Kumportable akong nakahiga dito sa bed ko dahil day off ko, close ang clinic kapag sunday, for family day rin ng mga doctors ko.
Nag i-scroll lang ako sa feed ko, nang makita ang upload ni Darwin sa panganay niyang anak na tumatakbo sa park. Ina anak ko yung bata kahit wala ako noong binyag niya, nag hanap nalang sila ng proxy ko. Nag pakasal sila ni Catherine buwan lang ang makalipas noong umalis ako at agad naman niyang nabuntis si Catherine
Naisipan ko siyang i message.
Nireply-an niya naman at saka sinabing nasa park pa sila, wala si Catherine dahil may lakad siya kasama ang mga kaibigan.
Dali dali akong naligo at nag bihis upang madatnan ko pa sila sa park na kinaroroonan nila, ngayon lang ulit kami mag kikita at ito yung first time na makakalaro ko ang anak niya.
Patakbo kong niyakap ang ina anak kong mahigit isang taon. Mukhang nagulat yung bata sa akin, dahil ngayon lang ako nakita pero yumakap rin siya sa akin. Naks! Ang sweet naman ng ina anak ko!
"How come na mas inuna mo pang yakapin ang anak ko kesa sa akin?" Natatawang sabi ni Darwin.
"Kasi mas pogi siya kesa sayo, diba baby?" Tanong ko sa ina anak ko na tumatawa lang.
Naupo kami dito sa may bench habang pinapanood ang ina anak kong nag lalaro.
Nag kamustahan kami ni Darwin at kwentuhan ng kung anu ano.
"I can't believe na may ina anak na ako, at galing pa sayo." Natatawa kong sabi at nilingon siya.
Nakangiti lang siyang nakatingin sa anak niya.
"Me too, I can't believe also na magiging ninang ka lang ng magiging anak ko." Sabi niya at lumingon sa akin.
"At nilalang mo na ako?" Natatawang pagtataray ko kunwari sakanya.
"I mean, I dreamed before that you will be the mother of my children." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.
"What?" Tanong ko.
"Hay nako Tien, manhid ka nga. Gusto kita noon, pero pinili kong wag ka nalang ligawan at ayokong sirain ang pag kakaibigan natin, isa pa nahalata kong may iba kang gusto noon." Sabi niya na natatawa. Nagulat ako syempre, isa siya sa mga matalik kong kaibigan.
"Inantay rin kita noon no, na umuwi dito sa Pilipinas, kaso we are not meant to be talaga, hindi kita na antay, at iniharap na ng Diyos kung sino talaga para sa akin, at si Catherine yun." Nakangiti niyang sabi pero nakatingin sa anak.
"At yung para sayo ay talagang inantay ka..." sabi niya at lumingon sa akin sabay kindat.
Speechless ako sa inamin ni Darwin.
Pero naka recover lang din ako after ng ilang segundo.
"Yeah, thank you for taking care of me in those years Darwin...I owe you a lot, and I promise I will be a great Godmother to him." Sabi ko na nakangiti at niyakap siya.
After kaming nag lunch ay nag shopping kami, binilhan ko ng mga gamit yung ina anak ko. Nag rereklamo pa nga si Darwin dahil ang dami ko daw binili at hindi iyon mapag sabay sabay na gamitin ng anak niya, pero di ako nag patalo. Binilhan ko parin ang ina anak ko ng halos isang truck na gamit at pina deliver ko nalang sa bahay nila dahil halata namang di namin yun maiuuwi lahat ng kami lang.
Nag pa alam kami sa isat isa at umuwi na gamit ang kanya kanyang sasakyan.
Nag shower ako pag kauwi at tinignan ang mga photos namin kanina, masyado itong cute para itago ko lang sa album ng selpon ko kaya inupload ko sa social media ko, na may caption "loving my new man". Hindi lang picture ng ina anak ko kundi pati rin ang picture namin ni Darwin at picture naming tatlo.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
