Chapter 2

171 8 0
                                        

Third person's POV

"Saan ang next appointment ko Kelly?" Tanong ng isang lalake sakanyang secretary.

"Sa dentist na po sir, may check up kayo" sagot ng babae sa kanyang tanong.

"Okay. Let's go" sabi ng lalake at saka lumabas sila sakanilang gusali.

Ang lalake ay isang CEO ng sikat na kumpanya. Ang kumpanyang ito ay namana niya sakanyang mga magulang. Siya na ang nag patuloy sa pamamalakad sa kumpanya ng magulang niya dahil gusto nang mag pahinga at manatili nalang sa bahay ang kanyang mga magulang.

"Saang clinic ako naka schedule? Para ako nalang at maari ka ng umuwi. Tutal ito naman na ang last appointment ko ngayong araw diba?" Tanong ulit ng lalake.

"Yes sir, last na po ito. Sa may Smile dental clinic sir" sagot namang ng secretary niya sakanya.

"Ok. Thank you. You may go." Utos ng lalake at saka sumakay ito sa kanyang sasakyan.

Pinatay na ng lalake ang makina ng kanyang sasakyan, pagkadating niya sa sinabing dental clinic.

Pumasok ang lalake at dumaretyo sa receptionists.

"Goodafternoon sir, do you have a schedule for today sir?" Tanong ng babaeng receptionists sakanya.

"Yes, pero secretary ko ang nagpa schedule."

"Okay po sir. Ano pong name nila?" Tanong ng receptionists sakanya.

Sinabi naman ng lalake ang kanyang pangalan at sinabihang umupo muna, at ipapa alam niya sa kanyang dentista na dumating na siya.

Sinabi naman ng dentista na mag bihis lang siya saglit at tawagan nalang siya sa line kapag okay na.

Pagkatapos tawagan ng dentista yung receptionists, tinawag niya na ang pasyente at sinabi ang pangalan ng dentista niya, ngunit mukhang hindi narinig ng lalake dahil abala ito sa pag seselpon, kaya tinawag ulit ng dental receptionist at itinuro kung saang room siya papasok.

Sa pag kakataong ito ay narinig na ng lalake at saka tumayo at nag tungo sa room na itinuro ng receptionist sakanya.

Kumatok muna ang lalake at saka binuksan ang pintuan.

Bumungad sakanya ang isang dentista na matangkad na akala niya ay lalake dahil sa gupit ng buhok niya at naka face mask pa ito. Sa katawan nalang siya nag base kung babae ba ito o lalaki.

"Goodafternoon, please take a seat first. Kukunan lang kita ng patient information" ma alumanay na sabi ng dentista sakanya.

Umupo ang lalake at saka napaisip na parang pamilyar ang boses ng babae, ngunit hindi niya maalala kung sino nag mamay ari nito. Hindi niya rin makumpirma dahil sa suot niyang face mask.

Ngayon lang din napagtanto ng lalake na hindi niya pala natanong ang pangalan ng kanyang dentista. Nahihiya namang tumingin ito sa suot niya, na may naka burdang pangalan dahil kadalasan ay nasa tapat ng dibdib ito nakalagay kaya di niya na binalak tignan pa.

Pagkatapos makuha ng dentista niya ang mga inpormasyon galing sakanya, pinaupo ito sa may dental chair at sinuri ang kanyang bunganga. Tumango tango lang ang babaeng dentista at pag katapos ay may mga isinulat ito sa papel na hawak niya.

Nang matapos masuri ang kanyang bunganga, ay nag pa alam ang dentista na sisimulan na ang pag lilinis ng kanyang ngipin.

"Sir mabilis lang po ito ha? Kasi malinis na po ang ngipin niyo at ma ayos naman" sabi pa ng dentista sakanya.

Tumango lang ang lalake at kampanteng nagpalinis ng ngipin. Hindi maiwasan ng lalake na mapatitig sa mata ng babae. Nahihiya naman kasing pumikit ang lalake dahil baka isipin ng dentista na natutulog ito, kaya naman kung saan saan nalang siya tumitingin, kaso nahihirapan din siya kaya dinadaretyo niya nalang ang tingin, at saktong nag tatama ang tingin nila.

Batid rin ng lalake na pamilyar sakanya ang mata ng dentista pero di niya ma alala kung kanino niya ito nakita.

"Okay sir mag mumog po muna kayo, at saka natin lalagyan ng topical fluoride ang ngipin niyo kapag natuyo na, para di kayo mangilo, dahil may posibilidad na mangilo kayo after oral prophylaxis lalo na kapag madaming natanggal na plaque sa ngipin niyo, pero yung case niyo sir mukhang di na kayo mangingilo dahil gaya ng sinabi ko kanina ay medyo malinis ang inyong ngipin. Lalagyan parin natin ito ng topical fluoride para patibayin ang ngipin at isa itong preventive measure." Paliwanag ng dentista sakanya. Sa dami nang napuntahan nang lalake na clinic, dito niya palang naranasan na maipaliwanag sakanya ang every procedures na ginagawa sa bunganga niya.

"Okay sir, you're good to go sir. Basta sir wag po muna kayo kakain ng matitigas, mainit, malalagkit na pagkain sir, for 6 hours para umepekto yung topical fluoride, better sir wag po muna kayong kumain, mag late dinner nalang po kayo para sure pong umepekto ang fluoride." Sabi ng dentista at masasabi mong nakangiti ito dahil naningkit ng bahagya ang kanyang mata.

"Okay doc. Thank you" sabi naman ng lalake at saka naman lumabas sa room na yon.

Pagkalabas ng lalake, ay napailing nalang ang dentista na natatawa. Tinawag ang dental assistant nito at pinalinis ang mga gamit at inisterized ito.

Pagkatapos masiguro ng dentista na ma ayos na ang lahat ay nag tungo na ito sa locker at nag bihis. Iyon na kasi ang last na appointment na meron siya.

Lumabas ang dentista sa gusali kung nasaan ang kanilang clinic at saka nagtungo sa parking lot nila at sumakay ito sa sasakyan niya.

Sa kabilang banda, nakita naman ng lalake ang kanyang dentista na papasok sa sasakyan, likod lang ang nakita nito, pero makikitang maganda ang pangangatawan ng dentista. Hindi pa nakaka alis ang lalake dahil may tinawagan muna ito.

Pag kauwi ng lalake ay pilit niyang ina alala kung sino at kung kilala niya ba talaga ang dentista kanina.

Naisip namang tawagan ng lalake ang kanyang sekretarya para itanong kung anong pangalan ng kanyang dentista.

"Hello sir, napatawag po kayo?" Tanong ng kanyang sekretarya.

"Ahm alam mo ba kung ano pangalan ng dentista na naka schedule sakin kanina" tanong ng lalake sa kanyang sekretarya.

"Wait po sir, icheck ko lang po." Sabi ng kanyang sekretarya sa kabilang linya.

"Yes sir andito po name niya" sabi ulit ng sekretarya niya.

"Anong complete name niya? Parang pamilyar kasi siya sa akin" sabi ng lalake.

"Ahm... Tien Snow Flores Salvador sir" sabi ng nasa kabilang linya at saktong nabitawan naman ng lalake ang selpon niya sa laki ng pag kagulat niya.

"Sir.. hello sir?" Sabi pa ng nasa kabilang linya.

Pinulot ng lalake ang kanyang selpon at nagpasalamat saka pinatay ang tawag.

"Nag balik ka na" sambit ng lalake sakanyang sarili.

"Alam mo ang pangalan ko, bakit hindi ka man lang nagpakilala at nangamusta"  sabi ulit ng lalake na kinakausap ang sarili.

"Isa ka na palang dentista. Yun pala ang kinuha mo. Bagay na bagay sayo ang suot mo. At mas lalong bagay sayo ang buhok mo kahit diko kita ang mukha mo. Kaya naman pala pamilyar ang boses at mata mo.
Hindi ka man lang nag pakilala sa akin Snow"sabi ulit ng lalake sa sarili...

At ang lalakeng ito ay nag ngangalan' Kerby Lee Guzman. Ang dating kaibigan ng dentista na si Tien Snow Flores Salvador.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now