Tien's POV
"Gisingin nalang kita kapag nakarating na tayo, you have enough time to sleep" sabi ni Kerby, dahil halata niyang pagod na pagod na ako at antok na antok na ako.
After naming mamalagi ng halos apat na oras sa wedding reception, dumaretso na kaming sumakay sa private plane niya palipad sa Hawaii. Oo sa Hawaii, sa Hawaii namin napili ang honeymoon namin. Pinag pili niya ako sa reception kung saang bansa namin gusto mag honeymoon, at doon ko naisipan.
Tinanong ko siya kung papano yung mga gamit na dadalhin namin, pero di daw problema yun dahil si Kelly na daw bahala, si Kelly lahat nang prepare sa mga gamit namin habang nag sasaya kami sa wedding reception. Dumalo rin naman siya kaso mga dalawang oras lang siguro pinamalagi niya.
Ipinikit ko nga ang mata at natulog.
Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ng byahe, pero nang gisingin ako ni Kerby ay mukhang sakto na ang tulog ko.
Sumakay kami sa isang sasakyan na sumundo sa amin, kilala niya yata si Kerby. Hindi na ako mag tataka, dahil halos yata lahat ng bansa ay kilala siya. Tinanong ni Kerby kung anong oras na sa driver at sinabi nitong 7am HST, kaya sabay naming pinalitan ang oras ng relo namin.
Dumaretso kami sa isang hotel, Halekulani Hotel. Kung titignan mo sa daanan ay parang simpleng hotel lang siya ngunit pag pumasok ka ay mapapamangha ka. Napakalinis tignan ng lobby na halos puti ang karamihan na pinta nito. Yung harap ng hotel na ito ay sa mismong dagat.
May nag assist sa amin sa room namin, at napaawang ang labi ko...ang laki at luwang, hmmm parang nag mumukha akong mahirap sa lagay ko ngayon. Modern style ang dating, na halos pinag halong puti at cream ang kulay, napaka sophisticated rin ang mga wooden furniture nito, at ang marble vanity. May nakalagay na maliit na mesa sa balcony nito na nakaharap mismo sa dagat.
Ang kwarto namin may diamond head view, oceanfront. Sobrang ganda talaga.
Hindi pa ako nakapunta dito sa Hawii, di pa namin napuntahang mag kakaibigan noon itong Hawaii. Kung beaches ang pag uusapan, lagi kaming pumupunta ng mga highschool friends ko pero dito lang sa Pilipinas, dahil isa ang Pilipinas sa may mga magagandang beaches. Noong college ko naman, diko nagawang pumunta sa mga beaches, di naman sa nag kulang ako sa pera..,kundi sa oras ako nag kulang. Kaya rin napili ko ang Hawaii sa honeymoon namin, dahil sa magandang beaches nito, mula noong nasa Canada ako, hindi pa ako naka apak sa beach, noong pag balik ko lang ng Pilipinas...yun lang yung time na naka apak ako sa beach ulit. Kaya susulitin kong gawin ngayon ang mga di ko nagawa noon.
"It's beautiful" sabi ko na nakatanaw sa dagat.
"You too. You're beautiful." Banat ni Kerby saakin na nakangiti at titig. Nako tong asawa ko...hayyy ang sarap pakinggan at banggitin ang salitang ASAWA. Kinikilig ako na parang teenager. Hehehe.
"Tsk" sagot ko nalang,
Niyakap niya ako mula sa likuran at sabay kaming tinatanaw ang dagat.
"Gusto mo munang mag pahinga Mrs. Guzman?" Tanong nito at saka ipinatong ang baba sa ulo ko. Bumibilis talaga tibok ng puso ko kapag tinatawag niya ako ng Mrs. Guzman. Simula noong nakilala niya ako ay Snow na ang tawag niya sa akin, kaya naninibago ako.
Mukhang si Snow na aso na lang niya ang tatawagin niyang Snow. Naalala ko tuloy si Snow sa kasal namin, siya yung nag hatid ng singsing namin sa altar. Napaka masunuring aso. Sobrang cute ng pinasadya na damit sakanya.
"No need, sayang naman yung time natin dito kung mag papahinga lang ako, besides nakapag pahinga na ako sa plane." Sagot ko kay Kerby
Napag desisyonan namin ni Kerby na wag sayangin ang oras, at lumangoy na lang sa pool sa labas...
"Baby, gusto mo ba ako mag lagay niyan sayo?" Tanong ni Kerby habang nag papahid ako ng sunblock.
Aayaw na sana ako, kaso na alala ko...asawa ko na pala siya. Pag mamay ari na pala namin ang isat isa.
YOU ARE READING
My Only One (Sequel to BUT WHY?)
General FictionMasarap mabuhay sa mundong ito lalo na kapag payapa. Walang ka agaw. Walang ka away. Walang sama ng loob. At higit sa lahat...walang ini indang sakit. ********** Subaybayan ang naudlot na kwento nina Snow at Kerby dito sa librong ito. Sasang ayon na...
