdamin niya paring sabi.
"Sana maibalik natin yung pag kakaibigan natin." Dagdag niya.

"Bakit ganoon mo nalang ipinipilit yung nakaraan Kerby? Matagal na yon' tapos. 10 years ago na nakalipas."

"Sabi ko naman sayo na parang kahapon lang nangyari yon, dahil araw araw kong ina antay paliwanag mo, diko nga namalayan na 10 years na pala akong nag aantay." Paliwanag niya.

"Bakit kasi nag antay ka pa? Di naman kailangan' mag antay e. Pwede mo lang naman yon baliwalain. Honestly speaking, ang weird mo ngayon Kerby, kung hindi lang kita kilala iisipin ko na may gusto ka sa akin" sabi ko sakanya. Hindi sa assuming ako, pero iba talaga kilos niya. Bakit niya kailangan' antayin paliwanag ko kung pwede niya lang naman akong kalimutan diba?

"Snow, di mo kasi ako maintindihan. Ikaw yung nag pahalaga sa akin. Yung mga panahon' mag isa ako, sayo ako tumakbo. Yung mga panahon na wala akong makausap, andiyan ka. May mga kaibigan ako pero sayo lang ako nag kwento ng husto. Ang gaan ng loob ko sayo noon Snow, kaya pilit kong isinisiksik ang sarili ko noon sayo para lang kaibiganin mo ako. Hindi ko alam pero nakikita ko noon sarili ko sayo. At sa mga panahon na mag kasama tayo...lahat yun, pinahalagahan ko. Kaya di mo alam kung gaano kasakit maiwan ng basta basta lang. Gustong gusto kita noon na puntahan pero diko alam kung tama ba. Lalo na't naging kami ni Shary, kilala kita, ayaw mo na mag punta ako sa bahay niyo dahil ayaw mong ma issue. Snow, please ibalik natin ang pag kakaibigan natin."
Emosyonal niyang sabi sa akin.

"Oo alam ko. Alam ko na pinahalagahan mo yun, pero sana di ka nag antay. Kasi ako lang to Kerby, isa lang ako sa mga kaibigan mo. Di ako kawalan. Kaya diko na rin binalak mag pa alam. Kasi alam kong masaya ka na, ayoko na guluhin ka pa. At sige, payag akong maging kaibigan ka ulit, pero hindi ko maipapangako na gaya parin ng dati, dahil sa ayaw mo man o sa gusto, nag bago na tayo. Madami ng nag bago sa atin." Sabi ko naman sakanya.

"Thank you."Sabi niya sabay hinigpitan ang yakap at kumalas. Nginitian niya ako at saka tumayo.
"Let's go!" Sabi niya, na nakalahad ang kamay at naka ngiti.
Inabot ko naman ang kamay niya upang makatayo, at inakala kong bibitawan niya ang kamay ko pag katapos, ngunit mas lalong hinigpitan ang pagkaka hawak ng kamay namin.

Hindi ko alam Kerby kung trato ba ito ng isang kaibigan. Nalilito ako ngayon sa mga sinabi mo at pinapakita mo...

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now