Chapter 38

117 8 1
                                        

"At talagang sinulot mo ang asawa ko?" Sabi niya pag tayo na pag tayo niya at saka sinuntok ako.

"Ngayon, tatawagin mo siyang asawa dahil hawak na siya ng iba!!?" Sabi ko naman saka sinuntok rin siya.

"Pinakasalan ko siya at sa ayaw man o sa gusto mo...ako ang asawa niya!" Sabi niya at sinuntok ulit ako. Nakadalawa na siya ah!

"Ikaw nga ang asawa, pero ako ang nasa tabi niya noong mga panahon na kailangan niya ng asawa!" Sigaw ko at sinuntok rin siya!

Nag palitan kami ng suntok hanggang sa mag kasawaan kami.

Nang mag sawa kami ay humiga nalang at parehas na nag hihingalo. Bumangon ako at kumuha ng alak at dalawang baso.


"Ginawa ko yun para sakanya! Hindi ko sigurado kung akin nga ang dinadala ni Shary, kaya nilayo ko siya para di gumawa ng iskandalo" sabi  niya habang nag sasalin ako ng alak sa mga baso namin.

"Nakita ko rin ang tiyan ng babae mo. Masyadong malaki sa pang isang buwan." Sabi ko at uminom ng alak at ipinasa sakanya ang isang baso.

"Di ko siya babae for pete's sake! Blinablack mail niya ako kaya sumama ako sakanya! Pumayag ako para manahimik siya at wag muna sabihin kay Snow, gusto kong makumpirma muna ang kutob ko!" Frustrated niyang sabi at saka tumungga ng alak.

"Wala ka talagang maalala sa gabing yun?" Tanong ko rito, naaawa na ako dito dahil mukhang iniipit nga siya ng babae niya.

"Wala!" Sabi niya at saka pinadaan ang niya ng kamay ang buhok niya.

"Nareview mo na ba yung cctv mo sa kwarto mo?" Tanong ko at napatigil siya sa pag lagok ng alak.

"Shit! Don't tell me di mo yun naisip Kerby!?" Sabi ko sakanya.

"Hindi nga. Ngayon ko lang na alala na may cctv pala sa kwarto ko. Na pressure kasi ako sa mga nangyari" sabi niya at uminom ng alak.

"Okay bitawan mo na yan at tara na" utos ko sakanya at saka tumayo. Sumunod naman siya.

Kahit iisa ang babaeng ginusto namin ay mas mahalaga parin ang pagkakaibigan namin ni Kerby, mag pinsan kami pero mag kadikit kami na parang magkaibigan o mag kapatid. Back up namin ang isat isa, lalo na kung parehas ang ka away namin,
Nang dahil rin sa babae niya ay magulo relasyon ko ngayon.


"Pwede mo siyang kasuhan sa mga ginawa niya." Madiin kong sabi kay Kerby, napanood na namin ang kuha sa cctv.

Pumasok bigla si Shary sa kwarto ni Kerby dahil hindi ito nakalock, hinubad niya rin ang sarili niyang damit at humiga sa tabi ni Kerby. Pinag papasalamat lang namin ay yung, hindi niya nirape si Kerby. Buti at pinag mukha lang niya na may nangyari sakanila.
Si Kerby lang din ang nag hubad sa damit niya, bago dumating yung babae niya. Ay wait, yung mapagpanggap na babae.

"Buntis siya Ken, ayoko namang ipakulong ang babaeng buntis. I terminate nalang natin ang kontrata niya sa kumpanya at mag request nalang ng restraining order." Sabi niya. Kahit gaano ka strikto tong pinsan ko, may puso rin siya kahit papano.

"If you say so, at least we are done with this problem" sabi ko at napahiga sa kama niya.

"Hey! Higaan namin yan ni Tien! Wag kang humiga diyan!!!" Sigaw niya. Tsk.

"Nakahiga nga yung babae mo dito, ako pa kaya di pwede?" Pang aasar ko sakanya.

"Tsk! How many times na sasabihin ko sayo...hindi ko siya babae!" Sagot niya at saka tumawa ako.

"Okay, sana maipaliwanag mo na yan kay Tien bukas, aalis na ako at kailangan ko rin mag paliwanag kay Lisa." Sabi ko sakanya at tumayo.

"And I'm sorry sa pag halik ko sa asawa mo, kung hindi ko yun ginawa, hindi ka pa lalapit sa akin." Sabi ko ulit.

"Alam kong ginawa mo yun para pag selosan ako. Pero sana binilisan mo ang pag halik! Asawa ng pinsan mo yun for God's sake!!!!" Papikit niyang sabi.

"Hahaha ang lambot nga ng labi ni Tien." Biro ko sakanya kaso umapoy ang mata niya.

"Easy bro!!! Joke lang yun! Di na mauulit!" Sabi kong sumusurrender.

"Talagang hindi na yun mauulit, kung gusto mo pang mabuhay." Banta niya. Napailing nalang ako.

Umalis ako at dumaretso sa bahay ni Lisa,
Pinag buksan niya ako ng pintuan pero ng makita niyang ako ay akmang isasarado sana pero hinarang ko, gamit ang paa ko at saka pumasok, saka lang din niya napansin ang mga pasa ko sa mukha, nakitaan ko siya ng pag aalala pero binawi niya ito.

"Umuwi ka na Ken. Ayokong makipag usap ngayon sayo." Malamig niyang sabi.

"Sorry, kailangan ko yung gawin para mag selos si Kerby at maisipan niyang bumalik."paliwanag ko.

"Bakit sa mismong harap ko pa Ken? Ganyan na ba mas kahalaga sayo si Tien? Para saktan ako ng ganito?" Umiiyak na niyang sabi.

"No baby, I'm really sorry. Mas mahalaga ka, kaya ko nga yun ginawa para matapos na ang lahat, pero mali ako, ina amin kong mali ako. Mas dinagdagan ko ang problema, problema natin." Sabi ko

Nilapitan ko at pinunasan ko ang mga luha niya.

Hinalikan ko siya pero tinulak ako.

"Pag katapos mong humalik sa iba, ihahalik mo yan sa akin!?" Galit niyang sabi.

Pero imbes na matakot ako ay hinalikan ko ulit siya.

Nag pupumiglas at sinusubukang sumigaw pero di kalaunan ay tumugon rin.
Tumagal yung halikan namin at nag hahabol kami ng hininga.

"Sorry ulit baby, alam kong mali ako. Binisita na ako ni Kerby, at napag usapan na namin ang mga nangyari, na blackmail siya, kung hindi ko yun ginawa, hindi pa sana siya lalapit sa akin."

"Sorry, hindi ko na yun uulitin, promise. Sobrang mahal kita, at ayokong tuluyan kang mawala sa akin." Pag mamakaawa ko sakanya.

"Sana nga, sana nga Ken." Sabi niya.

"I promise" sabi ko at hinalikan siya.

"Gamutin na natin ang sugat mo." Sabi niya at saka pina-upo ako sa sofa,
Nilinisan niya ang mga sugat ko na nakuha sa pag susuntukan namin ni Kerby.
Nang matapos ay nag pasalamat ako at niyakap siya...

Hinalikan ko siya pag katapos kumalas sa pag kakayakap. Halik ng pag ka miss, ng pag ka sabik...

Halik na sa iba na napunta...
Ito ang kaunaunahan naming pag tatalik ni Lisa, ito ang una ko, at napatunayan kong first time niya rin.
Kung ano man ang nakuha ko sakanya, papanindigan ko...kaya sana ma ayos na ni Kerby ang misunderstanding nila ni Tien, para makapag settle na rin ako.

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora