Chapter 19

150 11 1
                                        

Nagising ako sa ingay ng alon na naririnig ko...

Huh? Alon? Nananaginip pa yata ako.
Pero bakit biglang ang ginaw? Naka todo yata yung Aircon ko.

Hmm...ang bango ng na aamoy ko, ang sarap...grilled porchop? Pusit?

Bakit ganito ang panaginip ko?

"Snow"

Tinig ni Kerby yun hindi ba? Bakit diko siya makita...

"Snow"

"Asan ka ba? Di kita makita?" Sagot ko dito.

"Huh? Imulat mo kasi mata mo." Sagot niya.

Imulat ko? Natutulog ako sa panaginip ko?

Minulat ko ang mata ko...nasilaw ako sa liwanag...

"Goodmorning" bati ni Kerby sa akin na nakangiti.

"Bumangon ka na diyan, at di ka kumain kagabi." Sabi ulit niya.

"Panaginip parin ba to" sabi ko sa isip ko.

"Hindi ka nananaginip." Sagot niya.

"Nababasa mo isip ko?" Tanong ko dito.

"Tsk. Hindi. Narinig ko lang sinabi mo"

Ah...

Bumangon ako at lumaki ang mata ko...

"Asan ako? Asan tayo!??" Nag papanic kong sabi.

"Relax, andito tayo sa private resort ko." Paliwanag niya.

"Resort?"
"Mo?"
"Pano?"
"Kailan pa"

Sunod sunod kong tanong...

"Hehe, gusto lang kitang isurprise pag gising mo. Dahil masyadong mahimbing tulog mo, di kita nagising kagabi para kumain." Paliwanag niya.

Iba ka kung mag surprise!!!

"Pero hindi mo pa nasasagot kung pano." Sagot ko.

"Simple, binuhat kita papasok sa sasakyan ko, at dinaretso dito." Sagot niya na parang ang dali lang sakanya.

"Hindi ba kidnapping na tawag dito ha?" Pag tataray ko.

"Easy. Kidnappin man kita o hindi, sure akong sasama at sasama ka parin sa akin." Presko niyang sabi.

"Kapal mo!" Sagot ko dito.

"Eh pano mga damit ko? Wala man lang akong nadala!" Sabi ko na nag aalala na baka wala akong maisuot kapag naligo ako sa dagat.

"May mga damit na dito." Sagot naman niya.

"Ayoko mga yon! Ayoko mga gamit na naiwan ng mga babae mo dito!" Sagot ko sakanya!

No way talaga! Bakit ko naman gugustuhin ang damit na naisuot na ng mga babae niya? Mas gusto ko pang isuot yung damit ng patay! Tsk.

"Anong babae pinag sasabi mo diyan? Ikaw lang babae ko sa ayaw mo man o sa gusto mo." Sagot niya.

Ako? Babae mo? Ano ako? Easy to get? One night stand? Ay mali... since hindi na gabi ngayon at may araw na...one day stand?

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now