Chapter 12

155 9 0
                                        

Tien's POV

"Oh dahan dahan Tien, di ka pa magaling ng husto" sabi ni Ken sakin habang naka alalay.

"Don't worry, magaling nako. Di naman ako papauwiin ng doctor kung hindi pa" Sagot ko rito

Bumuntong hininga lang siya. Haha panalo ako.

Wala masyadong tama ang katawan ko, mga gasgas lang, ulo ko ang napuruhan.

"Hindi mo ba talaga sasabihin sakanila?"
Tanong sa akin ni Ken.

Umiling lang ako.

"Tama ba yang ginagawa mo?" Tanong ulit niya, at sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Relax lang. Basta andito lang ako kapag kailangan mo ako" sabi ulit niya.

"Sobrang salamat Ken, at naiintindihan mo ang desisyon ko" sabi ko naman.

"Walang anuman, malakas ka sakin" sabay kindat...

Pinatigil ko na si Ken sa panliligaw sakin. Nag usap kami ng masinsinan sa hospital, at ikwinento ko rin sakanya kung anong meron kami ni Kerby mula noon hanggang ngayon. Ayaw niya sanang tigilan akong ligawan pero sinabi ko sakanya na hinalikan na rin ako ng pinsan niya, alam niya na siguro ibig sabihin yon, na si Kerby talaga ang gusto ko.

Oo, nag papanggap lang ako na diko siya ma alala. Sa pangalawang pag kakataon mag paparaya ako. Hindi ko kailangan' manira ng relasyon ng iba, kung ako talaga ang gusto niya...sana ako na ang pinili niya, noon palang.

Matanda na si Kerby, may sarili na siyang pag-iisip. Choice niya yung pakasalan si Lisa, hindi lang dahil sa sinabi ng lolo at mommy niya, kundi gusto niya rin.

Sino ba naman ako na hahadlang diba?

Ano ba ako?

Wala naman' kami.

Sino ako para pahirapan pa siya at nang fiancé niya. Sino ba ako?

Ako lang naman yung nag kagusto sakanya mula noon, hanggang ngayon.

"Alis nako Tien, pahinga ka at mag pagaling ka diyan. Bibisitahin kita ulit bukas" sabi ni Ken.

"Hmm Ken, okay lang kahit wag na" sabi ko sakanya, dahil nakakahiya. Siya na nga tong nabigo, siya pa tong nag aalaga parin sakin.

"Okay lang Tien, para kahit man lang meron' tayo. Yung kahit friendship ang meron tayo." Ngumiti siya ng mapakla. Nakokonsensya tuloy ako.

Anong magagawa ko? E si Kerby talaga ang laman ng puso ko. Binigyan ko ng chance si Ken, pati na rin sarili ko na mag kagusto sa iba, kaso wala eh, siya talaga.

Hinaplos ni Ken ang buhok ko saka nag pa alam ulit.

"Sorry Ken, kung pwede lang sana...ikaw nalang, para di na tayo nahihirapan" sabi ko sa sarili ko.

Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Kailangan kong mag pakatatag. Tutal sanay nako sa ganito, ang masaktan...sa taong minahal ko sa pangalawang pag kakataon.

*ting

Hmm...nakikipag titigan ako sa kisame eh, sino tong nag text sakin?

"Hey it's me, Rem. Do you want to become a maxillofacial surgeon? There's a program here, where you can take it for only one year. Only one slot available, message me back if you want to."

Text ng kaibigan kong Canadian. Dentista rin siya at sa school kami nag kakilala.

"E pano ako pupunta diyan kung halos matanggal na ulo ko" reply ko sana kaso di pala nakakaintindi ng tagalog. Haha

My Only One (Sequel to BUT WHY?)Where stories live. Discover now