"Anong nangyari sa kasal—-"
Hindi ko na naituloy ang tanong ko dahil bigla niya na akong hinalikan.
Halik ng pag kasabik ngunit napaka gentle parin. Halik na napaka raming ibig sabihin.
Halik na kung saan dito na yata niya ibinuhos lahat ng damdamin niya.
Gusto kong tumutol ngunit ayaw sumunod ng katawan ko. Tutugon na sana ako kaso bigla siyang huminto at pinaglayo ang mga labi namin. Doon ko lang din napag tanto na napapikit na pala ako.
Iminulat ko ang mga mata ko at tumambad ang lalakeng nakangisi sa harap ko.
Tsk! Ano ba kasi iniisip mo Snow? Si Kerby to, si gagong Kerby na magaling mag pa fall.
"Saka ka nalang tumugon kapag cancelled na ang engagement niyo. Sa ngayon, hanggang dito nalang muna ang pag uusapan natin at pag hahalikan natin" nakakalokong sabi niya.
Ugh! Pinahiya mo na naman sarili mo Tien!
"Ah, oo nga pala. Ina asahan kong bukas na bukas ay hiwalay na kayo. At akin lang yang labi na yan, walang pwedeng gumalaw kundi ako lang. Nasisiguro ko naman na ako lang din ang gusto niyan, wala ng iba." Mayabang niyang sabi sabay naglakad papalayo, iniwan ako.
Napa-maang ako sa sinabi niya...
Ha! Ang presko! Sobra...!
Ang sarap niyang sipain sa mukha!!!
Nag padyak padyak ako sa inis ko. Gustong gusto ko siyang tirisin sa inis!
Dinukot ko ang selpon ko sa pants ko at tinawagan si James.
"Saan ka galing? Diba wala ka naman' client ngayong araw?" Bungad ko dito nang makarating ako dito sa kinaroroonan niya.
"Wala friend, andito lang ako simula noong nag pa alam ako sainyo. Wala naman akong alam na pwedeng puntahan, kaya inantay nalang kita dito." Ani niya.
"Oh kamusta pag-uusap niyo?" Tanong niya.
Bumuntong hininga ako.
"Ano na nga?" Pag usisa niya.
"Diko alam kung pano simulan" sabi ko.
"Umpisahan mo sa simula o kahit sa dulo ka na mag umpisa o kahit saan. Basta mag kwento ka" demand niya.
"Hindi pa siya kasal." Panimula ko,
"Whattt!!??" Sabi niya na napatayo pa, nakakahiya sa ibang customers dito sa coffee shop. Tsk.
"Hinalikan ako." Sabi ko ulit.
"Ano!!??" Sabi niya na napatayo ulit. Napaka iskandalosa niya.
"Nalaman niya na rin na nag papanggap lang ako na may amnesia."
"Whattt!?" Sabi niya ulit na napatayo. Tsk!
"Gusto niya daw ako." Sabi ko ulit.
"Ano!??" Sabi niya na akmang tatayo ulit ngunit sinipa ko na paa niya, kaya imbes na tumayo ay napayuko siya para haplusin yung sinipa ko. Napalakas yata.
Paulit ulit lang kasi sinasabi at ginagawa e.
"O.A ka na friend. Ang ingay mo. Nakakahiya sa mga tao." Sabi ko na natatawa.
"Ayusin mo naman kwento mo, ang tipid mong mag salita! Na e-excite ako, kaya napapatayo. Kasalanan mo rin!" Paninisi niya.
"Oh siya ituloy mo na" sabi ulit niya.
"So yun nga, single pa siya, di pa siya kasal at sinabi niya na kung may aasawahin man daw siya...ako yun at wala ng iba. Tapos sabi niya rin na pag mamay ari—-" dare-daretso kong kwento, buti nalang napa preno ako.
"Pag mamay-ari ang alin?" Takang tanong niya,
"Basta sabi niya na ikansela ko daw yung engagement kuno natin. Bukas na bukas daw." Sabi ko sakanya.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
